Don't Play With The Lunatic (Don't Play Series 1)

Don't Play With The Lunatic (Don't Play Series 1)

last updateLast Updated : 2023-02-03
By:  Rouzan MeiCompleted
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
1 rating. 1 review
47Chapters
1.5Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

𝐃𝐨𝐧'𝐭 𝐏𝐥𝐚𝐲 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 1 What Dean Amresel want is to outburst his amorous retaliation when a sudden tragedy came into his life. He went being merciless, brutal, and crazy. Ipinakita niya sa lahat ang paghihinagpis na dala-dala niya. Na walang magiging solusyon dito kundi ang isa-isang paghigantihan ang mga taong gumawa nito. Ngunit sa isang pagkakataon na lamang nang makita niya ang isang babaeng pamilyar sa kaniya. But she's just an ordinary woman who doesn't know him, at hindi niya aakalain na kailangan siya ng lunatikong ito. Makatutulong ba siya sa dalahin ng isang lunatiko? O makakadagdag sa bigat na nararamdaman nito?

View More

Chapter 1

Kabanata 1: Their First Encounter

AIRISH

"Dalian mong magbihis, Airish, sasayaw ka na," sabi ng katrabaho ko rito sa club. Nagbibihis na 'ko ng pang-sëxy na damit para sa gagawin kong sayaw mamaya.

Nang makapagbihis, tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Nakasuot ako ng 'di kaaya-ayang damit. Wala akong choice, ito ang trabaho ko.

Maya-maya nang ipatugtog na ang malamyang sayaw ay siyang paglabas namin ng dalawa ko pang kasamahan sa entablado, sumasayaw sa harap ng maraming tao.

Hindi ko makita kung ano-anong mukha ang nasa club dahil sa ilaw na nakatutok sa 'min. Ganito ang trabaho ko tuwing gabi, sasayaw ng mabagal sa harap ng maraming tao habang nakadamit na halos kita rin ang dibdib ko at binti.

May mga naghahagis ng pera sa entablado. Peso, dolyar at sandamakmak ang nilalagay nila sa stage. Habang sumasayaw, nakita ko ang dalawa kong kasamahan na nahuhubad na ng suot nila sa pang-itaas at tinakpan ang dibdib nila ng kanilang braso at kamay.

Napapikit na lang ako habang patuloy na sumasayaw bago ako tumalikod habang mabagal pa rin na gumigiling. Tinanggal ko ang strap ng bra ko at unti-unti 'yong tinanggal. Tinakpan ko ang dibdib ko ng aking kamay at braso bago humarap sa mga nanonood. Kahit matagal ko nang ginagawa ang bagay na 'to, parang hindi ko pa rin siya nasisikmurang gawin sa gabi-gabi.

Dahil sa tuwa ay maraming manonood ang naghiyawan at naghagis pa ng mga pera na tila nagustuhan ang ginawa namin.

NANG matapos kami sa ginawa namin, napaupo ako sa isang tabi at tinakpan ko ang mukha ko gamit ang mga palad ko. Halos sa araw-araw kong ginagawa 'yon, nahihiya ako sa sarili ko.

Uminom ako ng alak at gustong kalimutan ang ginagawa ko tuwing gabi. Pero kahit pala gano'n ay hindi ko malimot-limot ang mga sandaling kahihiyang ginagawa ko.

Ilang mga pagtatrabaho pa sa gabing 'to ang ginawa ko bago dumating ang oras para umuwi. Pumunta kami kay manager upang bigyan kami ng gabi-gabing sahod. Mas malaki ang sahod namin kung may nagti-tip sa 'min na customer.

"Salamat, manager," sabi ko nang ibigay niya sa 'kin ang suweldo ko. Binilang ko muna iyon ng ilang sandali bago ako tuluyang umalis.

Ngayon, oras na para umuwi.

Dahil gabi na masyado ay halos wala na rin akong makitang sidecar o trycicle sa daan kaya naglalakad lang ako pauwi. Inaalala ko rin si lola dahil baka gising pa iyon sa mga oras na 'to. Kumain na kaya siya?

Ilang paglalakad pang kanto ang daraanan ko bago ako makauwi sa bahay. Tiyak na aabutin ako ng thirty minutes sa paglalakad.

Maya-maya nang tumatawid ako sa kalsada ay may nakita akong ilaw ng sasakyan dahilan at binilisan ko ang paglakad ko. Mukhang matulin ang pagmamaneho kaya pwede akong mabangga nito.

Balak ko sanang sigawan ang mga 'to dahil sa inis. Muntikan na 'kong mamatay dahil sa tulin nilang magpatakbo.

Nagtaka na lang ako nang huminto sa may 'di kalayuan ang sasakyan dahilan at kinabahan ako. Tumalikod na lang ako at ipinagpatuloy ang paglalakad. Hindi na rin ako nag-abalang lingunin pa sila.

Pero habang naglalakad ay ramdam ko na may sumusunod sa 'kin dahil sa tunog ng sapatos. Parang may sumusunod sa 'kin.

Hindi...

May sumusunod talaga sa 'kin.

Teka, sinusundan ba nila ako?

Wala halos katao-tao rito dahilan kaya't binilisan ko ang paglalakad at nagsimulang matakot dahil baka kung ano pa ang mangyari sa 'kin.

Nahinto na lang akong bigla dahil may humintong dalawang motorbike sa tapat ko. Halos mapatalon pa 'ko sa gulat dahil sa biglaan nilang pagsulpot. Dahil dito ay nagsimula na ang sobrang pagkatakot ko.

Dahan-dahan akong umtras at balak na umalis upang magtungo sa ibang direksyon ngunit laking-gulat ko na lang dahil may mga nakaharang na lalaki sa kanan at kaliwang bahagi ng dadaanan ko.

T-Teka... A-Ano 'to?

May mga nakakatakot silang pintura na nakadisenyo sa kanilang mga mukha. May mga hawak din sila na baril at ang iba ay baseball bat na may patalim sa dulo. Sino ba 'tong mga 'to?

"Saan ka pupunta, miss?" Halos mapatalon pa ako sa gulat sa tanong ng lalaki na nasa likuran ko. Kaagad ko 'yong nilungunan at nakita ang hitsura nito. Nakakatakot din ang presensya niya sa 'kin.

"U-Uuwi na... E-Excuse," nauutal ko namang tugon dito at akmang lalampasan siya ngunit kaagad siyang humarang sa dadaanan ko. Napaatras ako sa ginawa niyang marahang pagtulak sa 'kin pabalik sa pwesto. Dito ay mas lalo akong kinakabahan sa kaniya.

May kulay itim, puti at pula ang pinturang nakadisenyo sa kanyang mukha at may nakasukbit na baril sa pantalon niya. Napalunok na lang ako sa nakita kong iyon.

Tumawa siyang bigla nang nakakaloko at tiningnan ako mula paa hanggang ulo. At sa pagkakataong 'to, nawi-weirdo-han ako sa kaniya.

Sa ikinikilos niya.

Lumapit ito sa 'kin nang dahan-dahan habang nakatitig sa mga mata ko. Tila ba may ipinapahiwatig siya sa mga titig na 'yon.

Habang lumalapit siya sa 'in ay mas lalo akong natatakot sa presensya niya.

Sino ba 'tong taong 'to?

"A-Anong gagawin mo sa 'kin?" kinakabahan kong tanong sa kaniya habang umaatras. Napahinto ako nang may humawak sa magkabilang braso ko dahilan at 'di na 'ko nakaatras pa.

Tumawa siya ng nakakaloko at ramdam ko ang paghawak nito sa pisngi ko habang nananatili pa rin ang pagkakatitig niya sa 'kin. Hindi ko naman maiwasang lunukin ang sarili kong laway sa kaba sa maaari niyang gawin.

"Gusto mo ng umuwi?" tanong niya habang nakangiti nang nakakaloko. Magkalapit na ang mga mukha namin dahil sa paglapit niya pa lalo sa 'kin. Gusto ko na lamang iiwas ang mukha ko sa kaniya dahil sa takot.

At dahil sa nararamdaman ko ay naluha na lang ako.

"Sshhh... H'wag kang umiyak. Tinatanong lang naman kita eh," paglalambing niyang sabi habang pinupunasan ang mga luhang pumupunta sa pisngi ko.

"A-Ano po ba ang gagawin ninyo sa 'kin. Pakiusap... Gusto ko na pong umuwi. P-Pakawalan niyo na po ako," nauutal ko pang sabi habang humihikbi.

Natawa siyang bigla, ngunit sa pagkakatao na ito ay malakas ang pagtawa niya. Natawa rin ang mga kasamahan niya.

Hindi ko sila maintindihan.

"Saan ka ba umuuwi? Gusto mo ba'ng ihatid na kita?" paglalambing niya ulit sa 'kin. Ang mga kilos at galaw niya ay hindi ko masasabing isa siyang rapist. Para siyang wala sa sarili.

Nanginginig na lang ang mga tuhod ko dahil sa takot sa kaniya.

Hindi ko na kinaya pa kaya't lumuhod ako at hinawakan ang binti niya.

"Pakiusap, huwag mo 'kong g-gagawan ng masama. K-Kailangan pa 'ko ng lola ko," sabi ko rito habang umiiyak.

Pumantay siya sa 'kin sa pagkakaluhod ko sa kaniya. Tinitigan niya akong muli sa mga mata ko ngunit sa pagkakataon na ito ay mas matalim. "Gusto ko 'yang ginagawa mo," mahinang saad niya at ngumiti nang malapad. "Makiusap ka pa sa 'kin."

Tinignan ko siya kahit bakas pa rin ang takot sa mukha ko. Ano ba ang gusto ng taong 'to? Pera? Katawan ko?

"Please..." sambit ko na lang at hinawakan pa nang mas mahigpit ang binti niya.

Sandaling tumahimik ang paligid. Hinihintay ko ang sagot niya ngunit para siyang natulala sa mga mata ko at gayundin ako sa kaniya. Nababasa ko na hindi galit ang nasa mga mata niya kundi tila awa.

Kaagad nagsipaglingon ang mga ito sa ibang direksyon nang makarinig ng papalapit na bumbero ng police mobile.

"Malapit na sila. Balik!" sigaw niya sa mga ito at saka sila dali-daling sumakay sa mga sasakyan nila at pinaandar 'yon nang mabilis.

Gumaan ang pakiramdam ko at kaagad tumayo. Kaagad din akong naglakad upang lisanin ang lugar na 'yon. Ramdam na ramdam ko ang panginginig ng mga tuhod ko sa takot.

Maya-maya'y nakita ko ang sunod-sunod na police mobile at kaagad silang napahinto nang makita nila ako.

"Miss... Ano'ng nangyari sa 'yo?" tanong na lamang ng pulis nang maabutan nila ako. Gusto kong magsumbong sa kanila ngunit pinangungunahan ako ng kaba at takot. Kusang tumitiklop ang bibig ko at hindi ko masabi ang nangyari sa 'kin.

"W-Wala po. P-Pauwi na po ako," tugon ko na lamang sa kanila habang umiiwas ng tingin. Baka mahalata pa nitong nagsisinungaling ako.

"Gano'n ba? Gabing-gabi na, ah? Bakit nandito ka pa sa labas? Wala ka ng masasakyan dito. Ang mabuti pa'y sumabay ka na lang sa 'min," suhestyon ng pulis ngunit kaagad ko 'yong tinanggihan.

"H-Hindi na po. M-Malapit lang naman po ang bahay ko rito e. S-Salamat na lang po, officer."

"Sigurado ka?" tanong pa niya bilang paninigurado kaya't tumango na lang ako bilang tugon. "Sige. Mag-iingat ka, ineng. Nagpa-patrol naman kami tuwing gabi dahil marami rin'g gago sa lugar na 'to. Mag-iingat ka."

Tumango na lang ako sa pagpapaalala niya bago ako tumalikod at naglakad paalis. Maya-maya rin ay umalis na rin ang mobile upang magmanman sa paligid.

Binilisan ko na lang ang paglalakad ko. Halos tumakbo na rin ako sa takot na baka balikan pa ako ng mga armadong lalaki at gawan ulit ako ng masama.

KINABUKASAN, sa pagkagising ko pa lang ay pinaghandaan ko na si lola ng almusal. Kami na lang dalawa ang natitira sa bahay dahil wala na ang totoo kong mga magulang.

"Apo, bakit may gasgas 'yang tuhod mo?" tanong ni lola nang makita ang tuhod ko. Tinignan ko naman kaagad ang tuhod ko at mayroon ngang gasgas iyon.

"Ahh... Wala po ito," pagsisinungaling ko rito.

"Sinaktan ka na naman ba ng kasintahan mo? Ano pang ginawa niya sa'yo?" pag-aalala namang tanong ni lola habang nakatingin sa mga mata ko. Ngumiti na lamang ako nang mapait at umiling.

"Lola, hindi po," tugon ko.

May boyfriend ako at iyon ay si Eljoe. Tulad ng sinabi ni lola, sinasaktan ako no'n kapag 'di ko sinunod ang gusto niya. Tulad ng p********k. Kaya lagi niya akong nabubuhatan ng kamay.

Matagal kong inilihim iyon kay lola ngunit natyempuhan niya na lang na mayroon akong pasa sa mukha matapos naming lumabas na dalawa. Doon ay nawalan siya ng tiwala sa boyfriend ko at sinasabihan akong makipaghiwalay sa kaniya pero hindi ko ginagawa.

Mahal ko si Eljoe.

"Hmm... Siguraduhin mo lang, Airish? Baka naglilihim ka sa 'kin sa pananakit ni Eljoe sa 'yo," sabi pa nito. Nginitian ko na lang siya ng pilit para hindi na siya mag-alala pa.

Siguro nakuha ko 'tong gasgas kagabi?

Hindi ko na ikinuwento pa kay lola ang hindi inaasahang nangyari sa 'kin kagabi. Hindi naman ako ginalaw o sinaktan ng mga taong 'yon at ayoko rin naman na mag-alala pa siya sa 'kin. Siguradong hindi siya makakatulog.

Huminga ako nang malalim dahil sa mga dumarating na problema. Ano ba naman 'tong buhay na 'to?

"Oh, tara na't kumain. Baka mamaya masira pa 'tong pagkain 'pag hinayaan," sabi ni lola kaya't naupo na rin ako at kumain.

Habang kumakain, napapaisip naman ako sa lalaking may pintura sa mukha kagabi.

Kinakabahan ako na baka balikan ako ulit no'n sa mga susunod na araw.

Gustuhin ko man na h'wag munang pumasok pero hindi pwede dahil makukulangan kami ng pera para sa gamot ni lola. Hindi niya pwedeng hayaan ang maintenence niya kaya wala akong magagawa kundi ang pumasok mamaya.

Sana hindi na kami magkita ng taong 'yon

-----

A/N: Matagal ko na 'tong sinulat pero ibabalik ko lang ulit dito sa GoodNovel in major revision. Thank you!

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
DÁRKVLADIMIR
Goodluck. Such a nice novel; highly recommended!
2023-02-03 11:08:14
1
47 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status