Sina Rhob at Hiraya ay nasa Ikigai Cafe, isang sikat na coffee shop malapit sa ospital na pinagttrabahuan ni Dr. Rhob. Habang nag-di-discuss si Hiraya ng plano ay taimtim na nakikinig ang doktor sa babae. Manghang-mangha si Rhob dahil sa taglay na talento ni Hiraya bilang isang coordinator. Grabe rin ang suggestions ng babae at nabanggit din ni Hiraya na isa siyang photographer kung kaya’t pwede siyang kunin ng binata. Lahat gagawin ni Hiraya upang magkaroon lang siya ng kita, katunayan nga ay ibinenta na niya ang kanyang studio sa walang-hiyang Joan na iyon. Wala siyang choice kung ‘di ang ibenta ito sa babae dahil gipit na gipit na talaga siya. Hindi naman niya pwedeng pabayaan ang ina sa ospital, baka kapag hindi niya ibinenta ito ay mawawalan ito ng gamot pang-maintenance. Hindi rin kasi sapat ang naipon niyang savings dahil hindi niya inaasahan na magkakaroon ng surgery ulit ang nanay niya. Baon na baon na rin siya sa utang kung kaya’t wala siyang ibang pagpipilian kung ‘di ang
Kinabukasan ay nagkita nga sina Attorney Reyes at Hiraya sa isang cafe malapit sa apartment niya. Alas dos ng hapon ang usapan nila ngunit bago pa man mag-alas dos ay naroon na si Hiraya. Matiyaga siyang naghintay sa abogado habang kumakain ng paborito niyang cheesecake. Mayamaya lamang ay nakita na niya ang abogadong si Atty. Reyes na naglalakad papunta sa table niya. Umupo ng maayos si Hiraya saka binati ang abogado. Nang makaupo ang lalaki ay agad siyang nagsalita. “Attorney, hindi pinirmahan ni Reyko ang divorce paper na ibinigay ko sa kanya. Ilang linggo na rin ang nakalipas ngunit wala akong balita tungkol sa desisyon niya. Mukhang ayaw ng kumag na ‘yon na hiwalaya ako. Kaya naman napagpasyahan kong mag-file na lamang ng divorce sa korte kung maari,” sabi ni Hiraya sa abogado. Napasandal sa malambot na upuan ang abogado saka seryosong tinitigan si Hiraya. Napailing pa ang lalaki at pagkatapos doon na nagsalita. “Mrs. Takahashi, alam kong pinagkakatiwalaan mo ako tungkol sa b
“Boss, sundan pa ba natin ang asawa niyo? Malakas ang buhos ng ulan sa labas, mukhang nagpaulan pa ito—”Napailing si Reyko at matalim na titigan ang assistant niya. “Don’t mind her, let’s go.” Sa isip ni Reyko, kung susundan pa niya ang babae ang babae ay malamang mag-aaway pa rin sila. Mas minabuti niya ring hindi na pasundan ang asawa dahil alam niya kung saan ito pupunta, malamang sa nanay nito. Samantala, si Hiraya naman ay sumilong sa isang waiting shed kung saan doon ang hintayan ng mga pasahero. Nang makakuha siya ng taxi ay agad siyang pumunta sa ospital.Nang makita siya ni Alena na basang-basa ay agad itong lumapit sa kanya. Nag-aalala siyang tinitigan ng matalik na kaibigan. “A-Anong nangyari sa’yo? Bakit ka naman nagpaulan baka lagnatin ka niya. May extra ka pa bang damit sa room ni Tita?” Nanginginig siyang tumango kay Alena. “Dito ka lang muna sa labas, ako na ang kukuha ng damit mo sa loob. Huwag na huwag ka talagang magpapakita sa nanay mo baka sermon ang abutin mo
Hindi makapaniwala si Hiraya na makikita niya si Reyko sa ospital ngayon. Hindi niya akalain na bibisita si Reyko matapos na malaman nito na nagpatulong siya kay Attorney Reyes para sa dibursyo nila. Nakaramdam siya ng kaba dahil kitang-kita niya ang madilim na mukha ng lalaki habang nakatitig sa kanya. Sa katunayan, ni minsan ay hindi maintindihan ni Hiraya ang ugali ni Reyko. Ang alam niya lang ay ayaw ng lalaki sa kanya at kinasusuklaman siya nito. “Anong ginagawa mo rito?” malamig na tanong niya sa lalaki. “Bakit? Bawal na ba ako sa ospital na ito? Pagmamay-ari mo? Isa pa, ang lakas mo naman akong kalabanin, nagpadala ka pa talaga ng subpoena pero ni minsan hindi ka man lang nagpakita sa akin o umuwi sa bahay natin?” Ang malamig na boses ng lalaki ay umalingawngaw sa kahabaan ng hallway. Bumilis ang tibok ng puso ni Hiraya kung kaya’t napaiwas siya ng tingin. “Pumayag ka na lang kasing pirmahan ang divorce paper natin, Reyko. Ano pa bang problema mo? Ayaw mo bang mawala na ako
“Alena…kunin mo ‘yung bag ko sa loob ng silid ng Inay!” nahihirapang utos ni Hiraya at napahawak sa kanyang dibdib. Biglang kumirot ang dibdib niya dahil sa nangyari kanina, dali dali namang pumunta si Alena sa silid ng kanyang ina upang kunin ang maliit na bag niya. Habang nakaupo sa sahig ay dali-dali niyang kinuha ang kanyang gamot upang inumin iyon. Nanlalaki ang mga mata ni Alena nang makita ang gamot na hawak-hawak ng kaibigan. “Anong ibig sabihin nito, Hiraya? May sakit ka?!” gulat na tanong ng babae sa kanya. Umiling si Hiraya sa kaibigan at napaiwas ng tingin. Mabilis niyang isinilid ang gamot saka huminga ng maluwag nang kumalma na ang pakiramdam niya. Walang lumabas na salita sa kanyang bibig, hindi rin kasi niya alam kung ano ang sasabihin kay Alena. “Kailangan ko pa bang kuyugin ka upang magpa-check up lang sa doktor o sasabihin mo sa akin kung ano ang nangyayari sa'yo, Hiraya?” patuloy pa ni Alena. Seryoso ang tingin nito sa kanya, nars ang kaibigan niya kung kaya't
Kinabukasan ay umalis si Hiraya upang asikasuhin ang mga binibenta niyang photography arts. Mabuti na lamang at naibenta naman nila ang mga iilang artwork niya kung kaya’t mayroon na naman siyang income kahit papaano. Nakahanap din siya ng maliit na studio malapit sa ospital kung saan naka-admit ang kanyang ina. Maliit lang iyon at simple pero okay na rin. Sa loob ay may kitchen area kung kaya’t doon na rin siya nag-bi-bake ng mga orders niyang cake. Itinigil niya muna ang pagkukuha ng kliyente sa catering dahil wala siyang sapat na puhunan para roon. Isa pa, buntis siya at bawal na rin sa kanya ang mabibigat na trabaho ayon sa kanyang OBGYN doctor. Samantala si Alena naman ay naiwan upang alagaan ang ina ni Hiraya. Matapos ang ilang eksaminasyon ay sabi ng doktor, naka-recover na rin ang ina nito. Ilang araw ay babalik na rin ang lakas nito. Masaya si Alena at Hiraya sa narinig kung kaya’t naiiwan-iwan na ni Hiraya ang nanay nito. Nang makaalis si Hiraya sa silid ay agad na umupo s
“Hi, ikaw ba si Hiraya?” Nang marinig niya ang isang boses ay napalingon siya sa kanyang gilid. Nakita niya ang isang babaeng nakangiti habang nakatingin sa kanya. Bigla siyang nahiya dahil sa ganda ng tindig nito pati na ang marangyang kasuotan ng babae. “A-Ako nga, ikaw ba si Ms. DelaCroix?” tanong niya kung kaya’t napatango ang babae. “Ako nga, pasensya ka na kung naghintay ka ng matagal.” Sumingkit ang kanyang mga mata, hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman, biglang nanlaki ang kanyang mga mata nang makilala ang babae. At dahil pareho sila ng kinahihiligan, bigla niyang nakilala ang babae. Si Ms. Sunshine, isa sa pinakamagaling na photography sa Pilipinas. Ang gallery niya ang isa sa pinakamalaking gallery sa Pilipinas. Pero hindi siya pamilyar sa DelaCroix gallery kung kaya’t hindi niya nakilala ang babae Nakaramdam siya ng kaba, ang makita ang sikat na babaeng nasa harapan niya ay sobrang nakaka-intimidate para sa kanya. “Hindi naman po ako naghintay ng matagal, kakarat
“Aside from these, mayroon ka pa bang ibang obra? Iyong pininta mo noon?” tanong ni Sunshine kay Hiraya. Sumilay ang ngiti niya nang maalala ang isang paborito niyang obra noon. Tumango siya bilang sagot kung kaya’t napapalakpak sa tuwa ang babaeng nasa harapan. “Mabuti! If you have a time send me a picture of it at doon ako magbibigay ng desisyon. Okay lang ba?” “Oo naman. I will send it to you as soon as possible.” Ilang minuto pa silang nag-usap ni Sunshine at hindi namalayan na ilang oras na rin pala silang naroon sa Art Gallery. Hindi rin nila napansin na naroon na pala si Rhob sa loob at nilapitan sila. “Ilang oras na kayong nag-uusap ah. Maggagabi na kaya…” Nanlalaki ang mga mata ng dalawang babae at napalingon sa labas. Tama nga ang sinabi ni Rhob, maggagabi na rin pala. “Maggagabi na pala, hindi natin napansin,” nakangiting sabi ni Sunshine kung kaya’t ginantihan naman niya ng matamis na ngiti ang babae. “Mukhang seryoso nga ang pinag-usapan niyo kaya inabot kayo ng il
Habang nagsasalita silang dalawa ay dumating naman si Hiraya na inaalalayan si Sunshine papalapit sa kanila. For the lapit naman si Rhob upang tulungan si Hiraya. “Hiraya, umuwi ka na, ako na ang maghahatid kay Sunshine.” “Mukhang naparami ang inom ni Sunshine kung kaya’t dahan-dahan lang sa pagmamaneho baka masuka na naman siya,” bilin ni Hiraya kung kaya’t tumango at ngunitian pa siya ng matamis ni Rhon. "Sige, huwag kang mag-alala, hindi ko bibilisan ang pag-drive…" Tumingin si Rhob kay Reyko, at nag-aalangan na tumingin kay Hiraya, "Kung kailangan mo ng tulong o may kailangan ka, huwag kang mahiyang tumawag sa akin." Tumango si Hiraya, "Sige, magiingat kayo." Dalawa na lang silang nakatayo sa harap ng restaurant. Tapos ng kumain si Hiraya kung kaya’t medyo sumasakit ang kanyang tiyan. Mukhang naparami siya ng kain ngayon. Sobrang sarap din kasi ng pagkain at iyon ang hanap-hanap ng nila ng kanyang anak. “Bakit ang aga mong bumalik? Hindi ba’t mahigit isang linggo ka sa busin
Ilang araw ng tutok na tutok si Hiraya sa kanyang pagpipinta kung kaya’t naisipan niyang yayain ang kanyang mga kaibigan na sina Alena at Mayumi sa isang bagong bukas na restaurant malapit sa kanyang studio. Ngunit ang dalawa ay saktong sobran busy at may inaasikaso ang mga ito sa ospital kung kaya’t sa sunday pa raw ang off ng dalawa. Naiintindihan niya naman iyon, babawi na lang daw ang dalawa sa kanya kapag off nila. Sakto namang walang ginagawa si Sunshine ang bago niyang kaibigan kung kaya’t agad na niyaya siya nitong kumain. Sinuggest na lang niya ang restaurant na malapit sa studio niya. Nang makarating sila roon ay nakita niyang naroon din pala si Rhob. Nakahanda na ang kanilang kakaining pagkain at nag-order din ng isang kahon ng beer si Sunshine dahil gusto nitong mag-inuman sila. Nang ibuhos ni Sunshine sa kanya ang isang beer ay agad na pinigilan ni Rhob ang babae. "Sunshine, buntis si Hiraya kaya hindi siya pwede sa alak." Nagulat silang tatlo sa sinabi ni Rhob. Agad
Rinig na rinig ni Hiraya ang pambabaeng boses sa kabilang linya. Mahinang natawa si Hiraya, mahigpit niyang hinawakan ang kanyang telepono at hindi na nagsalita pa. Akala ng kausap niya ay hindi siya nakakaintindi ng English kung kaya’t baluktot itong nagsalita ng tagalog, "Sobrang dami nang nainom ni Mr. Takahashi kung kaya’t pumunta siya muna ng banyo. Kung nakakaintindi ka sa sinasabi ko, huwag mo na kaming isturbuhin pa!"Napahaplos si Hiraya sa kanyang noo at bahagyang tumatawa. "Ah, ganoon ba? Naiintindihan ko na. Have fun!"Pagkasabi niya ay agad niyang ibinaba ang telepono, napatingin sa magandang tanawing ginawa niya kanina. Ang kanyang pininta ay sobrang layo sa kanyang relasyon nilang mag-asawa.Mukhang nambabae na naman ang kanyang asawa??Huminga nang malalim si Hiraya, handa na sanang umuwi nang marinig niya ang malalim na boses ng isang lalaki sa kanyang likuran, "Ang aga mo namang natapos sa trabaho!" Nang marinig ang boses, lumingon si Hiraya at tiningnan ang lalaki
Biglang naalala ni Hiraya ang tungkol sa anibersaryo ng Takahashi Group kung kaya’t agad siyang nagsalita, "Tungkol naman sa anniversary niyo, wala talaga akong oras para mag-organize nito. Mas mabuti siguro na sa ibang studio niyo na lang ganapain ang event. Iyon lang at ingat ka pala sa byahe."Tiningnan siya nang matalim ni Reyko, napailing ang lalaki at umalis na. Sumunod naman si Assistant Green sa amo.Ngunit alam ng mga taong nasa mansyon ay galit ang among si Reyko base sa ekspresyon nito. Kaya naman, kahit umaga pa lang ay lahat ng katulong na naroon ay nagsitaguan. Hindi man lang makahinga ng maayos habang nakatitig sa nakakatakot na mukha ni Reyko.Hanggang sa umalis ang lalaki, saka lang lumapit sa kanya si Manang Koring at nagtanong. "Madam, mukhang nag-away po kayo ni Sir?""Hindi naman, Manang Koring. Wala naman akong lakas ng loob para kalabanin ang lalaking iyon. Gusto ko pang mabuhay ng matiwasay, ayaw ko pa pong mamatay,” pabirong sabi ni Hiraya sa matanda at ngu
Nagulat si Hiraya nang marinig ang sinabi ng kanyang asawa. “Wala," mahinang sabi niya sa lalaki."Anong wala?" Napataas ng kilay si Reyko at nagpatuloy, "Dahil ba nagtapat na sa’yo ang childhood sweetheart mo noon kung kaya’t mas nagiging cold ka na sa akin ngayon?" Habang sinasabi ito, kinuha ni Reyko ang teleponong nakapatong sa bedside table at inilagay sa harap niya, "Bakit nga ba sobrang daming lalaki ang umaaligid sa’yo? Bakit nga ba pag sa akin ang cold mo? Pero pag sa ibang lalaki sobrang tamis ng ngiti mo?” Sumingkit ang mga mata ni Hiraya at tiningnan ang litratong nasa screen ng telepono ni Reyko, sakto namang kuha iyon ng magkita sila ni Lucas at nakaakbay pa ang lalaki sa kanya. May mga anggulo rin na kinuhanan sila sa loob ng kotse. So, nasa studio ang lalaki kanina? Napabuntong hininga si Hiraya at mapait na tumawa, "Sinusundan mo ba ako?"Hindi sumagot si Reyko, tinitigan lang siya nito, "Sino ang lalaking kasama mo?""Hindi ba’t masyado ka ng nakikialam sa buhay ko
Matapos ang kanilang pananghalian ay napagkasunduan na gaganapin ang exhibit ay sa katapusan ng taon. Isa rin si Lucas sa naging estudyante ng ama nito at mahilig din sa pagpipinta. Hindi rin ito gaanong sikat sa mundo ng sining ngunit ang lalaki naman ang manager ng matanda. Hanggang sa nalaman din ni Hiraya na ang si Mr. Park at ang lolo ni Rhob ay magkaibigan pala. Alas sais na ng gabi ng inihatid ni Rhob si Hiraya sa mansyon. Ang plano ay si Lucas sana ang maghahatid sa babae ngunit bigla itong nagkaroon ng emergency kung kaya’t walang choice silang si Rhob na ang maghatid sa kanya. Ang kotse ni Rhob ay huminto sa harap ng mansyon. Lalabas na sana si Rhob nang pigilan niya ito. “Huwag mo na akong pagbuksan pa. Kaya ko namang buksan ang pinto, Rhob…”Napatitig lamang si Rhob sa kanya at huminga ng malalim. “Natatakot ka bang makita niya tayong magkasama?”Hindi na nagsinungaling pa si Hiraya at mabilis na tumango. “Ayaw ko na ring magkaroon pa ng gulo. Alam kong magagalit siya ka
Ilang araw ng nagpapahinga si Hiraya at nang gumaling na ang sugat niya sa kamay ay pumasok na rin siya sa kanyang studio. Nang makapasok siya sa kanyang studio ay tila ba ginanahan siya sa mga oras na iyon. Nakapag-alam na rin siya sa kanyang kaibigan na si Sunshine na lilipat na rin siya dahil bumalik na rin sa wakas ang studio niya. Nang makita ang tambak na dokumento sa kanyang mesa at napahilot siya sa kanyang sentido. Agad niya itong tinrabaho hanggang sa malapit na rin ang uwian, pumasok ang kanyang assistant na si Minerva at iniabot kay Hiraya ang mga dokumentong hawak nito, "Hiraya, ito na ang mga impormasyon tungkol sa year-end art exhibit at narito na rin ang mga materyales na ipinadala ni Mr. Park, pakitingnan na lang, girl!""Ah, nga pala bago ko makalimutan, paulit-ulit na tumawag ang mga empleyado ng Takahashi Group of Companies. Gusto rin nilang dito gaganapin ang charity auction event para sa anniversary celebration nila sa katapusan ng taon,. Mukhang malaki ang b
Mas lalong natakot ang mukha ni Jonah, agad na lumuhod at hinawakan ang laylayan ng pantalon ng lalaki, "Sasabihin ko na, sasabihin ko na po, huwag niyo lang ako idedepatsya... huwag muna kayong umalis, sasabihin ko sa inyo ang lahat! Pero ipangako niyo sa akin na kapag sinabi ko na ang totoo—palalayain niyo na ako at ang mga magulang ko at…” Humigpit ang hawak ng dalaga sa laylayan ng pantalon ni Reyko. “ Ipangako niyong bibigyan ako ng isang milyon..."Kumunot ang noo ni Reyko, malamig at matalim ang mga mata nitong tiningnan ang babae. Mabilis niyang inalis ang hawak ng babae sa pantalon niya kung kaya’t tumilapon ang babae sa sahig. Si Marco naman na naninigarilyo ay nakasandal lamang sa sofa, "Saan ka pupunta Reyko?" Kailan pa si Reyko nawalan ng pasensya?"Magpapahangin lang, ituloy mo ang pagtatanong dito," sabi ni Reyko.Hirap na bumangon si Jonah, gulo-gulo na rin ang mukha ng dalaga. “Kahit huwag na pala ang pera, sasabihin ko na lang sa inyo ang lahat pero please lang sa
Sa kabilang banda, hindi man lang makatulog si Hiraya, nakaupo lamang siya sa kwarto. Sa totoo lang, pagkatapos niyang uminom ng gamot, dapat sana'y natutulog na siya nang mahimbing pero hindi siya makatulog, sa tuwing ipipikit niya ang kanyang mga mata, para bang bumabalik siya sa aksidente na nangyari noon. Sobrang kalunos-lunos ang aksidente. Sinadyang binangga ng ama ni Kris ang kotseng minamaneho ni Reyko. Kung hindi dahil sa harang na nasa seaside ay nahulog na sana ang asawa. Nagmamaneho siya sa likod ng lalaki at sinunundan ang lalaki, kahit buntis siya noon ay nagawa pa rin niyang sundan si Reyko. Hindi niya alam kung bakit naisipan niyang sundan ng lihim ang lalaki pero para bang may nag-udyok sa kanya na sundan ito. Kitang-kita niya ang paghinto ng kotse ni Reyko at ang lalaki sa driver's seat ay puno ng dugo, nakasubsob sa manibela at wala ng malay. Sa puntong iyon nanlalaki ang kanyang mga mata nang makita ang truck na papaandar upang banggain ang kotse ni Reyko. Agad