Third Person POV
Pagkamulat ng mata ni Lara puro puti at nababalot ng usok ang paligid niya. Lumingon man siya sa kahit saan pero sobrang lawak ng lugar na kinatatayuan niya at wala man lang kung anong bagay kundi siya lang.
Hindi siya makagalaw dahil mabigat ang kanyang pakiramdam, parang hinihigop ang lakas niya hindi niya maintindihan ang kanyang nararamdaman.
Wala siyang matandaan sa mga nangyari sa kanya ang alam lang niya ay nagising siya sa isang lugar na walang katao tao.
Sinubukan niyang tumayo at naglakad lakad siya para makita ang paligid ngunit parang bumabalik lang siya sa iisang lugar.
Maya't maya may narinig siyang tinig.
"Bakit ka nandito? Hindi mo pa oras wala pa ang pangalan mo sa libro ng mga taong sumakabilang buhay." pahayag ng malaking tinig.
Dahil sa tinig na narinig ni Lara halos matumba siya dahil parang dumadagundong ang paligid niya.
"Lahat ng tao ay may kanya kanyang sundo at mga gabay. Kaya
Lara Yves CassidyPinagmamasdan ko lang ang katawan ko na nakaratay sa kama. Wala akong magawa.Habang pinagmamasdan ko ang aking sarili biglang may pumasok sa silid."Teka si Kate!" nagsisigaw ako pero hindi niya nga pala ako maririnig.Nakita ko siyang mangiyak ngiyak ng makita niya akong nakaratay. Sinundan ko lamang siya.Biglang may pumasok din na lalaki at umupo sa tabi niya. Si Tristan, ang boyfriend ni Kate."Uyyy beshieee! Gumising ka na diyan nasimulan na ni Tristan yung investigation kailangan ka namin." hinahawakan ni Kate ang aking mga kamay.Sila! Oo tama sila ang makakatulong samin buti naibigay ko na yung mga gamit na naipon ko noon nung may nararamdaman akong kababalaghan.Lumapit si Tristan kung saan ako nakahiga."Naririnig tayo ni Lara, magtiwala ka sa kanya. Lara tutulungan ka namin sa investigation." sambit ni Tristan.Lalapit sana ako sa kanila ng matabig ko ang flower vase. Akala ko hindi a
Lara Yves CassidyLumibot pa ng mansyon sila Kate. Sinusundan lang namin sila baka may makita kaming mga evidence para sa investigation.Pero iniisip ko parin kung saan ko nakita ang initial na MVF na yun. Hindi ko maalala.Napaupo ako sa may sofa dahil ang lalim ng iniisip ko hindi ko kasi maalala.Teka! Tama oo yun nga."Miguel pwede bang dalhin mo ako sa bahay namin?" pakiusap ko sa kanya."Go for yourself. You can go whatever you want." malamig na sagot niya."Okay whatever. Hindi ka ba sasama?" aba ang taray naman nito baka makakalimutan niya kailangan namin magtulungan sa mission na 'to."Nah, I'm fine here. Saka kailangan may maiwan dito para mabantayan sila." sagot niya habang nakatitig siya sa may kisame."Okay, kitakits later! Teka paano ba ako makakapunta sa bahay namin ng ganon lang kabilis?" hindi ko nga pala alam ang lakas ng loob ko."Just think whenever you wanted to go." Matabang na sagot niya.
Tristan GideonSa pagpunta pa lang namin sa mansyon parang kakaiba na yung pakiramdam ko. Sobrang bigat ng pakiramdam ko na para bang may nakamasid sa amin.Kaya naisipan ko munang ayain si Kate para umuwi, kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko.Hindi parin malinaw ang mga evidence na nakita ko. Pero kahit papaano nagbubukas na ang saradong pinto sa kasong ito.FLASHBACKS"Hello? Is this Lara Yves Cassidy over the phone?" naisipan kong tawagan ang kaibigan ni Kate dahil naikukwento niya ito sa'kin."Yes, who's this?" naririnig ko sa boses niya ang pagtataka."Hindi pa nga pala ako nagpapakilala, ako nga pala yung boyfriend ni Kate. Tristan Gideon. Nabanggit niya ba sa'yo?" wala kasi si Kate ngayon nasa office. May mga kaso rin akong iniimbestigahan ngayon pero susubukan kong tulungan ang kaibigan niya."Ah oo naaalala ko! Napatawag ka anong sadya mo?" narinig ko ang pagkabigla niya ng maalala niya ako."Ab
Lara Yves CassidyKasalukuyan kaming nasa bahay ni Tristan. Nandito rin si Kate para samahan si Tristan.Nandito sila ngayon sa office ni Tristan. Inilibot ko ang tingin ko at ang daming mga litratong nakadikit sa dingding. Nilapitan ko 'to isa isa pero parang bumaliktad lang ang sikmura ko.Puro mga patay at mga sugatan ang nasa larawan kung hindi ako nagkakamali ito yung mga kasong nahawakan niya o hinahawakan niya.Nakita ko rin yung litrato ng mag asawa noong nasawi sila. Grabe yung sinapit nila.Nagmamasid lang din si Miguel sa mga gamit na nandoon sa office."So itong salamin na ibinigay ni Lara is connected doon sa mansyon na pinuntahan natin. Saan niya nga ba ito nakuha?"narinig kong nagsalita si Tristan at parang kinakausap ang sarili."Hon, kukuha lang ako ng maiinom ah."alok ni Kate. Pagkabukas niya ng pinto ay may biglang pumasok ka pusang kulay itim. "Ssshh Pebbles 'wag mong guluhin ang papa mo." pagbabanta ni Kate.
Tristan Gideon"Good afternoon Mrs. Cassidy, pwede po ba kayong makausap?" paanyaya ni Kate.Nandito kami ngayon sa bahay ng magulang ni Lara. Hihingi kami ng permission para makapasok sa bahay ni Lara para sa investigation."Yes? Kate kumusta ka na? Yan na ba yung boyfriend mo, aba ang kisig naman. Siguro miss ka na ni Lara ngayon matutuwa yun na napabisita ka ulit dito." saksi ko ang lungkot sa mga mata ni Mrs. Annie."Ayos lang po, siya po pala si Tristan, boyfriend ko po." inalok ko ang kamay ko sa nanay ni Lara."Napasadya kayo ano nga pala ang maililingkod ko? Nako wala ang tito mo nasa company siya na muna nag asikaso ng company."salaysay niya."May pag uusapan lang po sana tayo." sagot ko."Nako pumasok na muna kayo. Ipaghahanda ko kayo ng makakain at maiinom." nagkatitigan lang kami ni Kate dahil hindi naman na kami makatanggi dahil nagpatiuna na pumasok si Mrs. Annie para maghanda ng makakain.Kaya sumunod na ka
Tristan GideonPagkasakay namin sa sasakyan nagulat kami sa nakita namin ni Kate. Halos napasigaw kami dahil kakilakilabot ang natunghayan namin."Fck! Saan galing ang mga dugo na yan?" bulalas ko, nakita ko namang nanginginig si Kate kaya agad akong lumabas upang i-check ang salamin ng sasakyan namin. Hindi ko napansin na may dugo sa salamin ng sasakyan. Pero ang nakakagulat ang dugo na nasa salamin ay may nakasulat na "Please save us."Agad akong kumuha ng pamunas sa backseat at pinunasan ko agad ito. Pinakalma ko si Kate dahil alam kong takot siya sa dugo.Hindi ko alam kung saan nagmula ito pero nakakakilabot lang. Baka napagtripan lang ng kung sino yung sasakyan ko. Pero nung sinuri ko totoong dugo talaga yung nasa salamin.Pinaharurot ko na agad ang sasakyan ko para makaalis na sa lugar na iyon, baka mapano pa kami mamaya may magtangka pa samin."Hon, ayos ka lang ba?" nililingon ko siya ng bahagya para tignan kung kumalm
Lara Yves CassidyNakatingin lang ako sa litrato sa harapan ko, hindi ko kasi maalala kung sino ang lalaking kasama ko sa frame. Akmang bubuhatin ko sana ng mabagsak ito. Napalayo ako dahil sa nagkalat na bubog sa paanan ko."Lara, sabi ko mag ingat ka may mga tao sa baba." bulong ni Miguel sa'kin.Pinagmasdan ko lang ang picture frame na nasa lapag, hindi ko parin mawari kung sino ang katabi ko sa litrato.Maya't maya may narinig akong mga yabag patungo sa kinalalagyan namin. Kaya napaatras ako at halos mapatalon ako dahil tumama ang katawan ko kay Miguel na nasa likod ko lang.He grabbed my hand in his and dragged me to the far side of the room. His heavy breathing may be heard.Pinagmasdan lang namin sila Kate na papasok ng kwarto, nandito pala sila. Dahil siguro sa nabagsak kong picture frame, kinabahan tuloy ako baka kung anong isipin nila."Tsss, sabi ko sa'yo mag ingat ka diba? Kahit kaluluwa ka kaya mo parin huma
Lara Yves Cassidy Dahil sa kagustuhan kong mapabilis ang pagkilos namin bumalik ako sa bahay ng mag asawa para maghalungkat ng iba pang mga ebidensya. Hindi ko makita si Miguel kaya nag punta na lang ako mag isa. Kasalukuyan akong naghahalungkat ng kung ano ano sa kwarto, ito ata yung sa anak nila kasi may mga litrato. Akmang bubuksan ko na sana ang drawer na nasa harapan ko ng may malaglag na envelope mula dito. Kaya agad ko naman itong binuksan para malaman kung ano ito. "Sulat?" mukhang matagal na yung sulat kasi luma na rin maging ang papel pero maayos pa naman. Agad ko naman itong binasa. Hi! Lara Yves Cassidy, alam ko hindi pa kita lubos na kilala pero gusto ko lang sabihin sa'yo na matagal na kitang gusto. Palagi kitang nakikita sa balcony na nagbabasa ng libro tuwing recess, maging ang pagtugtog mo ng mga musika ay kinagigiliwan ko. Maging ang maamo mong boses ay pampaka