ANMELDENAng mga histerikal na sigaw ni Aubrey ay binalewala lamang ng driver.Ang driver na ito ay isa sa mga personal na tauhan ni Enzo—mas walang awa at mas 'di strikto ‘di gaya ng mga tauhang nagtatrabaho para kay Eve o Ethan. Isa lang ang sinusunod niyang utos… gawin ang utos ng boss niya nang wala nang marami pang tanong.Biglang tinapakan ng driver ang preno at gumilid sa kalsada. Agad namang huminto ang tatlong malalaking itim na SUV na sumusunod sa kanila, pinalilibutan ang bawat posibleng daan kung sakaling tumakas si Aubrey.Nakatitig si Aubrey sa labas ng bintana dahil sa matinding takot. 'Di lang pala isang driver ang ipinadala ni Enzo—isang buong squad ang ipinadala nito. Kahit lumaban pa siya ng buong lakas niya, 'di na siya makakatakas sa mga ito!Nang makitang nanginginig ito sa takot, humarap ang driver sa babae. "Miss Aubrey, kung 'di ka makikipag-cooperare tatawagan ko na si Mr. Paul Manzano para siya mismo ang sumundo sa 'yo dito. Alam mo naman kung anong klaseng tao ang l
Mabilis pa rin ang traffic sa mga kalsada ng lungsod kahit gabi na.Isang driver lang ang ibinigay ni Enzo para ihatid si Aubrey. Pero walang pakialam si Aubrey—basta 'di siya naka-house arrest o pinipigilang makapasok sa pamilya ni Ralph, kuntento na siya.Napasimangot siya sa sarili habang nakatingin sa labas ng bintana, pero bigla siyang natigilan. "Wait... mali 'yung daan mo ah? Mag-waze ka kung 'di mo kabisado ang daan!"Hindi siya pinansin ng driver, tuloy-tuloy lang sa mabilis na pagpapatakbo sa madilim na kalsada nang 'di nag-iiba ng direksyon.Tuluyang nagalit si Aubrey, "Bingi ka ba?! Sinabi ni Enzo na dadalhin mo ako sa mga Camero, di ba! Kung dito tayo dadaan, anong petsa pa tayo makakarating doon?!"Maling-mali talaga ang direksyong ito…Huminto ang kotse nang mag-red light, at tiningnan siya ng driver mula sa rearview mirror nang may inis sa mga mata. "Kailan sinabi ni Sir Enzo na ihahatid kita sa mansyon ng mga Camero?”Mabilis na tumibok ang puso ni Aubrey sa kaba. "Ano
Pagpasok pa lang nina Eve at ng dalawa niyang kapatid sa Alphaland villa, ramdam na agad nilang may hindi magandang nangyari.Hinarang ni Enzo ang isang kasambahay sa hallway, tensyonado ang boses. "Nasaan si Mommy?""E kasi po, Sir," kinakabahang sagot ng kasambahay, "bigla pong nahimatay si Madame, kaya isinugod po siya agad ng Daddy niyo sa ospital gamit ang ambulansya.""Saang ospital?!" sabay na tanong nina Ethan at Enzo.Kumunot ang noo ni Eve, naging seryoso ang mukha. "Did they have a fight?" Pabuti na nang pabuti ang kalusugan ng Mommy nila nitong mga nakaraang araw, kaya 'di pwedeng bigla na lang itong hihimatayin nang walang dahilan—maliban na lang kung may nag-trigger sa kanya. Ang pinakamalaking reason ay kung nag-away na naman sila ng asawa nito dahil kay Era, na kinagagalit niya nang sobra.Nataranta naman ang kasambahay at 'di alam kung kanino sasagot sa magkakapatid. "Hindi po, wala pong away! Maayos naman po si Madame noong dinner. Bigla na lang po siyang nahimatay n
Alalang-alala ni Luna na ang sinabi lang niya kay Hunter si Nancy Montenegro ang utak sa pagkamatay ng adoptive parents niya. 'Di niya nabanggit ang pangalang George Villegas rito.'Di naman nagulat si Hunter sa tanong ni Luna. Lumapit siya, umupo sa tabi ng kama, at maingat na itiniklop ang kumot sa paligid ng dalaga."Higit pa sa pangalan niya ang alam ko," mahinang wika nito sabay hawak at hawi sa stray strand ng buhok sa likod ng tainga ni Luna. "Alam ko ring pinatay ni Nancy Montenegro ang nag-ampon sa 'yo para ipaghiganti siya. She used the remaining power George Villegas left behind before he went to prison." Nakatitig si Luna sa kanya sa gulat. 'Di niya inasahang mas marami pa itong alam kaysa sa kanya."Mula nang makalabas siya sa kulungan, nanatiling tahimik ang Villegas na ‘yon," paliwanag ni Hunter. "Gusto niyang buuin muli ang kapangyarihan niya nang patago sa halip na direktang lumaban sa atin."Naintindihan agad ni Luna ang sinabi ni Hunter. "Kaya... pinakawalan m
Dahil wala na ang mga inaalala, sa wakas ay kumalma na rin ang katawan ni Luna, at bigla siyang inantok nang sobra.Nakatulog siya sa buong biyahe pauwi sa mansyon. Pagkarating nila, balisa at naghihintay na sa sala sina Lola Divina at Dani.Papasok pa lang ang Bentley sa courtyard, mabilis nang lumabas ang aligagang si Dani para pagbuksan sila ng pinto. Nakahinga siya nang maluwag nang makitang walang kahit na anong galos si Luna sa katawan."Muntik mo na akong mahimatay sa takot!" umiiyak na sigaw ni Dani habang maingat siyang inaalayang bumaba ng kotse. "Kakalapag lang ng flight ko nang mabalitaan kong kinidnap ka! Anong pakiramdam mo ngayon, ha? May masakit ba sa 'yo?"Abalang-abala si Dani nitong mga nakaraang araw dahil mga paglipad niya para sa trabaho. Pagkalapag niya ngayong araw, tinawagan niya si Luna pero walang sumasagot, kaya tinawagan niya agad si Nathan. Nang malaman ang tungkol sa kidnapping, natataranta siyang sumugod sa mansyon.Nakaidlip si Luna sa biyahe kaya
Hindi inakala ni Enzo na halatang-halata pala siya, kaya napakamot na lang siya sa ilong sa hiya. "Seryoso?""Sobra." Tiningnan siya ni Hunter, ayaw nang mag-aksaya ng oras. "Uuwi ko muna si Luna. Kasama na ni Elmer ang mga tao natin para buntutan si Janus. Kung may gusto kang malaman, dumiretso ka na lang sa kanya."Wala naman talagang balak si Hunter na hayaan na lang si Janus na makalayo.Kaya lang, 'di niya inaasahan ang biglaang paggalaw ni George Villegas. Pero kung malalaman nila kung nasaan si George Villegas gamit si Janus, 'di na rin masamang ideya 'yun.Alam ni Enzo na may backup plan si Hunter, kaya tumango na lang siya. "Sure."Pero nag-aalala pa rin si Eve para kay Luna. Nung naihatid na niya ito sa kotse, humarap siya kay Hunter na halatang nag-aalala. "Janus's matter is getting complicated. May oras ka pa bang bantayan si Luna? Kung busy ka masyado, I can bring her to the villa in a few days so I can care for her." Dahil 'di pa naman pormal na maayos ang relasyon







