Fully paid agad ang utang mo, Lyra. 🤣
Nang magising si Lyra kinabukasan, agad niyang naramdaman ang hapdi sa gitna ng mga hita niya. Napasinghap siya habang pilit bumabangon. Mabigat ang pakiramdam ng buong katawan niya, lalo na ang balakang niya.Dahan-dahan siyang lumingon sa kaliwa pero wala na si Elias sa tabi. Kinislot niya ang tenga nang marinig ang tunog ng tubig mula sa banyo. Bukas ang gripo. Iyon lang ang naririnig niya sa buong kwarto.Nilinga niya ang paligid at nakita ang mga damit nilang dalawa na nagkalat sa sahig. Nandoon ang pantulog niya, pati underwear. Malapit lang sa mga iyon ang condom na ginamit nila kagabi.Napapikit siya at pinamulahan ng mukha. Sunod-sunod ang alaala ng nangyari sa kanila kagabi. Mainit. Matindi. Nakakahiya pero hindi niya maitangging nasarapan siya. Hindi rin niya inasahan na magaling si Elias sa kama. Biglang bumukas ang pinto ng banyo. Mabilis siyang pumikit at nagpanggap na natutulog. Bahagya siyang natigilan nang maramdaman ang dahan-dahang paglapit ni Elias sa kaniya.Maya
Makalipas ang ilang oras, nagising si Lyra nang marinig ang tunog ng plato mula sa kusina. Nakasuot na siya ng oversized shirt at pajama nang bumaba siya.Nakita niya si Elias na abalang naglalagay ng mga pinggan sa mesa habang si Lolo Sebastian ay tahimik na nakaupo at nagkakape.“Good afternoon,” bati niya.Lumingon ang dalawa sa kaniya.“Gising na ang prinsesa ko,” ani Elias habang nakangiti.“Kamusta ang tulog mo, apo?” tanong naman ni Lolo Sebastian, halatang natutuwa sa presensiya niya.“Masarap po ang tulog ko. Salamat po, Lolo,” sagot niya sabay upo sa tabi ng matanda.“Salamat sa iyo, hija. Matagal na akong hindi sumaya nang ganito. Buti na lang dinala ka ng apong ‘yan dito.”Napatingin si Lyra kay Elias na hindi makatingin ng diretso.“Lolo naman,” nahihiyang sabi ng binata.“Kaya nga gusto ko kayong mapag-isa rito. Para hindi kayo naiistorbo sa Maynila.”“Pasensya na po kung hindi ako nakapagdala ng kahit ano,” ani Lyra.“Naku, hija, ang presensya mo pa lang, sapat na.”Nak
Nag-file si Lyra ng one-week leave sa opisina. Hindi niya sinabi ang totoong dahilan sa manager. Ang sinabi lang niya ay kailangan niyang magpahinga. Hindi siya tinanong pa ng marami. Isa lang ang naging tanong ng manager—kung personal ba ito. Tumango lang si Lyra. Sa totoo lang, wala siyang balak magsinungaling, pero mas lalong wala rin siyang balak sabihin na sasama siya sa asawa niyang si Elias sa rest house ng pamilya nito.Nahiya pa siya nang malaman niyang mismong assistant ni Elias ang tumawag sa manager niya para sabihing payagan siya. Ayon sa assistant, kailangan ni Lyra ng bakasyon para makapag-relax kasama ang pamilya. Napailing na lang siya noong marinig sa kabilang linya na ginamit pa ang salitang honeymoon sa request. Halos gusto na lang niyang malusaw sa hiya.Pagkatapos niyang maayos ang leave form at maipasa ang mga natapos na reports, dumaan muna siya sa boarding house para mag-impake. Tumawag siya kay Layla para magpaalam."Ma, hindi muna ako makakadalaw ng ilang ar
Sa opisina naman ni Elias, nakatayo si Aviana sa harapan ng CEO. Napansin niya agad ang seryosong ekspresyon ni Elias habang nakasandal ito sa swivel chair at nakahalukipkip.Pagpasok pa lang ni Aviana, inakto na agad niya ang drama. Pinisil ang pisngi, inayos ang gusot na buhok at agad na pinaiyak ang sarili.“Sir Elias…” bulong ni Aviana. “Napahiya po ako sa harap ng maraming tao. Sinaktan po ako ni Lyra Santiago. Ako po ang dapat ninyong ipagtanggol Sana po ay matanggal si Lyra sa kompanya.”Tahimik lang si Elias. Nakatingin lang sa monitor ng computer sa harapan niya.Napakagat ng labi si Aviana. “Sir?”Tumayo si Elias mula sa upuan niya. Nilapitan si Aviana at marahang nilapag ang isang sobre sa lamesa.“May limang minuto ka na lang,” mahinahon ngunit matigas ang tono ni Elias. “Para ayusin ang gamit mo. Effective today, tanggal ka na sa Revive Media.”Napapikit si Aviana. “S-Sir?! Bakit po?! Hindi naman po ako ang may kasalanan! Si Lyra po—siya ang naunang nanakit! Kita po sa CC
Papasok na ng kompanya si Lyra, bitbit ang kanyang bag habang sinusubukang huwag mapansin ng kahit sino. Plano niyang dumiretso sa opisina ni Elias para ibigay ang mga papeles na kailangan nito. Ngunit napatigil siya sa tapat ng elevator nang mapansin ang pamilyar na matandang lalaki na papasok din ng building—si Lolo Sebastian.Naka-polo shirt lang ito at simpleng pantalon. Wala ni isang bodyguard. Halos hindi mo aakalaing siya ang chairman ng buong kompanya.“Anong ginagawa niya rito mag-isa?” bulong ni Lyra sa sarili habang mabilis na nagtago sa likod ng isang haliging malapit sa pader. “Baka makita ako…”Hindi siya handang mabunyag ang totoong relasyon nila ni Elias, lalo na sa harap ng mga empleyado. Lalo pa’t kaharap ang mismong lolo nito.Pero bago pa man siya makaisip kung paano umiwas, may dalawang babaeng lumapit kay Lolo Sebastian. Agad niyang nakilala ang mga ito—si Aviana at Analiza, parehong kilala sa opisina bilang matabil ang bibig at mahilig manghusga.“Ay, Manong,” a
"Uy, Elias!" tawag ni Lyra habang hinihila niya ang kamay ng binata palabas ng gate. "Sabay ka na sa amin, birthday ng kapitbahay. Baka abutin pa kami ng gabi ro'n.""Sure. Wala naman akong gagawin sa bahay," sagot ni Elias sabay lakad katabi ni Lyra. Pagdating nila sa bahay ng kapitbahay, masigla na agad ang paligid. Maraming bata ang naglalaro ng luksong tinik at patintero. May mga matatanda sa isang gilid na nagkukwentuhan habang kumakain ng kakanin. Sa mesa, tambak ang handa—spaghetti, barbecue, lumpiang shanghai, at ice cream."Ayun 'yong nanay ko," sabi ni Lyra sabay turo sa ginang na nakaupo malapit sa speaker. "Pumuwesto ka muna riyan, kukuha lang ako ng tubig."Tumango lang si Elias. Pero bago pa siya makahanap ng mauupuan, may lumapit na babae sa kanila, mukhang abalang-abala."Ay, Lyra! Pwede ikaw muna mag-host ha? Kumakain pa 'yong bayad naming host. Pahinga lang sandali," pakiusap ng may-ari ng bahay.Napatingin si Lyra kay Elias at ngumiti. "Wala akong choice. Tara, sam