"Anak, sigurado ka bang hindi ka nangutang sa loan shark?” Hindi mapakali si Layla habang pinagmamasdan si Lyra na abalang inaayos ang mga damit sa bagong bahay nila. Maliit lang ito. May isang kwarto, maliit na sala, kusina, at isang banyo. Pero malinis, maaliwalas, at higit sa lahat, kanila na. “No, Ma. Huwag mo nang alalahanin 'yan. Bayad na 'tong bahay. Sa atin na 'to,” mahinahong sagot ni Lyra habang inaayos ang kumot ni Lianne na nakaupo sa sahig at pinaglalaruan ang lumang manika nito. “Pero saan mo kinuha 'yong pambayad? Wala ka pa ngang isang buwan sa bagong trabaho mo. Tapos halos wala kang ipon ‘di ba?” Huminto si Lyra sa ginagawa at huminga nang malalim. "Ma, may nagbigay ng tulong. Ayoko na lang munang ikuwento ngayon kung sino. Basta legal ‘yong pera. Walang problema.” “Lyra, anak, hindi ako kalmado sa mga ganitong bagay. Baka kung sino na naman ‘yang nilapitan mo. Ayokong masangkot ka sa gulo,” mahinahong sabi ni Layla, pero ramdam ang kaba sa tono niya. “Ma, wala
Last Updated : 2025-07-17 Read more