For five long years, Lyra Santiago believed love was enough. Kahit galing siya sa simpleng pamilya at ang fiancé niyang si Tristan ay anak ng isang business tycoon, hindi siya natinag. But on their wedding day, everything shattered—Tristan dumped her for a wealthier woman, in front of everyone, leaving her broken, humiliated, and wearing a wedding dress that mocked her pain. Walang direksiyon, umiiyak at wasak, she wandered into the night—only to meet a silent stranger in a wheelchair. His name was Elias Montero. Mysterious. Cold. Untouchable. And when he suddenly asked, “Will you marry me tonight?”—Lyra, driven by grief and impulse, said yes. What began as a reckless decision turned into something life—altering. Sa kanilang wedding night, Elias stunned her—standing up from his wheelchair, carrying her to bed with strength and dominance that contradicted everything she assumed. Kinabukasan, sa kaniyang pagbabalik sa trabaho, isang mas malaking rebelasyon ang bumungad: Elias was her company’s new CEO—none other than the zillionaire heir to the Montero Group of Companies. From heartbreak to power play, Lyra’s world turned upside down. She became Elias’s personal assistant, his shadow, his obsession. Unti—unti, sa gitna ng mga intriga, tsismis, at mapanghusgang mata, she found herself falling for the man who saw her worth when she couldn’t see it herself. But secrets have a way of unraveling. A former lover resurfaces. A hidden fiancée returns. At sa oras ng pagdududa, Lyra walks away—carrying not just a wounded heart, but Elias’s child. Now, Elias must fight not just to win her back… but to prove that his love wasn’t a lie. Because in a world full of deception, only one truth remains—he never wanted a wife... until her.
View MoreMaagang gumising si Lyra, gaya ng nakasanayan niya sa tuwing may espesyal na araw. Pero ngayong araw, kakaiba ang sigla niya. Si Elias kasi, ang asawa niyang matagal nang naging sentro ng buhay niya, ay magdiriwang ng ika-60 na kaarawan. Tahimik niyang inayos ang tray ng almusal — kape, pandesal, itlog, at kaunting fruits. May maliit din siyang cake na may nakasulat na “Happy 60th, My Forever Love.” Habang inaayos niya iyon, hindi niya maiwasang mapangiti. Ang bilis ng panahon. Parang kailan lang, sinasaway pa niya si Elias sa kakulitan nito noong una pa lang silang nagkakilala. Ngayon, animnapung taon na ito, pero sa paningin niya, siya pa rin ang pinakaguwapong lalaki sa mundo. Habang paakyat siya sa hagdan, dahan-dahan niyang binuksan ang pinto ng kwarto nila. Tulog pa si Elias, pero kahit nakapikit, bakas pa rin ang lalim ng mga linya sa mukha nito — mga linyang dulot ng taon, ngunit para kay Lyra, iyon ang patunay ng bawat sandaling ipinaglaban nila ang isa’t isa. Nilapag niya
Tahimik na ang buhay ng mag-asawang Montero. Matapos ang mga gulong pinagdaanan nila, tila bumalik na sa normal ang lahat. Wala nang mga pagtatangka sa buhay nila, wala nang mga lihim na biglang sumasabog. Sa unang pagkakataon matapos ng napakaraming taon, tunay na kapayapaan ang naramdaman nila. Araw-araw, si Lyra ay abala sa pagpapatayo ng Montero Hope Foundation — isang proyekto niyang matagal nang pinangarap. Isa itong malaking gusali sa Quezon City, kung saan ilalagay ang mga batang palabuy-laboy sa kalsada at bibigyan ng pagkain, edukasyon, at tahanan. “Sir Elias, Ma’am Lyra, maganda na po ang progress sa construction site,” ulat ni Leo, ang project manager, habang tinitingnan nila ang mga trabahador na abala sa pagbubuhat ng semento at bakal. “Baka next month, ready na po for partial opening.” Napangiti si Lyra, habang nakatingin sa mga batang naglalaro sa tabi. “That’s good news, Leo. I want the place to be ready before Christmas. Gusto kong may matitirhan na sila bago mag-h
Lumipas ang mga buwan, at habang dahan-dahang lumalaki ang tiyan ni Bianca, napansin ng lahat ang pagbabago sa kanya. Noon, palaban siya — mabilis makipagtalo, laging may matalim na sagot sa kahit sinong mang-insulto. Pero ngayon, tahimik na siya. Hindi na siya halos nagsasalita maliban kung kailangan. Para bang may sariling mundo, laging malalim ang tingin, laging may iniisip. “Bianca, okay ka lang?” tanong ni Minda minsang nag-aayos sila ng mga pinagkainan sa mess hall. “Hindi ka na gaya dati ah. Dati, isang mura lang, may sagot ka agad. Ngayon, tahimik ka na parang multo.” Hindi agad sumagot si Bianca. Tinitigan lang niya ang kanyang mga kamay na nanginginig habang hinuhugasan ang plato. “I’m just tired,” mahina niyang sabi. “Ayokong makipagtalo. Wala namang sense.” “Sense?” umirap si Minda. “Hindi ka na ba marunong magalit? Eh, dati, ikaw ‘yung unang bumabangka rito.” Napabuntong-hininga si Bianca, at tumingin sa kanya. “I still get angry, Minda,” aniya. “But I learned that sho
Tahimik ang buong kulungan nang araw na iyon, pero sa loob ng infirmary, ramdam ang bigat ng hangin. Kakalabas lang ni Cassandra doon—puno ng galit, desperasyon, at sakit sa pagkawala ng anak. Sa kabilang selda naman, nakaupo si Bianca, nakatingin sa kawalan habang pinagmamasdan ang pader na tila ba roon niya gustong ibaon ang sarili. Dalawang inmate ang pumasok mula sa labas, nagbubulungan habang naglalakad. “Narinig mo ba ‘yung nangyari kay Cassandra?” ani ng isa, may halong intriga ang tono. “Nakunan daw. Wala na ‘yung baby niya.” “Talaga?” sagot ng isa, nakangiti pa. “Buti nga sa kanya. Akala mo kung sino siyang malinis. Ayan, karma.” Hindi man nakatingin, narinig lahat ni Bianca ang pinag-uusapan ng dalawa. Napapitlag siya. Parang may malamig na dumaloy sa ugat niya. Hindi siya makapaniwala. Cassandra… buntis? At… nakunan? Tumayo siya, nanginginig ang tuhod, sabay hinawakan ang tiyan niya. “No…” mahinang bulong niya sa sarili. “No, this can’t be…” Isang babaeng kasama niya sa
Sa malamig at malagim na paligid ng kulungan, may isang araw na pinayagan si Marco na makausap si Cassandra. Hindi ito basta-bastang permiso—pinakiusapan niya ang isa sa mga guwardiya, at marahil dala na rin ng awa, pumayag ito na magkaroon sila ng maikling pag-uusap sa isang maliit na silid na karaniwang ginagamit para sa mga bisita. Nasa isang sulok si Cassandra, nakayuko, hawak pa rin ang tiyan na parang hinahanap ang sanggol na nawala. Nang makita niyang pumasok si Marco, agad nanigas ang katawan niya. Parang bumalik lahat ng sakit, lahat ng galit, lahat ng pagkawala. “Cassandra…” maingat na bungad ni Marco, mababa ang tono ng boses niya. “Please, let me talk to you.” Agad siyang tumingin kay Marco, punong-puno ng galit ang mga mata. “Ano pa bang gusto mo, Marco? Wala na, 'di ba? Naubos mo na lahat ng pwede mong kunin sa akin.” Huminga ng malalim si Marco, tila nag-iipon ng lakas ng loob. “I just… I just want to say I’m sorry. For everything. Kung alam ko lang na—” “Sorry?” ma
Sa loob ng malamlam at mabahong selda, nakahandusay si Cassandra sa sulok. Walang tigil ang luha, walang direksyon ang mga iniisip. Paulit-ulit niyang hinahaplos ang sariling tiyan na para bang nandoon pa rin ang sanggol na hindi niya kailanman nasilayan. “Anak ko…” bulong niya habang nanginginig ang labi. “Hindi pa kita nakikita… bakit mo ako iniwan?” Naririnig ito ng mga kasamang preso. Sa halip na kaawaan, ginamit nila iyon para siya’y insultuhin. “Aba, aba, aba,” sigaw ng isa, isang babaeng may tattoo sa braso. “Tignan niyo ‘tong baliw. Ina ka raw, pero wala namang anak!” Nagtawanan ang iba. “Hoy, Cassandra,” dagdag ng isa pa, may paos na boses. “Nagdrama ka pa r’yan. Wala ka nang pamilya, wala ka nang baby. Sino ka na ngayon? Wala.” Napatakip ng tainga si Cassandra, nanginginig. “Tama na… please…” Pero hindi tumigil ang mga ito. Lumapit ang isa at sinabunutan siya, pilit siyang iniangat mula sa sahig. “Bakit, ha? Ayan na naman ‘yung drama mo? Akala mo ba maaawa kami sa iyo
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments