Good morning. Stay tuned for more updates 🙂
Kinabukasan, nagsimula na ang plano nina Janice, Armando, at Beverly. Kailangan nilang maglaho sa mundong kilala ang pangalan nila—at mag-iwan ng ilusyon na sila’y patay na.Nakahilera sa mesa ang mapa at ilang dokumento. May dala ring newspaper at mga cellphone na disposable.“Okay,” sabi ni Armando habang nakaturo sa mapa. “Tatlo tayong ‘mamamatay.’ Magkakahiwalay tayo para mas kapanipaniwala. Janice, you’ll stage a drowning incident. Beverly, car accident. Ako naman, shootout sa pier.”Beverly slammed the table. “This is insane! How will we even get fake bodies? Hindi gano’n kadali ’to.”Ngumiti si Janice, malamig ang tono. “Relax. Hindi tayo gagamit ng totoong bangkay. Sa case ko, mag-iiwan lang ako ng mga gamit at damit sa dagat. Buhol na may dugo. Sapat na ’yon para isipin nilang nalunod ako. Hindi nila makikita ang katawan.”“Beverly, ikaw naman,” singit ni Armando. “Maghahanap tayo ng abandonadong sasakyan. Susunugin natin. Maglalagay tayo ng mga personal items mo—wallet, ID,
Nagbigay agad ng pabuya si Elias. Hindi maliit na halaga kundi milyon-milyong piso ang nakalaan para sa sino mang makakapagturo ng kinaroroonan nina Beverly, Armando, at Janice. Buong Pilipinas, alerto. Kahit mga ordinaryong tao, nag-abang ng tsansa dahil sa laki ng reward.Pero lingid sa kaalaman ni Elias, nagplano na pala ang tatlo. Sina Janice, Armando, at Beverly ay nasa isang lumang safe house na walang nakakakilala. Doon sila nagtipon, kinakabahan pero pilit nag-iisip ng paraan para makaligtas.Hawak ni Janice ang isang lumang salamin, pinagmamasdan ang sarili.“Hindi na puwede ang ganito. Sa bawat kanto, sa bawat TV, mukha ko ang nakikita. If we want to survive, we need to disappear. Permanently.”Naglakad papalapit si Beverly, halatang namumutla at nangangatog pa rin. “Disappear? How? Kahit saan ako pumunta, kilala na ako. Isa akong doktor, maraming nakakakilala sa akin. Elias will find me. He’ll never stop.”“Exactly,” singit ni Armando, malalim ang boses. “Kaya ang gagawin n
Pinalibutan na ng mga pulis ang buong airport. Naka-alerto ang lahat, bawat exit, bawat corner, may mga tauhan na nakabantay. Pero hindi inaasahan ni Beverly na may mga taong tutulong sa kanya para makalusot.At wala nang iba kundi sina Janice at Armando—parehong matagal nang may atraso sa pamilya ni Elias.Si Janice, ang dating fiancée ni Elias na pinahiya at tinanggal sa buhay nito nang lumabas ang mga kasalanan niya. Si Armando naman, ang dating private investigator ni Elias na napunta sa maling landas at sumama kay Janice. Nakulong ang dalawa dahil sa mga kasalanan nila. Pero sa hindi malamang paraan, nakatakas ang dalawa mula sa kulungan.Halos manlumo si Beverly nang makita si Janice sa likod ng isang cargo truck.“Janice?” halos bulong na tanong ni Beverly, nanginginig ang boses. “Akala ko nakakulong ka pa rin…”Ngumisi si Janice, may halong yabang at panlilinlang sa mga mata.“Well, guess what, Beverly? Hindi habambuhay ang kulungan. You’re not the only one na gustong tumakas
Gulat na gulat si Beverly nang malamang lockdown ang lahat ng airport. Nasa departure area na siya, dala ang maliit na maleta, at ilang minuto na lang sana ay makakasakay na siya ng flight papuntang Hong Kong. Nanginginig ang mga daliri niyang mahigpit na nakakapit sa ticket, habang nakatitig sa electronic board na malinaw na nag-anunsyo ng “All flights cancelled until further notice.”“Hindi… hindi puwede ‘to…” bulong niya, nanginginig ang labi.Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa malaking glass wall ng airport at doon siya natigilan. Malinaw na nakapaskil sa digital billboard ang mukha niya—her ID photo as a doctor. May nakalagay sa ilalim:WANTED: Dr. Beverly Jimenez – For Criminal Negligence and Intentional Harm.Parang biglang nawala ang lakas niya. Hindi niya in-expect na aabot sa ganito. Nanginginig ang buong katawan niya, lalo na nang sumunod na video clip ang lumabas. Sina Elias at Lyra—naka-wheelchair si Lyra, may benda pa sa braso, habang si Elias ay hawak ang kamay nito
Sabay na nagising sina Elias at Lyra, pero nasa magkaibang silid silang dalawa. Si Elias, na kagigising lang matapos makuha ang bala sa katawan niya, agad na napansin ang katahimikan sa paligid. Pagmulat pa lang ng mata niya, hinanap na niya agad si Lyra. Nang makita niyang wala ito sa loob ng kuwarto, biglang sumikip ang dibdib niya.“Lolo, where’s my wife?” mahina pero puno ng pag-aalala na tanong ni Elias habang pilit bumabangon kahit masakit pa ang katawan niya.“Nasa kabilang silid lang siya,” sagot ni Lolo Sebastian na nakaupo sa gilid ng kama niya. May bigat ang tinig nito, halatang may mas malalim na ipinahihiwatig. “Pinalipat ko. Someone tried to kill your wife and the baby inside her womb. But she’s fine na. Safe na silang mag-ina.”“What?” Halos sumigaw si Elias, gulat na gulat. Hindi makapaniwala sa narinig. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig.Bumukas ang pintuan at pumasok ang isa sa tauhan ni Lolo Sebastian. “Don Sebastian, Miss Lyra is awake,” anunsiyo nito.Kahi
Sa bahay ni Beverly, hindi siya mapakali. Nanginginig ang buong katawan niya habang paulit-ulit na pumapasok sa isip niya ang nangyari sa CR kanina. Pinilit niyang isantabi ang mga alaala pero mas lalo lang siyang kinakabahan.She’s a doctor. She knows better. Pero kanina, para siyang ibang tao—isang taong walang pakialam, handang gumawa ng mali para lang maprotektahan ang sariling interes. Hindi niya akalain na kaya niyang magawa iyon. Para lang kay Elias. Para lang sa lalaking masaya sa piling ng asawang si Lyra.Hawak niya ang baso ng tubig pero nanginginig ang kamay niya. Tumulo pa ang tubig sa sahig kaya agad siyang napatayo.Ilang minuto pa lang ang lumipas nang bumukas ang pinto. Dumating ang kaniyang mga magulang at ang kuya niyang si Brandon.“Bev?” tawag ng kaniyang ina na agad napansin ang sobrang putla niya. “Anak, what happened to you? Bakit parang namumutla ka?”Nagkatinginan si Brandon at ang ama nila. Si Brandon agad ang lumapit sa kanya. “Sis, are you okay? Parang nan