Share

Chapter 7. “The sun will shine again”

Chapter 7. “The sun will shine again”

“Gavril?” bulalas ko nang pagbukas ko ng gate ay nasa labas si Gavril habang nakasakay sa bike. Parang sing ganda ng papasikat na araw ang ngiti niya.

“Good morning, Roux. Tara, sabay na tayong pumasok.” Aya niya sa akin. Alangan kong pinagmasdan ulit ang bicycle na sinasakyan niya. “Hey, don’t worry, I’m a good driver sweet lover.” Natatawa niyang sabi.

“Saan naman ako sasakay diyan?” tanong ko sa kanya.

“Dito sa harap ko.” Nakangiti niyang sagot. Mas lalo akong nag-alangan na sumabay at sumakay sa bicycle niya. Sobra naming lapit sa isa’t-isa non! “Bakit? Are you still afraid? Hindi ba wala ka namang nakikitang vision about my death?” natatawa niyang sabi. “Alam mo kasi baka pinaglihi ako sa pusa, may siyam na buhay.” Pahabol pa niya saka malakas na tumawa.

Tama naman siya sa sinabi niya. Pero kahit na ganoon, I am not still comfortable being near anyone. Sa tagal kong naging mailap sa mga tao, this is just the first time na may ibang taong kumakausap sa akin at lumalapit sa akin.

“Gavril,” tawag ko sa kanya na nagpahinto sa kanyang pagtawa at nagtataka akong tiningnan. Huminga ako ng malalim at taimtim siyang tiningnan. “Hindi ka ba natatakot sa akin?”

Kita ko ang pagkabigla niya sa tanong ko. Iniwas niya ang tingin sa akin na parang nag-iisip ng isasagot sa akin nang bigla siyang lumingon sa akin ng may matamis na ngiti sa labi.

“Hindi. Hindi ba magkaibigan na tayo?” masigla niyang sagot. Sa sagot niyang iyon, tila ba nakahinga ako ng maluwag at nabunutan ng tinik sa dibdib. “Sakay na male-late na tayo.” Aniya at tinapik-tapik ang upuan sa may harap niya.

Sumakay na ako sa bisekleta niya pero nanlaki ang mga mata ko nang hawakan na niya ang manibela ng bisekleta dahil para siyang nakayakap sa akin mula sa likod ko. Sobrang lapit ng katawan niya sa akin to the point that I am also smelling his scent. Tumingala ako para tanawin ang mukha niya. I can see his chin, his pointed nose, his smilling eyes and his thick brows that makes him more manly.

“Papasikat na ang araw.” Rinig kong sabi niya kaya inalis ko ang tingin ko sa kanya at tiningnan ang papasikat na araw.

“Ang ganda.” Sabi ko habang pinagmamasdan ang pagsikat ng araw.

“Yeah, after a long cold and darkness night, the sun will shine again and give us hope and new life.” Napangiti ako sa sinabi niya habang pinagmamasdan ang pagsikat ng araw at nilalasap ang sinag nitong dumadampi sa aking balat.

Bigla siyang nag-preno kaya medyo napa-lean forward siya sa akin dahilan para mapadikit ang dibdib niya sa likod ko. Wala pa rin naman akong makita tungkol sa kanya. Pero sa nangyaring ‘yon. May kakaiba akong naramdaman sa aking dibdib.

Inalis ni Gavril ang kamay niya sa manebela at pinatunog ang mga buto niya sa kamay. Nangalay na ba siya?

Maya-maya pa at muli kaming umandar. Nagawi naman ang tingin ko sa kamay niyang nakahawak sa manebela at doon ko muling napansin ang itim na wrist band ni Gavril na nakasuot sa kanyang kaliwang kamay. Naalala kong palagi niya ngang suot ang wrist band na ‘yan.

Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa school. He parked his bicycle and we both walked heading to our classrooms. Habang naglalakad kami sa hallway ay pansin ko ang tinginan at bulungan ng mga students na nakakakita sa amin. Yumuko na lamang ako upang hindi ko makita ang mga titig niya.

“Hey! Pres—“ isang lalaki ang sumalubong sa amin ni Gavril at natahimik siya na parang nagulat nang makita ako.

“Alexis, she’s Roux.” Pakilala sa akin ni Gavril. “Roux, siya si Alexis, tropa ko.”

“Okay. I thought you’re done with her? I mean the bet is over right?” tanong ni Alexis kay Gavril.

“You’re a jerk.” Ani Gavril at hindi pinansin si Alexis at hinawakan ako at hinila. Nabigla ako sa ginawa ni Gavril maging ang mga students na nakakita sa amin.

Tahimik lang ako habang hawak-hawak ni Gavril ang kamay ko at hila-hila ako papunta sa classroom namin. Pagdating sa tapat ng classroom namin ay hinarap niya ako. Seryoso ang mukha niya.

“Sorry if he reminded you about that stupid bet.” He apologized. Marahan lang akong tumango bilang sagot sa sinabi niya. “I’ll pick you after class then we will go see Patricia.” Aniya at mapait na ngumiti sa akin saka ako iniwan at naglakad na papunta sa classroom niya.

Pinanuod ko lang siya habang palayo sa akin. Sa totoo lang, hindi ko alam kung dapat ko bang pagkatiwalaan si Gavril. Hindi ko alam kung dapat bang maging malapit kami sa isa’t-isa.

Pumasok na ako sa classroom. Pagpasok ko agad na natahimik ang mga kaklase ko at pinagtinginan nila ako. Pansin ko rin na lahat sila ay nasa gilid at masasama ang mga tingin sa akin. Huminga ako ng malalim at hindi na lang sila pinansin at pumunta na sa upuan ko pero pag punta ko sa upuan ko ay nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.

“Alam mo malas sa klase natin ‘yang freak na ‘yan.”

“Oo nga, sinasabi tuloy ng ibang section at grade na freak ang section natin.”

“Sana hindi ko na siya maging kaklase next school year.”

“Bakit ba kasi nasa strand pa natin ‘yang si creepy freak girl?”

“Mas maganda yatang tanong kung bakit nabuhay pa ‘yan.”

Alam ko na dapat ay immune na ako sa mga ganyang naririnig ko sa mga tao sa paligid ko. Pero hindi ko akalain na masasaktan pa rin pala ako kapag nakakarinig ako ng ganyan.

Muli kong tiningnan ang upuan ko at desk na puno ng basura, may mga papel, may balat ng chichirya, may spill ng softdrinks at spill yata ng soya milk. Tahimik akong naglakad papunta sa cabinet kung nasaan ang mga cleaning materials namin pero pagbukas ko ng cabinet ay wala ang mga gamit panglinis. Biglang nagtawanan ang mga kaklase ko.

“Linisin mo ‘yan gamit ang mukha mo, freak!”

“Pwede naman niyang dilaan!”

“She can also use her uniform total mukha naman basahan.”

Rinig ko ang malalakas nilang tawanan at ang mga masasakit nilang salita. Ramdam ko rin ang pagkirot ng dibdib ko at pangingilid ng luha ko pero ayaw ko, I don’t want to cry because of their heartless words.

Bumalik ako sa upuan ko at sinimulang tanggalin ang mga basura at kalat sa upuan ko. Napansin ko rin na may ilang students na rin na taga-ibang section ang nakasilip sa pinto at bintana ng classroom namin. They are all laughing and mocking me because I am different because I am not the person that they want to see like them.

“Roux!” napalingon ako sa tumawag sa akin at doon ay nakita ko si Gavril na hingal na hingal habang tagaktak ang pawis na nasa pinto ng classroom namin. Masama niyang tiningnan ang mga kaklase ko.

Naglakad papasok si Gavril ng classroom namin na kinabigla ko. Pagdating niya sa harap ko ay bigla niyang hinubad ang polo niya at pinunas sa basing upuan ko at desk ko. Nagulat ang lahat sa ginawa ni Gavril maging ako ay sobrang nagulat sa ginawa niya.

“Gavril, you don’t have to—“ hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang bigla niya akong lingonin nang may ngiti sa labi.

“Bakit? Hindi ba kaibigan kita? Kaya gagawin ko ‘to para sa kaibigan ko.” Sagot niya. Sa sinabi niyang ‘yon, ay biglang bumuhos ang luhang kanina ko pa pinipigilan na bumagsak. “Oh? Bakit? Sinaktan ka ba nila?” nag-aalalang tanong niya. Umiling-iling ako habang mahinang humihikbi.

Biglang tumayo si Gavril sa gitna ng classroom namin at tiningnan isa-isa ang mga kaklase ko.

“Take this is one as your last warning. Once I heard anything about this section bullying her. I will report this whole class to the prefect of discipline. Are we clear?” sigaw ni Gavril sa buong classroom.

“Yes, Mr. President.” Sagot ng mga kaklase ko na kinabigla ko. Hinarap niya ako at nginitian.

Pagtapos ng nangyari kanina, ay hindi na ako ginulo ng mga kaklase ko. Gavril also reported the incident to the prefect of discipline and they are investigating the whole class. Buong klase rin akong lutang dahil sa nalaman ko. How could I did not recognize, Gavril? Siya ang president ng student council!  No wonder that he is popular in our school.

Nang lunch break na ay pumunta na ako sa rooftop para kumain ng lunch pero pagdating ko sa rooftop ay nagulat ako nang nandito na siya.

“Finally, you’re here.” Aniya. Nilibot ko naman ang tingin ko at nakita ko ang isang pic-nic mat na nakalatag sa sahig ng rooftop at isang pack ng tinapay at bottle ng softdrink. “Tara na, kain na tayo.”

Naupo na rin ako sa mat at kinuha ang lunchbox ko. Napatingin ako kay Gavril. Naka-t shirt na lang siya dahil pinangpunas niya ang polo niya kanina sa upuan at desk ko.

“Gavril, nasaan ang polo mo?” tanong ko sa kanya. Napatigil naman siya sa pagkain ng tinapay niya at nagtataka akong tiningnan.

“Tinapon ko na.” natatawa niyang sabi at saka kumagat ulit ng tinapay.

Inayos ko na rin ang lunch ko at kumain na rin. “Bakit ka naman dito kumain sa rooftop?” tanong ko sa kanya.

“Naisip ko lang kasi na dito ka palagi kumakain. Wala kang kasama kaya sinasamahan kita.” Sagot niya at ngumiti.

Pinanuod ko lang siya habang kumakain ako at kumakain din siya. Hawak niya sa kanang kamay ang tinapay at ang bottle naman ng softdrink sa kaliwa. Muli ko na namang nakita ang itim naq wrist band sa kaliwang kamay niya.

“Gavril,” tawag ko sa kanya kaya tiningnan niya ako. “Bakit ka palaging may suot na wrist band sa kaliwang kamay mo?” tanong ko na kinabigla niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status