Home / Mystery/Thriller / Dysfunctional / Chapter 8. “How will you accept death?”

Share

Chapter 8. “How will you accept death?”

Author: BadReminisce
last update Last Updated: 2021-03-01 15:00:31

Chapter 8. “How will you accept death?”

“Bakit ka palaging may suot na wrist band sa kaliwang kamay mo?”

Natahimik at napahinto si Gavril sa pagkain dahil sa tanong ko. Bakas at halata sa kanyang mukha ang pagkabigla at naging seryoso rin ang kanyag hitsura. Tiningnan ko lang siya habang hinihintay ang magiging sagot niya sa tanong ko.

He took a deep breath and faced me with a bitter smile. “Trip ko lang, ang cool kaya para kang rakista.”

Nag-sign ka siya ng rock and roll at malakas na tumawa. Napangiti na lang ako sa naging sagot niya pero mayroon sa pakiramdam ko na parang may hindi siya sinasabi sa akin. Sinulyapan ko pang muli ang wrist band sa kaliwang kamay niya.

“Madalas ka ba nilang binubully?” napatingin ako sa kanya nang tanungin niya ako. Kumakain na ulit siya at nakatingin sa akin.

Ibinaba ko sa mat ang baonan ko at kinuha ang tumbler ko saka uminom muna. Tiningnan ko so Gavril at mapait na ngumiti.

“Matagal na. Pero kalaunan ay nasanay naman na ako at may mga pagkakataon naman na hindi nila ako ginagalaw. Nito na lang ulit.” Sagot ko sa kanya.

Sa totoo lang, dapat ko bang sabihin sa kanya ang narinig ko kanina noong umalis na siya sa classroom namin? Na kaya ako pinagdidiskitahan ng mga classmate ko ay nang dahil sa kanya. Oo dahil kay Gavril. Ang pagiging malapit namin sa isa’t-isa ang dahilan ng lahat ng ito. Narinig ko kanina noong umalis na si Gavril na ang president ng class namin ang may kagagawan ng mga kalat at basura sa upuan at desk ko. Siya si Georgina. Ang sabi nila ay patay na patay siya kay Gavril.

“Don’t worry, I will try my very best to protect you from them. And besides, as a student council president, it is my duty that all of the students here in our school must have a peaceful learning.” Nakangiti niyang sabi. Napangiti na lang din ako.

“Ngayon ko nga lang na ikaw pala ang president. You don’t really look like a president of a huge and respected organization.” Sabi ko. Napangisi naman siya at napataas ang kilay saka napasinghap pa.

“Well, I don’t need to act like anybody. Basta kung ano ako, ‘yon ako. And it is their decision if they will accept me for who I am. Pretending is for coward and weak people.” Aniya saka tinapos ang isang kagat sa tinapay at tinungga ang bottle ng softdrink.

He is actually right. From the outside, you won’t recognize him as a president. Pero kapag nagsalita na siya with all of his wisdom words, malalaman mo na may mataas siyang pinag-aralan at kaalaman.

“Oo nga pala, may phone ka naman di ba?” tanong niya. Napa-iling-iling ako habang natatawa.

“Mayroon naman. Bakit?” sagot ko. Malapad siyang napangiti ay may kinuha sa bulsa niya at doon nilabas niya ang isang latest model ng isang sikat na brand ng phone.

“Save your number here, para in case of emergency at kapag may nang-bully sa’yo ulit. Call me and your super Gavril will be there to save you.” Aniya at umakto pang parang lumilipad. Natawa ako sa inasal niya at saka kinuha ang phone niya at nilagay ang number ko.

Pagtapos ng lunch namin ay bumalik na ako sa classroom at ganoon din si Gavril. Pero bubuksan ko pa lang ang pinto ay hindi ko ito mabuksan. Ilang beses kong pinihit ang doorknob pero hindi ko talaga mabuksan, ni-lock nila sa loob.

Sumilip ako sa bintana at nakita ko ang mga classmates ko na nakatingin sa akin habang nagtatawanan. Ang mga babae ko namang kaklase kasama na si Georgina ay mataray na nakatingin sa akin habang nakataas ang isang kilay at nakangisi.

Hindi ko na sila sinilip sa loob at napasandal na lang sa labas ng classroom namin. Hihintayin ko na lang ang teacher namin na dumating para pagbuksan nila ng pinto at nang makapasok ako.

“Classmates, magkakaroon ng meeting ang mga teachers natin this afternoon.”  Napatingin ako sa loob ng classroom nang magsalita si Georgina sa buong klase namin.

“But don’t worry and wag kayong magulo kasi nag-iwan sila Ma’am at Sir ng gagawin natin.” Anunsyo niya sa buong klase saka napatingin sa akin at tinaasan ako ng kilay at pang-asar na ngumiti. Napabuntong-hininga ako at muling sumandal sa labas ng classroom. Naupo ako sa labas ng classroom namin at doon na lang naghintay.

“Roux! Wake up!”

Nagising ako nang may umaalog sa aking balikat at tumatawag sa akin. Pagdilat ko ay nasa harap ko si Gavril na bakas ang pag-aalala at inis sa kanyang mukha. Pupungas-pungas kong nilingon ang buong paligid at narito pa rin pala ako sa labas ng classroom namin. Marami na ring mga students ang nasa hallway at may mga nakatingin pa sa akin.

“Bakit ka dito natutulog?” may inis sa tono ng boses ni Gavril. “Did they bully you again?”

Tumayo ako at tiningnan ang classroom namin. Wala nang tao sa loob ng classroom namin. Hinanap ko ang bag ko.

“Nasa akin na ang bag mo.” Sabi ni Gavril at pinakita sa akin ang bag ko. Kinuha ko ito at sinukbit. “Roux, hindi mo pa sinasagot ang tanong ko.”

“Gavril, ayos lang ako.” Sagot ko sa kanya. Alam kong nag-aalala siya pero ayos lang naman talaga ako. Kung mas lalo lang naming papatulan sila Georgina at ang mga classmates ko mas lalo lang nila akong pagdidiskitahan.

“Fine, if you say so. Tara na, hinihintay na tayo ng pinsan ni Patricia.” Sabi niya. Tumango at naglakad na kaming dalawa palabas ng school.

Gamit ulit ang bisekleta ni Gavril ay pumunta kami sa isang café kung saan kami magkikita ng pinsan ni Patricia at sasamahan niya kami sa hospital kung saan naka-confine si Patricia. Pagdating namin sa café ay wala pa roon ang pinsan ni Patricia kaya hinintay muna namin siya. Habang naghihintay ay napatingin ako kay Gavril dahil napansin kong kanina pa siya nakatitig sa akin. His stares make me feel uncomfortable. Isa mo pa ang seryoso niyang mukha.

“B-Bakit?” nauutal kong tanong sa kanya. Bigla naman niyang iniwas ang tingin niya sa akin at nagpakawala ng hangin.

“Naiinis lang kasi ako sa mga classmates mo. Mga akala ko ba mga brainy ang mga HUMSS at classy tapos kung i-bully ka nila. Ugh! Naiinis talaga ako.” I can see his frustrations on his reactions. Malungkot ko siyang tiningnan. I know and I can feel how he really wants to help and protect me and I feel quite guilty because I kept on declining his offer of help.

Hindi ko alam pero kusang gumalaw ang kamay ko at hinawakan ko ang braso niya at hinila siya palapit sa akin at saka siya niyakap. I can feel the heat of his body into mine. I can smell his captivating scent that I really love to smell.

“Thank you.” Sambit ko. I feel his hand patting my back and his giggle.

“You’re always welcome.” Rinig kong sabi niya.

“Mag-jowa ba kayo?”

Mabilis kaming napahiwalay sa isa’t-isa ni Gavril nang may magsalita sa harap namin at doon namin nakita ang pinsan ni Patricia na kita ang pandidiri sa mukha at kaunting natatawa.

“No, we’re not.” Mabilis na sabi ni Gavril. “Anyway, shall we?” tanong ni Gavril.

Iniwan ni Gavril ang bike niya sa café at babalikan na lang namin mamaya at sumakay na kami ng tricycle para pumunta sa hospital kung saan naka-confine si Patricia. Mabuti na lamang at sa likod ng driver naupo ang pinsan ni Patricia at si Gavril ang katabi ko sa loob. Pero hindi ko rin alam kung mabuti rin ba ito dahil kanina pa kami hindi nagkikibuan. Dahil ba sa pagyakap ko sa kanya kanina?

In a couple of minutes, we have arrived in the hospital. It is a private and well-known hospital here in the city. Pagbaba namin ng tricycle ay pumasok na kami agad sa loob. Sumakay na kami ng elevator. Habang nasa elevator ay biglang nagsalita ang pinsan ni Patricia.

“Actually, nakwento ko na kayo sa kanya.” Sabi niya sa amin. Nagkatinginan kami ni Gavril.

“What did she say?” tanong ni Gavril.

“She is interested.” Sago ng babae. “Sinabi ko sa kanya na alam niyo kung kailan siya mamatay tulad ng sinabi niyo sa akin.”

Natahimik kami ni Gavril sa sinabi niya. I expect na magagalit si Patricia o hindi kami ii-entertain.

Nang huminto ang elevator at bumukas sa desired floor namin ay lumabas na kaming tatlo. Ilang lakad pa ay huminto kami sa tapat ng isang punting pinto na may maliit na pakisukat na salamin sa gitna. Tiningnan ko ang nasa gilid na patient’s name at nabasa ko ang pangalan ni Patricia.

Binuksan na ng pinsan niya ang pinto. “Pat, they are here.” Ani ng pinsan niya.

“Ikaw ba ‘yan, Gwen?” isang mahinhin na boses ang narinig namin. Tiningnan kami ni Gwen at sineyasan na pumasok.

Pumasok na kaming dalawa ni Gavril. “Yes, Pat wala kang kasama?”

“Lumabas lang si Mommy.” Sabi ni Pat at saka kami tiningnan.

 “Ay, nandito na rin pala sila, Pat ‘yong sinabi ko sa’yo kahapon.” Tiningna kami ni Gwen. “Siya si Patricia, ang pinsan kong may brain tumor.”

Mabilis na nangilid ang luha ko nang makita ko si Patricia. May nakabalot sa kanyang ulo na benda, payat na payat ang kanyang katawan, may nakakabit na oxygen sa kanya, malalim ang mga mata at nanunuyo ang labi.

“Hello…” bati niya sa amin ni Gavril.

“Iwan ko muna kayo para makapag-usap kayo hanapin ko lang din si Tita.” Paalam sa amin ng pinsan niya.

Tiningnan ko si Gavril. Seryoso lang ang mukha niya habang nakatingin kay Patricia. Si Patricia naman ay mapait nakangiti sa amin, hinihintay ang sasabihin namin sa kanya.

“Hi, Patricia.” Panimula ni Gavril. “Ako si Gavril at ito naman si Roux.” Marahan na tumango si Patricia at tumingin sa akin.

“Totoo bang alam mo kung hanggang kailan na lang ako mabubuhay?” nabigla ako sa tinanong niya at napalunok. Ramdam ko rin ang pasikip at kirot sa dibdib ko habang nakatingin sa kanya.

Malalim siyang bumuntong-hininga at ngumiti, isang ngiti na kahit nasa ganoon siyang kondisyon ay nagagawa pa rin niyang gawin. Iniwas niya ang tingin niya sa akin at tumingin sa nakasabit na calendar sa pader.

“Hanggang kailan na lang ba? Aabot ba ako ng graduation namin?” tanong sa amin ni Patricia na kinabigla ko.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Dysfunctional   Epilogue

    EpilogueGavril’s Point of ViewFifteen Years had passed.The ambiance inside the courtroom was filled with tension as everyone inside is waiting for prosecutors and the defendant’s side to speak. Everyone is cautious and careful. The judge locked his eyes on anyone who is speaking. This is not actually a tough case, because I can actually prove this old man’s innocence. This is a case of murder but the real culprit of this crime framed up someone, pointing and setting up someone’s innocence.I sat very straight and calmly as I can while I am hearing the lawyer of the defendant’s statement. He stating the scenario capturing the main suspect of the crime. He also asked the suspect about his statement of what happened that night. I looked at the old man seated in the jury box seat as he was asking about the case. Kita ko ang labis na kaba at takot sa mata ng matanda. His voice

  • Dysfunctional   Chapter 50. “To infinity and beyond”

    Chapter 50. “To infinity and beyond”One..."Hey! Look there she is again!"Why do people are so judgemental?Two..."So, she really looks creepy, huh?"Why do people say hurtful things?Three..."I remember when we were in grade school? She kept on crying and we didn't know why?"If I could just ignore it, but I can't.Four..."Really? Do you know that she lives in a haunted house in our village?"If I could just find a cure or something to stop it.Five..."Hey! She's coming near...baka marinig ka niya."If I could just cover my ears just not to hear all of your heartless words.Six..."Oh my God!""Hey! You freak! How dare you!"If I could have a choice not to have this.Seven..."Oh! You slap her!" So, that I can live

  • Dysfunctional   Chapter 49. “Dark clouds, pouring rain”

    Chapter 49. “Dark clouds, pouring rain”March 15, 2019Naitakip ko ang dalawang palad ko sa aking mukha habang malinaw kong nakikita at naririnig ang matinis na tunog ng isang aparato sa loob ng emergency room. The doctor was applying CPR but in the end, the woman I bumped earlier died. "I'm sorry...I'm sorry..." I whispered as I wiping off my tears. Another death happened. Isa na namang pagkamatay na nakita ko. "Excuse me?" napapitlag ako nang may kumatok sa pinto ng cubicle kung nasaan ako. "Are you okay?"A deep voice of a man asked me. Nalito ako at nagtaka dahil nasa restroom ako dito sa school pero bakit may lalaki sa loob ng restroom ng mga babae?"I'm fine...just leave me." sagot ko habang inaayos ang sarili ko. I heard him chuckled. "You know what, you really scared me. I thought you're a ghost. Muntik nang hindi lumabas i

  • Dysfunctional   Chapter 48. “Thank you, my first love”

    Chapter 48. “Thank you, my first love”“Gavril stop. Stop all of this. Why do keep on insisting on what you are believing for? Kung ano ang iniisip mo sa tingin mo ay tama!” “Bakit hindi ba, Roux? Alam mo, hindi na rin kita maintindihan minsan. Hindi ko alam kung iniiwasan mo ba ako dahil sa note o sa nakita mo tungkol sa akin or may mas malalim pang dahilan. You run off my house when you knew that it’s my father’s portrait. Tell me, Roux!”“Hindi mo na kailangang malaman, Gavril. Dahil aalis na ako rito.”“Mahal na mahal kita, Roux pero parang pagod na ako…”The memories of what happened yesterday keep on lingering in my mind. Paulit-ulit na umi-echo sa tainga ko ang sinabi ni Gavril. Ramdam ko ang sobrang emosyon nang sabihin niya iyon. I don’t understand myself but I felt so guilty right now. Gavril

  • Dysfunctional   Chapter 47. “The Family Feud”

    Chapter 47. “The Family Feud”Buong araw kong pinag-iisipan kahapon ang lahat tungkol sa nalaman ko. What happened in the past is still clear in my mind. That tragic scene of my life, the day when my parents died in front of my own very eyes. And now that I found who is responsible for that tragedy. It was him, hindi ako maaaring magkamali. Pero sa likod ng galit na nararamdaman ko nang malaman kong Daddy ni Gavril ang taong nagpakidnapped sa akin noon, mayroon akong lungkot na nararamdaman. Bakit sa dami ng tao, magulang pa ng lalaking mahal ko ang gumawa noon?That day, I leave Gavril in confusion. Tumakbo lang ako palabas ng bahay nila without saying a word. Sobra akong nabigla at natakot nang malaman ko ‘yon. Kaya naman kahapon pa rin ako tinatawagan ni Gavril and he even went here pero hindi ko s

  • Dysfunctional   Chapter 46. “Mirror of our soul ”

    Chapter 46. “Mirror of our soul ”Eight years ago, I cannot see how beautiful the world was. I was blind and all I can see was darkness. Kapag magbi-birthday ako, palagi kong wish ay ang may mahanap nang magdo-donate ng mata para sa akin. Gusto kong makakita, gusto kong makita sila Mommy at Daddy. Gusto kong makita ang mundo, ang magagandang paligid. And when my 9th birthday coming, I told my Dad my birthday wish again, to be able to see. And that wish was commanded by my Dad.“Really, Dad? Makakakita na ako?” I was so excited that time when Dad said the news to me. He finally found eyes for me.“Yes, Princess…the operation we will do the operation tomorrow, so have to prepare and be strong.” My Dad said. I nodded so quickly in response to him.“Yes, Daddy…” sagot ko. I felt his hand slowly patted my head.&ldqu

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status