Share

Chapter 9. "Her Last Wish"

Chapter 9. "Her Last Wish"

“Hanggang kailan na lang ba? Aabot ba ako ng graduation namin?” tanong sa amin ni Patricia na kinabigla ko.

Natahimik kami ni Gavril sa tanong ni Patricia at nagkatinginan. Bigla namang bumukas ang pinto at pumasok si Gwen kasama ang isang ginang na may bitbit na plastic ng prutas. Tiningnan kami ng ginang at mapait na ngumiti saka nilapitan si Patricia at nilapag sa side table ang dala niyang plastic ng prutas.

“May bisita ka pala.” Mahinahon na sabi ng ginang na sa tingin ko ay ang Mama ni Patricia. Nilingon niya kami at ngumiti. “Kayo ba ‘yong sinasabi ni Gwen?” tanong sa amin ng ginang. So she knew about us.

Marahan kaming tumango ni Gavril bilang sagot.

“Ma, I am asking them if until when.” Biglang sabi ni Patricia. Tiningnan siya ng kanyang Mama at hinaplos ang pisngi nito.

Habang pinapanuod ko sila, parang tinutusok ng aspili ang dibdib ko. A mother seeing her daughter slowly dying. I remember my mother and how she cares for me when she is still alive. Totoo nga ang sabi nila, na wala nang mas hihigit pa sa pagmamahal ng isang ina.

Ilang sandali lang ay nakatulog na si Patricia. Ang sabi kasi ng Mama niya ay hindi raw ito nagtulog ng tanghali at excited na makilala kami ni Gavril. Narito pa rin kami sa kwarto ni Patricia, mahimbing na siyang natutulog pero gusto kaming makausap ng Mama niya.

“The doctor said that it will be just months.” Sabi ng Mama ni Patricia. Nagkatinginan kami ni Gavril. “Wala na kami magawa. Masiyado nang malala ang kondisyon ng anak ko. And we can’t do anything but accept that. It is painful; it is really painful to accept it. Pero sino ba ako para kontrolin ang buhay ng anak ko.” Sabi ng Mama ni Patricia kasabay ng pagtulo ng kanyang luha. Kahit si Gwen na nasa tabi niya ay naiiyak na rin.

Tiningnan kami ng Mama ni Patricia. “Pero isa lang ang gusto ng anak ko bago siya mawala.”

“Gusto niyang maka-graduate. Umakyat sa stage, mahawakan ang diploma at medalya niya.” Ani Gwen.

“She’s an honor student since elementary. Pag-aaral ang naging buhay ng anak ko. Because she wants to be successful in life.” Sabi naman ng Mama ni Patricia. “Pero nalungkot siya recently, kasi dahil sa sakit niya, hindi siya ang magiging valedictorian. Dahil simula noong October, hindi na siya gaanong nakakapasok. At noong dumating ang December, hindi na siya nakapasok sa school.”

“Pero naniniwala kaming, kung hindi naman dahil sa sakit ng pinsan ko, siya pa rin ang magiging valedictorian.” Dagdag pa ni Gwen.

“Pero eventually, natanggap niya ‘yon. At ang wish niya lang, ay maka-akyat ng stage at maka-graduate. Kaya ‘yon ang inaasikaso ko sa school nila.” Pagtatapos ng Mama ni Patricia.

Napayuko ako. Naalala ko kasi ang nakita ko sa magiging pagkamatay ni Patricia. At paano ko sasabihin sa kanila na dahil sa huling kahilingan ng anak nila ay mas mapapaikli ang buhay nito.

“Kailan po ba ang graduation nila Patricia?” tanong ni Gavril.

“Sa April 3.” Sagot ng Mama ni Patricia. Napapikit ako nang marinig ko ang sinabi ng Mama ni Patricia.

Napadilat ako nang maramdaman ko ang paghawak ni Gavril sa kamay ko. Tiningnan ko siya at nakatingin lang din siya sa akin, isang tingin na dapat na kaming magsalita. Alangan ko siyang tiningnan at marahan na umiling. Nakita ko pang nabigla siya sa ginawa ko.

“Roux…” mahinang tawag niya sa akin pero isang pag-iling lang ang sinagot ko at napayuko.

Nagpaalam na kami ni Gavril na aalis na at babalik na lang sa ibang araw para bisitahin si Patricia. Nagpaiwan naman na si Gwen sa hospital para samahan ang Tita niya. Pabalik na kami sa café kung saan iniwan ni Gavril ang bike niya. At simula pa kanina nang umalis kami sa hospital hanggang sa makarating kami rito sa café ay kanina pa siya hindi umiimik.

Kinuha niya ang bike niya at sumakay doon saka ako tiningnan. “Tara na, sakay na para makauwi na tayo.” Aniya sa akin pero iwas ang tingin. Galit ba siya sa akin?

“May nagawa ba ako?” tanong ko sa kanya. Napatigil siya at marahan akong tiningnan. Kita ko ang seryoso niyang mukha at ang seryosong titig ng kanyang mga mata.

“I thought we have agreed that we will help Patricia?” tanong niya na may halong inis sa tono ng kanyang boses. Huminga ako ng malalim.

“I know. Pero Gavril, they’ve accepted it. Sabi ko ng sayo, it will happen anyway.” Sagot ko.

Totoo, totoong buwan pa ang maaaring itagal ni Patricia. And based on my vision, that wish of her to attend her graduation will take her life ahead.

“Pero pwede pa natin silang pigilan na huwag nang umattend si Patricia ng graduation para mabuhay pa siya ng matagal.” Sigaw niya.

“Gavril, bakit mo pa ipagkakait sa isang taong malapit ng mamatay ang isang kahilingan na alam mong makakapagpasaya sa kanya? Patricia have decided for her life and we can’t change that.” Ganti ko.

Pareho kaming natahimik dahil sa mga binitawan naming salita sa bawat isa. I know that we don’t have to fight for this. I know and I understand that he is concern about Patricia and I know what he wants that Patricia can live for months to be with her family and loveones. Pero nakapali na at nakapagdesisyon na si Patricia sa gusto niya na alam niyang sasaya siya. Mawalan man siya sa mundong ito, mawawala siyang masaya at payapa.

Pagdating sa bahay ay umalis na si Gavril nang hindi na ako kinausap. Pinanuod ko lang siyang makalayo sa akin. Pumasok na ako sa loob ng at nagbihis ng pambahay. Ginawa ko na rin ang mga dapat kong gawin sa school lalo na ang mga notes at reviewers ko dahil final exam na namin next week. Pagbukas ko ng bad ko ay nagulat ako sa nakita ko, at naalala ko na kinuha ko nga pala ito kanina bago kami umuwi ni Gavril sa basurahan.

Nilabas ko ang polo ni Gavril na pinangpunas niya sa upuan ko na tinapon niya sa basurahan. Pinagmasdan koi to at naaalala ko na naman ang naging pagtatalo namin kanina. Huminga ako ng malalim at tinabi muna ang mga notes at reviewers ko at saka bumaba ng kusina.

Binanlawan ko muna ang polo niya para maalis kahit papaano ang dumi saka binabad sa bleach. Mamaya pagtapos kong magreview ay lalabhan ko siya bago matulog para tuyo na siya kinabukasan.

Kinabukasan. Nagulat ako ulit nang paglabas ko ng gate ay nasa labas na si Gavril at nakasakay sa bike niya. Nakangiti siya sa akin at medyo alangan ang tingin. Nilapitan niya ako at hinawakan ang kamay ko at may nilagay dito. Nang tingnan ko ang nilagay niya sa kamay ko, nabigla ako nang isang chocolate bar ang nilagay niya. Tiningnan ko siya, iwas ang tingin niya sa akin na parang nahihiya.

“Sorry kung medyo nagkasagutan tayo kagabi.” Aniya at tumingin sa akin. “’Yan ang peach offering ko.” Napangisi pa siya at tumawa.

Napangiti na lang din ako sa kanya. “Hindi mo naman kailangan ng peach offering pa. At saka sorry din dahil hindi kita inunawa.”

“Hindi mo na kailangan ng peace offering ko? Edi akin na ‘yan!” natatawa niyang sabi saka sinubukang kunin sa kamay ko ang chocolate bar pero agad kong naiwas ito. “Takam na takam ako diyan kagabi pa pero pinigilan ko sarili ko kasi ibibigay ko na lang sayo.”

Natawa ako sa inaasal niya at iniharap ang bag ko. Tiningnan naman niya ako at saka ko inilabas ang polo niya na nilabhan ko. Iniabot ko sa kanya ang polo niya at nakita kong nagulat siya nang makita ito.

“’Yan na lang ang peace offering ko.” Nakangiti kong sabi sa kanya. Naging seryoso naman ang mukha niya at natulala sa akin.

“Paanong—bakit mo pa nilabhan ‘yan?” tanong niya.

“Sayang ang polo ah, at saka okay naman na oh. Wala nang mantsa at ang puti-puti na.” sabi ko sa kanya. Natawa naman siya at kinuha na ang polo niya.

“Salamat.” Sabi niya habang nakangiti at nakatingin sa akin.

Sumakay na ako ulit sa bisekleta niya. Habang nasa biyahe kami tahimik lang si Gavril at ganoon din ako. Habang namamaneho siya ay nagawi muli ang tingin ko sa kaliwang kamay niya at nakita ko na naman ang itim na wrist band. Amoy na amoy ko rin ang pabango ni Gavril habang sinasalubong namin ang lamig ng hangin at ramdam ang sinag ng sikat ng araw sa aming balat.

“Buong gabi kong pinag-isipan.” Sabi ni Gavril.

“Ang ano?” tanong ko.

“’Yong tungkol kay Patricia.” Sagot niya. Natahimik ako, talagang gustong makatulong ni Gavril.

“Anong naisip mo?” tanong ko sa kanya.

“We can still grant her wish without sacrificing her health.” Aniya. Huminto siya nang mag-red ang stop light. Nilingon ko siya at nakita ko ang nakangiti niyang mukha habang nakatingin din sa akin. “Hindi ba sabi ko nga sayo, kaya nating baguhin ang hinaharap basta gagawin lang natin ito sa matalinong paraan.” Masigla niyang sabi.

Napangiti rin ako at saka tumango bilang pag-sang-ayon sa kanya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status