Share

Chapter Ten: 1.2 Feast

Elizalde's Mansion

Elliot

NAKARATING kami sa mansyon ng mga Elizalde pasado alas nuwebe na nang gabi mula sa Batangas. Sinalubong kami ng ilan nilang tauhan at mga katulong para igiya papunta s malawak nilang dining area. Gusto kong matawa, dahil wala ni isa sa kanila ang nakakaalam kung sino ang mga bisitang kasama ko. Isa itong surpresa para kay Federico. Hinanap ng mga mata ko ang aking ama at kapatid na si Ezekiel, wala pa ang mga ito.

Abala ang ilang kasamahan namin sa negosyo habang nag-uusap ng lapitan ako ni Cameron at abutan ng alak. Nang tanggapin ko iyon ay tinapik niya ako sa balikat. "Ginabi ka yata, trabaho?"

Sumimsim ako ng alak at tumango. "Mayroon din akong mga kinausap, sinubukan ko silang paaminin pero mas pinili nilang manahimik. Nakakapagod," seryoso, ngunit may laman kong sagot sa kaniya.

Nilingon niya akong awang ang mga labi na parang nakakita ng multo ang gago. Nakipagtitigan ako ng ilang segundo bago siya nakabawi at nagtanong. "Anong ibig mong sabihin?"
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status