AYA'S POV
“Isang margarita, please.”
Agad na tumango ang bartender bago nagsimulang maghanda ng inumin.
Napabuntong-hininga ako habang inilalapag ang handbag ko sa ibabaw ng counter. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at naisipan kong pumasok sa ganitong lugar. Hindi naman talaga ako mahilig uminom. Sa katunayan, isang baso pa lang ng alak, namumula na agad ang mukha ko.
Pero ngayong gabi, wala akong pakialam. Gusto kong malasing.
Gusto kong makalimot. At kung puwede lang, gusto kong burahin sa utak ko ang pagmumukha ng walanghiyang lalaking sumira sa apat na taon ng buhay ko.
“Here's your margarita, Ma'am.”
“Thank you.”
Kinuha ko ang baso at agad na humigop. Napangiwi ako nang malasahan ang maasim at bahagyang matapang na inumin.
“Ang asim naman nito,” mahina kong reklamo. Pero muli pa rin akong uminom. Mas maasim pa rin naman ang ugali ng ex-boyfriend ko. Biglang nag-vibrate ang cellphone ko. Nang kunin ko iyon mula sa handbag, agad na nawala ang bahagyang ngiti sa labi ko.
TRES CALLING...
Napatawa ako nang mapait. Wow.
Tumatawag pa talaga ang kumag.
Ano pa bang kailangan niya sa akin? Hindi pa ba sapat ang ginawa niya kanina? Pinatay ko ang tawag. Ngunit ilang segundo lamang ang lumipas, muli itong tumawag.
“Ang kapal talaga ng mukha mo,” bulong ko bago tuluyang patayin ang cellphone. Ayoko munang marinig ang boses niya, lalo na ngayong sariwa pa ang lahat. Kinuha ko ang baso at muling uminom. Hindi ko maiwasang maalala ang mga salitang binitawan niya kanina.
“You're replaceable, Aya. Maraming babaeng mas maganda at mas mayaman kaysa sa 'yo.”
Napakagat ako sa ibabang labi.
Apat na taon. Apat na taon kong minahal si Tres Buenaventura. Apat na taon kong pinaniwalaan ang mga pangako niya. At sa loob lamang ng isang gabi, nalaman kong mahigit isang taon na pala niya akong niloloko.
At ang mas masakit?
Buntis ang kabit niya. Oo, kabit ang tawag ko sa babaeng nakikiapid sa lalaking may karelasyon na.
At babaeng iyon, walang iba kundi Bianca Salazar. Ang babaeng ipinakilala niya sa akin bilang business associate. Ang babaeng ilang beses ko nang pinagselosan, pero palagi niyang sinasabing wala akong dapat ipag-alala.
“She's just a friend, Aya. Stop being so paranoid.”
Napatawa ako nang mapait.
Friend pala, ha? Anong klaseng friendship ba ang mayroon sila at nakabuo sila ng bata? Napailing ako bago muling uminom. Kanina lamang, masaya pa akong naghahanda para sa Fourth anniversary namin. May dala pa nga akong mamahaling relo na ilang buwan kong pinag-ipunan para sa kaniya.
Akala ko ay ako ang mangsu-surprise.
Pero mukhang mas magaling siyang manggulat. Dahil nang puntahan ko siya sa hotel matapos kong makatanggap ng anonymous message na may kasamang larawan nilang dalawa ni Bianca at room number, doon ko sila naabutang magkasama.
At ang pinakamasakit, narinig ko mismo ang pag-uusap nila.
“I'm pregnant, Tres. Hanggang kailan mo balak itago kay Aya ang tungkol sa atin?”
“Stop worrying, baby. I'll break up with her soon.”
Hanggang ngayon, parang naririnig ko pa rin ang mga boses nila.
Napapikit ako habang mahigpit na hawak ang baso. Hindi ko alam kung bakit mas masakit ang alaala ng pag-uusap na iyon kaysa sa mismong pagkakita ko sa kanilang magkayakap.
Siguro dahil doon ko napagtantong matagal na pala akong niloloko. Na habang masaya akong nangangarap tungkol sa magiging kasal namin, may ibang babaeng pinapangakuan si Tres.
At ako? Ako iyong tangang naniwala.
“Another one, please,” sabi ko sa bartender nang maubos ang inumin.
“Are you sure, Ma'am?”
Napatingin ako sa kaniya.
“Yes. Why?”
“Nothing, Ma'am.”
Agad itong naghanda ng panibagong inumin. Napabuntong-hininga ako. Hindi ko alam kung bakit pati ang simpleng pagtatanong niya ay parang gusto kong ikainis. Siguro dahil punong-puno na ako ng galit, sakit, at pagkadismaya. Dahan-dahan kong tiningnan ang daliri kong dati ay may suot na engagement ring.
Ngayon ay wala na.
Ibinalik ko na kay Tres ang singsing na ibinigay niya anim na buwan na ang nakalilipas. At bago ako umalis, dalawang beses ko siyang sinampal.
Deserve niya naman iyon.
Kung hindi lang masakit ang palad ko, baka dinagdagan ko pa. Pero sa kabila ng ginawa kong iyon, hindi ko pa rin maikaila ang sakit. Dahil kahit gaano ako kagalit, mahal ko pa rin ang lalaking iyon. At iyon ang pinakakinaiinisan ko sa sarili ko.
Paano mo basta-bastang kakalimutan ang taong apat na taon mong minahal? Paano mo buburahin ang lahat ng masasayang alaala ninyo?
At paano ka magsisimulang muli kung ang taong akala mong makakasama mo habang-buhay ay bigla na lamang nagdesisyong palitan ka?
“Do you really think a Buenaventura would beg for someone like you?”
Muling umalingawngaw sa isip ko ang sinabi ni Tres. Napatawa ako nang mapait.
“Buenaventura.”
Napakalaking pangalan. Napakayamang pamilya. Pero hindi pala kayang bilhin ng pera nila ang kahit kaunting katapatan.
“Men are really good at pretending,” bulong ko bago muling uminom.
“Excuse me, Miss?”
Napalingon ako nang may marinig na boses mula sa aking tabi.
Isang lalaking nakasuot ng dark blue polo ang nakatayo roon. Maayos naman ang hitsura nito, ngunit halatang nakainom na dahil sa mapupulang mata.
“Are you alone?” tanong niya.
“Yes. Why?”
Ngumiti siya.
“Can I buy you a drink?”
“No, thank you.”
“Come on. Just one drink.”
“I already have one.”
Napatingin siya sa baso ko bago muling ngumiti.
“Then let me buy your next drink.”
Napabuntong-hininga ako.
“Look, I'm not interested. Gusto ko lang mapag-isa.”
Akala ko ay aalis na siya, ngunit sa halip ay umupo pa sa bakanteng stool sa tabi ko.
“What's your name, beautiful?”
Hindi ko siya pinansin.
“I'm Marco, by the way.”
“Okay.”
Napatawa siya.
“You're feisty. I like that.”
Napairap ako. Sa lahat ng araw na puwede akong kulitin ng isang lalaki, ngayon pa talaga?
“Did your boyfriend dump you?” bigla niyang tanong.
Napatingin ako sa kaniya.
“That's none of your business.”
“Oh, so I was right?”
Muli akong humarap sa counter.
“Please leave me alone.”
Ngunit sa halip na makinig, bigla niyang hinawakan ang braso ko.
“Come on, beautiful. Let's go somewhere quieter.”
Agad akong napalingon.
“Excuse me? Bitawan mo nga ako!”
“Relax. I'm just trying to be friendly.”
“Hindi friendly ang ginagawa mo!”
Sinubukan kong hilahin ang braso ko, ngunit mas lalo lamang humigpit ang hawak niya. Nagsimula akong kabahan.
“Let go of me!”
“Stop overreacting—”
“Take your hand off her.”
Isang malamig at malalim na boses ang biglang narinig mula sa likuran namin.
Kaya naman, sabay kaming napalingon.
At doon ko siya nakita. Isang matangkad na lalaking nakasuot ng black suit ang nakatayo ilang hakbang mula sa amin. Maayos ang pagkakasuklay ng kaniyang itim na buhok. Matangos ang ilong, makapal ang kilay, at may matatalim na matang tila hindi sanay na sinusuway.
Hindi ko alam kung ilang taon na siya, ngunit halatang mas matanda siya sa akin. At sa totoo lang, napakaguwapo niya kahit sabihin natin mas matanda siya sa akin.
“Who the hell are you?” mayabang na tanong ni Marco.
Hindi agad sumagot ang estranghero. Sa halip, ibinaba niya ang tingin sa kamay na nakahawak sa aking braso.
“I won't repeat myself.”
Hindi siya sumigaw, ngunit may kakaibang awtoridad sa boses niya.
“Hey, man. We're just talking,” depensa ni Marco.
“Does she look like she wants to talk to you?”
Agad akong umiling.
“No! I've been telling him to leave me alone!”
Muling tumingin ang estranghero kay Marco.
“Then leave.”
Bago pa makasagot ang lalaki, dalawang security personnel ang lumapit sa amin.
“Is there a problem, Sir?”
“This man is harassing the lady. Escort him out.”
“Yes, Sir.”
Agad nilang inakay si Marco palayo kahit patuloy itong nagrereklamo.
Naiwan akong nakatayo sa tabi ng counter. Doon ko lamang napansing bahagyang nanginginig ang mga kamay ko.
“Are you alright?”
Napatingala ako sa estranghero.
Malapitan, mas lalo kong napansin kung gaano siya katangkad.
“Y-Yes. I'm okay.”
Tiningnan niya ang braso kong bahagyang namumula.
“Did he hurt you?”
“Hindi naman masyado.” Pilit akong ngumiti. “Thank you for helping me.”
Tumango siya.
“You should be more careful next time.”
Napakunot ang noo ko.
“Excuse me?”
“Drinking alone can be dangerous.”
Napairap ako sa aking isipan.
Sandali lang. Tinulungan nga niya ako, pero bakit parang pinapagalitan niya rin ako?
“So, kasalanan ko pang may nanggulo sa akin?”
Bahagyang umangat ang kilay niya.
“Did I say that?”
“Hindi naman. Pero parang ganoon kasi ang dating.”
Saglit niya akong tinitigan bago bahagyang ngumiti.
“Interesting.”
“What's interesting?”
“You.”
Napakurap ako. Bago pa ako makasagot, humarap siya sa bartender.
“Water for the lady, please.”
“Yes, Sir.”
Napatingin ako sa kaniya.
“Wait. Hindi ako nag-order ng tubig.”
“I know.”
“Then why are you ordering for me?”
“Because you've had enough alcohol.”
Napanganga ako. Ang bossy naman nito!
“Do you always tell strangers what to do?”
“Only when they're about to make bad decisions.”
Napailing ako.
“Wow. You're quite bossy.”
Sa pagkakataong iyon, bahagya siyang ngumiti. At hindi ko alam kung bakit biglang may kung anong kumiliti sa tiyan ko.
Diyos ko, Aya. Kagagaling mo lang sa breakup. Huwag ka ngang mag-isip ng kung ano-ano!
“By the way, what's your name?” tanong ko.
“Uno.”
Napatingin ako sa kaniya.
“Uno? Like the number one?”
“Yes.”
“That's unique.”
“What about you?”
“Aya.”
“Aya,” ulit niya bago bahagyang tumango. “What a pretty name.”
“Thank you.”
Umupo siya sa bakanteng stool sa tabi ko. Hindi ko alam kung bakit, pero sa halip na mailang ay naging komportable ako sa presensiya niya.
“Boyfriend problems?” bigla niyang tanong.
Napalingon ako.
“How did you know?”
“Lucky guess.” KUmibit balikat pa siya.
Napatawa ako nang mapait.
“Ex-boyfriend problems, actually.”
Hindi siya nagsalita. At sa hindi ko malamang dahilan, bigla akong napakuwento.
“Today is supposed to be our fourth anniversary. Pero nahuli ko siyang may kasamang ibang babae sa hotel.”
“He cheated?”
Tumango ako.
“More than a year na pala silang may relasyon. At ang mas masakit, buntis ang babae.”
Napayuko ako habang pinipigilan ang aking mga luha.
“Ang tanga ko, 'no? Ang dami ko nang napansing pagbabago sa kaniya, pero pinili ko pa ring magtiwala.”
“Trusting someone doesn't make you stupid.”
Napatingin ako sa kaniya.
“It makes him unworthy of that trust.”
Hindi ako agad nakapagsalita.
“Pero baka may pagkukulang din ako,” mahina kong sabi.
“Did you cheat on him?”
Agad akong umiling.
“Of course not!”
“Then stop blaming yourself for something he chose to do.”
Napakurap ako. hindi ko alam kung bakit, pero sa simpleng sinabi niya ay parang may bahagyang gumaan sa dibdib ko.
“Thank you,” bulong ko.
Tumango lamang siya.
“Whoever he is, he's a fool.”
Napangiti ako nang pilit.
“You don't even know him.”
“I don't have to.”
Ilang sandali kaming natahimik. Pagkatapos, napatingin ako sa kaniya.
“Are you married?”
Bahagyang umangat ang kaniyang kilay.
“Why? Are you interested?”
“What? No!”
Agad akong napatuwid sa pagkakaupo.
“I was just asking!”
Bahagya siyang ngumiti.
“Relax, Aya. I'm teasing you.”
Napairap ako.
“Very funny.”
“I was married,” sagot niya pagkatapos. “I'm a widower.”
Biglang nawala ang ngiti ko.
“Oh. I'm sorry.”
“It's alright.”
“Do you have kids?”
“Yes. A son.”
Napangiti ako.
“How old is he?”
“Twenty-six.”
Halos mabilaukan ako sa tubig na iniinom ko.
“What?!”
Napakunot ang noo niya.
“Is there a problem?”
“Twenty-six na ang anak mo?”
“Yes.”
Napatingin ako sa mukha niya.
“Wait. How old are you?”
“Forty-three.”
Nanlaki ang mga mata ko.
“Forty-three?!”
Bahagyang umangat ang kaniyang kilay.
“Do I look older?”
“No! Actually, you look—”
Bigla akong tumigil. Diyos ko. Bakit ko ba sinimulan iyon?
“I look what?” tanong niya.
Agad kong iniwas ang tingin.
“Nothing.”
“Aya.”
“What?”
“You were saying?”
Napabuntong-hininga ako.
“Fine! You look younger than forty-three. Happy?”
Sa pagkakataong iyon, malinaw kong nakita ang kaniyang pagngiti.
At grabe. Kung guwapo siya kapag seryoso, mas lalo pala kapag nakangiti.
“A compliment from a beautiful woman,” sabi niya. “I suppose I should be happy.”
Biglang uminit ang aking mga pisngi.
Beautiful woman?
Ako? Agad kong kinuha ang baso ng tubig upang maitago ang aking reaksyon. Diyos ko, Aya. Ano bang nangyayari sa 'yo?
Hindi ka dapat kinikilig sa isang estranghero! Lalo na sa lalaking halos dalawampung taon ang tanda sa 'yo!
“Are you alright?” tanong niya.
“O-Of course!”
“You look nervous.”
“I'm not nervous!”
Bahagya siyang ngumiti.
“Then why are you blushing?”
Napahawak ako sa aking pisngi.
“No. I'm not!”
Mahina siyang natawa.
At sa sobrang hiya, mabilis akong tumayo mula sa stool.
“I think I should go.”
Ngunit dahil sa bigla kong pagtayo, bahagyang umikot ang aking paningin.
Napahawak ako sa counter.
“Whoa—”
Bago pa ako tuluyang mawalan ng balanse, may isang matibay na brasong agad na umalalay sa aking baywang.
“Careful.”
Napatingala ako.
Si Uno iyon. Nakatayo siya sa harapan ko habang hawak ang aking baywang upang hindi ako matumba.
At sa pagkakataong iyon, mas malapit ang aming mga mukha kaysa kanina.
Sa sobrang lapit, ramdam ko ang init ng kaniyang palad sa aking baywang. Naamoy ko rin ang kaniyang pabango na lalong nagpagulo sa aking isip.
“Are you okay?” mahina niyang tanong.
Dapat sumagot ako.
Dapat tumango ako at lumayo.
Pero hindi ko nagawa.
Dahil sa sandaling iyon, ang tanging nagawa ko ay tumitig sa kaniyang mukha. At bago ko pa napag-isipan ang susunod kong gagawin, isang tanong ang biglang lumabas sa aking bibig.
“Uno... can I kiss you?”