Share

Chapter 3

The warm breath against her neck sent little tingles down her spine. Pinakiramdaman ni Reina ang paligid niya. She was pretty sure she locked the door last night. Alam niyang may master key si Estefano pero ang mga tauhan nito ay wala. Nakayakap sa kaniya ang isang braso and their legs are tangled together.

Did something happened last night? Pinakiramdaman niya ang sarili. Wala namang nabago.

Hindi siya makapaniwalang nagkasya silang dalawa sa isang single bed. Estefano is a tall man with a lean body. His muscles are in the right places at ayaw man aminin ni Reina, she had a crush on him years ago when they met at a dinner party held by his brother. Hinintay niyang i-approach siya nito. But he never did, it was Leon who pursued her. Sinabi niya sa sarili na baka hindi siya ang tipo ni Estefan and she let the matter rest.

But now, he made a bold move by taking her without her consent. Ni hindi niya alam kung nasaan sila ngayon. She is supposed to have dinner with Leon last night too at siguradong hinahanap na siya nito.

There were rumours about the Escarra Empire. Alak ang primary business nila, pero may mga usap-usapan na front lang 'yon at bootlegging talaga ang gawain nila. Hindi siya madaling mapaniwala sa mga kwento lang. Kung walang sapat na ebidens'ya, mas nararapat na manahimik na lang.

Reina tried to get up but his arms won't let him. Nilingon niya ang katabi and Estefan is sound asleep.

"I need to go to the washroom," mahina niyang bulong sa lalaki.

Ayaw niyang mairita ito sa kaniya sa umaga dahil ang sabi ni Leon noon ay masama ang temper nito. So far naman ay wala pa itong pinapakitang pag-alma. He's actually been patient with her after kidnapping her. This man— kung inimbita siya nito para magbakasyon ay hindi naman siguro siya tatanggi. Depende sa naka-line up niyang commitments but she will find the time kung hindi naman kaagad. Pero 'yong gulat at paraan nito ng dahas sa pagdala sa kaniya sa isla ay hindi ikinatuwa ni Reina.

Lumaki si Reina sa pagbubunganga ng kaniyang tiyahin and it's irritating to the ears lalo na sa umaga. Her parents separated when she was five at dahil sa edad ay automatic siyang napunta sa kaniyang ina. Okay naman sila nang mga unang buwan hanggang sa makilala ng kaniyang ina ang bagong magpapatibok ng puso nito. Unfortunately, the man didn't want a child in tow kaya iniwan siya ng kaniyang ina sa kapatid na panganay nito. Maagang nabiyuda ang kaniyang Tita Angie at may anak ito— si Suzanne na mas matanda sa kaniya ng isang taon.

Estefano let her go and she went to the washroom. Iba talaga ang mayayaman. Kahit hindi ginagamit ang kwarto at banyo ay fully equipped. Ang magmaintain pa lang ng ganito kalaking bahay sa isla ay malaking halaga na, lalo na siguro kung palaging tinitirhan. Then she realized, she doesn't have extra clothes with her. Nangahas na nga lang siyang pakialaman ang mga damit ni Estefan kagabi. Once she was done with her morning routine, she got out of the bathroom.

Nagulat pa siya nang makita si Estefan na nakadapa pa rin sa kama at pikit. Sa laking tao nito ay sinakop na ang buong kama kaya nailing na lang siya. She never sleeps in. Maagang gumising, maagang matulog— iyon ang nakagawian niya. It paid off dahil naging beauty queen siya. Palibhasa, parehong matangkad ang mga magulang niya. Reina is pretty sure her future child will be tall as well, unless pandak ang mapangasawa niya.

She went to the balcony but because it's still early, the wind is a little cool. Niyakap niya ang sarili but she refuse to go back inside right away. Ang tahimik na isla at hampas ng alon sa batuhan ay nakapagdudulot sa kaniya ng kapayapaan. If the circumstances were different, she would actually like to stay in this island and just swim all day. Kahit ano'ng ipakain sa kaniya ni Estefan ay hindi siya magrereklamo. Pero malakas ang pakiramdam niya, gumaganti ito kay Leon dahil nakuha nito ang company. The last time Leon talked to her, he was inviting her for dinner to celebrate dahil nakuha na raw nito ang para sa kaniya.

Kung tama ang hula niya ay ang empire ng mga Escarra ang tinutukoy nito which will make Estefan really angry. Alam ng lahat na anak sa una si Leon pero hindi ito itinuring na iba ni Mrs. Escarra. Reina learned that from articles in the web. Maganda na ay mabait pa. May God rest her soul. Iisang anak nito si Estefan which makes him the heir to the Escarra Empire. Kung bakit napunta kay Leon ay hindi alam ni Reina. Sa balita kasi ay masyadong sensationalized kaya hindi malaman kung alin ang totoo o hindi.

Someone wrapped her on a blanket, at hindi pa nakuntento— pati braso nito ay pumulupot. Estefan hugged her from behind. Higit pa rin itong mataas sa kaniya but she was able to reach his chin.

"Why are you up so early? You could have used the time to rest," wika ng binata sa kaniya.

"Masikip sa kama. Hindi ako makatulog." On the contrary, she slept very well. Kung hindi lang siya naiihi ay hindi siya babangon.

Estefan snorted. "I thought when people snore, they are having a good sleep. So kapag ikaw ang humihilik, ibig sabihin hindi ka makatulog."

"Tsk. What's for breakfast? I need coffee." Tumikhim siya. "And I actually need clothes." She's wearing the same bra from yesterday and as for the underwear, nakita niya ang bagong boxers ni Estefano. Selyado pa 'yon at bago kaya 'yon ang isinuot niya kagabi.

"May mga damit ako sa closet." Bumitaw ito sa kaniya at naglakad pabalik sa kwarto kaya sumunod siya.

"I meant, my clothes— including underwear and other personal things. Hanggang kailan mo ba ako itatago dito sa isla? You know I can't stay here forever, right?"

He didn't stop walking. Hindi rin nito sinagot ang tanong niya. Tuloy-tuloy lang ito sa paglakad hanggang baybayin ang pababa ng hagdan. Malapit na si Estefan sa kusina nang maabutan niya, pero napatid si Reina sa ibinalabal na blanket nito sa kaniya kanina. She prepared herself for the fall pero hindi nangyari. His body took the fall and she landed on top of him.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
manika36
yieee.. kilig
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status