Share

Chapter 6

Hindi sila natuloy sa bayan pero sabi ni Manang Salud ay hindi naman grabe ang nangyari sa paa ni Reina. Kailangan lang raw na huwag munang gamitin at kung maaari ay sa kwarto na lang muna ang dalaga.

“Paki-alalayan mo muna Sir kapag gusto niyang gumamit ng banyo.”

“Kaya ko naman po, Manang. Kakapit na lang po ako sa—“

“Ako na po ang bahala, Manang. Pakidalhan na lang po kami ng tanghalian dito kapag luto na. Sa balkonahe po kami kakain.”

Tumango ang matanda at nagpaalam na. Naiwan sila ni Reina sa silid.

“Do you want anything?”

“I want to go home,” sagot nito sa kaniya.

“You can’t. At least not right now. Mainit pa.”

Napasimangot si Reina. “Hindi naman ako kasali sa away n’yo. Leave me out of it, Estefan. This is ridiculous!” Hindi siya umimik. “Tingnan mo nga ang nangyari sa akin. Kung hindi mo ako dinala rito, hindi ako madidisgrasya.”

“You have to stay here.”

“Until when?!” Tumaas na ang boses ni Reina “Tomorrow? Next week? A month? Tell me.”

“Until I say so.”

She took the pillow on the side at ibinato sa kaniya. Lalo itong nainis nang makaiwas siya at hinagip na naman ang isa pang unan hanggang maubos. Now they are all on the floor.

“Stop it.” Naghahanap si Reina ng maibabato sa kaniya at nakipag-unahan siya sa remote ng TV nang mamataan ‘yon ng dalaga. Estefan was faster.

“I hate you!” Pumatak ang luha ni Reina.

“You don’t mean that.” He doesn’t like seeing her cry. Kung ibang babae ito ay wala siyang pakialam.

“Just leave. I don’t want to see you.”

Tinitigan niya si Reina saglit at saka lumabas ng pinto. She probably does not want to share a meal with him too kaya hindi niya muna sasabayan. He went downstairs at tinawag ang dalawa niyang tauhan.

“Bantayan n’yo si Reina at kapag humingi siya ng tulong, tawagin n’yo si Manang Salud.”

“Yes, boss.”

Nagtungo siya sa kusina at tinawag si Selma. “Come with me. Iwan mo ‘yan kay Manang.” Excited na nagtanggal ng apron si Selma at inayos ang sarili.

“May pupuntahan tayo?”

Tumango si Estefan. “May bibilhin lang ako sa kabilang isla.”

They took the speed boat at dahil wala namang magtatangka sa buhay niya rito ay hindi na siya nagdala ng maraming kasama. Sapat na si Selma at isang tauhan niya.

“May iba pa bang tindahan dito na pangbabae?”

“Bukod sa palengke? Hmm. Si Lala may mga branded ‘yon na tinda. Medyo mahal nga lang at angkat pa raw sa Maynila. Bakit?” tanong sa kaniya ni Selma.

“Dalhin mo ako sa kaniya.” Hindi niya sinagot ang tanong nito kung bakit.

“Sige. Hindi naman kalayuan ang bahay nila. Pwedeng lakarin mula rito.”

When they reached Lala’s house, agad itong tinawag ni Selma. Kumaway ang babae. Medyo may katabaan ito pero hindi naman sobra. Morena at kulot ang buhok. Pangkaraniwan ang kaniyang hitsura.

“Lala, kasama ko si Sir Estefan. May mga tinda ka pa ba o naubos na?”

“Marami pa nga e kaya tamang tama lang ang dating n’yo. May mga underwear dito. Branded ha! Saka may mga silk din na pantulog galing Bangkok. Walking shorts at blouse mayroon din.”

“Do you have a—“ Napakamot si Estefan sa ulo. Bigla siyang nahiya na magtanong kung may bra na kapartner ‘yong mga panty.

“Bra ba?” natatawang tanong nito sa kaniya. “Siyempre mayroon tayo. Cup A ba o B?” Napangiwi si Estefan. “Hindi mo alam? Malaki ba?”

“Sapat.” Totoo naman na sapat ang dibdib ni Reina. It’s… perfect.

“Ah baka cup B. Mabuti pa e dalawa ang bilhin mo Sir. Para kung hindi kasya e masubukan pa ang isa.” Tumikhim ito. “Para bang kay Selma?”

Namula si Selma pero halata ang kilig.

“Close,” sagot niya kay Lala.

Kumindat pa ang babae kay Selma. Akala siguro ay ito ang binibilhan niya. He did not correct her. Isipin na lang nito ang gusto. Wala siyang pakialam. He continued choosing clothes for Reina. Bukas pa ang dating ni Ale at kailangan ni Reina ng personal na gamit.

May mga sabon at shampoo rin na tinda ito at pamilyar siya sa mga brand na ‘yon. Kumuha rin siya. By the time he finished, halos maubos ang paninda ni Lala kaya pasalamat na pasalamat ito sa kaniya. Selma’s eyes were hopeful. Wala siyang binili para sa babae. Lahat ay para kay Reina dahil ‘yon ang sinadya niya sa isla.

May nakita siyang nagtitinda ng cotton candy at bumili siya ng isang kulay pink at isang kulay asul. Women likes sweets when they are mad. Sa tingin niya ay ganoon din si Reina.

Nakabalik sila sa bahay at inabutan niya ng cash si Selma dahil sa dagdag na trabaho. Hindi nito tungkulin ang samahan siya kanina.

“Hindi ko kailangan. Okay lang ako.” Ibinabalik nito ang pera sa kaniya pero iginiit niya. Ayaw niyang magkaroon ng utang na loob sa babae.

“Extra ‘yon sa trabaho mo. Salamat, Selma. Kapag luto na ay pakisabi sa nanay mo na dalhan kami ng pagkain sa taas.”

Nagtuloy siya sa taas at nadatnan niyang nakadapa sa kama si Reina at yakap ang unan. Bakas ang luha sa mga mata nito na natuyo na. He felt bad pero talagang hindi pa niya ito pwedeng pauwiin.

Ibinaba niya sa kama ang plastic ng mga pinamili niya at naupo sa tabi nito. Hinaplos niya ang pisngi ni Reina at ginawaran ng halik sa pisngi. Naalimpungatan ito at iniwas ang mukha. Isinubsob sa unan.

Humigit ng isang malalim na hininga si Estefan. “Can you give me two weeks? Iuuwi kita pagkatapos.”

Nag-angat si Reina ng mukha. “Talaga?” Tumango si Estefan. Tumihaya ang babae at napatingin sa nasa kama. “Ano ‘yan?”

“Gamit mo. Sumaglit ako sa kabilang isla at bumili nito. Limited lang ang choices kaya sana magkasya. Otherwise, sa palengke tayo bibili,”

Tinulungan niya itong bumangon para makaupo sa kama. Inabot ni Reina ang bag at sinilip ang laman. “Okay naman kung sa palengke. Hindi ako maselan. Napagastos ka pa tuloy.”

“Ayos lang.”

“Is that for me?” Inginuso nito ang cotton candy. “Peace offering mo ba ‘yan?” Nakita niya sa mga mata nito, she likes sweets. Mukhang kaunti na lang ay bati na sila.

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Caroline Parazo
cotton candy lang pala ang katapat mo reina. tefan tambakan mo ng cotton candy haha
goodnovel comment avatar
Miche De Paris
naku cotton candy lang pala katapat niya hahaha
goodnovel comment avatar
manika36
bumigay ka kaagad sa cotton candy Reina.. hehe
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status