Share

Chapter 7

The next day, Reina was feeling a bit better. Iika-ika pa rin pero kapag akay niya ay okay naman. She refused his help the first time, pero nang mainip ay tinanggap din.

Nasa balkonahe sila at nagmemeryenda ngayon ng pakwan. The beach looked inviting.

“Do you want to have a swim?” Hindi na masakit sa balat ang araw.

“I don’t think I can make it downstairs. Baka mamaya ay mapilay na ako sa magkabilang paa.” Kumagat s’ya sa pakwan at nang magkaroon ng kaunting amos sa gilid ng labi ay nag-iwas ng tingin si Estefan. He fought the urge to lick it. 

Hindi madaling kontrolin ang sarili kapag nasa malapit si Reina. Pero ginusto n'ya ito kaya paninindigan n'ya. 

"I'll carry you." 

"Ano? Baka mamaya ay malaglag pa tayong dalawa. Huwag na. Dito na lang ako. Kung gusto mong maligo, tatanawin na lang kita mula rito." She laughed a little and it sent a fuzzy feeling inside him. 

"I won't drop you. Come on. I'll help you change and—"

"Hep! Ano'ng I'll help you change ang pinagsasabi mo r'yan?" Reina's cheeks turned red. 

"Ang ibig kong sabihin, aalalayan kita. I'll turn around when you change para hindi kita mabosohan. I've seen it anyway."

Kumunot ang noo ni Reina. "Saan mo naman ako nakita na n*******d?? Wala akong scandal, ha?! Grabe 'to."

"I meant sa pageant. You were wearing a skimpy bikini." Naalala niya ang hot pink na two piece na suot nito sa swimsuit competition. She was fucking smokin' hot. But of course, he won't admit it to her.

"Hindi skimpy 'yon. Modest pa nga 'yon e. The other girls were showing more skin," pangangatwiran nito sa kaniya. But she doesn't look offended in anyway. 

"Well, it is too skimpy for me. Dapat ang isinuot mo 'yong parang turtle neck." The swimsuit looked perfect on her but knowing the whole world is watching and seeing her like that makes him want to kill everyone. After Leon took everything from him, hindi na siya makapapayag na may kahati.

Never again.

Her face fell. "A speedo??" Tumango si Estefan. Humalakhak si Reina. "You are a funny guy! I did not see that coming." Napailing si Reina habang natatawa pa rin. "I do wear that for snorkeling, pero kung sa pageant— talo na kaagad ako."

Nagkibit balikat si Estefan. "Why did you want to join the pageant anyway? I mean, aren't you a psychologist or something?" 

Saglit na napaisip ang babae. "Hindi ko rin alam. Psychologist ang tinapos ko, but look what I'm doing now. Aside from the boutique, I do commercials and modelling. Sa atin-atin na lang, hindi ko talaga gusto ang kursong tinapos ko." Napakamot s'ya sa kaniyang leeg. "I wanted to be a.... flight attendant!" Nagpigil ng tawa si Estefan kaya pinandilatan s'ya ng babae. "Huwag kang tumawa! Grabe 'to."

Estefan couldn't hold it anymore. "Jeez! How do you go from being a psychologist to a model to businesswoman then a maid?!" 

"A maid?!"

"Aray!" Binato s'ya nito ng balat ng pakwan at tinama s'ya sa noo. He didn't seem the least offended. Mas gusto pa n'ya 'yong ganito. Nakapag-uusap sila ng normal.  "What was that for?" 

"Hindi maid ang flight attendant." Inirapan s'ya nito. "It's actually a very noble job. And I get to travel to different countries and you know, own my time."

"Gusto mo rin lang magtravel, why didn't you choose to be a pilot instead? Ikaw pa ang may kontrol ng manibela." He chuckled. "I have nothing against being a flight attendant, but seriously— you serve food and clean up. Whenever someone needs anything, they call the flight attendant. Anything else they do that I don't know of?" hamon niya sa babae.

Ngumuso ito. "Kahit na. Masaya pa rin 'yon para sa akin. Also, I get to meet people from different walks of life. That's an adventure for me! Palibhasa ikaw ipinanganak ka na may gintong kutsara sa bibig e. Alam mo, sa mga dukhang tulad ko wala akong maraming choice sa mga kurso. Saka ang mahal ng gagastusin ko sa pagpipiloto. Hindi pa man, baon na ako sa utang!" Natawa si Reina at saka uminom ng tubig. "Naisip ko nga lang 'yong Psychology kasi nakita ko ng maraming nakapila saka cute 'yong magiging kaklase ko." 

Umasim ang mukha ni Estefan. "You wanted to take that course because your classmate is cute?" Tumango si Reina. "Ano'ng pangalan?"

"Roberto Villarin, why?"

He's a dead man. Iyon ang unang pumasok sa isip ni Estefan.

"Wala."

Binalewala ni Reina ang tanong niya. "Anyway, he asked me out for coffee at sumama naman ako. Akalain mo, nagpalibre pa?!" Napailing si Reina sa naalala. "Kaya lang pala ako inaya kasi crush n'ya 'yong kaibigan ko— si Jonalyn. Nagastusan pa tuloy ako." 

"He asked you to pay? What a loser!" Hindi pala naging boyfriend ni Reina kaya abswelto na. 

"Loser indeed." Nagpaypay ito sa sarili. "I think I want to swim. Valid pa ba ang offer mo?" Tumango si Estefan. "Naalala ko kasi 'yong nabasa ko. Maganda raw ang tubig alat sa mga karamdaman. And the water is considered therapeutic."

"Okay then, let's go." Tinulungan s'ya ni Estefan na tumayo at maglakad papunta sa kama at iniwan doon saglit. "Which one?" Pinamili niya ito ng swimsuit. 

"The skimpy one," nakangisi nitong sagot sa kaniya. 

Nalukot ang mukha ni Estefan. Talagang sinusubok ni Reina ang pasens'ya niya. Kung bakit naman kasi nagtanong pa s'ya? Wala naman itong magagawa kung pinili niya ng one piece kanina. 

"Fine. How do you want to do this? Do you want me to get a robe or something? You're not going out like that, just so you know. Puro kami mga lalaki rito." 

"The world already saw me wearing a swimsuit and I am pretty sure your men did too." Reina smirked. "So what's the big deal?"

Lumapit s'ya kay Reina at tinitigan ito sa mga mata. "The big deal is you're... mine. And I don't want to share you with the world." Pakiramdam ni Reina ay nanuyo ang lalamunan niya sa sinabi ni Estefan. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status