Crush
Tumayo ako sa harap ng klase at pilit na kinakalma ang sarili dahil sa matinding kaba na nararamdaman. "I-I'm Lana Normina Delfin, ten years old. I was born on September 7. Nice t-to meet you all.." mahinang pakilala ko sa sarili habang nakayuko. Sa Maynila kami nakatira pero noong mawala si Lola at kay Daddy naiwan ang mga pag-aari nila dito sa Santa Cruz ay umuwi rin kami rito at dito na raw maninirahan. Mas gusto raw ni Mommy dito kasi malayo sa syudad ang bahay namin kaya nandito kami ngayon. Ang ate ko lang ang naiwan sa Maynila. I'm not really used in meeting new people. I don't like that idea. Pero wala naman akong choice kasi iyon ang gusto ni Mommy at Daddy. Public elementary school lang ang meron sila dito kaya doon kami pumasok. Wala rin namang problema sa akin actually kahit saan basta maayos ang papasukan ko. "Thank you, Lana." Mabait na sabi ng teacher. "Jannah, may nakaupo ba sa tabi mo?" Tanong niya sa isang estudyante. "Wala po!" Sagot ng batang babae. Nag-angat ako ng tingin kung saan nanggaling ang boses na iyon. Sa badang gitna at pangalawang row nakapwesto ang upuan niya habang bakante naman ang upuan na nasa tabi niya. "Doon ka na maupo, Lana," marahang sabi ng teacher at naramdaman ko pa ang kamay niya sa balikat ko. Marahan akong tumango at lumapit sa upuan nang hindi man lang tinitingnan ang mga bagong kaklase. Alam ko naman na pareho lang ang mga edad namin pero hindi ko pa rin maitatago ang kaba na makisalamuha sa mga bagong bata na katulad ko. They are all close. Ang sabi ni Mommy ko na isang section lang naman daw ang meron dito sa primary school kung saan niya ako in-enroll kaya siguro malapit na silang lahat sa isa't isa kasi simula noon ay magkakasama na sila. It's hard for me. I don't know how to communicate and I'm still new here, so I don't know anyone aside from my cousin, Baron. But he's a guy. Hindi ko alam kung gugustuhin niya ba na samahan ako dito sa school. And we're not actually close since we only see each other kapag may family gatherings or events. Kapatid ni Daddy ko ang Mommy niya. Santa Cruz ang home town nila pero pinili ng Daddy ko na sa Manila manirahan kasi nandoon ang mga business niya habang sina Tita naman ay hindi na umalis dito dahil taga-rito din ang asawa niya. Same subdivision lang kami nakatira, sa Pedro Guevara pero different street. Kaya siguro kay Daddy na lang binigay ang bahay kasi bukod sa siya naman ang panganay sa kanilang dalawa, may sariling bahay na rin sina Tita. "Sa private ka nag-aral? Sabi ni Ma'am galing ka daw sa private kaya tahimik ka," pagkausap sa akin ng katabi ko. Ilang araw rin ang dumaan simula noong pumasok ako rito bago niya ako kinausap ng ganito. "Yes..." mahinang sagot ko. Although I know we can afford the expenses, my parents chose to enroll us in public school. I don't know why. "Ah, ikaw lang ba ang mag-isa don? Wala ka sigurong kausap kaya tahimik ka." Natahimik ako ng mabakas ang pang-aasar sa tono ni Jannah at hindi na ulit ako kinausap pa. Hindi ko na lang siya pinansin at umayos ng upo. Sinubukan ko na kunin ang panyo sa bulsa ng palda ko pero nang walang makapa at hinanap ko iyon sa bag ko at sa ilalim ng notebooks ko na nakapatong sa table ko. "Panyo mo," Nag-angat ako ng tingin nang ilahad ng kung sino sa harap ko ang panyo na kanina ko pa hinahanap. Hindi ko siya kilala at ngayon ko lang napansin na siya pala ang nakaupo sa likuran ko. "Nalaglag kasi," dagdag pa niya nang hindi ko pa iyon kuhanin. "Thank you.." marahang sagot ko at kinuha na iyon. "Tanga mo, Krypt!" natatawang sabi ng lalaki na nakaupo sa kabila. Bahagya pa akong nagulat sa salitang lumabas sa bibig niya. Sabi ni Mommy ko na bad words iyon at hindi dapat sinasabi. Hindi natuloy ang pagpihit ko pabalik sa harap at nilingon ang lalaki. Natatawa siyang nakatingin dito sa lalaking nasa likuran ko na binato lang siya ng nilukot na papel at pagkatapos ay nakangiting bumaling sa akin. "Huwag mo siyang pansinin," tumango na lamang ako sa sinabi ng lalaki. "Lana," tawag sa akin ni Baron na unang beses niyang ginawa. Noong bumisita sila sa bahay noong nakaraan para kumustahinnkami ay nagbilin din si Daddy sa kaniya. Iyon siguro ang dahilan kaya lumapit siya sa akin ngayon. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "Bakit?" Marahang tanong ko nang makalapit siya. Bumaba ang tingin ko sa bote ng tubig na nilapag niya sa mesa ko. "Hindi ka lumabas kaninang recess, nagmeryenda ka ba?" Nakakunot ang noong tanong niya. Muli kong inangat ang paningin sa kaniya. "May dala ako.." Tumango lang siya at nakita ko pa ang pagsulyap niya ng tingin sa likuran ko bago siya umalis. Kinuha ko naman ang tubig at uminom doon. "Ang ganda ng sulat mo," napasinghap ako at gulat na napatingin sa likuran ko. Nakatayo ang lalaki sa likod ko at nakatingin sa notebook na sinusulatan ko ng notes. Wala kaming teacher ngayon pero nag-iwan siya ng mga susulatin. Tumikhim ako. "Uh, medyo lang," "Oo nga, ang ganda ng sulat mo!" Natatawang sabi ng lalaki at umakbay sa naunang lalaki. I failed to know their names kasi ako lang naman ang nagpakilala noong first day. Basta sila 'yung dalawang lalaki na nag-asaran pagkatapos ibalik sa akin ang panyo ko. "Sulat mo rin ako," sabi ng lalaking nakaupo sa likuran ko. "Gago!" Malakas na tumawa ang lalaking nakaakbay sa kaniya at mahina pa siyang sinuntok sa tiyan. "Ano ba? Umalis ka nga!" Inis na tinulak niya ang lalaki pero makikita naman na nagpipigil lang siya ng ngiti. "Uh, hindi pa kasi ako tapos, e—" "Ano ba?! Ang gulo niyo!" Natigilan ako pati na ang dalawang lalaki nang sumigaw si Jannah. "Kinukulit niyo, hindi naman 'yan maganda!" Inis na dagdag niya pa. Ako ba? Why does she sounds so irritated? "Maganda kaya siya," sagot ng lalaking nasa likuran ko na tumingin pa sa akin at ngumiti. "Naiinggit ka ba, Jay? Nandito naman si Julius kung gusto mo," tinuro niya pa ang lalaking tinulak niya kanina. So, Julius ang pangalan nung isa. "Gago! Hindi na!" Mariing reklamo ni Julius na tinawanan lang nitong lalaki. "Yuck!" Tila nandidiring hiyaw ni Jannah. "Yuck daw," natatawa pa ring sabi ng lalaki kay Julius. "Gago, Krypt, tigilan mo 'ko!" Reklamo ni Julius at umalis. Krypt. So, this boy is Krypt. "Krypt! Tapos ka na ba?" Tanong ni Baron mula sa kabilang side ng room. Napatingin ako sa kaniya at kumunot ang noo nang makitang nakapamaywang pa siyang nakaharap sa amin at matalim na nakatingin kay sa lalaki. "Hindi pa," balewalang sagot niya. "Tinatanong ko si Lana kung pwedeng siya ang magsulat." "Tantanan mo nga ang pinsan ko at ikaw ang magsulat ng sa 'yo!" Tila naiirita nang sabi ni Baron. "Sige, sungit," Bumaling ako kay Krypt at bahagya pang nagulat nang makitang nasa akin pa rin ang paningin niya at nakangiti ng matamis. Umiwas na lang ako ng tingin at pinagpatuloy na lang ang ginagawa kong pagsusulat. "Lana, sabay ka sa 'min maglunch!" Tawag sa akin ng president ng klase. Sa pagkakatanda ko Sharlene ang pangalan niya. Unang beses niya akong kinausap noong mapasama ako sa officers nila at sinabi niya na tutulungan niya naman daw ako since bago nga lang ako. Bumaba ang tingin ko sa lunch box na nasa mesa ko at hindi ko pa nabubuksan. Sa kabilang bahagi siya ng room nakapwesto kaya kailangan ko pang tumayo para makalapit sa kanila. May katabi siya na dalawa pang babae. "Ikot mo na lang muna 'yang upuan para makaharap ka sa amin," aniya na tinuro ang upuan sa harap niya. Bago ko pa maibana ang lunch box na hawak ko para sana buhatin ang upuan ay may nauna ng gumawa noon sa akin. "Ako na." aniya ni Krypt na siyang gumawa noon. "Upo ka na," minuwestra niya pa sa akin ang upuan na nakaharap na ngayon kina Sharlene. "Thank you.." sabi ko sa kaniya bago naupo. "Crush mo ba si Lana?" Bigla ay tanong ni Sharlene dahilan para gulat akong tumingin sa kaniya. Tinaasan lamang niya ako ng kilay at ngumiti ng nakakaloko. Wala akong narinig na sagot mula kay Krypt pero tumawa ang tatlong babae na nasa harap ko. Hindi ko rin naman makita kung may ginawa ba siya dahil nakatalikod ako sa kaniya. Naramdaman ko na lang na wala na siya sa likod ko. Pagbaling ko sa kanan ko ay nandoon na siya at naglalakad palapit kina Julius. I think having crushes is normal even for kids like us. I was in Grade 2 when I first felt being attracted to someone opposite to my gender. But that's it. Crush ko lang naman kasi gwapo.Rejected “Oh, right! The rooms.”“Marami naman silang rooms here kaya walang magiging problem, though sinabi na namin kay Krypt at sa mga caretakers na hindi natin gagamitin lahat. Iyong mga malalaking rooms lang na kasya tatlo hanggang limang tao.” Paliwanag ni Lorraine. “So!” Mahina niyang hinampas ang cardboard na hawak. “Gumawa na agad kami ng list kung sino ang magkakasama!”“Magkasama kami ng girlfriend ko!” Sigaw ni Louie mula sa grupo ng mga lalaki na palapit na rin pala sa pwesto namin.Blangko siyang tiningnan ni Lorraine habang ang iba ay pinagtampulan sila ng tukso. Sa pagkakaalam ko kasi, sila lang talaga ang nagkatuluyan sa batch namin. As in sa batch namin.Tiningnan ni Lorraine si Gracie na nagkibit-balikat lang at ngingisi-ngising kumain ng tsitsirya na hawak.“Hayaan mo na yan sila, Lorraine! May iba naman silang makakasama sa room kaya wag kang mag-alala.” Natatawang aniya ni Kelly.“Kasama ko
Kiss Nagising ako nang maramdaman ang paghinto ng sasakyan at mahinang usapan ng mga kasama ko. Pupungas-pungas pa akong umalis sa sinasandalan ko nang umandar na ulit ang sasakyan.“Huminto ba?” Salubong ang kilay na tanong ko at naniningkit ang mga mata na tumingin sa harapan nang makitang may iba na kaming kasama na nakaupo sa tabi ni Ren.“Yeah, just to get my friends. You can sleep more.” Sagot ni Krypt at siya mismo ang umayos ng jacket na ngayon ko lang napansing nakapatong na pala sa akin.“Okay,” sinandal ko na lang ang ulo ko sa sandalan at pumikit na lang ulit. Naramdam ko lang na may humawak sa ulo ko bago ako tuluyang nakatulog.“I’m not backing down this time.”Nagising ako sa mahihinang pagkalabit sa ilong ko. I crunched my nose and moved away from that thing. Salubong na agad ang mga kilay ko nang magmulat ako ng mga mata at ilang beses na pumikit dahil sa liwanag na bumungad sa akin.“San na tay
Direct “Did you had fun?” Tanong ulit niya ilang sandali.“I did.” Sagot ko ulit. “Uhm, do you need anything? I was actually wondering kung bakit tumawag ka sa ‘kin.”Ilang saglit siyang tumahimik at hindi sumagot. Tumikhim siya. “What time will you leave tomorrow? Sabay ba kayo ni Baron?”“Nope, kay Grace ako sasabay bukas.” Sagot ko at pagkatapos ay kumunot ang noo. “Umaga raw ang usapan, hindi ba? 7 to 8? Mas maagad raw mas maganda.”“Right.” Marahang sagot niya.“Mas maaga ka bang kailangan don? I mean, ikaw ang owner ‘di ba? At sponsor?”“Hmm. Si Kelly ang maagang pupunta para ma-double check lahat together with Lorraine. Hindi ako kailangan don.” Tumikhim ulit siya. “You knew?”“Ren told me.” I heard him groaned. Kumunot ang noo ko. “Bakit? May nangyari ba?”“Yeah..” bulong niya. “I was hurt.”“Oh,” tanging nasabi ko na lang. Wala na akong balak usisain pa ang nangyari sa kaniya kasi wala naman akong karap
Date Lumabas ako ng sasakyan ni Ren at tumayo muna ss gilid ng kalsada. Humarap ulit ako sa kaniya at nakangiting kumaway mula sa labas. Tinted kaya hindi ko siya makita pero bumusina siya ng isang beses bago tuluyang pinaandar paalis ang kotse.Sandali ko pa siyang sinundan ng tingin bago ako nagpasyang pumasok na sa loob pero bago pa ako makalapit sa may gate ay nakita ko na si Krypt na lumabas ng pinto at naglalakad na palapit. Diretso lang siyang nakatingin sa akin. Parehong nakalagay sa bulsa ng pants ang mga kamay. Nakapagpalit na siya ng damit. Naka-polo.Bumuntong hininga ako at nagpatuloy na lang sa paglalakad. Nauna siyang nagbuksa ng pinto kaya saglit akong huminto sa harapan niya para mangamusta lang.“Good afternoon.”“Afternoon.”Napakurap ako at napatitig sa papalayo na niyang bulto. Sinundan ko pa siya ng tingin hanggang sa pumasok siya sa loob ng sasakyan niya. Bumusina ng isang beses bago pinaa
Owner Pagkatapos dumaan sa opisina ni Engineer Miranda ay dumiretso na rin ako agad sa mall. Tumigil muna ako sa isang pancake house at uminom ng hot chocolate habang naghihintay. Habang hawak ang tasa at hinihipan ang mainit na laman noon ay napatingin ako sa phone ko nang bumukas iyon dahilan sa isang notification. Text message. Binaba ko na muna ang tasa para kuhanin iyon at tuluyang buksan ang phone ko. Ren:Where are you? Me:Pancake house Nilapag ko na ulit ang phone ko sa mesa at naghintay sa akniya habang kumakain ng waffles at umiinom ng chocolate. Sarap talaga. I love sweets so much! Or food in general.“Pahingi.”Nag-angat ako ng tingin nang may magsalita sa harapan ko at basta na
That's good “Bye na. Say ‘hi’ to Geida for me.” “Yeah, yeah, I will.” Huminto ako sa harapan ni Krypt at pinatay ang tawag saka binaba iyon at tinuGo sa clutch ko. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at pinagtaasan siya ng kilay. “Si Baron?” “In his room.” “Oh, okay,” binasa ko ang mga labi ko at tumingin sa may sofa sa living room. Bahagya akong ngumuso. “Hindi ka pa ba uuwi? Baka may kailangan ka pang gawin?” “Pauwi na.” Sagot niya. “May pupuntahan ka? Ihahatid na kita.” Tipid akong ngumiti at umiling. “Nah, commute na lang ako. At lasing ka rin kagabi, dapat nagpapahinga ka muna.” “I’m fine. Hindi naman ako nalasing.” Mabilis na sagot niya pero agad ring tinikom ang bibig nang makita ang pagtalim ng tingin ko sa kaniya. “Kung ganon, umaarte ka lang pala kahapon?” Umirap ako at humalukipkip. “I’m not. Nabored ako sa pinag-uusapan nila kaya inantok na ako at gusto nang matulog.” Paliwanag niy