Share

Chapter 2

Author: alleyraaam
last update Last Updated: 2025-04-24 19:05:30

Attention

‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎

The next months of staying here became fun. Nagkaroon ako ng time na makipaglaro sa kanilang lahat. Every lunch break, nagyayaya ang mga kaklase ko na maglaro kahit pa nga ang iba ay pinipiling hindi sumali kasi may iba silang ginagawa. But it's fine with me, as long as there's someone who invites me to play with them. Even Jannah is now letting me play with her.

That's all I want. Having friends I could play with.

"Mabait ba 'yan? Lumalabas din naman 'yan," dinig kong bulong ni Jannah pagkatapos kaming pagalitan ng teacher namin dahil lumabas ang lahat ng estudyante sa section namin sa oras ng klase para maglaro. "Bait-baitan lang 'yan,"

Hindi na ako nagsalita at nanatiling nakayuko na lang. I thought we're now okay since she already played with me. But why am I being mocked here? Pinili ko lang naman na huwag lumabas kasama nila dahil oras ng klase at ayokong mapagalitan oras na makita kami ng mga teachers. Mali ba iyon?

Mas lalo ko lang napatunayan ang inis niya sa akin pagkatapos ko siyang makita na ginagalaw ang bag ko nang makarating ako sa room galing sa canteen.

"Jannah!" Sigaw ko sa kaniya at mabilis na lumapit para kuhanin ang bag ko pero mabilis na hinagis niya iyon kay Niana. "Akin na 'yan!"

"Titingnan lang namin ang laman," nakangising aniya ni Niana at siya naman ang naghalungkat sa bag ko.

"Wala ka namang makikitang kakaiba riyan," marahang sabi ko habang pinanonood sila na paikot-ikutin ang mga gamit na naroon.

Break time ngayon kaya wala ang ibang mga kaklase namin. Ang mga nandito naman sa loob ay hindi binibigyang pansin ang nangyayari.

"Wala nga," maya-maya ay sabi ni Niana at inabot kay Jannah ang bag.

"Wala pa lang kwenta 'tong bag mo, e." Hinagis ni Jannah pabalik sa akin ang bag at sabay na umalis silang dalawa ng room.

Bitbit ang bag at pagkain na binili ko sa canteen ay tinungo ko ang upuan ko at nilabas doon ang mga gamit ko para ayusin.

"Bakit dito ka nag-aayos ng bag?" Biglang sumulpot si Krypt sa gilid ko.

Sandali ko pa siyang tiningnan bago bumalik sa ginagawa. "Nagulo kasi," sagot ko, wala ng plano na sabihin pa ang detalye.

Natigilan ako ng makitang kumuha siya ng isang notebook at binuklat iyon. Naupo pa siya sa lamesa ng upuan niya.

"Ang ganda ng sulat mo tapos ang linis pa," kumento niya habang tintingnan ang bawat pahina ng notebook ko. "Nasaan pala si Baron?" Tanong niya nang hindi ako magsalita.

"Hindi ko alam, e," sagot ko at nilahad ang kamay ko sa harap niya para kuhanin ang notebook ko. Nakangiting inabot naman niya sa akin iyon.

"Hindi ka palasalita, ayaw mo ba kaming kausap?"

Bahagya akong nagulat sa tanong niya para hindi ko iyon pinahalata. "Wala naman akong sasabihin..."

Napatitig siya sa akin at bahagyang natawa. May nakakatawa ba sa mukha ko? "Cute mo,"

Napakurap-kurap ako sa sinabi niya pero hindi ko na nagawang magsalita pa tungkol doon dahil umalis na siya pwesto niya at nilapitan ang isang lalaking kaklase namin. Hindi sila magkasama ni Julius ngayon.

Pagdating ng klase ay nagsulat lang kami ng lesson kasi tapos na iyong ituro. Palapit na rin ang exam kaya siguro pinapasulat sa amin para may reviewer kami.

Nagulat ako at nilingon si Jannah nang ipatong niya ang notebook niya sa ibabaw ng notebook ko dahilan para matigil ako sa pagsusulat.

"Isulat mo ako, tinatamad na ako, e." Pag-uutos niya at humalukipkip na sa kaniyang upuan. Hindi man lang ako binigyan ng pagkakataong umangal.

"Pero nagsusulat pa ako," marahang sabi ko.

"Unahin mo muna 'yung sa akin!" Inis na sagot niya.

Magsasalita pa sana ako nang boses naman ni Krypt ang marinig ko at naramdaman ko pa ang presensya niya na nasa likod ko.

"Lana, sulat mo 'ko," pinatong niya rin ang notebook sa mesa ko, sa ibabaw ng notebook ni Jannah.

"Ako rin!"

"Anong ikaw?! Ako muna!" Pakikipagtalo ni Krypt kay Julius.

"Edi ikaw, basta sulat mo din ako, Lana!" Laban ni Julius na inaabot na rin ang notebook niya.

Ano bang problema nila? Nagsusulat din naman ako ng para sa akin at hindi ko matatapos lahat ng 'to sa maikling oras lang.

"Huwag, Lana, 'yung akin lang dapat." Siniksik ko ang katawan ko sa upuan nang lumipat si Krypt sa gilid ko upang harangan si Julius.

"Ang gulo niyo, Krypt!" Sigaw ni Jannah sa dalawang lalaki.

"Huy, tumigil na kayo," dinig kong saway ni Sharlene sa kanila. "Krypt,"

"Nagpapasulat lang naman ako—"

"Ibalik mo 'yan sa kanila." Lahat kami ay lumingon sa harap kung saan nakatayo si Baron at matalim ang tingin sa dalawang lalaki.

"Baron naman!" Reklamo ni Julius.

Hindi pinansin iyon ni Baron at lumapit lang siya sa amin para kuhanin ang mga notebook na nakapatong sa mesa ko. "Kanino 'tong mga 'to?"

"Akin 'yan," kinuha ni Krypt ang notebook na hawak ni Baron at nakakalokong ngumiti bago umalis sa gilid ko.

"At ito?" Tukoy niya sa isa pang notebook na nasa mesa ko. "Kababaeng tao hindi magawang makapagsulat sa sariling notebook." Tinangka niyang kunin iyon pero naunahan na siya ng katabi ko.

"A-Ako na ang magbibigay sa may ari nito.." mahinang aniya at nag-iwas ng tingin. Kapansin-pansin din ang pamumula ng pisngi niya.

"Bumalik ka na sa ginagawa mo, Lana," sabi ni Baron na hindi pinansin ang sinabi ni Jannah.

"Okay.." mahinang sagot ko.

Lunch break ng maupo ako sa upuan na malapit sa pinto kasama sina Sharlene. Katatapos lang namin kumain at wala rin ang iba naming kaklase rito sa loob.

"Pasensya ka na kay Jannah, mabait 'yon, ewan ko kung bakit bigla ka na lang inaway." Sabi ni Sharlene.

Nag-iwas ako ng tingin at pinanood ang ilang lalaki na parang may pinag-uusapan. Kasama rin nila 'yung kuya ni Krypt na kanina ko lang nakilala. Katabi lang kasi namin ang room nila kaya nagpunta siya rito ngayon.

"Okay lang, hindi ko na lang siya papatulan." Sagot ko kay Sharlene.

"Ikaw na lang ang taya!" Natatawang sabi ni Krypt at tinuro si Louie.

Mukhang may binabalak na naman silang laruin at nagtuturuan kung sino ang magiging taya. Bakit sila mag-maiba taya para mas mabilis?

"Bakit ako?!" Reklamo ni Louie.

"May crush si Jannah kay Baron! Sumbong mo siya para tigilan ka na niya!" Suhestyon niya dahilan para gulat akong lumingon sa kaniya.

"Si Baron? Talaga?" Nanlalaki ang matang tanong ko.

"Oo, crush niya 'yon! Kaya sabihin mo na inaaway ka para pagalitan siya at tigilan ka na."

"Baka lalo lang akong awayin no'n," nakangiwing sagot ko.

Kapag sinumbong ko siya kay Baron at sinaway nga siya nito, edi sa akin pa rin magagalit 'yon kasi siniraan ko siya sa crush niya.

"Oh! Ikaw ang taya!" Hiyaw ng mga lalaki.

Lumingon kami sa kanila at pinanood kung paano silang maghabulan sa loob ng room. Hindi na ako sumali kasi ayaw ko munang magpagod ngayong araw.

Nagtama ang mata namin ni Krypt. Ilang sandali ay gumuhit ang nakakalokong ngiti sa labi niya bago tinawag si Louie na siya pa ring taya.

"Lahat ng nandito sa room kasali, ha!" Sigaw niya at nilahad ang kamay sa direksyon ni Louie.

Lumingon din sa akin ang lalaki at ngumisi. Lumapit siya kay Krypt at mabilis na hinampas ang kamay sa nakalahad na kamay nito. Base sa ngiting ipinakita nilang dalawa, hindi maganda ang mangyayari sa akin.

Mabilis na umalis ako sa pagkakaupo at agad na tumakbo nang makitang tumakbo na si Krypt papunta sa direksyon ko. Hindi ko pa napigilang sumigaw dahil ang bilis niya! Syempre! Sumasali 'yan sa laro kapag intrams at ang malala pa ay iyong sports na para sa takbuhan!

"Hindi ako kasali!" Sigaw ko sa kaniya nang huminto ako sa may pinto dahil bigla siyang umikot pabalik para sana salubungin ako kung hindi ko lang nakita.

"Kasali lahat!" Ngingisi-ngisi niyang sagot at muling tumakbo.

Nagulat ako nang biglang harangan ni Louie ang daraanan ko kaya mabilis akong lumiko sa mga upuan, sinusubukang hindi magulo iyon kahit pa nga nagulo na dahil sa naunang pagtakbo ng mga lalaki.

"Madaya!" Sigaw ko kay Louie.

Tumawa lang siya. "Naghahabulan pa kayong mag-asawa."

"Takbo lang," natatawang sabi ng kapatid ni Krypt nang madaanan ko siya.

"Ang bilis mo pa lang tumakbo," kumento ni Krypt nang tumigil siya sa loob.

Tumigil din ako sa bandang pinto kung saan walang harang para mabilis akong makatakbo kapag sumugod siya. Habol ko na ang hininga ko! Ilang sandali lang mapapagod na ako nito.

"Ang bilis mong tumakbo!" Napapadyak pang sabi ko.

"Syempre," nanlaki ang mata ko nang mabilis na naman siyang tumakbo at dahil medyo nakakaramdam na ako ng pagod ay hindi ako nakapag-react agad.

Sa huli ay nataya niya ako. Sinubukan ko siyang habulin para sana tayain pabalik pero mas mabilis siya sa akin kaya hindi ko siya maabot-abutan.

Right.

Mas mabilis siya sa akin. Magawa ko mang makahabol sa kaniya, hindi ko pa rin siya maabutan dahil mabilis din siyang nakakahanap ng paraan para makaliko.

"Uy, Krypt, may gusto ka kay Marla?"

Maybe because of a young age kaya mabilis ma-attract ang tao. Like how he pays attention to me the first time and then suddenly ignores me like he didn't know me at all.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Echoes of the Heart   Chapter 34

    Rejected‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎“Oh, right! The rooms.”“Marami naman silang rooms here kaya walang magiging problem, though sinabi na namin kay Krypt at sa mga caretakers na hindi natin gagamitin lahat. Iyong mga malalaking rooms lang na kasya tatlo hanggang limang tao.” Paliwanag ni Lorraine. “So!” Mahina niyang hinampas ang cardboard na hawak. “Gumawa na agad kami ng list kung sino ang magkakasama!”“Magkasama kami ng girlfriend ko!” Sigaw ni Louie mula sa grupo ng mga lalaki na palapit na rin pala sa pwesto namin.Blangko siyang tiningnan ni Lorraine habang ang iba ay pinagtampulan sila ng tukso. Sa pagkakaalam ko kasi, sila lang talaga ang nagkatuluyan sa batch namin. As in sa batch namin.Tiningnan ni Lorraine si Gracie na nagkibit-balikat lang at ngingisi-ngising kumain ng tsitsirya na hawak.“Hayaan mo na yan sila, Lorraine! May iba naman silang makakasama sa room kaya wag kang mag-alala.” Natatawang aniya ni Kelly.“Kasama ko

  • Echoes of the Heart   Chapter 33

    Kiss‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎Nagising ako nang maramdaman ang paghinto ng sasakyan at mahinang usapan ng mga kasama ko. Pupungas-pungas pa akong umalis sa sinasandalan ko nang umandar na ulit ang sasakyan.“Huminto ba?” Salubong ang kilay na tanong ko at naniningkit ang mga mata na tumingin sa harapan nang makitang may iba na kaming kasama na nakaupo sa tabi ni Ren.“Yeah, just to get my friends. You can sleep more.” Sagot ni Krypt at siya mismo ang umayos ng jacket na ngayon ko lang napansing nakapatong na pala sa akin.“Okay,” sinandal ko na lang ang ulo ko sa sandalan at pumikit na lang ulit. Naramdam ko lang na may humawak sa ulo ko bago ako tuluyang nakatulog.“I’m not backing down this time.”Nagising ako sa mahihinang pagkalabit sa ilong ko. I crunched my nose and moved away from that thing. Salubong na agad ang mga kilay ko nang magmulat ako ng mga mata at ilang beses na pumikit dahil sa liwanag na bumungad sa akin.“San na tay

  • Echoes of the Heart   Chapter 32

    Direct‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎“Did you had fun?” Tanong ulit niya ilang sandali.“I did.” Sagot ko ulit. “Uhm, do you need anything? I was actually wondering kung bakit tumawag ka sa ‘kin.”Ilang saglit siyang tumahimik at hindi sumagot. Tumikhim siya. “What time will you leave tomorrow? Sabay ba kayo ni Baron?”“Nope, kay Grace ako sasabay bukas.” Sagot ko at pagkatapos ay kumunot ang noo. “Umaga raw ang usapan, hindi ba? 7 to 8? Mas maagad raw mas maganda.”“Right.” Marahang sagot niya.“Mas maaga ka bang kailangan don? I mean, ikaw ang owner ‘di ba? At sponsor?”“Hmm. Si Kelly ang maagang pupunta para ma-double check lahat together with Lorraine. Hindi ako kailangan don.” Tumikhim ulit siya. “You knew?”“Ren told me.” I heard him groaned. Kumunot ang noo ko. “Bakit? May nangyari ba?”“Yeah..” bulong niya. “I was hurt.”“Oh,” tanging nasabi ko na lang. Wala na akong balak usisain pa ang nangyari sa kaniya kasi wala naman akong karap

  • Echoes of the Heart   Chapter 31

    Date‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎Lumabas ako ng sasakyan ni Ren at tumayo muna ss gilid ng kalsada. Humarap ulit ako sa kaniya at nakangiting kumaway mula sa labas. Tinted kaya hindi ko siya makita pero bumusina siya ng isang beses bago tuluyang pinaandar paalis ang kotse.Sandali ko pa siyang sinundan ng tingin bago ako nagpasyang pumasok na sa loob pero bago pa ako makalapit sa may gate ay nakita ko na si Krypt na lumabas ng pinto at naglalakad na palapit. Diretso lang siyang nakatingin sa akin. Parehong nakalagay sa bulsa ng pants ang mga kamay. Nakapagpalit na siya ng damit. Naka-polo.Bumuntong hininga ako at nagpatuloy na lang sa paglalakad. Nauna siyang nagbuksa ng pinto kaya saglit akong huminto sa harapan niya para mangamusta lang.“Good afternoon.”“Afternoon.”Napakurap ako at napatitig sa papalayo na niyang bulto. Sinundan ko pa siya ng tingin hanggang sa pumasok siya sa loob ng sasakyan niya. Bumusina ng isang beses bago pinaa

  • Echoes of the Heart   Chapter 39

    Owner‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎Pagkatapos dumaan sa opisina ni Engineer Miranda ay dumiretso na rin ako agad sa mall. Tumigil muna ako sa isang pancake house at uminom ng hot chocolate habang naghihintay. Habang hawak ang tasa at hinihipan ang mainit na laman noon ay napatingin ako sa phone ko nang bumukas iyon dahilan sa isang notification. Text message. Binaba ko na muna ang tasa para kuhanin iyon at tuluyang buksan ang phone ko.‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎Ren:Where are you?‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎Me:Pancake house‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎Nilapag ko na ulit ang phone ko sa mesa at naghintay sa akniya habang kumakain ng waffles at umiinom ng chocolate. Sarap talaga. I love sweets so much! Or food in general.“Pahingi.”Nag-angat ako ng tingin nang may magsalita sa harapan ko at basta na

  • Echoes of the Heart   Chapter 29

    That's good ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ “Bye na. Say ‘hi’ to Geida for me.” “Yeah, yeah, I will.” Huminto ako sa harapan ni Krypt at pinatay ang tawag saka binaba iyon at tinuGo sa clutch ko. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at pinagtaasan siya ng kilay. “Si Baron?” “In his room.” “Oh, okay,” binasa ko ang mga labi ko at tumingin sa may sofa sa living room. Bahagya akong ngumuso. “Hindi ka pa ba uuwi? Baka may kailangan ka pang gawin?” “Pauwi na.” Sagot niya. “May pupuntahan ka? Ihahatid na kita.” Tipid akong ngumiti at umiling. “Nah, commute na lang ako. At lasing ka rin kagabi, dapat nagpapahinga ka muna.” “I’m fine. Hindi naman ako nalasing.” Mabilis na sagot niya pero agad ring tinikom ang bibig nang makita ang pagtalim ng tingin ko sa kaniya. “Kung ganon, umaarte ka lang pala kahapon?” Umirap ako at humalukipkip. “I’m not. Nabored ako sa pinag-uusapan nila kaya inantok na ako at gusto nang matulog.” Paliwanag niy

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status