Share

Kabanata 3

Kabanata 3

THE SUV stopped in front of Alexa and she was so joyful. Yay! Nagmamadali niyang kinuha ang kanyang gamit kahit hindi naman siya siguradong makakasakay siya roon. She'll offer the driver anything just to have a ride, money, dead signal smartphone but not just her virginity. E paano kung iyon ang gusto ng lalaki?

Napalunok siya at tila nawala ang interes na makisabay. Baka siya gahasain ng kung sino man ang driver o mga sakay nun. Napatulala siya sa gulong ng sasakyan at nag-isip. Ni hindi na namalayan ni Alexa na ang bintana ng AM SUV ay nakababa na dahil sa pagtatalong-isip niya kung siya ay sasakay pa ba.

Hindi papuntang hasyenda ang takbo ng magarang sasakyan. It just stopped because of her continuous waving. Naroong halos tumalon pa siya kanina para lang magpapansin.

"Tatanga ka na lang ba o sasakay ka?" Masungit na tanong ng lalaki kaya agad na nalipat dun ang kanyang atensyon.

Nalaglag ang mga panga ng dalaga nang makita ang taong nagtatanong sa kanya.

What the hell? Si Aslan ang may-ari ng sasakyan na mas mahal pa sa buhay niya? Hindi siya pwedeng magkamali. Kilalang kilala niya ang sakim na hudyo na ito kahit na ilang taon na ang nakalipas. Walang ibang lalaking may-ari ng ganung mukha, prominenteng mga panga, matangos na ilong, malalim at itim na itim na mga pilik-mata. Not to mention how kissable his thin pouting lips were.

Aslan is half Turkish. His eyes were deep brown in color. Matangkad ito simula pa lang noong dumating sa kanila. Sobrang haba ng buhok nito noon na para bang hindi uso sa probinsyang pinanggalingan nito ang gunting o razor. He has a very brooding and intimidating personality, plus the fact that nobody makes him easily smile except for her mother.

Sobra pa ito sa pasado sa pagiging male lead sa isang drama sa serye o maging sa pelikula. When she says Alsan, it will definitely mean godlike charm and gorgeousness.

At least, kung hindi titingin sa katangian nito na isang mandarambong ng yaman, na kahit inampon na at pinagmalasakitan ay inagaw pa ang lahat sa kanya.

"Alexa!" He woke her up and she immediately ran at the back of the car, when the trunk automatically lifted. Agad niyang isinalya roon ang mga bagahe niya.

Natulala na siya sa pagkilatis sa mukha ng isang hudas.

Pagkabwisit ang naramdaman niya nang hindi talaga siya babain ng herodes niyang adopted brother. He seems changed. Dati, ang Aslan na kilala niya ay inaalagaan siya kahit na pagtarayan niya. Ngayon ay wala itong pakialam kung malaglag ang matris niya sa paglalagay ng bagahe niya sa likod ng sasakyan nito.

She marched to the passenger's side and pulled the door. Napatigil siya nang makita ang lalaking nakaupo habang nakatitig sa windshield na inaandaran ng wipers.

Shit. Ang laki ng ipinagbago ni Aslan. Masyado na itong maskulado at mahaba ang buhok ng kaunti, kaiba sa gupit nito no'n na parating crew cut. Nagupitan lang ito ay nang isama ng Mommy niya sa isang barber shop sa kabayanan. Since then, laging lumalabas ang dalawa para sa gupit. Gupit nga ba?

Now she realized that his hair isn't straight. It was curly.

Tumingin ito sa kanya at umangat ang mga makakapal na kilay, at hindi inasahan ng dalaga na mapapalunok siya ng laway.

"Tatanga ka na lang ba talaga, Alexa?" Masungit na tanong nito sa kanya, "Hindi ka ba binabagyo?"

Sukat sa mga nakakainsultong salita na iyon ay agad siyang natauhan.

Ang hudyo, akala mo kung sinong magsalita, scammer naman. Nakakadalawa na itong tanong kung siya ba ay tanga. Itanong nito sa teachers niya kung siya ba ay tanga dahil valedictorian siya mula elementarya at magsu-summa cum laude sa kolehiyo.

She immediately hopped in and slammed the door. Alam niya sa mga mata niya na ito ay nakatingin sa kanya kaya pinukol niya ito ng masamang tingin.

Wala itong imik na pinausad ang sasakyan na ni tunog ay hindi marinig. It was so thin and inaudible, so classy.

Tumingin ito sa kanya at inisang hagod siya pero ipinagsiklop niya ang mga braso sa dibdib.

"You're soaking wet. Wala ka bang dalang damit?" Seryosong tanong ni Aslan sa kanya pero pinaiiral niya ang katarayan at galit sa lalaki.

Naroon pa rin ang poot niya rito at mawawala lang iyon ay kapag nalipat na nito sa kanya ang lahat ng yaman na inagaw nito sa kaisa-isang heridera.

"You think I will change my clothes here in front of you? What are you, crazy?" Saad niya sa lalaki.

"Then hello, Pneumonia," he answered, "Nagduduktor ka nga ba?" he sarcastically shook his head and it made her feel so ill.

Noon niya naramdaman na parang hindi lang sila ang nasa loob ng sasakyan kaya agad siyang napatingin sa rearview mirror.

Alexa met a pair of light brown eyes and Auburn hair color. Nakatitig sa kanya ang mga mata na iyon.

Pula ang may kakapalan na hugis pusong labi ng babaeng kaya kitang-kita ang nakapinturang na lipstick. This is the kind of woman who looks pretty with makeup. Sino nga ang babaeng ito? Napakasweet naman nito na kahit na bumabagyo ay sumama pa kay Aslan. Sino ba ang hindi rito sasama? Look at this man. He is thick but his wallet is thicker.

Naiinis siyang napahalukipkip at hindi pinagkaabalahan na kilalanin ang babae kung sino kahit na medyo pamilyar ito. Wala siyang pakialam sa kahit na sinong tao.

"Bakit hindi ka makinig sa kuya mo, Alexa?" The woman at the backseat asked.

Muli niya iyong nilingon at inirapan, "Manage your lives. I don't even know you. Isa pa, wala akong kuya. Sino ka ba?"

"Alexa!" Mataas ang boses na saway sa kanya ni Aslan pero agad niya itong pinukol din ng masamang tingin.

"Don't Alexa me! You picked me up with an intruder at the back of your car. Did you explain to her that she's not allowed to command me anything? Sinabi ko bang magdala ka ng Nanay mo?" Pakli niya.

"Hindi niya ako Nanay," mariin na sagot ng babae sa kanya pero ngumisi siya.

"Sorry. You look like Nanay," irap pa niya roon at si Aslan ay napakamot sa sulok ng labi.

Hindi niya alam kung totoo bang kumakati ang nguso nito o nagpapanggap lang na makati. Subukan nitong pagalitan siya sa harap ng babaeng kasama nito at talagang pakakatihin niya ang bunganga nito sa tabil niya.

"Wala kang ugali," galit na sabi ng babae.

"Aslan!" Singhal niya sa binatang nagmamaneho.

"Tama na, Donna. Pabayaan mo siya kung gusto niyang magkasakit o kung anong gusto niya sa buhay niya," anito sa babae kaya relaks na siyang naupo.

Hindi na umimik pa ang babae pero iirap-irap sa rearview mirror. Siguro ay wala itong bahay kaya kahit na bumabagyo ay kasama ng adopted niya.

Maya-maya ay nakaramdam siya ng lamig dahil sa aircon. Nanunoot na sa kalamnan niya ang singaw nun dahil basa ang damit niya.

She hugged herself.

Walang silbi ang sweater niyang suot sa patak ng malalaking ulan kanina. Hanggang panloob niya ay basa.

"Stop the car. I'll get some clothes," utos niya sa lalaki matapos ang halos trenta minutos.

"It is not advisable for us to stop here. Napakalakas na ang hangin at ulan, Alexa. Baka kung anong lumilipad na bagay ang humati sa katawan mo," sagot nito sa kanya.

"Do you want me to catch Pneumonia?" Naiiritang tanong niya kaya agad na tumingin ito sa kanya, galit pero hindi naman umimik.

"Wear my jacket," anito na ang tinutukoy ay ang dambuhala nitong jacket na baka kapag isinuot niya ay abot hanggang talampakan niya.

She's not that tall. Ganda lang ang ibiniyaya sa kanya pero hindi ang height.

"Ayoko nga!" Mataray na sagot niya at nakita niya ang pagbuntong hininga nito.

Kumamot ito sa kilay at nagtanggal ng jacket habang nagmamaneho. Tapos ay isinunod nito ang puting t-shirt na suot.

Napakurap siya.

Pandesal.

May pandesal kahit bumabagyo at hindi lang apat yun, anim malamang.

"Ayan, isuot mo 'yan at sa oras na mag-inarte ka pa, ibabalik kita sa sasakyan mo," malumanay pero galit na sabi nito sa kanya.

Muli nitong isinuot ang jacket. Balewala siyang naghubad ng kanyang damit pero isusuot na lang niya ang t-shirt ni Aslan ay natigilan pa siya at inamoy pa iyon habang kusot ang ilong.

Her eyes moved sideways yo check him but he was already glancing at her.

"Baka amoy lupa," aniya rito.

"Amoy ba?"

Hindi siya umimik. Hindi kasi iyon amoy lupa. Amoy iyong mamahaling pabango kaya isinuot na lang niya kasi wala siyang choice. Naka bra lang siya.

Daig pa niya ang nilulon ng t-shirt ni Aslan mang masuot niya iyon. Halos umabot iyon sa tuhod niya kaya tinanggal na rin niya ang suot na pantalon habang nakaupo.

"Babe, kailan na ba manganganak si Marishka?" Tanong ng babae sa likuran niya na hindi sana niya gustong pakinggan pero kusang pumasok sa mga tainga niya ang boses, boses na pinaaarte.

In her peripheral vision, she saw the woman hugging Aslan's neck.

E di sana all.

"I'm not sure yet pero baka pagkatapos pa naman ng paparating na bagyo. I hope so, Donna."

Haha. Donna! Tawa niya sa isip dahil babe ang tawag ng babae pero Donna ang tawag ni Aslan dun. Atribida kasi at papansin ang babae.

She removed her bra underneath her shirt and crossed her arms over her chest.

Hindi maganda ang vibes niya sa babaeng astang Nanay. Sinulyapan niya ito at nakatingin ito sa kanya.

"What?" She asked, brows shot up.

"Pa-virgin ka pa maghuhubad ka rin naman pala. 'Wag ka ng umastang inosente dahil wala sa itsura mo," daldal nun na halatang inggit lang sa kanya pero ngumiti siya roon.

Iyon ang isang bagay na nasisiguro niya, na virgin pa siya, at ipinagpapasalamat niya na hindi niya iyon ipinagkaloob sa impaktong si Maxus.

"Mas lalong wala sa itsura mo ang virgin!" Nirolyohan niya iyon ng mga mata, "Sa uulitin, ayokong makita ang pagmumukha mo kahit saang parte ng hacienda ko!"

"Ang kapal mo!" Sagot nun sa kanya.

"Will you both damn stop fighting?! Parehas ko kayong ibababa kapag hindi kayo tumigil!" Galit na singhal sa kanila ni Aslan.

"Ang yabang kasi e ngayon lang naman nakaisip na umuwi."

"You don't care. Pakialamera ka!" Sagot naman niya rito.

"Wala ka naman kasing alam kung hindi ang umasa sa padala. You're such a spoiled brat who knows nothing but to ask for an allowance!"

"Donna!" Saway ni Aslan sa girlfriend at siya ay nagpupuyos na husto ang damdamin.

"Did you say that?" Baling niya kay Aslan kasi hindi naman yun masasabi ng babae kung wala itong ikinukwento sa Donna na ito.

"Said what?"

Matatalim ang mga mata ni Alexa na nakatitig lang dito. Mas pinili ng dalaga na huwag iyong sagutin. Makakarating din sila sa bahay at dun niya kokomprontahin ang lalaking ito.

Akala naman siguro ng Donna na ito ay tutuntong pa ito sa hasyenda. Pwes, hindi roon pwede ang atribidang basura.

MM16

Hello. I'm back!

| 2
Mga Comments (9)
goodnovel comment avatar
Christine Sarzuelo
hoping may next ulit mamaya author..tnx
goodnovel comment avatar
John Chloe Sartorio
waaaahhhhhhhhh!welcome back author..wait c Donna ba ay Isa sa mga nagsali Kay Odette sa Fraternity?db meron ka po author un?ano nga po title nakalimutan q nabura na kc..
goodnovel comment avatar
mrsmorris kitchen
Cge bhe. maglagay ng checkpoint sa entrance para walang higad Ang makakapasok
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status