Share

Kabanata 4

Kabanata 4 - Back Home

ITINULOG ni Alexa ang isang oras na nalalabi sa byahe papauwi sa hasyenda.

She didn't want to keep on arguing to a malnourised leech. Hindi nga ba linta ang dapat niyang itawag sa babaeng tulad ng kasama ni Aslan? Masyado iyong makapit sa lalaki na parang aagawan.

Ewww!

Sino nga ba naman ang hindi kakapit sa isang lalaki na nagmamay-ari ng isang Aston Martin na sasakyan, baka bumper pa lang milyon na ang halaga? And this Aston Martin was supposed to be hers and not to this dirty old clinging rag.

"Alexa!" Malakas na singhal ang nagpaitlag sa kanya mula sa pagkakahimbing niya, pero bigla siyang naliyo nang mauntog ang noo niya sa isang matigas na bagay.

Nasapo niya ang noo dahil nakakita siya ng mga bituin.

"Jesus!" Bulalas ni Aslan kaya napamulat siya kahit na siya ay nakangiwi.

Sapo rin nito ang noo at nakapikit din ang isang mata.

Nagkauntugan silang dalawa. Nakapasok ang kalahating katawan nito sa loob ng passenger's side, ginigising siya.

"Did I tell you to get closer to me? Disgrasya ang inaabot ko," masungit na palatak niya rito pero hindi nito pinansin iyon.

"Hurry up! Hindi ako si Superman na di tinatablan ng malakas na ulan!" Anito sa kanya kaya para siyang natauhan.

Bumabagyo nga pala.

"Ang payong! Ang payong!" Sigaw ng isang pamilyar na boses binabae mula sa kalayuan.

Aslan grabbed her seatbelt, and she forced herself not to get affected when his hands brushed against her abdomen.

Napakunot noo siya kung ito ba ay nakatingin sa kanyang belt dahil parang nasa dibdib niya ang mga mata nito.

Hinawakan siya nito sa braso at hinila siya pababa. Nariyan na ang mayordomo na may malaking payong pero bigla na lamang na bumaliktad iyon nang hipan ng malakas na hangin kaya napatili sila nang sabay.

Halos madala si Mang Kiko dahil ayaw bitiwan ang payong. Aslan was quick and grabbed the umbrella, but it was already ruined by the strong wind. Nagkabali-bali na ang mga tadyang ng payong at nakalas ang dahon.

Napapasag-pasag siya dahil kung kaninang nasiraan siya ay malakas na ang ulan, di hamak na mas malakas ngayon at malamang ay red rainfall alert na.

Malalaki ang patak nun at masakit sa ulo kapag tumatama.

"Payooong!" sigaw ni Mang Kiko tapos ay tumakbo pabalik sa mansyon para kumuha ulit malamang ng tinatawag nun na payong.

May maitim na bagay ang pumatong sa kanyang ulo, dahilan para huwag na siyang mabasa pa.

Leather jacket iyon ng binata at agad siyang akbay na inilakad papunta sa mansyon.

"Why haven't you got the driveway relocated and renovated, Aslan? Ang tagal mo dito, di mo man lang naisip na ang layo ng main door sa parking?" Talak niya rito.

Tingin niya ay wala na ang isang driveway sa likod na bahagi ng mansyon dahil kung naroon pa iyon, malamang na dun nito ipaparada para huwag silang mabasa.

Nagsisipag tunugan ang mga yero sa paligid. Ang malalakas na hangin ay nagtataboy ng mga sariwang dahon sa kung saan-saan. Nakikita niya ang delubyo na humahagupit sa napakalawak na bakuran ng mansion.

"Instead of thanking me, you'd still even say that? You're welcome, mi lady," he said with full sarcasm and she was shut.

Pakiramdam niya ay namula ang mga pisngi niya sa itinawag nito sa kanya.

Aslan really has this certain effect of making her blush by his words, since then and now. Galit siya rito pero may mga lumalabas na kataga sa bibig nito na nagpapatahimik sa kanya.

"Bumalik ka na, Mang Kiko!" Sigaw nito hahang ipit-ipit siya sa may kili-kili, hawak ang pandong.

Nasilip niya si Mang Kiko na sasalubungin sana sila, dala na naman ang dalawang payong pero daig pa nun ang miyembro ng CAT na pumihit nang mandohan ni Aslan.

She saw a number of housekeepers, waiting at the portico.

Pakiramdam niya ay napakalayo naman ng pinto ng mansyon. Bakit ganun? Parang ang haba na ng nilalakad nila at di na natatapos pa.

"Where's the leech?" She asked, irritated.

What?"

"Yung buntot mong bwisit. Who else? Huwag ka ngang mag maang-maangan!"

"Diyos ko. Di ako nagmamaang-maangan. Sa hindi ko alam, pipilitin mo ako," anito sa kkanyasa masungit din na tono.

Hubad ito at hindi niya alam kung dapat ba siyang humawak sa katawan nito. Ang lalaki ng hakbang nito sa basang pavement. Parang hindi man lang ito natatakot na madulas sila.

"Hurry up," he told her.

"Sandali nga. Baka ako madulas. Gusto mo na akong mamatay para masolo mo na ang lahat," aniya kaagad kahit na sa totoo ay wala na talaga sa kanyang natira.

Pagtataray na lang ang pantakip niya sa kawalan niya ng karapatan sa lahat.

"That's your thought," he just said and held her tighter.

Napahawak siya sa baywang nito at halos sumabunot siya roon dahil lalo itong bumilis. Kahit na naka-rubber shoes siya ay natatakot siya sa madulas na daan. Parang malumot iyon dahil sa ilang araw ng pag-ulan.

Sa wakas ay narating nila ang portico kaya para siyang napapaso na napabitaw sa binata.

She's damn wet. Tiningnan niya ang sarili at pagkadismaya ang kanyang naramdaman nang makita niyang nakadikit ang basang t-shirt ni Aslan sa kanyang dibdib.

Nakaawang ang labi na tumingin siya sa lalaki at ganun na lang ang pag-init ng mga pisngi niya nang makitang nakatingin ito roon.

But with a blink, he wasn't anymore. Iniabot nito sa isang kasambahay ang jacket saka ito naglakad papasok sa kabahayan.

"I'll get your luggage when the storm is gone. Magsuot ka na muna ng mg lumang damit ni Caroline," aniyon kaya napatanga siya.

What the heck? Magsusuot siya ng damit ng patay na?

"Ayoko!" Inis na napamartsa siya, "Kukunin mo yun o hindi ako magbibihis?" Banta niya kaya parang nalaglag ang mga panga ng mayordomo.

Aslan takes a quick glance st her bossom again. Napakurap ang dalaga dahil para bang sinasabi nito na pakialam nito kung hindi siya magbihis.

"K-Kunin mo na, Aslan. Basa ka na rin naman. Baka magkasakit siya," ani Mang Kiko.

"Kung hindi ka ba naman kasi kalahating pungol, inihatid mo pa yung Nanay mo sa kanila, inabot tuloy tayo ng kalakasan ng bagyo."

"Nandito ang Nanay niya?" Takang tanong ni Mang Kiko.

"Yes, Mang Kiko, yung babaeng malaki ang s**o at mapula ang nguso. Nanay niya yun," aniya pa, hindi tinitikalan ng titig si Aslan sa mata.

Narinig niyang parang natawa ang mga kasambahay.

"Si Donna iyon. Hindi niya Nanay yun, Mahang."

"Astang Nanay kasi," she rolled her eyes.

Walang imik si Aslan na pumihit, nakatingin sa mukha niya. Mukhang kukunin na nito ang luggage niya kaya panalo siya. Nang humakbang ito papalabas ulit ng portico ay napangisi siya sa sarili.

"Halika na at maligo ka tuloy. May heater naman sa banyo kaya hindi ka lalamigin," ani Kiko sa kanya, "Sila pala ang mga kasambahay dito, Mahang. Kapag may kailangan ka, kahit sino ay pwede mong tawagin. Si Aida, Lorna at Fe, Sharon, Cherie at si Dina."

"Hello po, senyorita Alexa," bati ng mga iyon pero isang kiming ngiti lang ang ginawa niya bilang sagot.

"Ang laki mo na," ani Sharon sa kanya. Medyo natatandaan niya ang mga babae na anak ng mga trabahante roon.

"Ang ganda lalo niya. Naalala ko noon ang liit pa niya tapos naging dalagita, dala-dala yung unang nireglahan sa may bukid, hinahanap ang Daddy niya," anaman ni Fe.

Susko.

Naaalala niya iyon. Sa Mommy niya dapat siya lalapit noon kaya lang ay nakita niya na magkasama na naman si Aslan at ang Mommy niya. She even heard her mother, telling him that everything that he sees will be his one day.

Instead of running to her, Alexa ran to her father. She was only eleven at that time and she clearly remembered. It was a bitter memory.

"Kakahiya," aniya na lang pero nagkatawanan lang ang mga iyon.

"Mamaya niyo na ito kwentuhan at paliliguan ko na muna. Baka ito magkasakit," ani Kiko, hila na siya, "Asikasuhin niyo si Aslan. Basang-basa rin iyon ng ulan."

Pumanhik sila sa hagdan habang siya ay lihim na nakamasid sa paligid. May mga nagbago na sa loob ng bahay, kahit sa labas. Mas mordern na ang dating ng mansyon pero naroon pa rin ang makalumang konsepto. Naroon pa rin ang kahoy na sahig, wood tiles na nga lang. Ang hagdan ay dati pa rin, malaki at malapad, gawa sa kahoy pero kumikinang din.

Nabuhay iyon sa mga paintings at halaman sa paligid, mga chandeliers na mamahalin. Ang piano ng lolo niya ay naroon pa rin, ang mga sofa na gawa sa Narra at Mahogany. Everything was well preserved. Kung may mga nagbago man, pinaganda lang at inalis malamang ang mga bulok na bagay dala ng katandaan.

Gusto niyang masupalpal dahil kitang-kita niya kung paano inalagaan ni Aslan ang bahay na mas matanda pa kaysa sa kanilang dalawa. Hindi iyon ang in-expect niya mula sa lalaki. She was expecting that he'd be a lousy rancher. Napakabata ba ni Aslan noong panahon na umalis siya pero parang mas gumanda pa lalo ang hacienda sa pamamahala ng lalaking ito kaysa sa pamamahala ng Daddy niya.

With that thought, her feelings become sour. Nabuhay na naman ang matinding inis niya kay Aslan dahil sa pagpapamukha nun na mas magaling iyon kaysa sa lahat, lalo sa Daddy niya.

"Akala ko hindi ka susunduin ni Aslan. Ninerbyos ako pagsabi mong wala kang kasama. Hindi ka sinamahan ng yaya mo."

"Nagpaalam kasi si Yaya na pupunta sa kanila habang nandito ako. Tiwala siya sa inyo Mang Kiko."

"Syempre naman," nakangiting sagot nito, "Kami ang magkasama na nag-umpisa rito."

She knows that. Ang mga kasambagay ngayon ay ang mga dalaga noon sa kanilang hasyenda. Ngayon ay may mga asawa na malamang ang mga iyon kaya namamasukan na bilang kanilang mga kasambahay nila.

"Pinayagan ko siyang umuwi kasi ang tagal na niyang di nakauwi sa kanila. Ayaw pa naman daw niya akong iwan. She prefers to stay with me in Manila, Manong Kiko."

"Mabuti naman na ganun para may nag-aalaga sa iyo roon."

She smiled and nodded at him.

"Dito ka sa dati mong silid, Mahang."

"Opo, Mang Kiko," aniya nang lumiko ito papunta sa hilera ng mga kwarto nila.

"Hindi na rito umuukupa si Aslan. Naroon siya sa kaliwang bahagi ng mansyon. Di ba at dati ay narito siya, katabi ng kwarto mo? Hindi na mula nang umalis ka."

Malamang kasi ay nakokonsensya iyon sa pang-aagaw ng yaman niya. Ganun lang yun kasimple. Kaya hindi kaya ni Aslan na makita ang kwarto nila dahil maaalala nun parati ang pangmamanipula nun sa kanyang namayapang ina. Maaalala nun kung paano siya nagmukhang kawawa, na parang siya ang sampid sa mga Escobar at hindi iyon.

Mabuti na lang at matatag siya. Mabuti nakilala niya si Maxus. Ang demonyong si Maxus. Nagkaroon siya ng mapaglilibangan, makakausap na tao kaya nagbago ang kanyang buhay nang lumayas siya sa poder ni Aslan. Tapos, ang mukhang sex din na si Maxus pala ang magiging dahilan ng kanyang pag-uwi sa poder ulit ng lalaking kanyang kinabubwisitan.

Comments (4)
goodnovel comment avatar
xmg aban
Thank you! ......
goodnovel comment avatar
Christine Sarzuelo
sana may Isa na nmn mamaya
goodnovel comment avatar
mrsmorris kitchen
parang nakakainis Yung nanay Ni Alexa.
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status