Share

Kabanata Cuatro

Hindi na lang ako nagsalita at tumalikod na lang ako.

"Ma!" tawag niya hindi ko na lang siya pinansin at kumuha na lang ako ng twalya para maligo.

Nang matapos ako maligo lumabas na ako sa banyo namin at nakita ko siyang nanonood ng TV.

"Chris, ikaw muna ang maghugas pupunta ako ng clinic para sa vacination ng anak mo," tawag ko sa kanya lumingon kaagad siya sa akin nang marinig niya ang boses ko.

"Sasamahan kita," sagot niya tumaas naman ang kilay ko sa sinabi niya.

"Wala ka bang pasok sa pinag-trabahuan mo?" tanong ko at inalis ko ang twalya sa ulo ko nakabihis na kasi ako.

"Mamaya na daw ako pumasok sabi ni boss," sagot naman niya sa akin at tumayo siya sa maliit naming sofa.

"Baka hanapin ka nang kalaguyo mo," sabi ko pa rin sa kanya at lumakad papunta sa maliit nilang kwarto.

"Nagsabi naman ako na may lakad ako, Ma sa inyo ang dalawang araw ko na libre kaya pumayag kang samahan kita sa pag-vaccine sa bunso natin," ungot niya naramdaman kong tinabihan niya ako.

"Sige, magtino ka naman, Pa sana.." sagot ko at tumalikod na ako inipitan ko ang bunsong anak ko at naligo sila ng panganay ko sa banyo.

Iniwan ko muna sa crib ang anak ko at tinimplahan ng gatas para hindi umiyak tinawag ko ang pangalawa kong anak.

Pinaliguan ko sa labas ang pangalawa kong anak hindi naman niya maasikaso ang mga anak namin nang sabay nang matapos naabutan ko ang mag-ama ko na nagbibihis.

"Ikaw na ang bahala sa anak mo, Pa aayusin ko dadalhin kong gamit ng mga bata." bilin ko na lang sa kanya at tumalikod na ako sa kanila hindi pa din akong makapaniwalang magagawa niya ito sa akin—sa amin ng mga anak niya.

Umalis kami sa bahay para pumunta sa pedia ng anak ko madali lang ang byahe dahil malapit lang sa amin ang hospital.

"Okay naman siya, Mrs. at Mr. ang kailangan lang ng anak nyo ng vitamins para lumusog siya, at pakainin ng isda, gulay, at karne hinay-hinay lang kayo sa pagpapa-kain sa kanya." paalala ng doctor umiyak pa ang anak namin ng turukan nang injection.

"Salamat," sagot ko at tumayo na ako pagkatapos ireseta ang iinuming vitamins ng anak ko.

"Mag-Jollibee kaya tayo?" tanong niya nang makalabas kami ng clinic.

"Sure ka?" tanong ko sa kanya.

"Oo naman, Dex, gusto mo kumain ng Jobee?" tanong niya sa anak namin.

Tumango ang anak namin at sumang-ayon ang anak naming panganay wala na akong magagawa kaya nagpunta na kami sa Jollibee.

Nang matapos kami kumain umuwi na din kami sa bahay nakita pa namin ang magulang niya.

"Pa! Ma!" tawag niya tumingin sa akin ang magulang niya hindi na lang ako nag-react.

"Saan kayo nanggaling?" tanong ni Mama sa amin.

"Sa pedia, Ma pina-vaccine ko po si Rachel," sabi ko.

"Ngayon ba 'yon?" tanong ni Mama sa amin at pumasok na kami sa loob ng bahay inakbayan na lang niya ako sa balikat.

"Opo, Ma sina ate?" tanong ko at nilapag ko sa sofa ang bag na dala ko.

"Nasa trabaho ang mga kapatid ni Chris nasa balae ko naman ang mga apo ko kaya libre kami ngayon ng Papa mo," sagot ni Mama at tumingin nang may kahulugan ang biyenan ko.

Hindi man kami kasal ni Chris tinuring akong anak nang magulang niya hindi nito kinukunsinti ang ginagawa ng anak kaso, wala na silang magagawa kapag lulong na ito sa pinagbabawal na gamot.

"Ma, gusto ko makapag-trabaho sa palengke ulit para may ipon naman kami ng mga apo mo," mahina kong sabi sa biyenan ko habang nagliligpit ng gamit sa sala.

"Kakausapin ko si Chris may kakilala akong mapagkakatiwalaan naman niya 'yon." bulong ni Mama sa akin naiintindihan niya ang gusto kong mangyari.

Nakikipag-kwentuhan ang asawa ko sa Papa niya nakipaglaro naman ang dalawang anak ko sa mga kalaro nila.

"Sige, Ma." sagot ko na lang.

Natulog ang dalawang biyenan ko sa bahay namin magkaka-tabi kami sa lapag. Kinabukasan, nagising ako na wala ang asawa ko sa tabi ng anak namin huminga na lang ako at bumangon para magbawas.

"Ma?" tawag ng isang boses napalingon ako sa labas ng bahay namin.

"Ano ang ginagawa mo dyan?" tanong ko nang makita ko ang asawa ko na nasa itaas ng bubong namin.

"Bumili ako ng yero sa hardware nang umakyat ako sa puno nakita kong butas-butas na ang yero," sagot niya sa akin.

"Wala kang ginamit na hagdanang-kahoy?" puna ko naisip ko kaagad na umakyat sa puno na malapit sa kapitbahay namin para makarating sa bubong namin.

"Wala, kalahati ng bubong naayos ko na, Ma 'yong iba hindi ko pa magagawan ng paaran mahal ang yero," sabi niya.

"Okay lang, Pa bumaba ka na dyan maaga ka yata nagising alas-diyes na nag-almusal ka na ba?" tanong ko habang nakatingala ako sa kanya.

"Kanina, Ma bumili ako ng tinapay may sobra pa sa mesa bukas nang tanghali ako aalis dito bukas nag-text si boss kanina at baka dalawang araw ako mawawala." paalam niya at tumalon siya sa puno namin bago siya bumaba nang tuluyan.

"Hindi ka uuwi? Dun ka ba sa babae mo?" tanong ko sa kanya lumayo ako ng bahagya.

"Oo, Ma, sorry.." sagot niya.

Nasampal ko siya nang humarap ako at tumalikod ako sa kanya. Tahimik akong naglinis ng buong bahay pagkatapos ng pag-sampal ko sa kanya.

Tanghali na nagpaalam ang magulang niya para umuwi hinatid na lang niya ito at naiwan kami nang mga anak ko.

Mga bata pa lang sila nararanasan na nila ang ganitong bahay sa pamilya namin.

"Elisa," tawag ni Deborah sa akin nang mapa-angat ang ulo ko sa kanya.

"Kamusta?" tanong ko na lang naglalaba ako sa labas ng bahay namin.

Niyakap niya ako sa likod nagtaka naman ako sa ginawa niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Bakit hindi mo sinabing ganito na ang buhay mo sa kanya?" tanong nito sa akin tumayo siya sa harap ko.

"Wala ka namang magagawa sa nangyayari sa akin ngayon," sabi ko at umiwas ako nang tingin sa kanya.

"Lumayo ka na sa kanya," sabi niya.

"Ayoko na ma-broken family kami, Deborah ayokong iparanas sa pamilya ko ang buhay ko noong wala akong kinagisnang magulang," sabi ko at kinusot ang nilalabhan kong damit.

"Pero, hindi na ito maganda para sa pamilya mo, Elisa isipin mo naman ang mga anak mo hindi ang sarili may trabaho akong i-aalok sa'yo para siyang gro pero hindi ganun ang klase.." hatak nitong kwento at nagulat ako sa ginawa niya.

"Hindi pa ako tapos sa ginagawa ko," sabi ko sa kanya.

"Saglit lang," sabi niya.

"Ano ba 'yon?" tanong ko at kinuha ako ang ref towel sa may ref bago ko pinunasan ang kamay ko.

Tumitig siya sa akin umiwas naman ako nang tingin sa kanya.

"Hindi kita bubugawin kung 'yon nasa isip mo, kaibigan kita, Elisa katulad siya ng GRO pero ang kaibahan lang lolokohin mo ang foreigner jojowain mo tapos peperahan mo," bulalas niya sa akin sinamaan ko siya nang tingin.

"Baliw ka ba? Gagawin ko ang ginagawa ng asawa ko? Hindi ko 'yon gagawin!" inis kong sabi sa kanya.

"Hindi mo gagawin ang ginagawa niya na tino-totoo? Ikaw, peperahan mo lang naman 'yong foreigner sa'yo na kung bibigay sa foreigner—na makikipag-s*x ka sa kanya isipin mo ang mga anak mo, at lumayo na kayo sa kanya balita ko ni-reraid noong kailan ang isang apartment malapit sa warehouse na sinasabi mo," pahayag niya sa akin umiwas naman ako nang tingin sa kanya.

"Ayokong gawin ang gusto mong ipa-trabaho sa akin may iba ka ba?" tanong ko na lang sa kanya.

"Tapos ka nang college pero hindi ka makapag-hanap ng trabaho nang dahil sa asawa mo pinag-bawalan ka, tama ba ako? Kilala kita, Elisa hindi ka naman tanga ka para umalipin ka sa asawa mong adik!" sagot niya tinampal ko naman ang bibig niya sa sinabi niya.

"Uy," saway ko.

"Totoo naman ah? Dun ka sa madaling paraan para kumita, Elisa waiteress ako sa isang club hindi ko 'yon gawain pero may alam ako nakikita kong nahihirapan ka eh, hahanapan kita ng jowa sasabihin kong single mother ka ganun lang may papatol sa'yo for sure sa gandang mong 'yan," sagot niya sa akin natahimik ako bigla.

"Ito ang cellphone number ko, Elisa ang hirap nga hanapin ang bahay nyo eh mabuti madaldal ako kaya hindi ako naligaw mag-iingat ka sa kanya," bulalas niya sa akin at nagpaalam na siya nakilala niya ang tatlo kong anak.

"Mag-iingat ka din, Deborah inistorbo mo ang paglalaba ko," sabi ko at naupo sa bangkito para ipagpatuloy ang paglalaba naglalaro ang mga anak ko at natutulog ang bunso ko.

Sa panahon ng pandemic nakakaranas tayo ng kahirapan.

"Ma!" tinig ng isang boses kaya lumingon ako at nakita ko ang dalawa kong anak na palapit sa akin.

"Maligo na kayo may module pa kayong gagawin," utos ko sa dalawang anak ko.

"Sige, Ma," sabay nilang sagot sa akin minsan tumutulong sa akin ang panganay ko.

Bata pa lang matulungin na sa magulang hindi ko naman siya pinipilit na tumulong sa sa akin.

"Ma, kina lola muna kami maliligo." sabi ng anak kong panganay at kasunod ang kapatid.

"May dala ba kayong damit?" tanong ko na lang sa anak ko.

"Opo, Ma." sabi ng anak ko.

Isang kanto lang ang pagitan namin sa bahay ng magulang ng asawa ko kaya hinahayaan ko silang magpunta dun kapag busy ako sa gawaing bahay.

"Bata pa ang mga anak mo hinahayan mo na silang pumunta mag-isa sa bahay ng biyenan mo." bungad ng kapitbahay namin dahilan para tignan ko siya.

"Hindi naman sila katulad ng ibang bata," sagot ko na lang.

Binanlawan ko na ang mga damit namin at hindi pinansin ang kapitbahay na nakatayo pa rin.

"Baka mabasa kita," sabi ko na lang.

Umusog ito nang kaunti at sinamaan niya ako nang tingin.

Nang matapos ako sa paglalaba niligpit ko ang pinag-gamitan ko at pumasok na ako sa loob ng bahay para magluto narinig ko na tumunog ang cellphone ko at nabasa ko ang text ng hipag kong isa na dun mag-aaral ang dalawa kong anak nag-reply na lang ako bago ko bitawan ang cellphone at pinagpa-tuloy ang pagluluto ng tanghalian.

Komen (1)
goodnovel comment avatar
Cris Valencia Morales
apakagulo ng wento,,parang rambol xa
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status