Share

Chapter 3

JAEL'S POINT OF VIEW

Isang linggo na ang naka lipas simula nang nakita ko si Ross sa Convenience Store. Iyon ang huli kong kita sakanya at hindi na nag karoon ng sunod pa dahil pag tapos ng gabing 'yon hindi na sya pumasok.

"Ano kaya sa tingim mo nangyare kay Ross, Jael?" Tanong saakin ni Cypress habang kumakain kami Kasama ko silang dalawa ngayon ni Ivy dahil breaktime na.

Nag kibit balikat ako, "I had no clue. Pero huling kita ko kase sakanya huwebes ng madaling araw nasa San Lorenzo sya. Bumibili ng beer sa convenience store na pinag tatrabahuan ko."

"Huh? Paano sya naka-rating ng San Lorenzo ang layo non sa... saan nga naka tira si Ross, Cy?" Tanong ni Ivy.

"Sa Rockwell yata sa pag kakatanda ko."

"Oh, kung sa Rockwell nga, ang layo. Ano ‘yon bumyahe pa sya halos 30 minutes para lang bumili ng beer? At sa San Lorenzo... ay teka, diba minor ‘yon? Bakit mo hinayaan bumili, Jael?" Takhang tanong nito.

"Ayon nga rin akala ko eh, akala ko minor pa pero nung sinabi nyang hindi, hinanapan ko sya ng id na makakapag patunay na hindi sya minor katulad ng sinasabi nya." Paliwanag ko sa kanilang dalawa.

"Ganon? Akala ko 17 palang sya, ang baby kase ng mukha eh." Hirit ni Ivy.

I agreed. Totoo naman kase.

Huminga ako ng malalim. Hindi ko maiwasan mag alala sa lalaki. May mga araw talaga na hindi pumapasok si Ross simula nung pasukan pero hindi raw sya umaabsent ng isang buong linggo ayon sa mga Guro na nag hahanap na rin kay Ross kaya nakakapag taka kung bakit hanggang ngayon hindi pa rin sya nag papakita.

"Jael. Have a good night. See you tomorrow."

May pa see you tomorrow, see you tomorrow pa sya nalalaman non, hindi ko naman pala sya makikita kinabukasan. Mema lang nya.

"Let's go na. Malapit na mag next subject," aya ni Cypress. Kinuha ko na ang mga gamit ko at pinasok sa bag ang baunan na pinag lagyan ng baon kong kanin at pritong tilapia.

"Super antok pa talaga ako, nag binge watch ako ng kdrama kagabi. Wala pa akong tulog." Humikab si Cypress. "Sana wala si Sir Ma'am Josephina."

Nag aasaran kami habang nag lalakad pabalik ng room. Ikinekwento kase ni Ivy yung dati nitong nobyo na humanista. May nag chat daw kase sakanya na babae at ang unang linya ay, "Hi girl, I know you don't know me but," nang mabasa nya palang daw iyon alam nyang may ideya na sya sa kung anong nangyayare hanggang sa nalaman nyang pinag sasabay silang dalawa ng lalaki.

"Ang kapal nga ng mukha 'non eh, grabe sya. Kala mo naman ka-gwapuhan. Lakas ng loob mag loko. Sa respeto na nga lang babawi na lugi pa." himutok nito.

Natatawa lamang ako habang pinapakinggan ang kwento ni Ivy. Hindi ko tuloy maiwasan ma-curious kung ano ba talaga sa pakiramdam ang maloko ng taong mahal mo. Sa bawat salita kase na lumalabas sa bibig ni Ivy parang may kirot pa kaya dinadaan nya nalang sa biro at tawa yung nangyare pero I know that it really traumatized her. Mahirap rin kaya bumuo ng tiwala sa ibang tao kung yung taong binigyan mo ng tiwala bigla kang niloko.

As we approached our room, we saw some of my seatmate's friends seating outside. Seryoso ang kanilang mukha at may bahid na pag aalala.

"Diba 'yon yung mga tropa ni Ross?" Tanong ni Ivy habang naka turo sa tatlong lalaking naka upo sa bench, harap lang ng building namin.

"Yup." Sagot ni Cypress bago ibinaling ang atensyon sa pag dutdot ng kanyang cellphone.

Bago pa man kami maka-akyat ay tinawag kami ng isa sa mga kaibigan ni Ross. Nag tinginan kaming tatlo nila Cypress. Pinapalapit kami nung matangkad na lalaki na medyo moreno. Wala kaming nagawa kundi ang lumapit.

"President ka ng Eleven, Mendeleev diba?" Tanong nung isang matangmad at maputing lalaki na may kahabaan ang buhok. Sa pag kakatanda ko, He's Elmore Kai Sandoval.

Kumunot ang noo ko, "Oo. Bakit?"

"Pumasok na ba si Ross?" Tanong naman nung isang lalaki na may katamtamang tangkad. He had a gentle face and innocent look, mukhang sya ang pinaka-bata. Minumukhaan ko sya dahil parang maraming beses ko na sya nakita.

"Bishop Grey Rios, he's the officer of the school and also the vice president of the chess club, girl." Bulong saakin ni Cypress. Ah, kaya pala parang familiar sya saakin.

"Hindi pa eh, 1 week na nga sya hindi pumapasok. Hinahanap na nga sya ng mga teachers kase ang dami nya nang missing activities and baka hindi sya maka-habol sa lessons." Ani ko. Napa buntong hininga sila.

"Sabi na nga ba eh, mali na hinayaan nating bumalik doon si Ross," ginulo nito ang kanyang buhok. "Alright. Kapag pumasok na si Ross, tell him na hinahanap namin sya, okay? I'll keep you guys in touch." Tumango ako.

"Okay. Pwede ko ba tanungin if anong nangyare sakanya? I mean, you know, uhm, we are kind of worried, baka may nangyare nang masama sakanya."

Halos kurutin ko na ang sarili ko dahil hindi ko na napigilan ang itanong ang ilang araw ng bumabagabag saakin. Parang gusto ko nalang mag pa kain sa lupa.

"Hindi rin namin alam, Ganda." Sagot ng lalaking maputi na nag ngangalang Elmore. Ramdam ko ang pangangamatis ng mukha ko sa pag tawag nya saakin na ‘ganda’ bigla akong nakaramdam ng kilig.

"Ah ganon ba, sige po. Una na kami, salamat."

"Okay. Thank you and sorry for the inconvenience."

We just nodded and went inside our classroom.

"Napaka gwapo ni Roscoe! Sobrang lakas ng dating nya. Nakaka laglag ng panga!" Ani ni Ivy na halos mamatay sa kilig.

"Yung morenong lalaki na ang daming hikaw?" Tanong ko na ikinatango naman nya.

"Aminin mo, Jael, sobrang pogi nya diba?! Mukhang bad boy na sobrang red flag pero masarap magmahal!"

"Hoy, Hazel Ivy! Mag hunos dili ka nga, mukha ngang walang gagawing tama ‘yon eh." Malayo na ang distansya namin sakanila pero nag balik ako ng tingin para makita yung lalaking tinutukoy ni Ivy.

Napaka daming hikaw tapos may hiwa pa ang kilay, may kulay pa ang buhok.

"Bawal ‘yon ah?"

"Ayon, hikaw tapos kulay ng buhok! School rules palang ‘di na marunong sumunod."

"Isa kase sa shareholder pamilya nila dito sa Azure kaya hinahayaan lang sya na ganyan." Sagot saakin ni Ivy. Napaka gara naman non. May special treatment.

I sat on my usual seat, which was next to my seatmate's empty one. I wondered where he was and what he was doing. I hoped he was okay. I put on my headphones and listened to some music to distract myself.

A minute later, I saw him enter the room. He was wearing a cap and a mask, which was unusual for him. He always liked to show his face and smile. He looked around and saw me. I was curious and worried about him, kakaiba ang sigla at mood nya ngayon. I wanted to ask him why he didn't come to school and why he was wearing those things.

Mag sasalita pa lamang ako ng biglang pumasok ang guro namin. Nag labas ito ng laptop at index card para sa Attendance.

"Jean Carol Acosta"

"Present."

"Molly Choi"

"Present."

"John Louis Pascual"

"Present"

Hindi ko maiwasang tingnan ang naka halukipkip na si Ross. Magulo ang kanyang buhok at gusot pa ang kanyang uniporme.

"Psalm Bermudez"

"Present."

"Hazel Ivy Castillo"

"Present, Ma'am."

"Emrys Jael Travieso"

Ano kaya nangyare sakanya? Lubog kase ang mata nya, parang puyat tapos namumutla pa sya.

"Where's Emrys Jael Travieso? Is she absent?"

Naramdaman ko nalang ang pag kalabit saakin ni Ivy. Binigyan ko sya ng tingin.

"Girl, kanina ka pa tinatawag." Ani nito habang naka turo sa gurong nasa harapan.

"Sorry, Ma'am. Present po."

"Percival Ross Alaric? Pumasok na ba?" Tanong nito saakin. Kinalabit ko ang lalaking ngayo'y natutulog sa tabi ko. "Yes, Ma'am..." hinawakan ko ang balikat nito at marahang inalog hanggang magising sya. Tulog mantika pala ‘to. Kinusot nito ang kanyang mata, "Why?"

Nginuso ko si Ma'am Josephina.

"Mabuti naman at pumasok ka na... what are you wearing?" She frowned and walked towards him.

"What's with the cap and mask? We don't usually wear those in the classroom. Take them off, please."

He hesitated and shook his head. Hinarangan nito ang kanyang mukha gamit ang kamay. Mukha itong natatakot at nahihiya. Nakaramdam ako kay Ross ng awa. Ano bang meron sa mukha nya at bakit ayaw nya tanggalin?

"Let me see your face," she said, reaching for his cap and mask. He resisted, but she was stronger. She pulled them off and gasped. I gasped too.

His face was covered with bruises and wounds. He had a swollen lip, and a cut on his cheek. He looked like he had been in a fight. A bad one.

Dinampot nito ang nahulog na mask at sumbrero at muling sinuot. We were all shocked and confused.

"You are invading my private space, Ma'am."

"What happened to you? Why are you injured? Is everything alright?" The teacher asked him, her voice softening. "Who did this to you?"

"It's none of your business, Ma'am." He buried his face in his arms.

Nag katinginan kaming tatlo nila Cypress at Ivy halata rin sa mukha nila ang pag aalala. Muli kong tiningnan si Ross. I felt a pang of pain in my heart. I wanted to comfort him and protect him. I wanted to know who hurt him and why. I wanted to help him.

But I didn't know how.

-

Halos kainin ko na ang ballpen na hawak ko. Kanina ko pa pinag mamasdan ang papel na mayroong sobrang daming math problems. Nakakainis, hindi ko maintindihan. Nag sisisi tuloy ako na STEM ang kinuha ko. Matalino ang tingin ko sa sarili ko pero ewan ko ba kapag dating na sa Mathematics na tatanga ako.

"Pano ba 'to, Ivy?" Tanong ko. Halos mangiyak-ngiyak na ko dahil 20 minutes nalang at halos wala pa kong nasasagutan sa quiz.

"Ewan ko rin ‘te, hindi ko gets masyado 'to." Sagot nito habang sinusubukan i-solve ang mga bilang.

Maliban sa number one at two, wala na kong nasasagutan pa. Hanggang sampu ito pero halos hindi ko pa nakaka-lahati. Ubos na ubos na yung braincells ko sa Pre-Calculus ngayon naman sumunod GenMath, bakit pa kase mag kasunod silang naka schedule.

Pumayag ba ako? Hindi naman. Charot. Hindi yata ako nakinig habang tinuturo ‘to. Pakiramdam ko naman madali lang kaso hindi ko lang alam kung papaano i-solve ng tama. Bawal pa naman calculator. Mas lalo pang nag pahirap si Sir Trey dahil napaka strikto. Mr. Trey Evangelista, known for her strictness and high expectations, paced the room, making the atmosphere even more intense. A single mistake, a misplaced sign, and it felt like I was already on the brink of failure.

I bit my pen and looked at my paper again. Nag babaka sakaling may pumasok sa isip ko. Hulaan ko nalang kaya?

"Shet, talaga naman. Sarili ko ngang problema di ko maintindihan at mabigyan ng sulosyon, eto pa kaya." Bulong ko.

I sighed, what else could I do in the remaining 20 minutes?

"Hoy, is it hard ba?" Tanong ng lalaki. It was Ross. Naka tanggal na ang sumbrero at mask nito kaya kitang-kita ang mga sugat sa mukha nya.

Tiningnan ko sya ng masama. "Halata naman, diba?" Nag sisimula na tuloy ako mainis. Lintik na GenMath to.

"Chill," I glared at him but he just laughed. "I thought you are smart? Why you couldn't answer a simple math problem?" Dagdag pa nito na mas lalong nakapag painis saakin.

"Edi sana ikaw mag sagot! Madali pala eh. Ikaw nga wala pang sagot, natutulog ka lang dyan, kaya ka di nakakapag grade twelve eh!"

Nagulat ako sa pag sigaw ko. Hindi ito ganoon kalakasan pero alam kong maraming naka rinig na may kalapitan saamin dahil napunta ang atensyon nila saamin ni Ross. Awkward lang akong ngumiti.

Natahimik bigla si Ross. Nakonsensya ako sa sinabi ko. Hindi ko naman yon sinasadya. Hihingi sana ako ng tawad pero parang may bumabara sa lalamunan ko kaya mas minabuti ko nalang na bumalik na ko sa pag sasagot. Yung guardian angel ko nalang bahala mag sorry sakanya.

In a moment of surprise, a folded piece of paper appeared before me. He gave me his paper to copy from. His paper contained the answers. I wondered and was puzzled, wondering how he had finished so quickly. Was he really that confident he had been done for a while and that's why he had the nerve to sleep?

"Hey, don't look at me like that. I'm just trying to help you out." Ross whispered to me.

"Help me out? Or get me in trouble?" I whispered back. Wala akong tiwala eh. Baka mali. Pinasadahan ko ng tingin ang papel nya. Nagulat ako dahil detalyadong-detalyado ang pag kakasolve nya. One by one pa.

"Come on, don't be so paranoid. The teacher won't notice. Just copy quickly and you'll be fine." Ross said. Kung maka sulsol naman ‘to.

Tiningnan ko si Sir Trey na busy sa pag gamit ng cellphone. Bigla akong nakonsensya. "This doesn't feel right."

"Thanks, Ross. But I can't do this. I have to try on my own." I said, handing him back his paper. I wanted to pass the test on my own merit, not by cheating.

He looked at me with a mix of amusement and disappointment. He took his paper and shrugged.

"Suit yourself. But don't say I didn't warn you. This test is hard." He said.

"Parang hindi naman. But I have to face it. Maybe I'll get lucky." I said.

"Or maybe you'll regret it." He said. Inirapan ko ito sa pananakot nito. Alam ko ang ibig n'yang sabihin. Pag bumagsak ako dito sa quiz na ‘to alam kong bababa ang grado ko. Manganganib ang pinaka iingat-ingatan kong scholarship.

We stopped talking as the teacher walked around the room. I focused on the test, trying to recall what I learned. Sana naman maka-pasa ako dito, kahit 8/10 lang yung maging score ko ayos na.

"1 minute, finalize your answers." Paalala ni Sir Trey.

Halos pag pawisan ako sa kabang nararamdaman, parang nag reregret ako na hindi nalang ako kumopya. Binigay na sakin ang sagot tinanggihan ko pa.

"Pass your papers in a count of 3. 1,2,3...okay," nang makarating sa harap ang papel ko saka lang ako naka hinga ng maluwag. Halos tawagin ko na lahat ng santo para lang ipag dasal na sana maka pasa ako. "Good bye, class."

"Hay, salamat. Natapos na rin sa wakas."

Tumayo na ako at nag unat ng katawan. Napatingin ako sa gawi ni Ross na naka krus ang braso habang naka tingin saakin. Naalala ko ang sinabi ng tropa nya. "Hoy, hanap ka na ng mga tropa mo." Sabi ko habang pinapasok ang mga naka labas kong gamit sa bag.

"Huh?" Kunot-noong tanong ng lalaki habang palinga-linga. "Are you talking to me?"

"Duh, ikaw malamang. Sino pa ba," irap ko.

"For your information, may matino kase akong pangalan." Lihim akong napangiti sa pag tatagalog n'ya. Buti nalang natatakpan ng mahaba kong buhok ang mukha ko. Akala ko hindi sya marunong mag tagalog. Ang sarap pakinggan.

"Whatever. Basta hanap ka nila." Inaya ko na sila Cypress at Ivy para umuwi. Nauna kaming lumabas ni Cypress at inantay si Ivy, kinakausap pa kase sya ng group mates n'ya para sa reporting bukas nang makita naming naka abang na rin sa labas yung tatlong tropa ni Ross. Mukha silang naka hinga ng maluwag ng makita ang lalaki pero nag taka nang makita ang mukha nito.

Infairness pala kay Ross, kahit ang dami nyang sugat sa mukha, ang gwapo pa rin nya. Ang ganda siguro ng lahi nito. Parang walang ka pintas-pintas sa mukha eh.

"Na-miss ka namin, pre! Grabe pangungulila ko sayo!" Sigaw ng lalaking moreno nang maka labas na ng classroom si Ross. Niyakap nila ito, bakas sa kanilang mukha ang pag ka tuwa.

Hindi rin nag tagal lumabas na rin si Ivy habang busangot ang mukha.

"Insan, pauwi na kayo? Sabay na kayo saamin." Ani ni Bishop habang naka tingin kay Cypress.

Nag katinginan kaming dalawa ni Ivy, mag pinsan silang dalawa?! Hindi nya binabanggit saamin iyon.

"Okay lang ba na sumabay tayo sakanila? Hahatid tayo nang mga yan." Binigyan ko ng maka hulugang tingin si Cypress na kailangan may ipaliwanag sya saamin. Kaya pala marami syang nalalaman sakanila at hindi rin siguro imposibleng malapit sila ni Ross.

"Okay lang sakin. Ikaw, Jael?" Bumaling ang tingin ng lahat saakin, tiningnan ko ang oras. Malapit na mag ala singko kaya mahihirapan na ko sumakay dahil rush hour. "Sige."

Sabay-sabay na kaming nag lakad palabas ng gate. Dito kami sa main gate dumaan, once palang ako nakaka daan dito. Wala kasing jeep na dumadaan dito at tanging sasakyan lang ng mga estudyanteng nag aaral dito ang mga naka parada.

"I'll drive," Ani ni Ross. Tinanong pa ito ni Kai kung kaya ba nya mag maneho. Tumango ito.

Nag punta kami sa mga naka paradang sasakyan, may pinindot si Ross sa hawak na susi bago ito lumapit sa itim na sasakyan. Fortuner. Dalawang milyon ang presyo non, ganon ba talaga sila dito ka-yaman?

Sumakay na kami sa sasakyan. Natakot pa akong pumasok at apakan dahil sobrang linis, ang bango rin. Parang brand new. Pakiramdam ko anytime pwede kong madumihan. Nasa harap si Ross sya ang nag dadrive habang nasa passenger seat naman si Kai. Tatlo kaming mag kakatabi nila Ivy at Cypress tapos yung dalawang lalaki na sila Bishop at Roscoe ay nasa likod. 7 seater ang sasakyan kaya kasyang-kasya kami. Mas malaki pa pala ito sa inaasahan ko.

"Ross, na send ko na sa g***l mo yung mga missing activities mo, kindly check it." Paalala ni Bishop. Nag okay lang si Ross at muli na kaming natahimik. Si Ivy ang unang ihahatid dahil sya ang pinaka-malapit at susunod ako. Sasama raw si Cypress sa pag hatid saakin kaya mag request sya na kung pwede wag muna sya i drop-off sakanila.

"Bye, guys. Ingat kayo, ah? Kayo na bahala kay Jael." Kumaway si Ivy samin bago isinara ang pinto ng sasakyan. Mas lalong natahimik ang sasakyan at medyo nag traffic pa ang kalsada.

"How's Ross as your seatmate, Jael?" Binasag ni Kai ang katahimikan. Tumikhim ako bago sumagot.

"Okay lang naman," ngumiti ako. Kita ko ang pag tingin nya saakin sa salamin ng sasakyan at ang dahang-dahang pag tango. "Good. Alam mo kase, napaka maloko nito. Buti hindi ka inaasar or pini--"

"Ay nako, dyan ka nag kakamali. Sobrang lakas mamikon nyan. Alam mo ba kanina bigla akong sinumbong kay Ma'am Agatha dahil natutulog raw ako sa klase nya kaya pina tayo ako ni Ma'am ng halos kalahating oras ng klase nya habang sya tinatawanan lang ako?! Kala mo sya hindi natutulog sa klase eh halos gawin na nyang kwarto yung classroom?! Kala mo hindi natutulog sakanila. Kung hindi lang sya na puruhan sa mukha ako yung pupur--ay, ouch! Hala sorry, sorry." Napa takip ako ng bibig ko nang biglang pumreno si Ross at ma-realize ko lahat ng sinabi ko kaya ngayon ay lahat sila naka tingin sakin.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status