LOGINApat na taon naging pipi at bingi si Elena sa paningin ni Elias Jaxon na diring-diri sa kanyang katabaan at kapansanan. Sa gitna ng isang malaking sunog, iniwan siya nito para iligtas ang kaniyang first love. "I will not marry a deaf, mute, and fat girl like her… it's disgusting." Nagbalik siya bilang Bella pagkatapos ng anim na taon. She transformed from a deaf and mute into an eloquent sign language lawyer. She had also gone from being overweight to a stunningly beautiful woman. Ngunit bago pa man siya makapaghiganti, pilit siyang ikinulong nito sa loob ng kaniyang Rolls-Royce. "Elias Jaxon Singson, may boyfriend na ako!" sigaw niya. Ngumisi ito saka ipinakita ang isang marriage certificate. "Mrs. Beatriz Elena Evangelista-Singson, anim na taon na kitang asawa. You want to cheat? Only if I'm dead!" This scoundrel had tricked her into getting a marriage certificate years ago without her knowing.
View MoreChapter 1
Mistulang naging pinakamadilim na kabanata ng buhay ni Bella ang araw na ito.
Sino ba naman ang mag-aakalang mapagkakamalan siyang bayarang babae at makakaladkad pa sa presinto?
"Beatriz Elena Evangelista?" tanong ng pulis habang sinusuri ang kanyang ID.
"Ahm, opo... ako nga po," dahan-dahang sagot ni Bella.
"Ang bata-bata mo pa, neng. Bakit hindi ka maghanap ng disenteng trabaho kaysa ibenta mo 'yang katawan mo? Halika na sa interrogation room at nang makagawa na tayo ng statement!"
Nagmamadaling pinulot ni Bella ang kanyang sapatos mula sa sahig. Bali na ang takong nito kaya hirap siyang tumayo para magpaliwanag.
"Officer, nagkakamali po kayo. Hindi po ganoon ang trabaho ko sa bar," giit ni Bella.
"O, eh paano mo ipapaliwanag 'tong isang libong piso na nakuha sa'yo?"
"Bigay po 'yan ng customer, pero hindi po 'yan bayad para sa…” hindi niya maituloy ang sasabihin at napalunok na lamang.
“May patunay po ako!" mabilis na isinabit ni Bella ang sirang sapatos sa kanyang payat na pulso para halungkatin ang phone sa loob ng bag.
Sa sobrang taranta, may kung anong bagay ang nalaglag mula rito. Mabilis siyang yumuko para kunin iyon, pero naunahan siya ng pulis.
Isang kahon ng condom ang hawak na ngayon ng opisyal.
Sumeryoso ang mukha nito at lalong humigpit ang tingin sa kanya.
"Ang disenteng babae, hindi nagdadala ng ganito sa bag, 'di ba? Aminin mo na ang kasalanan mo! Tara na!"
Habang sapilitan siyang inilalabas sa detention area, akmang magsasalita na sana si Bella para ibunyag ang totoong pagkatao niya nang biglang bumukas ang pinto ng reception room.
"Mr. Singson, magandang gabi!" bati ng pulis na biglang nagbago ang tono at naging magalang.
Parang binuhusan ng malamig na tubig si Bella nang marinig ang pamilyar na apelyidong iyon. Halos mapatid ang hininga niya nang mag-angat siya ng tingin.
Isang lalaki ang nakatayo roon, suot ang isang bespoke cashmere suit na kulay itim. Swak na swak sa matangkad nitong pangangatawan ang bawat tahi ng mamahaling tela. Wala na ang dating dilim sa kanyang mukha dahil pinalitan na ito ng aura ng isang makapangyarihan at seryosong lider.
Nang magtagpo ang kanilang mga mata, agad na namutla si Bella. Hindi niya alam ang gagawin. Basang-basa na ng pawis ang palad niya sa higpit ng hawak sa kanyang bag.
Anim na taon na ang nakalipas.
Maraming beses niyang inisip kung paano sila muling magkikita ni Jaxon, pero hinding-hindi niya pinangarap na mangyayari ito sa ganitong kalunos-lunos na sitwasyon!
Ngunit mabilis ding nag-iwas ng tingin si Jaxon. Hindi siya nito namukhaan.
Siya na si Bella ngayon, hindi na ang Elena anim na taon na ang nakakaraan. Wala na ang 160-pound na babaeng bingit-pipi at mataba. Ang kaharap nito ngayon ay isang 5’7 na babae, payat, at marunong magsalita.
Laking pasasalamat niya na hindi siya nito nakilala.
Paano nga naman siya makikilala nito sa suot niyang sexy outfit, makapal na make-up, fishnet stockings, at mga pekeng tattoo sa braso?
Mukha siyang hamak na babaeng galing sa nightclub.
Kahit kampante siyang hindi siya nito namukhaan, pilit pa ring nagtago si Bella sa likod ng pulis. Kitang-kita at rinig na rinig niya ang pag-uusap ng dalawa.
"Sir Jaxon, nandito po ba kayo para sunduin si Sir Mateo?" tanong ng pulis.
"Hm," tipid na sagot ni Jaxon.
"Nasa loob pa po at nagbibigay ng statement, lalabas din 'yun agad. Maari po kayong maghintay sandali."
"Sige."
Pagkatapos ng maikling usapan, muling hinila ng pulis si Bella para maglakad palayo.
Hindi nangahas na mag-angat ng tingin si Bella. Maingat siyang sumunod sa pulis, halos hindi humihinga.
Nang dumaan siya sa gilid ni Jaxon, biglang nanikip ang dibdib niya. Amoy na amoy niya ang pamilyar na bango nito. Instinctive siyang napasandal sa pader para bigyan ito ng malawak na espasyo habang nakayuko nang husto.
Akala niya ay tuluyan na siyang makakalampas, ngunit bago pa man siya makapasok sa interrogation room ay narinig niya ang baritono at malamig na boses ni Jaxon sa kanyang likuran.
"Anong... anong atraso niya?" tanong ni Jaxon.
Halos lumaktaw ang tibok ng puso ni Bella sa kaba. Imposibleng nakilala siya nito.
Sa alaala ni Jaxon, ang babaeng nakilala nito ay bingit-pipi at may kalakihan ang pangangatawan. Malayo sa hitsura niya ngayon.
"Isa siyang kalapating mababa ang lipad na naligaw ng landas, Sir," sagot ng pulis sabay pakita sa kahon ng condom na hawak nito.
Umakyat ang dugo sa mukha ni Bella dahil sa matinding hiya. Lalo na nang maramdaman niyang nakatitig sa kanya si Jaxon.
Gusto na niyang magpalamon sa lupa sa sobrang pagkapahiya!
"May kinalaman ba siya sa kaso ni Mateo?" muling tanong ni Jaxon.
"Opo, Sir," mabilis na sagot ng pulis.
"Anong eksaktong nangyari?" Kunotnoong tanong nito.
"Nakakuha po kami ng anonymous tip na may illegal na transaksyon sa bar ni Sir Mateo. Pagdating namin doon, itong babaeng ito ang nakuhang tumatanggap ng pera, kaya binitbit namin lahat ng nandoon sa private room," paliwanag ng opisyal. "Kasama rin po doon si Sir Mateo."
Eksaktong pagkatapos magsalita ng pulis ay bumukas ang pinto ng interrogation room sa kabilang panig.
Isang lalaking nasa bente anyos ang lumabas. May hitsura ito, medyo pilyo ang dating, at agaw-pansin ang kulay-abo niyang buhok. Mula ulo hanggang paa ay puro branded ang suot nito, bakas ang pagiging suwail at mayaman.
"Brother-in-law!" tawag ng lalaki habang mabilis na lumalapit kay Jaxon.
Natigilan si Bella.
Brother-in-law?
Ibig sabihin, ang may-ari ng bar na pinasukan niya ay bayaw ni Jaxon?
Ibig sabihin din ba nito ay... may asawa na si Jaxon?
Para siyang nabingi sa sariling isipan.
Agad siyang tumalikod at sumiksik sa sulok, pilit na nagpapakaliit para hindi mapansin.
"Brother-in-law, ang malas ko talaga! Ilang araw pa lang bukas ang bar ko, na-report na agad!" reklamo ni Mateo. "Kapag nalaman ko lang kung sinong demonyong babae ang gumawa noon, talagang..."
Hindi natapos ni Mateo ang sasabihin dahil nakita niya ang pamilyar na pigura ni Bella na nakasiksik sa gilid.
Mabilis itong lumapit at marahas na hinablot ang pulso niya para patayuin.
"Ikaw na babae ka, nandito ka lang pala! Ikaw ang nag-report sa bar ko, 'no? Gusto mo na bang mamatay?!" sigaw ni Mateo.
Napadaing sa sakit si Bella. Kung alam lang sana niya na bayaw ni Jaxon ang may-ari ng bar, hinding-hindi siya lalapit doon.
Akmang aawatin sila ng pulis pero naunahan sila ni Jaxon.
"Mateo, tumigil ka na. Huwag kang maggagawa ng gulo rito," malamig na utos ni Jaxon.
"Brother-in-law, hindi ako nagsusugal at lalong hindi ako nagpapa-prostitute! Pero itong babaeng 'to, sinadya niyang i-report ang bar ko!" gigil na sumbong ni Mateo.
Hindi sumagot si Jaxon.
Sa halip, tinignan niya lang ang bayaw nang matalim at walang emosyon. Isang tingin lang na tila nagpabagsak sa tapang ni Mateo.
Nanginig ito sa takot at agad na binitawan ang braso ni Bella.
Nang dumapo ang tingin ni Jaxon sa mapulang bakas ng mga daliri sa maputing braso ni Bella, natigilan ito sandali bago hinarap ang pulis.
"Ngayong nahanap na ninyo ang taong nag-report sa bar, ituloy na natin ang normal na legal procedures," malamig na utos ni Jaxon.
"Sir Jaxon, kailangan ko lang pong i-verify ang sitwasyon. Maaari po ba kayong maghintay sa reception room sandali?" tanong ng pulis.
"Sure," tipid na tugon ni Jaxon bago sila lumabas ni Mateo.
Nang maiwan na lang ang pulis at si Bella, seryoso siyang tinitigan ng opisyal.
"Miss, totoo ba? Ikaw ba talaga ang tumawag at nag-report?"
"Opo..." mahinang sagot ni Bella.
"Humihingi ako ng paumanhin sa maling pag-aresto sa'yo kanina, pero ang paggawa ng false report ay labag sa batas. Sayang ang resources ng pulisya, naiintindihan mo ba?"
Hindi nakasagot si Bella. May malalim na dahilan kung bakit niya ginawa iyon, pero hindi niya inaasahang mauuwi ito sa ganitong gulo lalo na ang muling makaharap si Jaxon.
Akmang magsasalita na sana siya para magpakilala nang pigilan siya ng pulis.
"Naku, neng. Si Jaxon Singson iyon at mahal na mahal niyan ang asawa niya. Ngayong nabangga mo ang bayaw niya, malaking problema 'yan. Maghintay ka lang muna dito sa labas, susubukan kong pumasok sa loob para makiusap na aregluhin na lang ito," wika ng pulis bago pumasok sa silid.
Parang sinaksak ang puso ni Bella sa narinig.
Mahal na mahal ang asawa?
Bahagyang gumiwang ang kanyang katawan kaya dahan-dahan siyang naupo sa sahig at napatulala.
Jaxon... siguro na siyang may asawa na ito.
Anim na taon na ang lumipas at bente-nuwebe na ang lalaki.
Wala na ang batang madilim ang tingin sa mundo. As the heir to Singson Heritage Estates, he wasn't just a businessman—he was basically the king of Legazpi, Albay.
Ang pangalan niya ay simbolo na ng kapangyarihan at yaman.
Sa Albay, dalawa lang ang hindi pwedeng tatalikuran. Ang bulkang Mayon at ang mga Singson.
Look at the horizon, and you’ll see the perfect cone of Mayon. Look at the skyline, and you’ll see the logos of Singson Heritage Estates.
Sila ang may-ari ng lupa, sila ang nagpapa-andar ng kuryente, at sila ang nagpapatakbo ng mga barko sa dagat.
People say they own the view, but the truth is much scarier. They own the life we live, and we're all just tenants in their world.
Napatingin si Bella sa sarili niyang suot na isang hamak na damit na hindi man lang lumampas sa isandaang piso ang halaga. Napangiti na lang siya nang mapait.
Tumayo siya at napalingon sa LED screen sa loob ng lounge. Isang interview ang kasalukuyang ipinapalabas doon.
"Clara Dominique Rosales, bilang isa sa pinakabatang top piano artists sa loob at labas ng bansa, lagi kang aktibo sa charity. Pero ang love life mo ang talagang inaabangan ng lahat. May mga usap-usapan na lihim na kayong ikinasal ng childhood sweetheart mong si Jaxon Singson. Ano ang masasabi mo rito?" tanong ng reporter.
Nasa backstage si Clara, suot ang isang ultra-luxurious vintage gown. Namula ang kanyang mga pisngi habang nakaharap sa mga camera.
"Pasensya na, sana mag-focus tayo sa charity tour na ito. Tungkol naman sa relationship ko... masaya ako ngayon, but I can't reveal too much," sagot ni Clara na may kasamang matamis na ngiti.
Hindi man siya diretsahang umamin, ang hindi niya pagtanggi ay sapat na para magkagulo ang mga reporter sa tuwa.
Nakita ni Bella ang marahang paghaplos ni Clara sa kanyang buhok, sapat lang para makita ng lahat ang singsing sa kanyang daliri. Ang pigeon blood ruby na singsing lamang ay nagkakahalaga ng mahigit isang milyon.
These are the belongings of Jaxon's mother.
Chapter 97Pasuray-suray na naglakad si Bella palabas ng silid habang binabaybay ang mahabang pasilyo ng VIP area.Doon lang tuluyang sumipa ang tapang ng nainom na alak. Ang matinding pagka-hilo at ang pamamanhid ng buong katawan ang nagpahirap sa kanya para makatapak nang maayos. Unti-unti na siyang nawawala sa wisyo.Mabilis siyang sumandal sa malamig na pader ng koridor para lang hindi bumagsak ang mukha sa sahig. Mahigpit niyang kinapitan ang semento."Kailangan kong makahanap ng banyo," bulong niya sa sarili habang sapo ang tiyan.Nasusuka siya. Sobrang sakit ng tiyan niya.Subalit mas lalong lumalabo ang kanyang paningin. Ang mga makukulay at sumasayaw na ilaw sa kisame ng club ay lalong nagpahirap kay Bella para makita kung saan ang daan palabas. Wala siyang maaninag. Everything was a blur.Sa gitna ng pag-ikot ng mundo niya, tuluyan nang nawalan ng lakas ang kanyang mga paa. Pasulong siyang natumba. Ngunit imbis na matigas na sahig ang bagsakan niya, isang matigas, mainit, at
Chapter 96Kakarampot na espasyo lang ang namagitan sa amin nang biglang lumapit si Mateo. Bago ko pa man tuluyang maipihit ang hawakan ng pinto, mabilis niyang itinukod ang malalaki niyang palad doon at marahas iyong isinara.Yumanig ang pinto. Napapikit ako sa lakas ng tunog."Mateo, sinaktan ako ng kaibigan mo verbal man o pisikal, at tinapunan pa ako ng alak," matigas at seryoso ang boses ko habang nakatingin nang diretso sa kanya. "Ayon sa Public Security Administration Punishment Law, pasok ito sa crime of provoking trouble. May parusa itong kulong na hindi bababa sa lima hanggang sampung araw, at may multa pang hindi hihigit sa limang daang yuan."Umarko ang isang kilay niya, tila hindi natitinag."Sigurado akong ayaw mo nang bumalik sa kulungan, 'di ba?" pagpapatuloy ko, umaasang matatakot siya.Mas lalong nagdilim ang mukha niya sa huli kong sinabi. Galit na galit siyang lumingon sa mga kasamahan niya bago muling binalingan ako nang may sarkasmong ngiti."Tatanungin ko muna a
Chapter 95Mabilis na tumalikod si Bella para umalis, ngunit bago pa man siya nakahakbang ay mabilis na tumayo ang lalaki at humarang sa harap niya."Saan ka pupunta?" tanong ng lalaki habang nakangisi.Sumubok pa si Bella na umatras para umiwas, ngunit mabilis at marahas na iniabot ng lalaki ang kamay nito at marahas na hinila ang suot niyang face mask."Sir Mateo, come and take a look! Are all female delivery drivers this beautiful?" sigaw ng lalaki sa mga kasamahan nang makita ang nakatagong ganda sa mukha ni Bella.Agad na napakapit si Bella sa strap ng kanyang bag nang marinig ang pangalang iyon. Sir Mateo. Parang huminto ang tibok ng puso niya. Sa dinami-rami ng tao, bakit ang bayaw pa ni Jaxon ang kailangan niyang makatagpo dito?"She must have a great figure," dagdag pa ng isang lalaki habang nakatitig sa katawan niya.Kasabay ng salitang iyon ay ang pag-abot ng kamay nito para sana yakapin ang baywang ni Bella, ngunit mabilis siyang nakailag."Sir, please have some self-respe
Chapter 94"Sir Jaxon, whether it's Ellaine or Elena, I accepted the fact that she was dead six years ago," kalmadong panimula ni Lazarus habang nakatitig sa kaharap."Yeah?" Jaxon scoffed softly. Halata sa boses niya na hindi siya naniniwala sa narinig.Nakataas ang isang kilay na sumagot si Lazarus, tila walang pakialam sa naging reaksyon ng presidente. "However, Attorney Evangelista is good-looking, gentle and easy to get along with, and is indeed likable."Napakurap si Jaxon sa huling salitang binitawan nito. Likable. Mariing nagtagpo ang kanyang mga labi habang dumiin ang mariing hawak sa sariling ballpen. Alam niyang sikat si Bella, pero ang marinig na nanggagaling mismo sa ibang lalaki ang papuri ay nagdulot ng kakaibang init sa kanyang dibdib.Ilang lalaki na ba ang lumapit sa kanya? Ilan pa ang nagkakagusto sa kanya ngayon?"Jaxon, if there's nothing else, I'll head out now," pormal na paalam ni Lazarus nang mapansing hindi na maipinta ang mukha ng kausap."Um..." Jaxon utter
Chapter 4Tumama ang ashtray sa noo ni Bella dahilan para pumutok iyon. Kahit anong pigil niya, hindi niya nagawang hindi mapasigaw sa sobrang sakit.Naramdaman niya ang matinding pagkahilo. Sa sobrang hilo ay tuluyan siyang nahulog mula sa kanyang upuan at bumagsak sa sahig. Bright red blood gush
Chapter 3Chapter 3 He slapped herMabilis na itinago ni Bella ang nagbabadyang emosyon sa kanyang mga mata bago siya tahimik na bumalik sa pagkakaupo.Inakala ng pulis na natauhan na siya kaya inilapag nito ang mediation agreement sa harap niya. "Pirumahan mo na 'to, humingi ka ng paumanhin, at m
Chapter 2Mas mahalaga pa sa sariling buhay ni Jaxon ang singsing na iyon."Wag na wag mong susubukan uling hawakan ’yan," bulyaw ni Jaxon ng minsan niya itong aksidenteng nabunggo at halos magwala na ito sa galit. Pero ngayon, ang singsing na iyon ay hayagang suot na ni Clara. Wala nang duda na k
Chapter 1Mistulang naging pinakamadilim na kabanata ng buhay ni Bella ang araw na ito. Sino ba naman ang mag-aakalang mapagkakamalan siyang bayarang babae at makakaladkad pa sa presinto?"Beatriz Elena Evangelista?" tanong ng pulis habang sinusuri ang kanyang ID."Ahm, opo... ako nga po," dahan-d












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.