Share

Chapter 13

JAEL'S POINT OF VIEW

"Ano kamusta? Masarap 'no?"

"Hindi lang masarap, sobrang sarap!" ninanamnam ko bawat subo ko ng pork curry.

"Sabi sayo eh... sa lahat ng luto ni Mommy, pork curry pinaka favorite ko. Ang sarap kasi ng mga ulam na may gata," aniya. I agreed.

"Oh," umamba ako na makipag apir sakanya. "Favorite ko rin yung mga ulam na may gata."

"Ayos, edi mag kakasundo pala tayo sa mga ulam. Eto oh... sayo na 'to," binigay nya saakin yung mga natitirang sabaw para ilagay sa kanin ko. "Thank you."

"Lagi ka bang pinapa baunan ng Mommy mo?" tanong ko, tumango naman si Elkayne. "Yup, si mama lagi nag p-prepare ng baon ko, ayaw ko kase ng mga pagkain sa cafeteria, mahal na nga, hindi pa masarap..." Natawa kaming parehas dahil lahat ng mga sinabi nya, totoo. Yung mga pagkain sa cafeteria, sobrang mahal pero yung lasa, kung hindi matabang, hindi naman masarap. "Hindi siguro niluluto yung mga pagkain don with love," tinaas nya ang baunan nito. "Eto, punong-puno 'to ng pagmamahal ni Momm
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status