Share

Chapter 13

Chapter Thirteen

NAWALAN ng ideya si Eleanor kung paano ipapaliwanag ang narinig at nakita ng matalik nyang kaibigan. Imposible namang e-deny nya ang klarong narinig ni Flare. At kung paano nya itatago sa kaibigan ang iba nya pang sekreto ay hindi nya alam.

"El? Totoo ba ang narinig ko? You guys are married?" Pagtatanong ulit nito. El remained speechless.

'Come on Healia Eleanor! Answer you friend!' Utos ng utak nya. 

"Bakit ko pa itatanong ulit eh dinig na dinig ko nga kanina. Kitang-kita ko pa ang singsing sa daliri ni Fourth oh!" Turo nito.

Huminga ng malalim si El para pakalmahin ang sarili at makapagsalita para masagot nya si Flare. 

"H-how..." Nasabi nya, "How did you get in?" Gusto nyang sapakin ang sarili dahil sa malayong tanong na yun. 

Napasinghal si Flare ng marinig ang sinabi ng kaibigan nya. El starts to curse herself inside her mind. 

"Hindi nyo na lock ang pinto! Tsaka wag mo ibahin ang topic Eleanor. Nangako tayong walang maglilihim!" She exclaimed.

"I'm really sorry Flare." She managed to speak. "Pero kasi kailangan ko talagang itago ang tungkol dito." Dagdag nya.

"Bakit? Para saan?" Sunod-sunod nyang tanong. "Alam mo El, sa ilang taon nating naging magkaibigan, hanggang ngayon masasabi ko paring, hindi kita kilala. Misteryo parin sakin ang pagkatao mo." She stated. "Wala ka naman ng tinatago saakin diba?" Pagkukumpira nya.

Tumahimik ang paligid. Hindi nagawang makasagot ni El sa tanong na yun ni Flare. It seems to simple to say 'no', 'wala na akong tinatago sayo', 'wala na akong ibang sekreto'. But El couldn't utter any of those words. She found it hard to lie, even just a white lie to protect her friend. To prevent her from being acquainted to her reality.

Nanatiling walang imik ang lahat, hanggang sa mahinang natawa si Flare gawa ng hindi pagsagot ng bestfriend nya. 

"Bakit lahat nalang ng taong mahal ko ay may nililihim sa'kin? Am I really not worthy of your honesty?" Tanong ni Flare habang nakayuko. 

Matindi ang pag-atake ng konsesya ni El ng marinig nya yun mula sa kaibigan nya. Flare's expression became gloomy. Yung mga matang nyang palaging ngumingiti kasabay ng labi nya ay nawalan ng ekspresyon ng sandaling yun. Parang tinarakan ng espada ang d****b ni El ng makita ang ekspresyon sa mukha ng bestfriend nya.

Nagsimulang umatake ang kaba sa d****b nya. Natatakot syang sa paglabas nito ay unti-unting lalayo ang unang taong tumanggap sakanya sa labas ng Scarletti.

Flare turned her back to them and started walking out. Sa una ay hindi pa naigalaw ni El ang mga paa nya. Thankfully, she managed to walk after convincing her mind to. 

"Flare wait!—" she was about to hold her friend back.

Pero natigilan sya ng may humawak na kamay sa braso nya. It was Fourth, stopping her while shaking his head slow. Napatigil narin ang utak nya sa pag-iisip hanggang sa nakita nyang sumara na ang pintuan ng condo nya kasabay ng pag-alis ng bestfriend nya.

El felt like a betrayer. She feels like she betrayed her bestfriend from keeping so many secrets about herself. Like she betrayed her sister in order to keep her away from her world. 

Naibalik nya ang tingin kay Fourth. Wishing for him to consult her, seeking even just a little bit of comfort. And he didn't failed her. 

Marahan nyang hinila si El papunta sa mga braso nya. He hugged her, tight enough to melt her heart. Nagulat pa noong una si Eleanor, but it flattered her heart that it made her hug him back. 

"Give her some time to process things. We can talk to her after, hmm?"

Napatango nalang sya sa sinabi ni Fourth. Her hands held to him tighter. 

'He's right. For now, I just want to rely on him.' 

She always wanted this kind of comfort. Yung kayang gawing kalmado ang puso at isip nya. She never thought that Fourth can make her feel those. Kung ano man ang nararamdaman nya para sa binata ay idadagdag nya pa sa listahan ng mga iisipin nya pagkatapos ng problemang to.

But now, she hopes that she'll find a way to sort things out with Flare.

THE whole week slowly passed by, and just like Fourth suggested her to do, Eleanor gave her friend Flare some space to digest everything. Pero hindi nya maiwasang mag-alala, lalo na't simula noong Martes ay hindi ito pumasok sa klase nila. 

She wanted to take a visit on her friend's house to know if she's there but, she's afraid she might disturb her Flare— if she's in her home. Kaya, nanghingi sya ng tulong kay Sky para echeck kung ok lang ba si Flare. Laking pasalamat nya't hindi ito pinapapabayaan ni Sky Cristos. 

Pero hindi parin mawala ang pag-alala, at takot nya na baka hindi na sila magka-ayos. Baka hindi na sya pansinin nito? She's been thingking so many things this past few days.

Mag-isa lamang sya sa school. Kung minsan ay may mga kasama sya kapag may ginagawang group project. Pero iba parin talaga kapag kasama nya si Flare. Sometimes, Fourth wanted to join her during lunch. Pero iniiwasan na nila yun ngayon dahil nagsisimula na silang makarinig ng mga chismis tungkol sakanila. 

And sometimes, she can't find Fourth anywhere in school because he's busy with his company. Kaya kadalasan ay mag-isa talaga sya.

Wala sa sarili syang napabuntong hininga. Dahilan para mapatingin sakanya ang kahera ng bookstore. Napaiwas nalamang sya ng tingin at kinuha ang wallet sa shoulder bag nya. 

"1,850 po lahat ma'am." Sabi ng cashier.

"Here." Inabot nya ang dalawang libo dito. 

Pagkatapos maibalot ang kanyang mga pinamiling libro at maibigay ng kahera ang sukli nya ay deritsong naglakad si El palabas ng bookstore. 

Araw ng linggo at wala syang magawa. Gusto nya man sanang pumunta sa Scarletti at abalahin ang sarili sa mga trabaho nya doon, ay hindi sya pinayagan ni Tanda. Nalaman kasi nito ang nangyari kaya binigyan muna sya nito ng 'day off' kuno. 

Ang dati pa nyang hiling na day off. Pero di nya inaakala na ganito pala to ka boring. Halos magdadalawang oras na din sya dito sa mall. Saan naman kaya sya pupunta ngayon? 

Nahagip ng mga mata nya ang mga taong nagpipila para makakuha ng tickets sa sinehan. At dahil wala nga syang ibang magagawa ngayon ay bored na bored na sya. Matamlay na naglakad ang mga paa nya habang ang isa nyang kamay ay pinaloob nya sa bulsa ng jogging pants nya. 

Pinili nya yung linyang may kaunting mga taong nakapila. 

"Ticket for one Ma'am?"

Tumango lang sya para sagutin yun. Pagkatapos makakuha ng ticket ay pumunta muna sya sa bilihan ng juice. Napatingin sya sa popcorn pero napagdesisyonan nyang wag na bumili. Habang bitbit ang mga librong binili nya at ang juice ay tuloy-tuloy syang pumasok sa loob ng sinehan. 

Tahimik sa loob, pero paminsan-minsan ay may maririnig kang mga nagbubulong-bulungan. May mga humahagikhik pa. Sa bandang taas pinili ni El na maupo. Hindi lang sa movie nakafocus ang atensyon nya. Maging sa mga kaganapan sa loob ng sinehan ay napapansin nya. May mga naglalandian pa doon. 

Nagpakawala na naman sya ng buntong hininga bago ibalik ang mga mata nya sa movie ng marinig nya ang putukan ng baril doon. Action, romance pala itong napili nya. Hindi man lang nya napansin kanina. Basta basta nalang sya pumila doon. 

Bagot na bagot na pinanood ni El ang movie. Simpleng tinitingnan nya lang ito at hindi iniintindi. She was in the middle of watching the film when she heard a walking noise from someone who's coming to hee direction. Hindi na nya iyon pinansin, dahil baka isang manonood lang din.

Kumunot ang noo nya ng umupo ito sa katabi nyang upuan. She was about to turn her eyes to the guy. Pero bigla itong nagsalita. Which surprised her.

"Popcorn?" Simpleng tanong nito. 

When she simply heard the man's voice she recognized him immediately. Napatanong kaagad ang utak nya. Bakit sya nandito? Did he follow her? Paano naman nya nalaman na nandito sya?  

"Here, say ah.."

She snapped back to reality when Fourth offered her a piece of popcorn. Hindi nya alam kung bakit bumuka naman ang labi nya para tanggapin yun. 

"Are you ok?" Tanong ng binata ng makita syang nakatulala lang. 

"Y-yeah.." naisagot nya. Umiling sya para maayos ang isip nya. "Why are you— I mean..." Hindi nya alam ang tamang mga salitang itatanong.

"Maniniwala ka ba if I say it was a coincidence?" 

Nagtaka si El.

"No?" Patanong na sagot nya pabalik.

Does he mean he followed her here? Paano naman nya nalaman na nadito sya? 

"I wanted to see you so I asked someone where you're at." 

"Someone? Sino naman yun?" Tanong nya ulit.

"Si Cristos." Simpleng sagot ni Fourth.

"Si Sky?" 

"The other Cristos." 

Napa 'oh' sya sa sagot nito. Di nya inaakalang close pala ito sa kambal.

"The first Cristos is busy with someo— something so..." Dagdag nito na ikanakunot ng noo ni El. 

At ano naman ang pinagkaka-abalahan ni Sky? Naisip nya. 

"Pano mo naman nalaman na nadito ako sa loob ng sinehan?" Bulong nya, dahil ayaw nyang maistorbo ng ibang manonood. 

"I saw you outside earlier. You lined up to get a ticket and buy a juice with such a gloomy expression. Then I followed you after getting a ticket for my self and a popcorn."

El took aback when Fourth leaned closer to whisper his answer. Nailang sya. Pag-kailang, tama ba ang description ng naramdaman nya? Hindi nya iyon pinahalata at muling ibinuka ang bibig nya para magsalita. 

"Did you just stalk me Mr. De Salvo?" She tried to tease him.

"I just wanted to surprise my wife, Mrs. De Salvo." He answered.

Eleanor felt like her heart jumped for a sec. She just got counterattacked! And she can feel her cheeks heating up. Kaagad syang napaiwas ng maramdaman nya ang pamumula ng pisngi nya. 

'How can he answer like that?' pagrereklamo nya sa isipan. 

"More popcorn?" Fourth offered. 

Pag-iling na lang ang naisagot nya habang iniiwasang magtama ang mga mata nila. She took a sip of her juice. Then she heard him chuckled. Kunot noo syang tumingin dito. He's smiling from ear to ear while his eyes are focused on the movie. 

Wala namang nakakatawa doon sa pinapanood nila. Kaya bakit ito tumatawa? 

'Did he laughed at me?' Eleanor thought.

Napalabi sya na parang batang inaway ng mga kalaro nya. Naramdaman nya ang pagtitig ni Fourth sakanya kaya napalingon sya dito. There's something in his eyes that she can't explain.

"Stop pouting..." Then his hand reached for her cheeks and pinched her— that made her eyes gone wide. 

"You're so cute." He whispered. Pero narinig iyon ni El.

'Ako? Cute? He called me cute?' sunod-sunod na tanong sa utak nya. 

Napaawang ang mga labi nya habang nakatingin sa binata. Habang abala naman ito sa panonood at pagkain ng hawak na popcorn. Their eyes was about to met, but she avoided immediately when Fourth moved his head. 

And great timing. A kissing scene of the main characters are showing in the screen. It's just a normal scene for the movie's plot but she felt conscious. Lalo na't dama nya ang mga mata ni Fourth na nakatingin sakanya. 

Wala syang choice kundi ang manatiling nakatingin doon. Until the words 'the end' appeared on the screen. Nakahinga sya ng maluwag. Doon na sya nakalingon sa kasama. But still, his eyes are focused on her.

"H-how was the movie?" Wala sa sariling naitanong nya. 

"It's beautiful." He answered so simply while his brown orbs are looking straight at her. 

At gaya ng nasanayan ni El. Napaiwas na naman sya. She picked up the paper bag that contains the books she bought earlier. 

"Hali kana." Aniya habang awkward na nakangiti.

Tumayo din naman ito at lumapit sakanya.

"Let me carry that." Awtomatiko nyang naibigay ang dala nya.  

"S-salamat." He just smiled at her and leaded the way out of the cinema. 

Usap-usapan ng mga nangyari sa movie ang sunod nyang narinig ng makalabas na sila. Suddenly her mood changed. She looked at Fourth, who's now on his phone. 

Nagtaka si sya ng guluhin nito ang sariling buhok na para bang naiinis. 

"Ok I'll be there in a minute." Huling sabi nito bago ibaba ang telepono.

"May problema ba?" She asked softly.

"My secretary called. He said I still have a meeting." Kamot kamot nito ang leeg.

"Tinakasan mo ba ang secretary mo?" She wanted to laugh when she saw his reaction and confirmed that her guess was right.

Hindi ito sumagot at natawa narin. He pushed his hair backwards and laughed with her.

"I'll drive you home." He offered.

Umiling si El, "Maglilibot pa ko dito. Mauna ka na muna, baka kanina ka pa hinihintay doon." She replied.

"Ok, I'm really sorry but I have to go. Susunduin kita mamaya sa condo mo." Anito saka patakbong umalis.

Nagtaka si El. Susunduin? Saan naman sila pupunta? Hinintay nyang mawala sa paningin nya ang pigura ni Fourth bago sya nagsimulang kumilos para maglibot-libot pa. 

Dismayado sya, oo. Akala nya may makakasama na sya. But Fourth has his responsibilities. Tumakas pa nga ito para makapunta sa kung nasaan sya. And she appreciated that. The thought of it gives her a fluttery feeling.

Napatigil sya sa isang jewelry store. She saw a watch, at una nyang naisip ay babagay ito sa asawa nya.

'Asawa? God, that so weird Healia!' kontra nya sa isip.

"A gift for you boyfriend miss?" Anang saleslady.

'My husband to be exact.' She failed to surpress her smile.

"Yes." Sagot nya.

Nahagip din ng mga mata nya ang isang kwentas na may butterfly pendant. Naalala nya kaagad ang bestfriend nya. Flare loves butterflies. 

In the end, she bought 3. Two watches for Fourth and Kael, and a necklace for Flare. Gusto nya pa sanang bilhan ang tatlong Collins pero nashort sya sa cash. Hindi nya rin nadala ang atm nya. Wala kasi sa isip nya kanina ang mamili ng ganito. 

For sure magtatampo sakanya ang tatlong yun. The image of the Collins pouting made her laugh. 

Pagkatapos nyang mamili ay dumiretso sya pauwi. She took a taxi home. Pagkatapos ayusin ang sarili ay binalot nya ang mga pinamili sa gift wrappers na pinamili nya rin kanina. 

'I hope they'll like this' She thought, smiling.

She remembered Fourth saying that he'll pick her up. Kaya naghintay sya. Lumipas ang hapunan pero hindi dumating si Fourth. Kaya ginawa nyang pagkaabalahan ang pagbabasa ng libro at panonood ng TV. 

Past 10:30 and still, no one arrived. Pinatay nya ang telebisyon at naghandang matulog. She was about to turn off the lights when she heard someone knocked on her door.

Kaagad nyang pinuntahan iyon. At gaya ng inaasahan nya. It was Fourth. Habol-habol pa nito ang hininga. 

"Ayos ka lang ba?" Nag-aalala nyang tanong. He looked tired.

"I'm sorry I'm late." He apologized while catching his breath.

"It's fine. Pumasok ka muna. I'll just get some water." Maglalakad na sana sya pero pinigilan sya nito.

"No need, wee need to go. Someone wants to talk to you." Anito.

"Huh? Sino?" Tanong nya.

He grabbed his wrist gently and guide her outside. Hanggang sa nakarating sila sa Park malapit sa condominium. Kaagad na nahagip ng mga mata nya ang pigura ng isang babae sa swing. 

Tindig palang nito ay kilala na nya. And when the girl turned around and faced her direction. She confirmed it was her bestfriend. It's Flare! 

Ngumiti ito kay El. She looked at Fourth and he smiled at her. Flare opened her arms.

"Hindi mo man lang ba ko yayakapin?" 

And Eleanor hugged her friend. Niyakap naman sya pabalik ni Flare.

"I'm so sorry for keeping secrets from you Flare." She apologized.

Then she looked at Fourth Ycarious and mouthed thank you.

'You're welcome.' He mouthed back.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status