NAKAHIGA lang ako buong maghapon. Tinatawagan ako ni Bliz pero hindi ko sinasagot ang mga tawag niya, nakailang missed calls na siya pero kahit isa ro'n ay hindi ko nagawang sagutin. Alam ko naman ang sasabihin at itatanong niya sa akin.
Hindi ako makapaniwalang tinanggihan ako ni Mageline. Ibibigay ko naman ang lahat sa kaniya basta pakasalan niya lang ako, kahit lokohin niya pa ako, okay lang sa akin basta nasa tabi ko siya.
Kinuha ko ang cellphone ko at sinubukan kong tawagan si Mageline pero walang sumasagot. Inulit ko 'yon nang ilang beses at natuwa ako dahil may sumagot na.
“Mageline, let's talk. Please,” bungad ko sa kaniya. May narinig akong bumuntong hininga.
“Wala si Mageline dito. Iniwan niya itong cellphone niya at may nakita akong tumatawag so sinagot ko. Si Zayra 'to.” Papatayin ko na sana ang tawag nang may naisip akong bigla.
“Puwede ka ba makipagkita sa akin?” I asked her. Gusto ko siyang makausap dahil may biglang pumasok na plano sa utak ko.
“For what?” tanong niya sa akin.
“It would be my pleasure if you would join me for dinner tonight.” Ngumiti ako nang malawak. Sana lang ay pumayag siya.
“Sure. What time?” Nag-isip muna ako bago ko siya sagutin.
“6:00 PM. Punta ka na lang dito,” I said to her bago ko ibaba ang tawag.
Ang plano ko ay gamitin siya tutal kaibigan niya naman si Mageline, magpapatulong ako sa kaniya para bumalik si Mageline sa akin. Hindi ako papayag na mapunta siya sa lalaking 'yon. Hindi ko nga kilala kung sino ba 'yon. Ayaw kong may mangyaring masama sa kaniya dahil mahal na mahal ko siya.
5:30 PM na at naghahanda na ako para sa pagdating ni Zayra rito sa bahay. Nagluto ako ng mga pagkain at inihain na ang lahat ng 'yon sa lamesa. Sisiguraduhin kong mapapapayag ko siya.
Mayamaya ay tumawag sa akin si Bliz. Wala akong balak sagutin pero mukhang importante kaya sinagot ko na ito.
Bliz asked me, “How are you feeling today?” Natawa ako bigla, 'yan ang bungad niya samantalang alam niya naman na hindi ako maayos.
“I am mad at her. But I'm fine, don't worry about me. I'm always fine,” I answered to him. Huminga siya nang malalim bago magsalita ulit.
“Marami pa naman diyan. Mas okay kaysa kay Mageline.” Narindi naman ako dahil sa sinabi niya kaya nahampas ko bigla 'yong lamesa.
“What are you trying to say? Bye. Ayaw ko nang makinig pa,” sambit ko bago ko ibinaba ang tawag.
Narinig ko na may nag-do-doorbell kaya pinabuksan ko sa katulong 'yong pinto, alam kong siya na 'yon. Nakaupo ako sa upuan at hinintay ko lang si Zayra na dumating.
“Hey,” Zayra said. Nandito na siya, lumapit ako sa kaniya at inoffer ko sa kaniya ang isang upuan. She's wearing a black dress, bagay sa kaniya dahil sa maputi niyang balat mas lalo pang tumitingkad ang kulay niya kapag nakaitim siya.
“Lagi kang naka-black,” Natatawang sambit ko. Tumitig na naman siya sa mga mata ko at naaaninag ko ang kulay asul na mata niya. May lahi siguro siya.
“None of your business. I know na nagtataka ka kung bakit lagi akong nakaitim at kung bakit kulay asul ang mata ko. Nababasa ko ang iniisip mo.” Nagulat naman ako dahil sa sinabi niya kaya umiwas ako ng tingin.
“Bakit naman kita iisipin?” pangangatuwiran ko dahil nabalot ako bigla ng hiya. Ngumiti siya at tinitigan muli ako sa mata. Nakatutunaw nga naman talaga ang mga tinginan niya kaya pilit akong umiiwas.
“So, anong pag-uusapan natin?” tanong niya.
“I want her back and I want you to help me dahil kaibigan mo siya. Alam mo kung ano ang mga gusto at ang ayaw niya. So, I need you,” I said. Kumunot ang noo niya dahil sa sinabi ko pero kailangan ko siyang mapapayag. Kahit magalit siya ay titiisin ko, kahit bulyawan niya pa ako. Kailangan ko siyang mapa-oo.
“Tinanggihan ka na nga niya, e. Hindi pa ba sapat 'yon?” Uminit ang ulo ko dahil sa sinabi niya kaya hinampas ko ang lamesa at tumayo ako.
“I will pay you.” Tiningnan niya ako at pinag-iisipan niya ang offer ko.
“I don't need your money,” she answered. Nabigla ako sa sinabi niya. Alam kong gusto niya akong magmakaawa sa kaniya. 'Yon naman ang gusto ng iba, magmakaawa ka lang papayag na sila.
“Please, help me.” Pinaamo ko ang mukha ko at tinitigan ko siya sa mga mata.
“Okay. Magkita tayo bukas at akin na 'yang phone mo.” Napangiti ako nang mapapayag ko siya. I gave my phone and she saved her own number.
“Alis na ako.” Akmang aalis na siya nang hawakan ko ang kamay niya.
“Hatid na kita.” Ngumiti lang siya at hindi niya na ako pinasunod pa.
Masaya ako dahil napapayag ko siya. Sisiguraduhin ko na mapupunta sa akin si Mageline. I really love her. Gagawin ko lahat kahit magmukha pa akong desperado.
Mayamaya ay mag nag-text sa akin. Binuksan ko 'yon at nakita kong si Zayra ang nag-text sa akin.
“Wala bang thank you?” Natawa naman ako bigla sa message niya.
I replied, “Thank you.” Pinalinis ko na sa mga katulong ang kalat at umakyat na ako sa kuwarto ko.
Naghalungkat ako ng mga gamit hanggang sa nakita ko ang box na may laman na mga litrato namin ni Mageline na magkasama.
Kinuha ko 'yong picture kung saan nasa America kami. Ang saya niya sa picture na 'to pero hindi ko talaga makita-kita sa mata niya na masaya siya dahil kasama ako.
Pagkatapos ko titigan lahat ay ibinalik ko na ito sa box. Maayos ang pagkakalagay ko dahil iniingatan ko talaga 'yong mga litrato na 'yon.
Matagal na kami at sa isang iglap lamang ay nawala ang tinatawag kong kami. Hiniwalayan niya ako sa saktong third aniversary pa namin. Nakatatawang isipin na ipinagpalit niya ako sa lalaking hindi man lang siya magawang ipagmalaki.
Nakatatawa rin na naiwan ako dahil hindi niya ako nagawang mahalin sa sobrang tagal ng pinagsamahan namin.
Naiisip ko tuloy na, siguro, mahirap talaga akong mahalin.
Makaraan ang ilang buwan ay napagdesisyunan namin ni Zach na mag-ampon. Alam na ng mga magulang niya na hindi siya makakabuo ng isang bata at alam din 'yon ng pamilya ko. Sa ngayon ay matiwasay kaming namumuhay at napag-isip-isip din namin na kumuha ng bata para maalagaan at mapalaki nang maayos. "Ito na po siya," bungad na wika ng Madreng kaharap namin ngayon. Magkahawak ang mga kamay namin ni Zach at hinarap namin nang nakangiti ang batang babae na may mahaba ang buhok. "Gusto ko siya. Para siyang si Mageline kung iisipin," ani ko kay Zach. Tumingin siya sa akin."Mageline?" naguguluhang tanong niya. Napangiti naman ako habang tinititigan ang batang nasa harap namin ngayon. Siguro ay mga nasa pitong taong gulang pa lamang siya. Kulot din ang mga buhok niya. "Para siyang si Mageline nang mga bata pa kami," nakangiting sambit ko. Napatango-tango naman si Zach at lumuhod siya para matitigan niya nang mabuti ang bata. "Magiging Javier ka na, gusto mo ba 'yon?" tanong ni Zach sa ba
Abalang-abala ang lahat dahil sa kasal namin ni Bliz. Habang inaayusan ako ay iwinawagayway naman sa akin ni mama ang gown na susuotin ko. "Ano ba, 'ma?" I asked her. She looked at me and gave me a smile. Alam kong masayang-masaya siya, halatang-halata naman sa istura niya. "Kasal mo ngayon that's why I'm so happy," she said. Napakunot ang aking noo, mukhang gusto niya na talaga akong makaalis sa puder niya. Napatingin ako sa kawalan nang maalala ko ang araw na 'yon. Hindi ko inakalang gagawian sa akin ni Zach ang mga bagay na 'yon, labis akong nasasaktan pero huli na. Ako rin naman ang may kagagawan ng lahat. "Why so sad?" my mom asked. I looked at her and a tear escaped my eyes. "Do you think magiging masaya ako? What I mean is, ikakasal ako sa taong hindi ko naman mahal? 'Ma, ang hirap nito," sabi ko sa kaniya. Lumakad siya palapit sa akin at hinawakan ang pisngi ko. "Anak, para sa'yo 'to at tandaan mo, bawal ka nang umatras. Magiging masaya ka, pangako." Napasinghap na lang
"Hija, kung mahal mo siya dapat puntahan mo na siya ngayon at sabihin mo sa kaniya kung ano ang nararamdaman mo," ani ng ina ni Zach. Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya naisipan kong pumunta rito sa bahay nila at kausapin siya tungkol sa mga naging desisyon ko."Tita kasi po..." Yumuko ako bago magsalitang muli, "Baka po magalit si mama kung aatras po ako sa kasal namin ni Bliz."Biglang tumawa ang mama ni Zach. Hindi ko alam kung anong rason ng pagtawa niya. May nasabi ba akong nakatatawa? "Pardon me. Kasal niyo ni Bliz? Are you kidding?" Naguluhan ako sa itinanong ni tita kaya napakunot ang noo ko. Nagtataka na talaga ako mula kahapon pa."May mali po ba?" tanong ko. Nagambala kami sa pag-uusap nang biglang may kumatok. Pagkabukas ng pinto ni tita ay lumaki ang mga mata ko. Nabigla ako sapagkat si Zach ang taong kumatok at nagulat din siya nang makita niya ako."Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Zach sa akin. Napairap ako at nang susubukan ko ng tumayo ay hinatak ako ng mama niya
"Anong ginagawa mo rito?" bungad sa akin ni Bliz. Nakangiti siya sa akin at ayaw na ayaw ko talaga ang kakaibang ngiti niya."Tungkol sa kasal natin," sagot ko sa kaniya. Nabigla ako sa pagtawa niya nang sobrang lakas kaya napakunot ang aking noo."May nakatatawa ba?" tanong ko sa kaniya kaya tumigil siya sa pagtawa at inayos niya ang kaniyang sarili.Mukhang may sayad na ata siya sa utak. Tumatawa na lang siya bigla-bigla. Minsan ay seryoso ang kaniyang mukha pero may pagkakataon din na nakangiti lang siya. "Wala naman. Upo ka," aya sa akin ni Bliz. Umupo ako sa sofa at tumabi siya sa akin."Ano bang gusto mong malaman? Tungkol sa kasal natin? Walang kuwenta kung pag-uusapan natin 'yon. Mas mabuti kung pag-uusapan natin kung sino ang tunay na ama ng dinadala ni Mageline," ani niya kaya mas lalo pang kumunot ang noo ko. Alam ko na kung sino ang tunay na ama ng dinadala ni Mageline at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa niya iyon kay Zach at sa mama ni Zach. Naba
Zayra's POVTuloy-tuloy lang sa pagpatak ang mga luha ko at walang tigil ito sa pag-agos habang binabasa ko ang huling liham ni Mageline. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na lumuha nang sobra-sobra lalo pa't para ko na rin siyang kapatid. "Ito ba talaga ang gusto mo?" tanong ko sa kawalan. Para akong timang na nagsasalita mag-isa. Iniisip ko na nandito siya sa tabi ko at nakikinig sa akin ngunit para na akong baliw sa ginagawa ko."Hindi maaari itong gusto mo dahil sa sabado ay ikakasal na ako--ikakasal na ako sa taong hindi ko gusto." Napangiti ako nang mapait nang maalala ko ang mga sinasabi sa akin ni mama. Wala na akong kawala at ito rin ang dahilan ko kung bakit ayaw ko na makita si Zach. Hindi na ako puwedeng umatras pa at baka magalit ang magulang ko, lalong-lalo na si mama. Ayaw kong mangyari 'yon.Ito na ba ang parusa sa akin ng langit? Ito na ba ang kabayaran sa mga maling nagawa ko? Bakit ganito naman kalupit? Ang mga tao'y parang rosas, unti-unting nalalanta. Sa paglipas
"Zayra! Papasukin mo ako!" sigaw ko mula rito sa gate na kinatatayuan ko. Mahigit dalawang oras na akong naghihintay sa kaniya at hindi pa rin siya nagpapakita sa akin. "Zayra! Dalawang oras nang nakatayo ang mga paa ko. Maawa ka," dugtong ko pa. Halos malanta na ako dahil sa ngalay. Sumasakit na ang tuhod at ang paa ko. Lumabas ang ama ni Zayra at lumapit sa akin. "Anong ginagawa mo rito?! Wala si Zayra rito, umalis ka na," pasigaw niyang sabi. Napakagat ako ng labi at napasinghal. "Kailangan ko lang po siyang makausap," pangungumbinsi ko. Tinitigan ako nang masama ng ama ni Zayra at hindi ako nagpatinag. Kailangan kong maiabot itong sulat na dala-dala ko. "Ang kulit mo! Umalis ka na! Ayaw kang makita ni Zayra," ani ng ama ni Zayra. Inilabas ko ang sulat at iniabot ko ito sa kaniya. "Pakibigay na lang po. Sulat po iyan ni Mageline," sabi ko bago tumalikod. Wala na akong narinig pa na salita mula sa ama ni Zayra. Hindi rin lumabas si Zayra sa lungga niya. Mukhang ayaw niya talag