PINAPUNTA ako ni Zayra sa lugar na 'to. Hindi ko alam pero ang weird dahil puro bungo ang nakikita ko at may mga sapot ng gagamba. Piling ko tuloy halloween na.
“What's your order, sir?” tanong sa akin ng waiter na itim na itim sa suot niya. Tiningnan ko ang menu at kakaiba ang mga pangalan ng pagkain nila rito.
“Vampire blood, please.” 'Yon na lang ang na-order ko dahil hindi ko rin alam kung masarap ba ang mga pagkain dito. Umalis na 'yong waiter at maya-maya pa ay dumating na 'yong order ko.
Kulay pulang juice. Ang cool dahil pulang-pula ito, nagmimistulang parang dugo talaga. Sinubukan ko itong tikman at namangha ako sa taglay na sarap ng lasa nito.
Naisipan kong tawagan si Zayra dahil ang tagal niya. Kukuhanin ko na sana ang cellphone ko nang nakita ko siyang naglalakad na palapit sa akin.
“Sorry. Wala kasi akong masakyan,” she said at umupo na siya sa harapan ko.
“Dapat nagpasundo ka na sa akin.” Sambit ko naman. Tiningnan niya ang in-order ko at napangiti siya.
“No need. Masarap 'yan,” sambit niya habang nakatingin pa rin sa juice na iniinom ko kaya tinawag ko ang waiter at nag-order ako ng makakain ni Zayra.
“Anong plano mo?” she asked me. Ngumiti ako sa kaniya at nagtaka ako nang makita ko na kulay itim ang mga mata niya.
“Bakit iba ang kulay ng mata mo ngayon?” nagtatakang tanong ko sa kaniya. Nabigla naman ako dahil sa malakas na pagtawa niya.
“Mas cool ang black tsaka ayaw ko talaga sa asul kong mata. Sabi ni Mageline maganda raw ang mata ko pero naiinis ako sa mata ko. Naalala ko 'yong nanay ko kapag naalala ko na kulay asul pala ang mata ko,” pagkukuwento niya. Tumango na lamang ako imbes na magtanong pa. Sakto naman na dumating na ang mga inorder namin.
“Ano ba ang mga gusto ni Mageline?” tanong ko sa kaniya. Kumuha siya ng dinuguan at puto. Isinawsaw niya 'yong puto sa dinuguan kaya medyo nagtaka ako. Hindi ko pa 'yon nagagawa sa buong buhay ko kaya tumingin-tingin ako sa ibang customer dito at gano'n din ang ginagawa nila kaya naisipan kong subukan. Kumuha ako ng puto at isinawsaw ko iyon sa dinuguan.
“Gusto niya? Mamahaling gamit,” aniya. Alam ko naman na gusto niya 'yong mga mahal, yong tipong branded.
Sinubo ko 'yong puto at ang sarap nga, akala ko kaya ako pinapunta rito ni Zayra dahil kulay itim ang paligid pero siguro kaya rito niya rin naisipan makipagkita kasi napakasarap nga naman talaga ng mga pagkain.
“Alam ko na 'yon. Iba naman,” sabi ko sa kaniya. Nag-isip siya bago magsalitang muli.
“Gusto niya ng mga lalaking mahahaba ang buhok.” Napaisip naman ako sa sinabi niya. Hindi ko gusto ang mahabang buhok pero si Bliz, mahaba ang buhok niya kaya siguro maraming babae ang nagkakandarapa sa kaniya.
“Ano pa?” tanong ko ulit.
“Gusto niya 'yong medyo maangas ang datingan at hindi 'yon lalaking nagmamakaawa para lang sa love.” Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Zayra at alam ko rin kasi na may nais siyang iparating sa mga salitaan niya pa lang ay halatang-halata ko na.
“So, sinasabi mo ba na ayaw sa akin ni Mageline dahil nagmamakaawa ako sa pagmamahal?” seryosong tanong ko sa kaniya. Tumango lang siya sa akin. Gusto ko sanang mainis dahil hindi man lang siya aware sa mararamdaman ng isang tao.
“Ano pa?” Ininom ko 'yong juice at hinintay siyang magsalita.
“Gusto niya 'yong nag-eeffort at siyempre, magaling sa kama.” Tiningnan niya ako sa mga mata at gusto kong humagalpak sa tawa dahil sa sinabi niya.
“Seriously? Bakit? Magaling naman ako!” I said to her na dahilan ng pagtawa niya nang sobrang lakas.
“Hindi ko sinabing hindi ka magaling. Huwag kang palaban.” Tumatawa pa rin siya habang ako nakakunot na ang noo ko. Kakaiba rin 'tong babaeng 'to.
“Ano pa?” tanong kong muli sa kaniya. Tumingin siya sa akin at tumigil na siya sa pagtawa.
“Puntahan mo siya sa bahay nila. Dalhan mo ng kulay itim na rosas,” sabi niya sa akin. Agad akong napaisip sa suggestion niya, itim na rosas? Hindi ko alam na gusto niya pala ang itim na rosas dahil ang alam ko ay mahilig siya sa sunflower.
“Sige.” Nang matapos na kami kumain ay hinatid ko siya sa bahay nila. Malaki ang bahay nila at kulay itim ang mga pintura.
“Pasok ka,” aya niya sa akin pero tumanggi ako sa kaniya.
“Aalis na ako dahil makikipagkita pa ako kay Bliz. Bye.” pagpapaalam ko sa kaniya bago ako umalis.
Sumakay na ako sa kotse at nagmaneho. Tinawagan ko si Bliz dahil magkikita rin kami ngayon.
“Nasaan ka na?” bungad ni Bliz sa akin.
“Malapit na, sorry,” I answered. Sobrang bilis ng pagmamaneho ko kasi may pag-uusapan din kami ni Bliz na napakaimportante.
Nang makarating na ako sa bahay nila ay pumasok na ako kaagad at pinuntahan siya.
“Bro, ang tagal mo. Anong pag-uusapan natin?” tanong sa akin ni Bliz.
“Gusto kong alamin mo kung sino 'yong lalaki ni Mageline.” Napanganga siyang bigla, alam kong nabigla siya sa sinabi ko at hindi ko alam kung ano ang dahilan ng pagkagulat niya.
“B-Bakit?” nagtatakang tanong niya. Tinapik ko ang braso niya at nginitian siya.
“Akin lang si Mageline.” I answered. I smiled widely. Gusto ko bumalik sa akin si Mageline. Kung sino man 'yong lalaking 'yon, handa ko siyang burahin sa mundo.
“Bro. 'Yong nangyari nang araw na 'yon. Okay ka lang?” tanong niya.
“Oo naman.” I answered. May pinag-usapan pa kami tungkol sa business pero nagdesisyon na rin ako kaagad na umuwi na dahil gusto ko nang magpahinga.
Nang makauwi na ako ay agad akong dumiretso sa kuwarto ko at humiga.
Hindi ko maiwasang malungkot dahil wala si Mageline sa tabi ko. Wala akong mayakap sa malamig na gabing ito. Pakiramdam ko ay kaunting oras na lang at mababalot na ako ng yelo, wala akong maramdamang kahit katiting na init.
“Bumalik ka na Mageline,” bulong ko sa hangin. Baka sakaling pakinggan ako ng Diyos at tuparin niya na ang hiling ko.
Makaraan ang ilang buwan ay napagdesisyunan namin ni Zach na mag-ampon. Alam na ng mga magulang niya na hindi siya makakabuo ng isang bata at alam din 'yon ng pamilya ko. Sa ngayon ay matiwasay kaming namumuhay at napag-isip-isip din namin na kumuha ng bata para maalagaan at mapalaki nang maayos. "Ito na po siya," bungad na wika ng Madreng kaharap namin ngayon. Magkahawak ang mga kamay namin ni Zach at hinarap namin nang nakangiti ang batang babae na may mahaba ang buhok. "Gusto ko siya. Para siyang si Mageline kung iisipin," ani ko kay Zach. Tumingin siya sa akin."Mageline?" naguguluhang tanong niya. Napangiti naman ako habang tinititigan ang batang nasa harap namin ngayon. Siguro ay mga nasa pitong taong gulang pa lamang siya. Kulot din ang mga buhok niya. "Para siyang si Mageline nang mga bata pa kami," nakangiting sambit ko. Napatango-tango naman si Zach at lumuhod siya para matitigan niya nang mabuti ang bata. "Magiging Javier ka na, gusto mo ba 'yon?" tanong ni Zach sa ba
Abalang-abala ang lahat dahil sa kasal namin ni Bliz. Habang inaayusan ako ay iwinawagayway naman sa akin ni mama ang gown na susuotin ko. "Ano ba, 'ma?" I asked her. She looked at me and gave me a smile. Alam kong masayang-masaya siya, halatang-halata naman sa istura niya. "Kasal mo ngayon that's why I'm so happy," she said. Napakunot ang aking noo, mukhang gusto niya na talaga akong makaalis sa puder niya. Napatingin ako sa kawalan nang maalala ko ang araw na 'yon. Hindi ko inakalang gagawian sa akin ni Zach ang mga bagay na 'yon, labis akong nasasaktan pero huli na. Ako rin naman ang may kagagawan ng lahat. "Why so sad?" my mom asked. I looked at her and a tear escaped my eyes. "Do you think magiging masaya ako? What I mean is, ikakasal ako sa taong hindi ko naman mahal? 'Ma, ang hirap nito," sabi ko sa kaniya. Lumakad siya palapit sa akin at hinawakan ang pisngi ko. "Anak, para sa'yo 'to at tandaan mo, bawal ka nang umatras. Magiging masaya ka, pangako." Napasinghap na lang
"Hija, kung mahal mo siya dapat puntahan mo na siya ngayon at sabihin mo sa kaniya kung ano ang nararamdaman mo," ani ng ina ni Zach. Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya naisipan kong pumunta rito sa bahay nila at kausapin siya tungkol sa mga naging desisyon ko."Tita kasi po..." Yumuko ako bago magsalitang muli, "Baka po magalit si mama kung aatras po ako sa kasal namin ni Bliz."Biglang tumawa ang mama ni Zach. Hindi ko alam kung anong rason ng pagtawa niya. May nasabi ba akong nakatatawa? "Pardon me. Kasal niyo ni Bliz? Are you kidding?" Naguluhan ako sa itinanong ni tita kaya napakunot ang noo ko. Nagtataka na talaga ako mula kahapon pa."May mali po ba?" tanong ko. Nagambala kami sa pag-uusap nang biglang may kumatok. Pagkabukas ng pinto ni tita ay lumaki ang mga mata ko. Nabigla ako sapagkat si Zach ang taong kumatok at nagulat din siya nang makita niya ako."Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Zach sa akin. Napairap ako at nang susubukan ko ng tumayo ay hinatak ako ng mama niya
"Anong ginagawa mo rito?" bungad sa akin ni Bliz. Nakangiti siya sa akin at ayaw na ayaw ko talaga ang kakaibang ngiti niya."Tungkol sa kasal natin," sagot ko sa kaniya. Nabigla ako sa pagtawa niya nang sobrang lakas kaya napakunot ang aking noo."May nakatatawa ba?" tanong ko sa kaniya kaya tumigil siya sa pagtawa at inayos niya ang kaniyang sarili.Mukhang may sayad na ata siya sa utak. Tumatawa na lang siya bigla-bigla. Minsan ay seryoso ang kaniyang mukha pero may pagkakataon din na nakangiti lang siya. "Wala naman. Upo ka," aya sa akin ni Bliz. Umupo ako sa sofa at tumabi siya sa akin."Ano bang gusto mong malaman? Tungkol sa kasal natin? Walang kuwenta kung pag-uusapan natin 'yon. Mas mabuti kung pag-uusapan natin kung sino ang tunay na ama ng dinadala ni Mageline," ani niya kaya mas lalo pang kumunot ang noo ko. Alam ko na kung sino ang tunay na ama ng dinadala ni Mageline at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa niya iyon kay Zach at sa mama ni Zach. Naba
Zayra's POVTuloy-tuloy lang sa pagpatak ang mga luha ko at walang tigil ito sa pag-agos habang binabasa ko ang huling liham ni Mageline. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na lumuha nang sobra-sobra lalo pa't para ko na rin siyang kapatid. "Ito ba talaga ang gusto mo?" tanong ko sa kawalan. Para akong timang na nagsasalita mag-isa. Iniisip ko na nandito siya sa tabi ko at nakikinig sa akin ngunit para na akong baliw sa ginagawa ko."Hindi maaari itong gusto mo dahil sa sabado ay ikakasal na ako--ikakasal na ako sa taong hindi ko gusto." Napangiti ako nang mapait nang maalala ko ang mga sinasabi sa akin ni mama. Wala na akong kawala at ito rin ang dahilan ko kung bakit ayaw ko na makita si Zach. Hindi na ako puwedeng umatras pa at baka magalit ang magulang ko, lalong-lalo na si mama. Ayaw kong mangyari 'yon.Ito na ba ang parusa sa akin ng langit? Ito na ba ang kabayaran sa mga maling nagawa ko? Bakit ganito naman kalupit? Ang mga tao'y parang rosas, unti-unting nalalanta. Sa paglipas
"Zayra! Papasukin mo ako!" sigaw ko mula rito sa gate na kinatatayuan ko. Mahigit dalawang oras na akong naghihintay sa kaniya at hindi pa rin siya nagpapakita sa akin. "Zayra! Dalawang oras nang nakatayo ang mga paa ko. Maawa ka," dugtong ko pa. Halos malanta na ako dahil sa ngalay. Sumasakit na ang tuhod at ang paa ko. Lumabas ang ama ni Zayra at lumapit sa akin. "Anong ginagawa mo rito?! Wala si Zayra rito, umalis ka na," pasigaw niyang sabi. Napakagat ako ng labi at napasinghal. "Kailangan ko lang po siyang makausap," pangungumbinsi ko. Tinitigan ako nang masama ng ama ni Zayra at hindi ako nagpatinag. Kailangan kong maiabot itong sulat na dala-dala ko. "Ang kulit mo! Umalis ka na! Ayaw kang makita ni Zayra," ani ng ama ni Zayra. Inilabas ko ang sulat at iniabot ko ito sa kaniya. "Pakibigay na lang po. Sulat po iyan ni Mageline," sabi ko bago tumalikod. Wala na akong narinig pa na salita mula sa ama ni Zayra. Hindi rin lumabas si Zayra sa lungga niya. Mukhang ayaw niya talag