Share

Chapter 15

Asper Reign Dahlia’s Pov

Halos hindi ako tinigilan ni Misis Flerry. At sa buong event ay ako lang ang lagi niyang kinakausap.

Wala nga akong naintindihan sa nangyayari sa event dahil nasa kanya lang ang atensyon ko. Ni hindi ko na din naasikaso si Miracle dahil abala ako sa kanya.

Nawala lang yata ang atensyon sa akin ng ginang nang tawagin na siya sa stage para mag-present ng mga award at iyon ang pagkakataon ko para mapag-isa kahit sandali.

Kaya pumuslit muna ako palayo sa event at tumambay sa garden kung saan hindi masyadong napupuntahan ng ibang guest.

“You are here.” Napalingon ako sa nagsalita at nakita si Jyn. Hindi ko napansin na nakaupo pala siya sa kabilang side ng fountain at mukhang kanina pa siya narito. “You finally had your break?”

“Well, busy na siya sa itaas ng stage kaya nakalayo muna ako saglit sa event place.” Tumayo ako at lumipat sa side niya. “What about you?”

“Mister Flerry was already busy when his son came,” sambit niya. “Dito na ako tumambay dahil mas tahimi
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status