Enticing Series 1: Nightmare

Enticing Series 1: Nightmare

By:  LelouchAlleah  Kumpleto
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Hindi Sapat ang Ratings
99Mga Kabanata
1.3Kviews
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
Leave your review on App

Asper Reign Dahlia ran away from home when she learned that her father wanted her to marry a cruel prince. She then had an unbelievable encounter with a dangerous mafia boss, Caspian Jyn, in the city where she was hiding. Slowly, they became friends without her knowing his real identity. But what happened when she faced a life-and-death situation because of him? Will she be able to face a dangerous problem when all she did before was run away from every problem she knows she can't control? Will she finally have the courage to face this problem even though she knows that it will bring nothing to her but a nightmare?

view more
Enticing Series 1: Nightmare Novels Online Free PDF Download

Pinakabagong kabanata

Magandang libro sa parehong oras

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments
Walang Komento
99 Kabanata
Prologue
“You can’t do that to her!”I was about to enter the study room when I heard my mother screaming. Na para bang may pinagtatalunan sila ni Daddy kaya dahan-dahan ko na lamang binuksan ang pinto nito at sumilip lang sa kanila.Minsan ko lang naman kasing marinig na nag-aaway ang mga magulang ko at ang madalas pa nilang pagtalunan ay mga bagay na may kinalaman sa amin ng mga kapatid ko kaya naisip ko muna na makinig.Baka kasi ako pala ang pinag-uusapan nila. At baka may nagawa na naman ako na hindi nagustuhan ni Daddy.“That is the only thing I can do to save her.” My father’s voice is calm. Pero ramdam ko din sa boses niya na pinal na ang desisyon niya dahil matindi ang kanyang paninindigan na tama ang kanyang gagawin.Kaya lalo akong na-curious kung sino ba sa aming tatlong magkakapatid na babae ang tinutukoy nila.“Marrying her off with that prince will only ruin her life forever,” giit ni Mommy. “You know how cruel that bastard is. They just wanted to use our daughter because the pe
Magbasa pa
Chapter 1
Asper Reign Dahlia’s PovIsang maaliwalas na umaga ang bumungad sa akin nang buksan ko ang bintana ng kwarto ko. Kaya naman naisipan ko munang tumambay sa balkonahe nito at dito ininom ang itinimpla kong kape kanina matapos kong makapaligo.Isang taon.Ganoon na din katagal mula nang maisipan kong umalis at tumakas sa bahay namin para hindi matuloy ang plano ni Daddy na pagpapakasal sa akin sa prinsipe ng bansang ito.At sa loob ng isang taon ay unti-unti na ding nawawala ang atensyon sa akin ng palasyo at ng iba pang opisyal nito dahil tuluyan ko na ding tinigil ang pagpapakita sa publiko.Pero kahit naman hindi na ako nagpapakita sa mga tao ay tuloy pa din ang pagtulong ko sa kanila gamit ang mga foundation at ospital na naipatayo ko na.Iyon ang nag-iisang bagay na hinding-hindi ko makakayang itigil pero ang lahat ng transaksyon ko sa mga iyon ay nangyayari na lamang via email at ang kasalukuyang namamahala ng personal doon ay ang bunso kong kapatid na si Aasiyah.Well, iilan lang
Magbasa pa
Chapter 2
Asper Reign Dahlia’s Pov“So, ano ba ang pagbabago na mayroon ngayon sa cafe?” tanong ko sa kanya habang inilalagay ko na sa box ang mga cupcake na order sa amin ng isa sa suki ng cafe.Isang beses sa isang buwan lang kung bumisita ako doon at madalas ay naaabutan kong marami itong customer kaya hindi na ako nakikigulo pa sa loob at umuuwi na lang din.Hinihintay ko na lang na si Miracle ang magsabi sa akin ng nangyayari doon dahil malaki naman ang tiwala ko sa kanya.“Nag-hire uli ako ng dagdag na server dahil dumadami na ang dumadayo sa cafe natin.” Inilapag niya sa gilid ng mesa ang ilang folder. “Nandyan ang resume nila at may note na diyan ang mga nakapasa sa interview. Aside from that, naghire na din ako ng dalawa pang bagong delivery driver dahil kahit ang mga order for delivery ay nadadagdagan na din.”“Ibig sabihin, sa loob ng limang buwan ng cafe, nagsisimula na itong makilala sa buong Yain City?”Tumango siya. “Maganda din kasi ang naging encounter nyo ni Saraya,” sabi niya
Magbasa pa
Chapter 3
Asper Reign Dahlia’s PovSa buong maghapon, wala naman akong ibang pinagkakaabalahan kundi ang pagpe-prepare ng lahat ng umo-order sa shop namin.Sa gabi ay inaasikaso ko ang mga papeles na ipinapadala ni Aasiyah.Maliban pa doon ay may sapat na oras pa din ako para sa pagre-relax, pag-e-exercise, maging ang paglilinis ng bahay ko.Kaya naman kahit hindi ako lumalabas ng bahay ay hindi ako naiinip dito kahit hindi naman talaga ako sanay nang lagi lang nasa loob.Aba’y noon ay lagi akong nasa labas at nakikihalubilo sa lahat ng makasalamuha ko pero sa nakalipas na isang taon kung saan iilang tao lang ang nakakaharap ko sa bawat araw ay unti-unti akong nasasanay.And being in solitude is actually addictive.Mas nakakapag-isip ako ng mga bagay-bagay at kapag naman gusto ko ng kausap ay madali namang tawagan si Miracle.Muli akong sumilip sa bintana at nakitang nagsisimula na ang construction team sa ibaba na sukatin ang buong lote.Nakita ko na ipinapaskil na nila ang kanilang mga buildi
Magbasa pa
Chapter 4
Asper Reign Dahlia’s PovMaaga akong nagising dahil tulad ng usapan namin ni Miracle ay maaga ang dating niya sa bahay ko.Kaya nga kahit hindi pa ako nakakapaghilamos ay agad na akong lumabas ng bahay at binuksan ang gate dahil nakasimangot na naman ang babaeng iyon na kararating lang din naman kasama sina Sari at Saki.“Akala ko ba ay maaga ka?” Itinuro niya ang buhok ko. “Halatang-halata na bagong gising ka pa lang eh.”“Duh!” Inirapan ko siya. “Sobrang aga mo naman kumpara sa natural mong punta dito noh.”Napalingon ako sa katabing lote at nanlaki ang mga mata ko nang makita na halos naitayo na ng mga gumagawa doon ang magiging pundasyon ng bahay na ginagawa doon.“Hala!” Itinuro ko pa iyon. “Ang bilis naman nilang gumawa.”Parang kahapon lang ay kararating lang ng construction team at nagbabasa pa ng blueprint para sa gagawing bahay tapos wala pang dalawampu’t apat na oras ay nakapaghukay na sila at naitayo na ang mga makakapal na haligi ng bahay.“Baka nagmamadali ang mga titira
Magbasa pa
Chapter 5
Asper Reign Dahlia’s PovIbinaba lang ako ni Miracle sa harap ng grocery store at agad na din siyang pumunta sa bayan para magbukas ng SweetHeart Cafe.At dahil hindi ako iyong tipo na mag-aaksaya pa ng oras ay agad na akong pumasok sa loob ng store, kumuha ng cart at sinimulang mag-ikot sa buong lugar habang inilalagay dito ang mga kailangan kong bilhin.Alam ko naman ang mga dapat kong bilin kait pa wala akong dalang listaan. At halos isang taon na din naman akong namimili dito kaya kabisado ko na kung saan nakalagay ang mga bibilhin ko.Hindi nagtagal ang pamimili ko. Matapos kong makuha ang lahat ng kailangan ay agad ko na itong dinala sa cashier at sinabihan na lang sila na i-deliver sa bahay ko ang mga pinamili ko.Madalas naman na iyon ang gawain ko nang sa gayon ay makapamasyal pa ako ng sandaling oras nang walang iniintinding bitbitin.Nang matapos ang transaksyon ko sa grocery ay agad na akong lumipat sa restaurant na nasa tapat nito.Saglit lang naman akong kumain dahil kap
Magbasa pa
Chapter 6
Asper Reign Dahlia’s PovKung noong una ay nagulat ako sa mabilis na progress ng construction ng bahay ni Caspian Jyn, pero sa paglipas ng araw ay hindi na.Well, malaking construction team naman kasi ang ni-hire nito para buoin ang kanyang magiging mansyon. Maliban pa doon ay wala ding tigil ang kanilang trabaho.Twenty four hours sila kung magtrabaho.Kaya siguro agad na akong sinabihan noong si Raj dahil talaga nga namang magiging maingay sila ng mga ilang araw.Though, hindi naman ako naapektuhan ng ingay na iyon dahil sa soundproofing na ginawa sa bahay kong ito.Pero kahit inaasahan ko na ang mabilis na paggawa nila ay nagulat pa din ako nang makitang matapos ang halos sampung araw ay tuluyan nang naayos ang kabuuan ng mansion.Ayon kay Mira, 300 square meters din ang lote na iyon. At tingin ko ay nasa two hundred lang ang lawak ng bahay na kanilang ginawa.Ang natitirang one hundred ay ang kabuuan para sa bakuran nito.“Malapit na pa lang matapos iyan,” ani Miracle na ay nakata
Magbasa pa
Chapter 7
Asper Reign Dahlia’s PovNatapos ang buong mansyon sa katabing bahay sa loob lang ng labing limang araw. Mula sa haligi hanggang sa mga pader, sahig at bubong. Mayroon na din itong kuryente at tubig. Kumpleto na din ang mga gamit mula sa labas hanggang loob kaya pwedeng-pwede nang tirhan.At tanaw mula sa bintana ng kwarto ko na mahigpit ang security ng bahay na iyon kahit iilan lang ang mga guard na nagro-rounds sa bakuran nito.May mga cctv camera din kasi sa paligid at may kataasan ang pader kaya wala talagang magtatangka na pasukin iyon.Nakita ko na may limang kotse na din na naka-park sa garahe nila kaya mukhang nandyan na ang mga talagang titira doon kaya agad na akong bumaba.Sinuot ko ang contact lens ko at hinablot ang box na pinaglagyan ko ng mga cupcake na ginawa ko kaninang umaga.Ibibigay ko kasi ito sa kapitbahay ko dahil sabi nga ni Mira, mas mabuti na din iyong maayos ang ugnayan namin ng mga iyon dahil kung sakali nga namang may mangyari ay kami-kami lang din ang mag
Magbasa pa
Chapter 8
Asper Reign Dahlia’s PovHindi ko inaasahan na magiging close agad ako sa mga kapitbahay ko. At ang dahilan kaya mabilis akong naging close sa kanila?Well, ang dessert ko lang naman.Nagustuhan kasi nila ang cupcake na binigay ko sa kanila noong unang araw na nagpunta ako sa kanila at nang malaman nila Karyu na ako mismo ang gumagawa ng mga product namin sa SweetHeart Cafe ay nag-request sila na magdala araw-araw.Kumontra pa nga si Rajiv at sinabi na mahiya sa akin ngunit mabilis kong sinabi na okay lang naman iyon at hindi nakakaabala dahil pwede ko namang isabay sa mga order na ginagawa ko ang para sa kanila.Then, Schlain insisted that they will pay their order para kahit paano naman ay hindi ako malugi sa pagpapakain sa kanila. Ang delivery fee na lang daw ang ilibre ko sa kanila.Halos tatlong linggo ko na iyong ginagawa kaya naman nagiging komportable na talaga akong kasama ang tatlong iyon.At sa loob ng panahong iyon ay hindi ko pa nakikita si Jyn.Minsan ko na iyong natanon
Magbasa pa
Chapter 9
Asper Reign Dahlia’s Pov“I know that I was the one who suggest that you should be close to your neighbor,” ani Mira na naabutan kong kakababa lang sa sasakyan niya pagkagaling ko sa kapitbahay ko. “Pero hindi ko naman inaasahan na sa loob ng tatlong linggo ay malaya ka nang nakakapasok diyan.”“Well, they trusted me easily and they love my desserts.” Inaya ko na siyang pumasok at sa kusina na kami dumeretso dahil naihanda ko na naman sa mesa ang kakainin namin. “They want everyday supplies of SweetHeart’s product so I am giving them a special delivery.”“Nagiging busy ka na,” sabi niya. “Tingin ko ay dapat kumuha ka na ng makakatulong mo para sa paggawa ng products natin.”“For now?” Umiling ako. “I can still manage my time with doing our products and some other stuff.""Are you sure?" paninigurado niya. "I can just put a hiring sign so when you need them, we can just call them."Medyo napaisip ako sa sinasabi niya.Tulad ng sinabi ko kay Mira, kaya ko pa namang gawin ang lahat ng tr
Magbasa pa
DMCA.com Protection Status