LOGINTwenty years ago I was born with his curse on the whole village and was abandoned in his mountain forest. Twenty years later he came to fulfill this curse but by mistake became my patron saint.
View MoreMATAAS ang sikat ng araw ngunit hindi ‘yon alintana ng lalaking nagngangalang Esteban. Pasipol-sipol lamang ito habang nasa palengke. Maraming napapatingin sa kanya na tila ba hinuhusgahan siya dahil sa suot niyang damit na halos yakapin na ng kalumaan at may munting mga butas ngunit hindi niya ‘yon pinapansin. Hindi man niya aminin ay nasanay na lamang siya sa mga pangmamata ng mga tao sa kanya.
Tahimik niyang hinihintay ang binili niyang regalo sa isang tiangge. Ilang saglit pa ay lumapit sa kanya ang tinderang babae dala ang kanyang binili.
“Salamat,” magalang niyang wika sa babae bago ito talikuran saka naglakad na pauwi. Nangingiti niyang sinipat ng tingin ang regalong sinadya sa palengke.
“Señorito.” Napahinto siya nang may biglang humarang na lalaki sa kanyang daanan. Nakasuot ito ng itim na tuxedo.
Kumunot ang noo ni Esteban, nagtataka ang mukha kung sino ang lalaking kaharap niya ngayon. “Naparito ako para sunduin ka, kailangan ka ng mga Montecillio.”
Napaatras si Esteban sa huling sinabi nito. Napahigpit ang kapit niya sa dalang plastic. Ang pangalang binanggit ng lalaki ay animo’y isang bangungot na kinaiinisan niya.
“Sino ka? Ahh… wala akong pakialam kung sino ka at nag-aaksaya ka lang ng oras na sunduin ako dahil hindi ako sasama sa ‘yo.”
“Flavio po ang pangalan ko. Inutusan ako ng iyong Lola na sunduin ka at ibalik sa mansyon.” Ngumiwi si Esteban sa sinabi ni Flavio.
Marinig pa lang niya na binanggit ng lalaking kaharap ang kanyang Lola ay sumagi na agad sa isip niya na may kailangan ito sa kanya. Hindi mag-aaksaya ng panahon ang matandang ‘yon na hanapin at puntahan siya kung wala itong malaking kailangan sa kanya.
‘Kailangan niya ako dahil wala ang magaling niyang apo?’ Natawa siya naisip. Hinahanap lang siya kapag may kailangan. Natawa siya ng mapait nang maalala kung paano siya pinagtabuyan ng kanyang pamilya. Hanggang ngayon ay ramdam niya ang sakit ng pang-aalipusta sa kanya na animo’y hindi siya parte ng pamilya.
Matapang at seryoso niyang hinarap ang lalaki. “Umalis ka na. Wala kang mapapala sa akin.” Akmang aalis na sana siya nang lumingon siyang muli sa lalaki. “Pakisabi sa amo mo na mali siya ng nilapitan. Hindi ako babalik sa impyernong kung saan siya naroon.”
Hindi nagsalita si Flavio nang tumalikod na si Esteban. Huminga na lamang nang malalim ang binata dahil sa tigas ng ulo ng isang apo ni Donya Agatha. “Wala nga siyang pinagkaiba sa kapatid niya,” bulong nito sa sarili sabay iling habang pinagmasdan si Esteban na hindi man lang nililingon ang paligid.
SA KABILANG dako, naghihintay ang isang magandang dalaga at bakas sa mukha nito ang inis.
“Nasaan na ba ang lalaking ‘yon?” inis niyang bulong, kanina pa siya nakabihis at hindi pa rin bumabalik ang hinihintay niyang si Esteban.
Siya si Hadrianna Lazaro o kung tawagin ng lahat ay Anna, ang asawa ni Esteban. Tatlong taon na silang kasal, at tatlong taon na rin siyang nagtitiis sa kanilang sitwasyon. Labag sa kalooban niya na ipakasal sa lalaking hindi niya naman talaga kilala sa simula pa lang. Gayunpaman ay sinunod na lamang niya ang gusto ng kanyang Ama at Lolo.
“Ang tagal mo! Saan ka ba galing ha, ma-le-late na tayo, Esteban!” bungad niya sa asawa nang makauwi ito. Pawisan pa ito na tila mukhang hinahabol ng kung ano. “Oh, ba’t ang dungis mo? Ano bang nangyari sa ’yo?”
“Bumili lang ako ng regalo para kay Lola,” sagot naman ni Esteban sa asawa at saka yumuko. Palihim niyang inaamoy ang sarili dahil nahihiya siya sa kanyang itsura.
“Sana ‘di ka na lang nag-aksaya ng oras. Hindi rin naman iyan tatanggapin ni Lola.”
“Wala rin namang masama na bilhan ng regalo ang Lola mo, Anna,” seryosong sagot ni Esteban.
Umiling na lamang si Anna habang nakatingin sa asawa. Naiirita siya sa mga katwiran nito.
“Magbihis ka na at bilisan mo! Naghihintay na silang lahat doon! Ang dungis mo… nakakahiya ka talagang isama!”
Hindi na lamang sumagot si Esteban, nasaktan siya sa huling linyang sinabi ng asawa.
Alam niya namang matagal ng ayaw ni Anna sa kanya at kahit asawa siya nito, iba rin ang trato nito sa kanya. Wala rin naman siyang magagawa, ni hindi siya makapag-reklamo dahil si Anna na lamang ang tanging naiwan sa kanya ngayon.
Si Anna lang din naman ang tanging taong uuwian niya…
Hindi kinausap ni Anna ang asawa habang papunta sila sa venue kung saan gaganapin ang birthday party ng kanyang Lola, si Senyora Rosario.Pangalawa ang pamilya nila Anna sa pinaka-mayamang angkan sa buong Laguna. Dahil na rin sa estado nila sa lungsod ay alam na niyang engrade ang magiging party ng Lola niya ngayong araw.
“Huwag kang gagawa ng kalokohan dito, Esteban. Kung wala ka namang alam sa mga bagay-bagay, pwes manahimik ka na lang,” bulong ni Anna kay Esteban. Hindi na lang sumagot si Esteban dahil paulit-ulit na rin naman iyong sinasabi ng asawa sa tuwing may dadaluhan sila ng kasiyahan sa lungsod.
Habang nag-uusap ang iilang tao sa loob mansyon ni Senyora Rosario, mayabang na naglakad ang isang lalaki habang may dala itong regalo. Si Frederick Lazaro, isa sa mga pinsan ni Anna na walang ibang ginawa kung hindi bwisitin silang mag-asawa.
“Wow! Good evening to you cousin–” Pasimple itong tumingin kay Esteban na hindi rin naman siya pinansin. “--and to your trash.”
“Problema mo?” walang ganang tanong ni Anna sa pinsan at bahagyang inilibot ang tingin sa paligid.
Imbis na sagutin ni Frederick si Anna, dumapo ang mga mata niya sa dalang regalo ni Esteban. Tinawanan niya ito dahil sa isip niya, sa pagkakabalot pa lang nito ay halata na mumurahin lang ang laman niyon, hindi tulad ng hawak niya.
“What’s this?” Gulat na tumayo si Esteban sa kinaupuan niya nang kunin ni Frederick ang regalo niya. “Magreregalo ka ng b****a kay Lola? Are you that stupid? Itatapon niya lang ito. Nag-aksaya ka lang ng barya mo, Esteban!” Tumawa siya nang nakaka-insulto.
Ngunit hindi natinag si Esteban at pinagmasdan lang niya ang binata na dahan-dahang nilabas ang regalo sa loob ng nilagyan nito.
Unang tingin pa lang ni Esteban sa dala ni Frederick ay alam niya masasabi na niya kung tunay ba ito o peke.
“Look at mine. This is the most fashionable bag in our town. Bagong labas ito mula sa ibang bansa. I bought this from a prestigious shop in Manila.” Ngumisi siya habang pinapakita sa mga tao ang dala niyang bag, nagyayabang.
Palihim na umiling at ngumisi si Esteban saka lumapit kay Frederick. “Sigurado ka bang totoo iyang nabili mo?”
Kumunot naman ang noo ni Frederick dahil sa sinabi ni Esteban. Napalingon na rin si Anna sa kanya.
“Kung titingnang mabuti iyang bag, mukha ngang mamahalin talaga at nagmula sa sikat na brand. But look.” Kinuha ni Esteban ang bag sa kamay ni Frederick na siyang ikinagulat niya pa lalo. “Hindi mo ba napansin na parang dinikitan lang ito ng tag na katulad sa mga original design? Halatang imitation.”
“A-anong pinagsasabi mo? Baliw ka na ba?” Umiling si Esteban sa sinabi ni Frederick, halata na sa mukha ng lalaki na kinakabahan ito. Totoo ang sinabi ni Esteban pero ang ipinagtataka niya, kung bakit alam niya ang ganitong bagay. Mas lalo tuloy siyang nainis sa binata.
“Hindi ka ba natatakot na magalit si Lola dahil bibigyan mo siya ng pekeng bag?” asar pa niya lalo kay Esteban.
“Original ang binili kong bag! Sinisiraan mo lang ako sa harap ng mga tao!” giit ni Frederick.
Napangisi lamang si Esteban. Alam niya na isa sa magaling kung tumingin ng mga bags si Senyora Rosario kaya siguradong-sigurado siya na mabubuking si Frederick sa oras na malaman nito na niloloko siya ng sariling apo.
“Wala ka namang alam sa mga ganyang bagay, Esteban. Huwag mong siraan ang anak ko,” saad ng ina ni Frederick nang makalapit na sila kina Esteban kasama ang asawa nito na Tatay ni Frederick.
“Kung umasta ka ay parang ang laki ng ipinagmamalaki mo. Walang-wala ka sa anak ko dahil isa ka lang namang b****a sa pamilya ito,” segunda naman ng Tatay ni Frederick.
Hindi na lamang sumagot si Esteban dahil kung sasabihin niya sa mga taong kaharap niya ngayon na ang Nanay niya ay isa rin sa sikat na fashion designer sa bansa at magaling din ito kumalitis sa kung ano ang totoo sa hindi, hindi rin sila maniniwala. Pagtatawanan lang din siya ng mga ito.
“ANONG nangyayari dito?”Isang matandang boses ang dumating.
For a moment I thought I was hallucinating, until a horrible face came straight at me."Ah!!!" The result is not painful, I opened my eyes to see that the black shadow fled around, the original key moment Ulric or out of the hand, "I'll take you to your father! But you have to promise to listen to me in the future, and then dare to make a move on me I will kill you!""No problem! What requirements I will promise you," I directly three fingers stand oath without ambiguity.But in the end was late, arrived when the altar collapsed a corner, I looked at the collapsed stone pillar, my father's scarred corpse, the whole body's strength seems to be drained of general, powerless kneeling on the ground."Dad?dad! ...... what happened to you ah? What happened ah?!" I tears uncontrollably downward, can not believe the fact in front of meSuddenly a strange wind blew from my left, followed by the sound of something colliding, and just for a moment, I looked over with hindsight, a giant wolf cove
Everyone was in an uproar,that was a long time ago and many people are simply unaware of it.The priest's face instantly turned pale, he heard the elders mentioned, faint heart sophistry: "that altar has long been on no one went, abandoned for so many years, and there is no demon, you are nonsense, the excavation of the entire village participated, this is for everyone! If you don't believe me, go back and ask the elders, someone must know!"I whispered and then asked, "That demon is not you, is it?"I heard him grunt, "Yes, but no."What kind of answer is that? "Whether it's true or not, it makes a big difference"Ulric did not answer me, I had to guess: "A mountain will not have two Patron Saint, if you are the Patron Saint of this mountain then it must be you"He leisurely left a sentence "There are two guardian gods on this mountain, all and the altar have a relationship can not escape""What do you mean Ric?" I was a bit anxious, this guy he seems to know everything, he just won'
I didn't really want to talk, I was listening to her, and from her I learned something about the one who was a werewolf and of high rank, and I dozed off listening to her talk about all the strange and unheard of information.The dream came back to me as I dozed off, and at the critical moment when I was about to be torn apart by a giant wolf in that big hole, the amulet on my chest suddenly started to glow.The giant wolf's eyes were filled with dismay and resignation as he struggled away, and my amulet then spontaneously combusted into ashes, and at that moment I felt as uncomfortable as if the birthmark on my body was on fire.The man's voice sounded again in my ears "Little girl, since I have made a contract with you, let you redeem yourself for the time being, that guy betrayed me and hurt my wolves, you have to help me recover, otherwise your life will not be saved, and your offspring will not be able to live well."If I am all dead, then where will I get my offspring? Is this a
I couldn't believe what was in front of me, and squeezed my arm fiercely, the sharp pain made me shiver, cold sweat soaked my clothes, it became obvious that this time was not in a dream.Wild roar of insects in the mountains, my scalp tingled, thinking of what the man said, is that true? I had to find my father and the others.But I just stood up I fell off my center of gravity and rolled down the stairs, scrambled to get up but fell into a large hole, the light was too dark I simply did not notice the hole.It was like a trap used by hunters to catch large beasts, with something like a wooden thorn inside. A small arm-length thing cut through my calf, and the pain almost made me black out.I took a breather, took the hair rope off my head and tied it to my leg, thinking of getting up and climbing out, but the touch under my hand was strange, like something like clothes, and a sticky feeling, and I just didn't notice the smell around me, and now there's a smell in the air - a disgust












Welcome to GoodNovel world of fiction. If you like this novel, or you are an idealist hoping to explore a perfect world, and also want to become an original novel author online to increase income, you can join our family to read or create various types of books, such as romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel and so on. If you are a reader, high quality novels can be selected here. If you are an author, you can obtain more inspiration from others to create more brilliant works, what's more, your works on our platform will catch more attention and win more admiration from readers.