“Nasaan si Tristan? Kumusta ang anak ko?”
Dali-Daling pumasok si Maxwell sa operating room na tila hindi pansin si Natalia na nasa tabi lang ni Tristan. Dumiretso ito sa kaniyang anak at saka ito niyakap. Nagtagal ito ng ilang segundo kaya pinili na lang ni Natalia na tumayo at lumayo mula sa pwesto ng mag-ama.
Hanggang ngayon, hindi pa rin makapaniwala si Natalia na kamukhang-kamukha ng bata ang itinatago niyang anak mula sa dati nitong asawa. Tila naninigas ang kaniyang katawan dahil sa pinaghalong takot, galit, at sakit habang pinanonood si Maxwell na niyayakap ang isang bata na kamukha ng anak niya. Pakiramdam nito'y nahuli na siya, kahit na ang totoo'y hindi pa dahil kamukha lang naman ang bata.
Hindi maipaliwanag ni Natalia kung bakit, pero ilang mga salita ang lumabas sa kaniyang bibig kaya't napatingin sa kaniya si Maxwell. "A-Anak mo?"
Kumalas mula sa pagkakayakap si Maxwell at umayos ng tindig bago harapin si Natalia. Kahit si Maxwell ay hindi rin makapaniwalang pagkatapos ng pitong taon na pagkawala ni Natalia, bigla na lang itong susulpot sa isang hindi inaasahang pagkakataon. "Oo, anak ko."
"K-Kay Olivia?"
"Wala kang karapatang banggitin ang pangalan ng asawa ko!" Isang malakas na sigaw ni Maxwell kung kaya't nanlaki sa gulat ang mga mata ni Natalia.
Ngunit kasabay no'n, maingay na tumunog ang aparato na nakakabit kay Tristan kaya nag-panic silang dalawa sa nangyayari. Agad na lumabas ng operating room si Natalia para tawagin ang mga kasamahan nito sa kabilang kwarto. Si Maxwell naman ay nanatili sa loob at tila hinahawakan nang maigi nanginginig na si Tristan.
Pagkatapos ng ilang segundo, agad na napuno ng mga nurse at doktor ang kwarto. Pinalabas din naman si Maxwell na alalang-alala pa rin sa kaniyang anak.
Gaya ni Natalia, may itinatagong sakit at galit din si Maxwell sa dati nitong asawa. Kung iisipin, hindi lang si Natalia ang siyang nasaktan sa nakaraang pitong taon. May kwento rin sa likod ni Maxwell kaya naging ganito ang sitwasyon nila ngayon.
...
"Sa ngayon, naging matagumpay na talaga ang operasyon sa bata, pero hanggang ngayon ay may lagnat pa rin ito. Kapag bumaba na ang lagnat niya within 24 hours, maaari na tayo makampante. Kailangan muna siyang ma-obserba-han sa intensive care unit ngayon."
'Yan ang sunod-sunod na sambit ni Natalia paglabas nito ng operating room. Hindi na rin ito muli nagpapasok sa loob ng kwarto kaya maging si Maxwell ay nanatiling nakasilip sa bintana upang sulyapan ang anak.
"Isa pa. Wala munang pwedeng dumalaw sa bata..." paalala ni Natalia kaya agad namang napatingin sa kaniya si Maxwell. Mabigat ang bawat titig nito habang nakatingin sa doktor na nasa kaniyang harapan. "Kahit kapamilya niya pa."
Pagkasabi niya no'n, agad nang umalis si Natalia sa kaniyang kinatatayuan. Ang ibang nurse naman ay pumasok muli sa loob ng operating room para ihanda ang paglipat ng kwarto ni Tristan papunta sa intensive care unit. Sina Maxwell, Lucia, at ang mga bodyguard nito ay nanatili sa kanilang kinatatayuan upang mabantayan ang paglilipat ng kwarto ni Tristan.
Naging mabilis ang paglakad ni Natalia hanggang sa makarating na ito sa elevator papunta sa kaniyang opisina. Nasa ikalawang palapag ng hospital ang opisina nito kaya naman nang makarating siya doon ay agad siyang huminga nang malalim. Tinanggal nito ang kaniyang lab gown at saka itinapon sa basurahan. Hinubad niya rin ang kaniyang damit pagkatapos nitong takpan ng kurtina ang transparent nitong pinto.
"Halos tanghali pa lang pero pagod na pagod na ako." sambit ni Natalia.
Ang opisina nito sa ikalawang palapag ay sobrang laki, dahil na rin isa siya sa pinakamagagaling at iniingatang doktor sa hospital na ito. Hindi dahil kaibigan niya ang chief of staff na si Joaquin, kundi dahil sa naiambag nito sa hospital. Sa likod ng opisina niya ay may karugtong na kwarto... may kama, CR, at kung ano pa.
Sa sobrang busy kasi nito dati ay dito na talaga siya natutulog sa opisina.
Pagpasok nito sa kaniyang kwarto ay agad din siyang nahiga sa kama. Biglang tumunog ang telepono nito kaya dali-dali niya ring tiningnan.
"Joaquin Lopez." sabi sa screen. Sinagot nito ang tawag at saka ipinahinga ang kaniyang mga mata.
...
"Dra. Allyson? Hello?" Habang tinatawagan ni Joaquin si Natalia, nasa harap nito si Lucia na tila ay nagbubunganga na naman. Pinatatawagan nito ang doktor na nakaaway niya kanina na siyang si Natalia.
Kanina'y sumagot pa si Natalia sa tawag ni Joaquin pero wala namang narinig na boses ang huli kaya pinatay din niya ang tawag. Nang subukan nitong tawagan muli, hindi na ito sumagot. Hindi tuloy alam ni Joaquin kung iniiwasan siya ni Natalia dahil sa pamimilit nito sa operasyon, o baka sadyang nakatulog lang ang kaibigan.
Si Lucia, na siyang inip na inip, ay muling nagsalita. "Ano? Hindi mo matawagan ang babaeng 'yon o iniiwasan niyo lang ako? Idedemanda ko ang hospital na 'to!" Isang malakas na sigaw ni Lucia na siya namang nakapagpatingin sa maraming tao. Nasa lobby na sila ngayon dahil katatapos lang mailipat ng kwarto ni Tristan. Si Maxwell ay sumunod muna papunta sa intensive care unit kung saan inilagi si Tristan, samantalang itong si Lucia, kasama ang dalawa nilang body guards, ay nagpaiwan sa lobby.
Hindi sigurado si Joaquin kung bakit ba nandito ang mga ito. Ang alam lang niya, kailangan nilang umiwas sa gulo dahil kung hindi, baka magkaroon ito ng masamang epekto sa imahe ng hospital.
"Pasensya na po, Ms. Lucia, pero hindi po talaga sumasagot sa tawag si Dra. Allyson." mariing sambit ni Joaquin. Hindi kailangang magsinungaling ni Joaquin dahil hindi naman talaga siya sinasagot ng kaniyang kaibigan.
"So anong gagawin natin dito? Palalampasin na lang natin ang ginawa ng babaeng 'yon?" Itinaas ni Lucia ang kaniyang kilay habang pinipigilan ang sarili na masaktan ang doktor sa kaniyang harapan. "Ang kapal ng mukha ng Allyson na 'yan ha! Kung hindi pa siya kinaladkad ni Maxwell, hindi pa siya susunod? Hindi niya ba kami nakikilala?"
"Manahimik ka na, Lucia!" sambit ni Maxwell sa 'di kalayuan kaya agad na napatikom ang bibig ni Lucia.
Hindi nagawang tumingin ni Lucia kay Maxwell dahil sa galit ng tono nito. Ang alam lang nito, kailangan niyang manahimik para hindi maibuntong sa kaniya ang galit ni Maxwell.
Ito namang huli, hinawakan ang kamay ni Joaquin at saka dinala sa lugar kung saan wala masyadong tao. Malapit sila sa hagdan sa tabi ng elevator kung saan pumasok kanina si Natalia.
Nang masigurado ni Maxwell na wala nang nakaririnig sa kanila, agad na itong nagsalita.
"Nasaan yung nag-opera sa anak ko?" mariing tanong ni Maxwell.
Agad na napakunot ang noo ni Joaquin dahil sa iniaasta ng kaharap niya. "Hindi ko ho siya ma-contact, Mr. Maxwell. Sasabihan ko kayo kapag maaari niyo na siyang makausap--!"
"Ilabas mo sa'kin si Natalia!"
Nang isigaw 'yon ni Maxwell, nanigas sa kaniyang kinatatayuan si Joaquin hindi dahil sa takot, kundi dahil alam ng kaharap niya ang tunay na pangalan ni Dra. Allyson.
Sa isang iglap lang, agad na bumukas ang elevator na nasa kanilang tabihan. Sa hindi inaasahang pagkakataon, iniluwal nito si Natalia na tila kakagising lang.
"Maxwell? Joaquin?"
Tahimik ang buong silid. Ang malamig na ihip ng aircon ang tanging naririnig sa pagitan nilang mag-ina. Si Liam, nakaupo sa gilid ng kama, nakatungo ang ulo at halatang hindi mapakali. Ang mga paa niya ay bahagyang nakalambitin sa sahig, na tila hindi alam kung saan dapat ilagay.Samantalang si Natalia, nakatayo pa rin malapit sa pintuan, nakasandal sa dingding na parang kailangan niyang suportahan ang sarili mula sa bigat ng emosyon na nararamdaman niya. Ang tingin ni Natalia ay nakatuon kay Liam, pero ang isip niya ay naglalakbay sa kung saan. Pilit niyang inuunawang mabuti ang sitwasyon habang pinipigilan ang nagbabadyang pagsabog ng kanyang galit at kaba. Ang lahat ng itinayo niyang pader para protektahan si Liam, ang mga sikreto at sakripisyong ginawa niya, parang nagkaroon ng malaking butas na hindi niya maayos sa isang iglap.Hindi siya makapaniwalang nandito ngayon ang kanyang anak sa ospital, ang lugar na pinilit niyang iwasan nito sa takot na matuklasan ng mga Harrington an
Hindi makapaniwala si Lucia sa kanyang naririnig at nakikita. Ang batang nasa harap niya—si "Tristan" na tahimik at masunurin sa lahat ng pagkakataon—ngayon ay sigaw nang sigaw, umiiyak, at gumagawa ng eksenang hindi niya kailanman naisip na mangyayari. Napatitig siya sa sahig kung saan humandusay ang bata, nakakunot ang noo habang sinusubukang intindihin kung ano ang nangyayari."Tristan, ano bang ginagawa mo? Tumigil ka nga diyan!" galit ngunit halatang nagtatakang tanong ni Lucia habang inilalapit ang sarili sa bata, pilit na iniintindi ang sitwasyon.Ngunit si Liam, na sa isip niya’y kailangang maituloy ang pagpapanggap upang tuluyang mapaniwala ang lahat, ay mas lalong nagpakababa ng boses, nanginginig at tila nawawala sa katinuan. "Tama na po! Tama na po! Ayoko na po! Maawa kayo!" "Tristan, anong sinasabi mo?! Hindi kita sinaktan! Tumigil ka nga sa kalokohan mo!" sigaw ni Lucia, tila naubusan na ng pasensya ngunit hindi pa rin makapaniwala na ang bata ay nagpapakita ng ganitong
Pagpasok ni Lucia sa kwarto, nakita niya ang inaakala niyang si Tristan na nakahiga sa kama, balot na balot ng kumot mula ulo hanggang paa. Mataas ang kanyang kilay, at bakas sa mukha niya ang iritasyon. Inilapag niya ang dalang bag sa maliit na mesa malapit sa kama at marahang lumapit. Tumigil siya sa gilid ng kama at tinitigan ang kumot na mahigpit na nakabalot sa bata."Tristan," tawag niya nang mababa ngunit matalim ang tono, "alam kong gising ka. Tumigil ka na sa drama mo."Walang reaksyon mula sa ilalim ng kumot. Tumikhim si Lucia, pilit pinipigil ang iritasyon, at lumapit pa nang bahagya. Tinapik niya ang bata sa balikat, maingat ngunit may bahid ng paninita."Hoy, Tristan. Huwag mo akong lokohin. Alam kong hindi ka tulog," dagdag niya habang pinipilit ang sarili na maging kalmado. Ngunit kahit ano pa ang sabihin niya, nanatili si Liam sa ilalim ng kumot, pilit pinapakalma ang sariling tumitibok nang mabilis ang puso.Napangiwi si Lucia, nawawalan na ng pasensya. "Talaga, ha? G
Lumabas na sina Natalia at Tristan mula sa VIP ward kung saan sila pansamantalang nananatili. Ang malamig na simoy ng hangin mula sa air-conditioning ay tila bumalot sa kanilang katawan habang naglalakad sa mahabang pasilyo ng ospital. Sa labas ng kwarto, may mga nars na abala sa pag-aasikaso ng kanilang mga pasyente. Ang ilan ay nagmamadaling may dala-dalang mga clipboard, habang ang iba naman ay marahang tinutulak ang mga wheelchair ng mga nakangiting pasyente. Ang tunog ng rubber shoes na dumudulas sa makintab na tiles ng ospital ay naging background noise sa tila tahimik na umaga.Kahit tila abala ang lahat sa ospital, nananatili pa ring kalmado ang kapaligiran. Ang bawat hakbang nila Natalia at Tristan ay tila sinasalubong ng malamlam na liwanag mula sa mga fluorescent lights sa kisame. Hinawakan ni Natalia ang kamay ni Tristan, bahagyang iniakay ang bata habang maingat silang naglalakad patungo sa psych department.“Okay ka lang ba, Tristan?” tanong ni Natalia, bahagyang tumigil
Mataas na ang araw nang magising si Maxwell. Ramdam niya ang init ng sinag ng araw na sumisilip sa manipis na puting kurtina, dahan-dahang pinupuno ang kwarto ng banayad na liwanag. Parang nagbibigay ito ng bagong simula, isang pagkakataon upang makapagpahinga mula sa mga problema ng kahapon. Ang malamig na hangin na nagmumula sa aircon ay bumabalot sa buong silid, nagbibigay ng komportableng temperatura na tila sumasalungat sa init ng araw. Malinis at tahimik ang paligid, tanging ang tunog ng banayad na hilik ni Tristan ang maririnig.Umupo si Maxwell sa gilid ng kama, hinihilot ang sariling batok at marahang umikot ang balikat upang alisin ang tensyon mula sa pagtulog sa hindi komportableng posisyon. Ang kanyang mga mata ay tumingin sa anak niyang mahimbing pang natutulog. Payapa ang mukha ni Tristan, tila wala itong anumang alalahanin. Ngunit para kay Maxwell, ang tahimik na sandaling ito ay puno ng pag-aalala. Hindi pa rin nawawala sa isipan niya ang mga nangyari sa bata nitong mg
Paglabas ni Natalia mula sa banyo, dama ang malamig na hangin na sumalubong sa kanyang balat. Nakadamit na siya, suot ang isang simpleng ngunit elegante na cotton dress na hanggang tuhod ang haba. Ang kulay nitong mapusyaw na peach ay bumagay sa kanyang makinis na kutis, habang ang bahagyang v-neckline nito ay nagpakita ng kanyang collarbone nang walang labis na pagpapakita.Ang damit ay niyakap ang balingkinitang hubog ng kanyang katawan nang perpekto, sapat upang ipakita ang kanyang natural na ganda ngunit nanatiling disente. Ang kanyang buhok ay basa pa mula sa paliligo, at ang mga hibla nito ay kumikinang habang tumutulo ang tubig sa dulo. Nakayapak siya habang marahang naglakad palabas.Pagtingin niya sa kama, nakita niya si Maxwell na nakahiga nang komportable, ang ulo’y nakasandal sa unan habang may bahagyang ngisi sa kanyang labi. Nakasuot ito ng itim na sando, ang malalapad nitong balikat at ang defined na muscles sa braso ay litaw na litaw. Nakatingin ito kay Natalia, tila s
Naririnig ang patak ng tubig mula sa shower habang nakapikit si Natalia, dinadama ang bawat agos ng maligamgam na tubig na dumadaloy sa makinis niyang balat. Kakaibang ginhawa ang hatid nito matapos ang mahabang araw.Sa loob ng banyo, ang marmol na dingding ay nagre-reflect ng ilaw mula sa soft-lit vanity lamp sa ibabaw ng salamin. Malinis ang paligid, tahimik maliban sa tunog ng tubig, na parang nag-iimbita ng pagkakataong magpahinga.Inabot ni Natalia ang bote ng lavender-scented shampoo at dahan-dahang nilagyan ang buhok. Habang hinahagod niya ito, napansin niya ang kanyang sariling repleksyon sa malapad na salamin sa harapan. Ang mahabang araw na pag-aalaga kay Tristan at ang dami ng emosyon na naramdaman niya ay tila nakaukit sa bawat linya ng kanyang mukha. Ngunit sa kabila nito, nandoon pa rin ang kakaibang tikas at alindog.Bilang isang doktor, alam niyang mahalaga ang pag-aalaga sa sarili, at makikita ito sa bawat aspeto ng kanyang anyo. Ang kanyang balat ay makinis at banay
Tahimik ang gabi sa VIP ward kung saan naka-check-in si Tristan. Ang iilang tunog ng aircon at ang mahina't marahang paghinga ng bata ang tanging naririnig. Kakapatulog lang ni Natalia kay Tristan matapos itong magreklamo ng kaunting pananakit sa tiyan. Maingat niyang inayos ang kumot nito, sinisiguradong hindi maipit ang galaw ng bata habang natutulog. Sinilip pa niya ang noo nito upang tiyaking hindi na ito nilalagnat. Nang masiguradong maayos na ang lagay ni Tristan, bahagya siyang napabuntong-hininga.Ngunit kahit tapos na ang mga gawaing kailangan niyang asikasuhin para kay Tristan, tila hindi siya makaramdam ng ginhawa. Kahit pa malamig ang silid at wala namang ibang ingay bukod sa mahinang tunog ng aircon, ramdam niya ang bigat sa kaniyang dibdib. Siguro’y dahil na rin sa presensya ni Maxwell, na abala sa lamesa malapit sa kama ng bata. Hindi niya maiwasang mapansin ang tahimik ngunit mabuway na tensyon sa pagitan nilang dalawa, kahit wala silang direktang pag-uusap. Nakaupo s
"Anong sinasabi ng iba tungkol sa atin?"IYAN ANG tanong ni Maxwell, nakakunot ang noo habang nakatitig kay Natalia. Kita sa kaniyang mukha ang seryosong pag-aalala at bahagyang pagkabigla.Tumingin si Natalia sa pinto, tila nag-aalangan kung dapat ba niyang sabihin ang totoo. Ngunit alam niyang hindi na niya maiiwasan ang tanong na iyon. Huminga siya nang malalim bago nagsalita. "Maxwell, palaging may mga mata at tainga dito sa ospital. May mga usap-usapan na... na baka may higit pa sa pagitan natin kaysa sa dapat. Alam mo naman kung gaano kabilis kumalat ang mga gano'ng bagay."Saglit na natahimik si Maxwell, ang tingin nito ay tila malayo. "Hindi ko inaasahan 'yan," aniya, halos pabulong. "Akala ko ayos lang ang lahat. Hindi ko alam na ganito na pala ang tingin nila sa'yo."Napabuntong-hininga si Natalia, pilit na pinipigilan ang sarili na maging emosyonal. "Hindi ko sinasabi 'to para sa'yo, Maxwell. Sinabi ko 'to dahil kailangan kong protektahan ang sarili ko... at si Tristan. Ayo