Si Natalia Costaleon, na ngayon ay kilala bilang si Allyson Costaleon, ay nagawang manahimik ng pitong taon upang maitago ang kanyang nag-iisang anak mula sa kanyang mapagmataas na dating asawa, si Maxwell Harrington. Ilang taon siyang nagtiis at nagtago sa ibang bansa, pinaghirapan niyang paunlarin ang kanilang buhay ng kanyang anak. "Gaganti ako. Gaganti tayo, anak ko! Hindi pwedeng tayo lang ang magdusa… dapat ang pamilya Harrington din!" Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, muling nagtagpo ang mga landas nina Natalia at Maxwell. Si Natalia, na isa nang doktor, at si Maxwell, na isa pa ring bilyonaryo. Ang hindi alam ni Natalia, hindi lang pala isa ang kanyang anak, kundi kambal! Ngayon, maisasagawa kaya ni Natalia ang kanyang balak na paghihiganti? O magugulo ang kanyang mga plano at mahuhulog muli ang kanyang loob sa dating asawa?
View More“TULONGGG!” isang malakas na sigaw ni Natalia pagpasok nito sa pinakamalapit na hospital sa kanilang lugar. Hindi nito alam ang kaniyang gagawin. Ang alam lang nito’y kailangan niyang mailigtas ang kaniyang anak na dala-dala nito sa sinapupunan. Bahagyang bumigay ang tuhod nito ngunit agad naman siyang nasalo ng isang doktor na inalalayan siya.
“Ano pong nangyari, Ma’am?” tanong ng doktor.
“M-Manganganak na po ako!” nanginginig nitong sambit kasabay ng pagtulo ng kaniyang mga luha.
“Ano hong pangalan nila?”
“N-Natalia…” mahinang sambit nito. “Natalia Harring—! Mali… Natalia Castaleon ang pangalan ko.”
Kahit alas-diyes na ng gabi ay tila maingay at maliwanag pa rin dahil sa rumaragasang bagyo sa kanilang lugar. Kasabay ng pagdagungdong ng kalangitan ay ang pag-sigaw ni Natalia upang humugot ng lakas para sa kaniyang panganganak.
Mahirap. Masakit. Kitang-kita sa kaniyang mga mata ang pag-aalala ngunit pinilit pa rin niyang maging malakas para sa kaniyang anak. Halos kalahating oras na ang nakalipas, tuluyan nang lumabas ang isang sanggol mula sa kaniyang sinapupunan.
“PUSH!”
Pagkabanggit noon ng doktor ay lumabas na ang anak nito. Sinubukan niyang imulat ang namumugto niyang mga mata, agad na tiningnan ang kalalabas lang nitong anak. Mariin itong napangiti. Kahit na nanlalabo na ang kaniyang mga mata’y sinubukan niya pa rin niya itong titigan.
Ngunit hindi rin nagtagal ang ngiti sa kaniyang labi nang biglang lumagabog pabukas ang pinto ng emergency room. Nanginig ang mga tuhod nito’t napalitan ng takot ang marka sa kaniyang mukha.
“NANDITO KA LANG PALANG GAGA KA!”
Isang babae’t dalawang naka-tuxedo’ng lalaki ang pumasok sa loob ng emergency room, may dalang mga baril. Agad na nagsitakbuhan palabas ang mga doktor at nurse dahil sa takot. Kahit ang gwardiyang sinubukang pumasok ay agad napatumba ng dalawang lalaking bantay.
Nanigas si Natalia sa kaniyang kinauupuan. Humigpit na lamang ang hawak nito sa kanyang anak para protektahan at hindi nila makuha. “A-Anong ginagawa mo dito, Lucia?”
Kanina’y galit na galit, pero ngayo’y tila isang mapang-asar na ngiti ang ipinakita ng babaeng nagngangalang Lucia. Tinaasan nito ng kilay si Natalia’t saka ngumisi. “Ibigay mo sa amin ang bata. Matagal ko nang sinasabi sa’yo na kabayaran ‘yan sa lahat ng kasalanan mo!”
Mabilis na umiling si Natalia habang umiiyak. “H-Hindi mo makukuha ang anak ko!”
“ANG KAPAL TALAGA NG MUKHA MO!” Isang malakas na sampal ang nakuha ni Natalia mula kay Lucia nang lumapit ito. Lalong umagos ang mga luha sa pisngi ni Natalia at saka nanlabo pa ang kaniyang mga paningin. “Napaka-walang kwenta mo talagang kapatid, ano?”
“Kapatid?” Agad na natigilan si Natalia sa sinabi ni Lucia. “K-Kailan mo ako itinuring na kapatid, ha? Lucia? KAILAN?”
Isa pang sampal, halos tumabingi na ang mukha ni Natalia. “Wala ka nang pakialam. Ibigay mo na lang sa akin ang bata!”
Kinuha ni Natalia ang cellphone nitong nasa kaniyang tabi at saka sinubukang tawagan ang asawa nito. Maxwell Harrington, isang mayaman, matangkad, mestisong asawa niya nang dalawang taon… hanggang ngayon. Ngunit nitong mga nakaraang buwan ay animo’y nawalan na siya ng asawa nang makahanap ito ng iba.
Hanggang sa huli, hindi pa rin ito sumasagot. Sinubukan niya nang paulit-ulit ngunit wala talagang nangyayari.
Pagkatapos ng ilang beses na pagsubok ay tumawa na lamang ng malakas si Lucia at saka hinablot ang cellphone sa kaniya. “Sa tingin mo talaga may pake pa ang asawa mo sayo?”
Walang naisagot si Natalia. Sa dalawang taon nilang pagsasama ng kaniyang asawa – na siyang nagbunga pa ng kanilang anak – ay tila biglang nawala ang lahat ng pagmamahal nito. Hindi lang nawala… napalitan pa ng galit at poot.
“Utang mo sa kapatid natin ang batang iyan. Sa tingin mo ay bubuhayin ka pa ni Maxwell pagkatapos ng ginawa mo sa minamahal niya?”
Nagpantig ang tainga ni Natalia’t binigyan si Lucia ng isang malakas na sampal bilang ganti. Nagngitngit ang ngipin nito habang nanlilisik ang kaniyang mga mata. “Ako ang mahal ng asawa ko!”
“HINDI NA NGA ‘DI BA! Si Olivia na ang minamahal niya ngayon!”
“KABIT LANG SIYA!”
Gumanti na naman si Lucia’t sinampal si Natalia. “Ang kapal ng mukha mong sabihan na kabit ang kapatid natin?” Tumawa ito nang malakas ngunit agad ding sinamaan ng tingin si Natalia. “Wala ka rin namang magagawa.”
Tumingin si Lucia sa dalawang lalaking nakabantay sa kaniyang likuran. “Kuhanin ang bata!”
Sa isang iglap, tila nawala sa mga bisig ni Natalia ang kaisa-isang anak nito na matagal niyang inalagaan. Hindi na niya nararamdaman at tila naaaninag ang kapaligiran. Tuluyang nanlabo ang kaniyang paningin at umiikot na ang kaniyang paligid. Lumalim ang kaniyang paghinga ngunit pinipilit pa rin niyang tingnan si Lucia at ang mga alipores nito.
“I-Ibalik mo sa’kin ang anak ko! H-Hindi ako ang nanakit kay Olivia, bakit sa akin niyo isinisisi?!”
Patuloy na umagos ang kaniyang luha, kasabay ng tuloy-tuloy na pagdaloy ng dugo mula sa kaniyang tiyan. Kahit na mabigat ang pakiramdam niya’y sinubukan niyang tumayo para sana bawiin ang kaniyang anak; ngunit hindi rin niya nagawa.
Natumba si Natalia, pero rinig na rinig pa rin nito ang huling linya na binitawan ng kaniyang kapatid. “Hindi naman ako ang may sabing ikaw ang nanakit kay Olivia… ang asawa mo mismong si Maxwell ang nagsabi. Kung sinabi niyang ikaw ang may kasalanan, EDI IKAW ANG MAY KASALANAN! H’wag ka nang pumalag pa dahil wala ka rin namang magagawa.”
Tumigil sa pagsasalita si Lucia kaya napatingala si Natalia para tingnan ito. Natawa lang ang kaniyang kapatid bago magsalita muli. “Mas pipiliin pang pakasalan ni Maxwell si Olivia kaysa ang balikan ka, Natalia. Pero bago mangyari ang lahat ng iyon, kailangan namin ang anak mo.”
Ang mga litanyang iyon mula kay Lucia ang tila sumaksak sa damdamin ni Natalia. Sa dalawang taong pagsasama nila ng kaniyang asawa, hindi nito naisip na rito lang magtatapos ang lahat. Ang akala niyang happy ending ay worst ending pala.
Hindi na niya tuluyang nararamdaman ang paligid at ngayo’y parang wala na siyang makita. Bagama’t hirap na hirap, sinubukan niyang tumayo, pero agad din siyang nahilo’t natumba.
Unang tumama ang ulo ni Natalia sa sahig, dahilan para lalo itong mahilo. Hindi na niya alam ang nangyayari.
Tuluyang umagos ang mga luha nito habang pinakikinggang papaalis na sa silid sina Lucia at ang mga kasama nito. Hindi kalaunan, pumasok na rin ang mga nurse at doktor na kanina’y umalalay sa kaniya.
Lahat sila’y nakita kung gaano karami ang dugong nawala kay Natalia. Mas lumalim ang paghinga nito na animo’y wala na talagang malay. Ilang sandali, isang nurse ang sumigaw. “Dok! Ang pasyente!”
Walang gumalaw. Ni walang nagsalita para tumulong kay Natalia na hirap na hirap. Ngayon, alam nilang lahat kung sino si Natalia sa mundo ng mga Harrington, ang pamilya ni Maxwell. Isang kilalang negosyante at bilyonaryo sa buong Pilipinas; wala ni isang tao ang sinubukang tumulong muli kundi pati sila ay madadamay sa gulo ng pamilya.
Ilang saglit, isang mahabang tunog mula sa aparato ang narinig.
“P-Patay na siya…” sambit ng isang doktor.
Nanatili silang tahimik hanggang sa lahat sila’y nagsilabasan na lang at ang mukha’y hindi maipinta. Hindi nila alam, may isang lalaking doktor ang naglakas-loob na pumasok sa silid, tinitigan si Natalia’t tiningnan ang kaniyang kondisyon.
“M-May isa pang bata sa kaniyang tiyan...”
Tahimik ang buong silid. Ang malamig na ihip ng aircon ang tanging naririnig sa pagitan nilang mag-ina. Si Liam, nakaupo sa gilid ng kama, nakatungo ang ulo at halatang hindi mapakali. Ang mga paa niya ay bahagyang nakalambitin sa sahig, na tila hindi alam kung saan dapat ilagay.Samantalang si Natalia, nakatayo pa rin malapit sa pintuan, nakasandal sa dingding na parang kailangan niyang suportahan ang sarili mula sa bigat ng emosyon na nararamdaman niya. Ang tingin ni Natalia ay nakatuon kay Liam, pero ang isip niya ay naglalakbay sa kung saan. Pilit niyang inuunawang mabuti ang sitwasyon habang pinipigilan ang nagbabadyang pagsabog ng kanyang galit at kaba. Ang lahat ng itinayo niyang pader para protektahan si Liam, ang mga sikreto at sakripisyong ginawa niya, parang nagkaroon ng malaking butas na hindi niya maayos sa isang iglap.Hindi siya makapaniwalang nandito ngayon ang kanyang anak sa ospital, ang lugar na pinilit niyang iwasan nito sa takot na matuklasan ng mga Harrington an
Hindi makapaniwala si Lucia sa kanyang naririnig at nakikita. Ang batang nasa harap niya—si "Tristan" na tahimik at masunurin sa lahat ng pagkakataon—ngayon ay sigaw nang sigaw, umiiyak, at gumagawa ng eksenang hindi niya kailanman naisip na mangyayari. Napatitig siya sa sahig kung saan humandusay ang bata, nakakunot ang noo habang sinusubukang intindihin kung ano ang nangyayari."Tristan, ano bang ginagawa mo? Tumigil ka nga diyan!" galit ngunit halatang nagtatakang tanong ni Lucia habang inilalapit ang sarili sa bata, pilit na iniintindi ang sitwasyon.Ngunit si Liam, na sa isip niya’y kailangang maituloy ang pagpapanggap upang tuluyang mapaniwala ang lahat, ay mas lalong nagpakababa ng boses, nanginginig at tila nawawala sa katinuan. "Tama na po! Tama na po! Ayoko na po! Maawa kayo!" "Tristan, anong sinasabi mo?! Hindi kita sinaktan! Tumigil ka nga sa kalokohan mo!" sigaw ni Lucia, tila naubusan na ng pasensya ngunit hindi pa rin makapaniwala na ang bata ay nagpapakita ng ganitong
Pagpasok ni Lucia sa kwarto, nakita niya ang inaakala niyang si Tristan na nakahiga sa kama, balot na balot ng kumot mula ulo hanggang paa. Mataas ang kanyang kilay, at bakas sa mukha niya ang iritasyon. Inilapag niya ang dalang bag sa maliit na mesa malapit sa kama at marahang lumapit. Tumigil siya sa gilid ng kama at tinitigan ang kumot na mahigpit na nakabalot sa bata."Tristan," tawag niya nang mababa ngunit matalim ang tono, "alam kong gising ka. Tumigil ka na sa drama mo."Walang reaksyon mula sa ilalim ng kumot. Tumikhim si Lucia, pilit pinipigil ang iritasyon, at lumapit pa nang bahagya. Tinapik niya ang bata sa balikat, maingat ngunit may bahid ng paninita."Hoy, Tristan. Huwag mo akong lokohin. Alam kong hindi ka tulog," dagdag niya habang pinipilit ang sarili na maging kalmado. Ngunit kahit ano pa ang sabihin niya, nanatili si Liam sa ilalim ng kumot, pilit pinapakalma ang sariling tumitibok nang mabilis ang puso.Napangiwi si Lucia, nawawalan na ng pasensya. "Talaga, ha? G
Lumabas na sina Natalia at Tristan mula sa VIP ward kung saan sila pansamantalang nananatili. Ang malamig na simoy ng hangin mula sa air-conditioning ay tila bumalot sa kanilang katawan habang naglalakad sa mahabang pasilyo ng ospital. Sa labas ng kwarto, may mga nars na abala sa pag-aasikaso ng kanilang mga pasyente. Ang ilan ay nagmamadaling may dala-dalang mga clipboard, habang ang iba naman ay marahang tinutulak ang mga wheelchair ng mga nakangiting pasyente. Ang tunog ng rubber shoes na dumudulas sa makintab na tiles ng ospital ay naging background noise sa tila tahimik na umaga.Kahit tila abala ang lahat sa ospital, nananatili pa ring kalmado ang kapaligiran. Ang bawat hakbang nila Natalia at Tristan ay tila sinasalubong ng malamlam na liwanag mula sa mga fluorescent lights sa kisame. Hinawakan ni Natalia ang kamay ni Tristan, bahagyang iniakay ang bata habang maingat silang naglalakad patungo sa psych department.“Okay ka lang ba, Tristan?” tanong ni Natalia, bahagyang tumigil
Mataas na ang araw nang magising si Maxwell. Ramdam niya ang init ng sinag ng araw na sumisilip sa manipis na puting kurtina, dahan-dahang pinupuno ang kwarto ng banayad na liwanag. Parang nagbibigay ito ng bagong simula, isang pagkakataon upang makapagpahinga mula sa mga problema ng kahapon. Ang malamig na hangin na nagmumula sa aircon ay bumabalot sa buong silid, nagbibigay ng komportableng temperatura na tila sumasalungat sa init ng araw. Malinis at tahimik ang paligid, tanging ang tunog ng banayad na hilik ni Tristan ang maririnig.Umupo si Maxwell sa gilid ng kama, hinihilot ang sariling batok at marahang umikot ang balikat upang alisin ang tensyon mula sa pagtulog sa hindi komportableng posisyon. Ang kanyang mga mata ay tumingin sa anak niyang mahimbing pang natutulog. Payapa ang mukha ni Tristan, tila wala itong anumang alalahanin. Ngunit para kay Maxwell, ang tahimik na sandaling ito ay puno ng pag-aalala. Hindi pa rin nawawala sa isipan niya ang mga nangyari sa bata nitong mg
Paglabas ni Natalia mula sa banyo, dama ang malamig na hangin na sumalubong sa kanyang balat. Nakadamit na siya, suot ang isang simpleng ngunit elegante na cotton dress na hanggang tuhod ang haba. Ang kulay nitong mapusyaw na peach ay bumagay sa kanyang makinis na kutis, habang ang bahagyang v-neckline nito ay nagpakita ng kanyang collarbone nang walang labis na pagpapakita.Ang damit ay niyakap ang balingkinitang hubog ng kanyang katawan nang perpekto, sapat upang ipakita ang kanyang natural na ganda ngunit nanatiling disente. Ang kanyang buhok ay basa pa mula sa paliligo, at ang mga hibla nito ay kumikinang habang tumutulo ang tubig sa dulo. Nakayapak siya habang marahang naglakad palabas.Pagtingin niya sa kama, nakita niya si Maxwell na nakahiga nang komportable, ang ulo’y nakasandal sa unan habang may bahagyang ngisi sa kanyang labi. Nakasuot ito ng itim na sando, ang malalapad nitong balikat at ang defined na muscles sa braso ay litaw na litaw. Nakatingin ito kay Natalia, tila s
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments