INICIAR SESIÓNIto ay isang madilim at nakakapanabik na kuwento ng pag-ibig, pagtataksil, at paghihiganti. Ikinasal si Ashera at Jeorge dahil sa isang kasunduan ng kanilang mga pamilya upang mapalakas ang kani-kanilang kompanya. Subalit, ang tunay na pag-ibig ni Jeorge ay nakalaan para sa kay Zebyana- Ang nakababatang kapatid ni Ashera. Sa loob ng malaking bahay na kanilang tinitirhan, dama ni Ashera ang pagkakulong, hindi itinuturing na espesyal, at para lamang siyang isang utusan. Sa kabila ng sakit na dulot ng pagsaksi sa relasyon nina Jeorge at Zebyana, nananatili siyang tahimik at nagdurusa sa isang sulok.
Ver másASHERA
From the second floor of the house, I could clearly see how the love that should have been mine always went to my younger sister. I just busied myself with cleaning the stairs. Every part of the floor I cleaned had to be scrubbed hard because it was so dirty, and every drop of sweat was a reminder that I had no right to complain about my work. Tiningnan ko ang aking damit – mas marumi pa ito kaysa sa basahang hawak ko. Muli akong tumingin kay Jeorge at Zebyana. Pareho silang nagtatawanan habang nanonood ng palabas sa telebisyon. Prenteng nakaupo sila sa sofa, nagsusubuan pa ng popcorn, samantalang ako’y nangangatog na ang mga tuhod sa matinding pagod at gutom. I tried to smile, forcing myself to believe that all my suffering would eventually end. For now, I needed to stay strong, but every time I saw how happy they were, my heart would break into pieces. I am legally recognized as his wife, though I have never been the object of his love. Tanging kapirasong papel lang ang pinanghahawakan ko, hindi ang puso niya. "Hera! Have you cooked dinner yet?" Malakas na sigaw ni Zebyana. Nakapamewang siya at masama ang tingin sa akin. "Saglit lang. Tinatapos ko lang ang pagpupunas sa hagdan," paliwanag ko, ngunit lalo lang nangunot ang kanyang noo. "Will we get full from that? Even if the stairs shine brightly, we can’t eat them!" Malakas niyang sigaw, kaya bigla akong nataranta. Nagmadali akong bumaba, halos madapa ako dahil basa pa rin ang hagdan. "Ito na, magluluto na ako," mahinahong sabi ko. Dumaan ako sa harapan nila, ngunit hindi man lang ako tinignan ni Jeorge. Matagal ko nang alam na wala siyang pakialam sa aking presensya. "What are you still fooling around with? The kitchen isn’t here!" bulyaw ni Zebyana sa akin na para bang ako’y isang tuta. Kahit kailan ay hindi niya ako itinuring na nakakatandang kapatid. I moved quickly with tears streaming down my face. I went to the kitchen and prepared a meal. I grew up in a wealthy family, so all the work here was new to me. I wasn’t used to cleaning, so I got tired easily, I wasn’t used to cooking, so my fingers were covered in bandages because I didn’t know how to handle a knife properly. But I learned everything, in the short time I’ve been here, I’ve picked it up. I’m not exactly great at it yet, but I know I can manage on my own. Pinili kong magluto ng sinabawang isda, para makahigop naman ako ng sabaw. Kanina pa kasi kumukulo ang sikmura ko – ang huling kain ko ay noong umaga pa, at hindi na ako nakakain ulit dahil sa dami ng trabahong kailangang gawin sa bahay. Nasanay na ako sa amoy ng sibuyas at bawang na dati ay ayaw na ayaw ko. Kung noon ay umiiyak pa ako habang naghihiwa, ngayon naman ay parang manhid na ang mga mata ko. It took me less than thirty minutes to finish cooking. "Zebyana, nakaluto na ako," nakangiting sabi ko, ngunit inirapan lang ako nito. Inanyayahan na niya si Jeorge na kumain, at nilampasan lang nila ako na para bang hindi ako nag-eexist sa bahay na ito. Pinanuod ko silang kumain, hindi ko mapigilan ang mapalunok. Malakas ang naging pagkulo ng aking tiyan, tila nagkakarambola ang lahat ng nilalaman nito. Hindi ko maiwasang mainggit sa kanila – hindi ako pweding sumabay sa kanila dahil magagalit si Zebyana. Kaya narito lang ako sa pintuan, hinihintay silang matapos. Isang oras akong naghintay bago sila natapos. Tuyo na tuyo ang lalamunan ko at sabik na akong makahigop ng sabaw. Nang umalis sila ay nagmadali akong kumuha ng pinggan, ngunit nang tingnan ko ang kaldero ng ulam ay wala na itong laman. Ultimo ang sabaw ay simot na simot na, tanging mga tinik na lang ng isda ang natira. Bigla akong nanlumo, bagsak ang mga balikat na ibinalik ang pinggan sa lalagyan. Napaluha na lamang ako habang pilit na kinukuha ang mga natitirang tutong na kanin sa kaldero. Nanginginig ang mga kamay ko nang isubo ito, at tuloy-tuloy na tumulo ang mga luha ko habang pilit na nginunguya at nilulunok ang kanin. Kringggg.......... Mommy Calling...... Pinunasan ko muna ang aking mga kamay dahil dumikit ang mga tutong na kanin doon. Sunod naman ay pinunasan ko ang aking mga pisngi, na basang-basa sa pag-iyak. "Hi, Mommy!" I greeted cheerfully, forcing energy into my voice because I didn’t want my mother to worry. She thought I lived like a princess in this house, but she didn’t know that my life here was worse than an animal’s. "How was my baby girl? Kumain ka na ba?" masayang tanong niya sa kabilang linya. Lumunok ako at pilit na pinipigilan ang pagkabasag ng aking boses. "I’m always okay, Mommy. At opo, ang sarap nga ng ulam namin – may lechon, steak, at iba pang seafood," pagsisinungaling ko, ngunit ang totoo ay wala akong makain ngayon. Pinagtiyagaan ko na lamang ang mga natitirang kanin para hindi ako mamatay sa gutom. Mas mabuti pa ang mga aso’t pusa dito – pinapakain ng kanilang amo, samantalang ako’y parang isang daga na umaasa sa mga tira-tira at madalas pang itinuturing na peste. "Mabuti naman kung ganon. Siguro kapag dumalaw ka rito ay mataba ka na," natatawang sabi niya. Tiningnan ko ang aking sarili sa salamin – napakalaki ng pagbabago ng aking katawan. Namayat ako kahit hindi pa umaabot ng isang linggo mula nang manirahan kami sa iisang bubong at ikasal kami ni Jeorge sa isang pribadong resort na pag-aari nila sa Batangas. "Inaalagaan ka ba ni Jeorge?" seryosong tanong niya. Bigla akong natahimik at pilit na hinahanap ang tamang salita para hindi siya mag-alala. Hindi niya ako inaalagaan, ngunit hindi rin niya ako pinababayaan. Hindi niya ako gusto – napipilitan lang siyang makasama ako. Wala siyang nararamdaman para sa akin, tanging ang mahalaga lamang sa kanya ay ang yaman na makukuha niya mula sa aming pamilya. "Oo naman po, Mama. Napakabait at mapagmahal talaga ni Jeorge," ngumiti ako ng mapakla – mga ngiting puno ng kasinungalingan. "Mabuti naman. O sige na, baka naiistorbo na kita. Bigyan niyo ako agad ng apo, ha?" excited na sabi ni Mommy. "I love you, Mom," malungkot na sabi ko. Hindi na niya ito narinig dahil binaba na niya ang telepono. Nabuntong-hininga na lamang ako. Nawalan ako ng ganang kumain, kaya itinapon ko na lamang sa basurahan ang kinakain ko. Hindi ko naman ito maaaring ibalik sa kaldero – siguradong bubulyawan na naman ako ni Zebyana kapag may nakita siyang kalat sa kusina. When I looked at the door, I saw Jeorge. He was staring intently at me with a deeply furrowed brow. "May karne pa sa ref. Lutuin mo iyon para sa sarili mo. Magluto ka rin ng kanin – para kang pulubi sa hitsura mo," malamig na sabi niya. Walang emosyon ang kanyang mga mata, tila naaawa lamang siya sa aking sitwasyon. Pagkatapos niyang magsalita ay tumalikod na siya at umalis. Ito ang unang pagkakataong kinausap niya ako – ang unang pagkakataong nagpakita siya ng pakialam sa akin.ASHERANasa kalagitnaan kami ng masayang kwentuhan at tawanan dito sa bahay ni Mom. Ang tunay na bahay na akala ko ay matagal na akong hindi makakatapak nang biglang umalingawngaw ang tunog ng telepono sa sala. Agad itong sinagot ni Mom, at habang nakikinig siya, unti-unti akong nakakramdam ng pangamba lalo na nang makita ko kung gaano siya kaguat sa kausap. Nang ibaba ni Mom ang telepono, tumingin siya sa akin ."Naaksidente raw si Jeorge. Bumangga ang kanyang sinasakyang kotse sa isang poste sa Montalban Rizal. Naka-admit sila sa St. Margaret Hospital," seryosong sabi ni Mom. Pero habang tumitig ako sa kanyang nag-aalalang mga mata, isang kakaibang katahimikan lamang ang bumalot sa puso ko. Wala akong naramdaman. Walang takot. Walang pangamba. Walang kahit anong kirot sa dibdib ko.Hindi ko alam kung anong reaksyon ang dapat kong ipakita. Ang tanging alam ko lang—wala akong pakialam. "Ashera..." nanginginig na tinig na tawag sa akin ni Mom. Tila naghihintay siya ng salita mula sa
JEORGE "Kasalan mo kung bakit tayo nandito!" sigaw ni Zebyana habang walang tigil sa pag-iyak. Ano pang magagawa ng pag-iyak niya? Kahit humagulgol pa siya diyan ay hindi kami pakikinggan ng mga pulis dito. "Tumahimik ka nga! Hindi naman tayo magtatagal dito. Mamaya ay lalabas din tayo," nakangiting sabi ko. Ano pa't saaan ginagamit ang koneksiyon at pera? Kinausap ako ni Mom kanina na tinawagan na niya ang private lawyer namin para ayusin ang kaso at ang piyansa na kinakailangan upang mapalaya kami. Akala ba ni Ashera ay nagtagumpay na siya? Para saan pa't naging Emerald ako kung hindi ko gagamitin ang kapangyarihan namin. "What do you mean?" Tumayo siya at lumapit sa akin. Pinag-isa lang kami ng kulungan dahil wala pa namang hearing na nangyayari at hindi pa napapatunayan na kami ay may sala. Kayang-kaya ko pang baliktarin ang lahat ng sinabi ni Ashera. "Just relax. You will know later," nakangiting sabi ko. Maya-maya pa'y dumating ang isang pulis at agad na binuksan ang kul
ASHERA "Huwag mo na akong ihatid, Hover. Sasabay na lang ako kay Mom," malunanay na sabi ko pero agad siyang umiling. "Ako ang nagdala sayo rito. Ako rin dapat ang mag-uuwi sa inyo," Na para bang siya ang boyfriend ko. Nakita ko ang senseridad sa mukha niya. Hindi ko alam na sa lakas ng bagyong kinakaharap ko ngayon may isang taong handang manatili sa tabi ko. At sa unang pagkakataon, naramdaman ko ang kakaibang pakiramdam na sana'y nauna ko siyang nakilala kaysa kay Jeorge. Umiling ako sa sariling naisip. Hindi naman pwedeng makaramdam ako ng pagkagusto sa kanya, gayong alam kong naaawa lang siya sa akin. Ayoko nang dumagdag pa sa problema niya. Napabuntong-hininga ako ng malalim at ngumiti sa kanya. "Bakit ba palagi kang nandiyan sa tabi ko, kapag kailangan ko ng makakasama? Guardian angel ba kita?" natatawang tanong ko. Hinawakan niya ako sa braso at hinila ako. Hindi ito tipikal na paghila na may kasamang sakit, kundi paghila na may kasamang pag-aalaga. "I'm more than you
ASHERA Ang sarap pala sa feeling na lumalakad kang walang mabigat na dinadala. But then, a little freedom steps away when my mother arrives Ang yakap na akala ko ay sa akin niya ibibigay ay nabitin sa ere. Tumakbo siya palapit sa kulungan kung saan humihimas ng rehas si Zebyana. "Mom!" sigaw niya. At bigla na lamang pumalahaw ng iyak. "Who the hell bullied my daughter? Get her out of that cell before I file charges against all of you!" sigaw ni Mom. Ni hindi niya namalayan ang presensya ko. "Mom! Help me get out of here!"" umaarte na sabi ni Zebyana. Hindi ko maiwasang mapairap, kahit kailan ay napaka-plastik niya "Mom!" tawag ko sa kanya. Lumingon siya sa akin. Ngumiti ako ng pilit kahit alam kong masakit para sa akin na makita kung gaano niya pinapahalagahan si Zebyna. "What are you doing here? What happened to you, Ashera?" maluha-luhang tanong niya. Marahil ay naaawa siya sa mga sugat at pasa na pilit na humihilom sa katawan ko. "Anong meron? Bakit nandito kayong lahat? Why
JEORGEAng init sa pagitan naming dalawa ni Ashera ay biglang naglaho dahil sa malakas na tunog na nagmumula sa aking cellphone. Nagulat ako kaya naitulak ko siya nang biglaan. Mabilis kong kinuha ang cellphone, hindi ko maiwasang mapangiti nang makitang tumatawag si Zebyana. Sinenyasan ko siya na
ASHERA Jeorge was out of the house all day, and thankfully, my fever was gradually subsiding. I prepared dinner, knowing my husband would be home soon.Ala-sais ng gabi nang biglang may pumaradang sasakyan sa labas ng gate. Hindi ito ang kotse ni Jeorge—kilala ko ang tunog ng kanyang sasakyan. May
ASHERAPilit kong tinatakpan ang aking dalawang tenga, dahil rinig na rinig ko ang bawat halinghing at ungol na kanilang ginagawa sa kabilang kwarto. Para itong matalim na punyal na unti-unting bumabaon sa aking puso. Sobrang sakit. Sobrang hirap. Bawat patak ng luha ko ay isang paalala na wala ako
JEORGEI couldn't help but feel pity for her, watching her from the doorway. She was picking up the food that had been spilled and putting it back into the container. Was she planning to eat it still? She's really disgusting.Tumalikod na lamang ako't bahala na siya sa buhay niya. Hinihintay ko ang






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reseñas