Share

Kaibigan

Penulis: Shea.anne
last update Terakhir Diperbarui: 2024-11-04 20:37:26

Wala pang karanasan si Dominic sa pagpapatahan ng mga bata. Noong nakaraan, kapag umiiyak si Sky, laging si manang Susan ang nagpapatahan dito dahil ito ang kaniyang tagapangalaga.

Nang makita niyang umiiyak ang anak sa harap ni Avegail, medyo naguluhan si Dominic.

"Huwag ka nang umiyak." Sa huli, inutos niya nang may matigas at malamig na mukha.

Akala niya, emotionless lang ang sinabi niyang iyon.

Pero sa mga tenga ni Sky, parang isa itong malupit n autos.

Pagkatapos ng mga salitang iyon, lalo pang humagulhol si Sky. Halos magkahilera na ang mga patak ng kanyang mga luha at mabilis na bumagsak. Yumuko siya at humikbi, halos hindi makahinga. Sobrang pag-iiyak na ang ginagawa ni Sky at medyo nahihiya na si Dominic sa harap ng babae.

Nagkunot ang noo ni Dominic, hindi alam kung paano tatanggapin ang sitwasyon.

Nakita ni Avegail na ang reaksyon ni Dominic bilang isang ama ay malamig sa harap ng kanyang anak, kaya’t hindi na niya kayang tiisin pa.

"Ganito ba ang trato mo sa anak mo? Umiiy
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Ex-wife Return: Love Me Again   Freedom

    Tahimik ang buong paligid habang naghihintay si Dominic sa mga gamit na ipapadala sa kanya—ilang damit, ilang personal na kagamitan, at ilang dokumentong kailangan niya sa ospital kung saan nakaratay pa rin si Avigail. Kasalukuyang nakaupo si Mrs. Luisa sa tapat niya, may hawak na tasa ng tsaang malamig na, hindi man lang niya namalayang hindi niya naiinom."Dominic," mahinahon ngunit may kabigatang wika ni Luisa, "nakiusap ang ama ni Lera sa iyong ama. Hindi ba natin sila pagbibigyan?"Itinaas ni Dominic ang tingin mula sa hawak niyang cellphone, dahan-dahang ibinaba iyon sa mesa. Nakatingin siya sa kanyang ina, ngunit hindi galit ang nasa mga mata niya kundi sugat—isang galit na hango sa kabiguan, isang sugat na hindi basta napagagaling ng paliwanag."Mommy, ikaw ang tatanungin ko," panimula niya, paos at mababa ang boses. "Ayos lang ba sayo na pinahamak ni Lera ang buhay mo... para lang makuha ka sa panig niya? Hindi mo ba naiisip na nilinlang ka niya?"Bahagyang napayuko si Luisa,

  • Ex-wife Return: Love Me Again   Safety First

    Sinundo ni Avigail ang kambal—sina Dane at Dale—mula sa eskwelahan. Tahimik lamang ang kambal habang nasa sasakyan, ngunit pagdating nila sa Villafuerte Mansion, bumungad sa kanila ang mahigpit na seguridad. Maraming tauhan ang nakaantabay, at halatang pinalakas ang proteksyon ng buong paligid."Wow, Mommy... dito ba tayo titira ngayon?" inosenteng tanong ni Dane habang hawak ang kamay ng kapatid."Sandali lang, anak. Habang inaayos ang villa natin," sagot ni Avigail, pilit na ngumingiti. Ngunit sa loob-loob niya, ramdam niya ang bigat ng sitwasyon. Isa lang ang malinaw—hindi na ligtas ang villa para sa kanila."Bakit Mommy? may nasira ba?" tanong naman ni Dale. "May nag-leak lang na tubo ng tubig. Halika na, ibaba niyo lang ang gamit niyo at magpalit nitong mga damit na binili ko kanina. Pupunta tayo sa hospital, gumalaw na si SKylie." "Talaga MOmmy?" Tumango naman si Avigail at tuwang tuwa naman ang kambal kaya mabilis silang kumilos.Samantala, si Dominic ay kasalukuyang nasa vi

  • Ex-wife Return: Love Me Again   Skylie's Condition

    "Gumalaw na daw si Skylie?" nagtatakang tanong ni Avigail.Kanina, habang nagbabasa siya at nag-iimbestiga kung paano napunta ng bansa si Skylie at pinalabas na patay na ito, tumawag si Dominic. Umiiyak ito habang masayang sinasabi na gumalaw si Skylie. Kaya naman nagmadali siyang pumunta sa ospital."Oo, Avigail!" Masayang sabi ni Dominic habang muling tumingin sa ICU room kung saan nakahiga si Skylie. "Kanina, habang kinakausap ko siya at kinukuwento kung paano kita muling nililigawan, gumalaw ang kamay niya... at lumuha ang mata niya. Sa tingin ko, tuwang-tuwa siyang magiging mommy ka na niya. Matagal na kasi niyang hinihiling iyon sa akin.""Ano bang sinasabi mo d'yan! Mommy ka agad?" kinikilig na sabi ni Avigail. Iniwas pa niya ang mukha sa lalaki dahil masyado siyang apektado sa sinasabi nito. Para bang may kung anong kumikiliti sa puso niya.Kung ganito si Dominic noon—six years ago—baka hindi na siya umalis. Pero nang maalala niya ang mga nangyari, bigla siyang napalalim ng bu

  • Ex-wife Return: Love Me Again   Step 1

    "Good morning," nakangiting bati ni Dominic, kasabay ng marahang pag-abot ng isang bungkos ng sariwang pulang rosas habang nakatayo sa pintuan ng Villa.Napataas ang kilay ni Avigail, halatang hindi sanay sa ganitong klaseng eksena tuwing umaga. Naka-robe pa siya, hawak ang tasa ng kape, at bagong gising pa ang mukha. Tiningnan niya ang mga bulaklak, tapos si Dominic, at muling bumalik ang tingin sa bulaklak."Para kanino 'yan?" tanong niyang diretso, halatang hindi na makatiis sa kaba at pagtataka."Para sa'yo," simpleng tugon ni Dominic, sabay abot nito sa kanya. May halong pag-aalangan sa mata niya—parang hindi sigurado kung tatanggapin ito o itatapon ni Avigail pabalik sa kanya."Mommyyy!""Who's that?"Sabay na sumulpot ang kambal mula sa hallway. May suot silang uniform, halatang nagmamadaling bumaba para sa almusal nila bago pumasok sa kindergarten. Ngunit agad napahinto ang dalawa nang makita kung sino ang nasa pintuan."Daddy?" sabay na tanong ng kambal, parehong naguguluhan

  • Ex-wife Return: Love Me Again   Just Respect

    “Avigail…” tawag ni Dominic, mababa ngunit mariin, habang nakatingin sa mga bata sa loob ng ICU. Nasa loob si Mrs. Luisa Villafuerte, nakaupo sa maliit na upuan at binabasahan ng kwento ang kambal habang tahimik na nakahiga si Skylie sa kanyang kama. Sa kabila ng kanyang mariing pagtanaw, may kirot sa tinig ni Dominic—isa itong tinig ng lalaking matagal nang naghihintay, umaasa, at ngayon ay muling nagtatanong.Napalingon si Avigail sa kanya, bahagyang nagtaas ng kilay. “Bakit?”Tumikhim si Dominic, saka muling nagsalita—ng buong tapang ngunit may halong pag-aalinlangan. “Kung sakaling ligawan ulit kita, maaari mo ba akong pakasalan… ulit?”Tahimik. Tila huminto ang oras para kay Avigail. Tinitigan niya si Dominic, sinisipat kung seryoso ba ito o isa lamang itong biro na may halong pahiwatig. Ngunit nang makita niya ang pananatiling panatag ng lalaki habang nanunuod sa mga bata, alam niyang hindi iyon biro. Alam niyang totoo ito.“Naiisip ko lang kasi…” dugtong ni Dominic habang hindi

  • Ex-wife Return: Love Me Again   A friend like

    "Avigaaaail!" sigaw ni Daven, halos hingal na hingal sa pagmamadali habang papasok sa ospital.Napalingon si Avigail sa pamilyar na tinig at natigilan. Galing pa yata ito sa institute, batay sa suot nitong polo uniform at bitbit na bag. May ilang staff sa paligid na napalingon din sa kanya dahil sa lakas ng boses nito."Senior?" takang-taka si Avigail, agad na nilapitan ang binata. "Anong ginagawa mo rito?"Ngumiti si Daven, bahagyang tumigil sa paglalakad at bahagyang napayuko habang hinihingal pa rin. "Kamusta ka?" tanong niya, diretsong walang sinasagot na alinman sa tanong ni Avigail."Ayos lang naman ako… Pero paano mo nalaman na nandito ako? May kailangan ka ba?""Magdahan-dahan ka naman sa pagtatanong. Isa-isa lang, okay?" natatawang sagot ni Daven, pilit pinapawi ang tensyon. "Nagpunta ako sa institute, pero sabi nila nakaleave ka raw. Nag-alala ako kaya pinuntahan kita sa bahay. Eh walang tao doon, buti na lang dumaan 'yung kapitbahay mo—si Angel ba 'yon? Sinabi niya na nasa

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status