Beranda / Romance / Ex-wife Return: Love Me Again / We're strange to each other

Share

We're strange to each other

Penulis: Shea.anne
last update Terakhir Diperbarui: 2024-11-30 22:32:59

Hawak ni Dominic ang kamay ni Skylei, tinitingnan ang malamlam na mukha ng babae na hindi kalayuan, at nagsalita ng may pangungutya.

"Kahit na sabihin mong hindi tayo magkakilala, hindi mo naman ako kailangang iwasan ako ni Miss Avigail ng ganito. Balak ko sanang ihatid si Skylei sa kindergarten, at mula sa kindergarten papunta sa Villafuerte group, daraan ako sa inyong research institute, kaya naisip ko na isabay ka na lang kung gusto. Ano baa ng kinakatakot mo Ms. Avigail Suarez?”

Ang ibig sabihin nito ay parang medyo self-indulgent ang ugali ni Avigail.

Gusto rin ni Skylei na makasama ang magandang tita ng ilang sandali. Nang marinig ito, tiningnan niya si Avigail gamit ang mga malalaking mata.

"Tita..."

Hindi naiwasan ni Avigail na magpakumbaba ang puso niya.

Bukod pa rito, ang mga sinabi ni Dominic ay wala siyang maisagot na kahit ano.

Wala silang relasyon, at paulit-ulit niyang tinatanggihan ang mga maliliit na bagay inaalok nito na walang masama, kaya nagmukha siyang medyo mak
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (3)
goodnovel comment avatar
Anne Soriano
nakakabanas na si avi huh
goodnovel comment avatar
MeYoung
oo sobrang arte nga,boring nmn haha
goodnovel comment avatar
Virgie Acebo
Ang arte mo nmn avigail
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Ex-wife Return: Love Me Again   Try my Best

    Sobrang nagsisisi si Jason sa ginawa niya. Sa totoo lang, nagsisi na siya agad-agad nung araw na ginawa niya ‘yon. Pero huli na — na-lock na ni Jake ang research institute, kaya kahit gustuhin man niyang ayusin ang lahat, wala na siyang magawa.Kaya kinabukasan, pinilit niyang maagang pumunta sa institute para tignan kung may magagawa pa siyang paraan para itama ang sitwasyon.Pero nagkamali siya sa akala niyang maaga na siya. Pagdating pa lang niya sa entrance, nandoon na ang mga bumbero.Hindi napigilan ni Jason ang sarili at napalakas ng sampal sa magkabilang pisngi habang inaalala ang nasunog na storage at ang mga sinabi ni Avigail.“Ako ang may kasalanan dito, Dr. Suarez. Ang tanga-tanga ko!” Halos lamunin siya ng hiya, at agad siyang nakiusap,“Dahil kusa na akong lumapit, p-puwede po bang palampasin niyo na lang ito? Nasa ospital pa rin ang anak ko…”Binaon ni Avigail ang mga kuko sa palad niya para lang mapanatili ang kalma.“Hindi ko na hawak ‘yan, Dr. Coleman.”“Sinisiyasat

  • Ex-wife Return: Love Me Again   EMail

    Sa loob ng research area, saka pa lang muling nakabawi ang mga researcher mula sa insidenteng sunog kanina. Isa-isa na silang bumalik sa trabaho, pero bigla silang napatigil nang may dalawang taong pumasok sa lugar.May seryosong ekspresyon si Avigail habang sinusuyod ng tingin ang lahat. “May pumunta ba sa research institute kahapon ng hapon?”Nagkataon pa na sira ang mga surveillance camera, kaya wala siyang ibang basehan kundi ang mga taong naroon. Pagkabigkas niya ng tanong, nagkatinginan lang ang lahat, walang nagsalita. Linggo kasi kahapon — araw ng pahinga, kaya wala naman talagang dahilan para may pumasok. At kung meron man, sino ang aamin kung may kinalaman ito sa sunog? Kahit pa totoo, sino ba naman ang maglalakas-loob?Biglang nagbago ang aura ni Avigail — mabigat at nakakatindig-balahibo. Isang malamig na tingin ang ibinato niya sa lahat. “Hindi ko nais na magbintang kaninuman, at wala rin akong maisip na dahilan para isang empleyado ng institute ang gumawa ng gulo. Pero m

  • Ex-wife Return: Love Me Again   Mastermind

    “Hindi pa namin masasabi sa ngayon. Mahirap tukuyin lalo na’t puro flammable materials talaga ang mga institute na ganito.”Mas lalong naging mahirap dahil abot-abot na ang pagkasunog ng mga materyales.Nadismaya si Avigail sa narinig, pero nagpasalamat pa rin siya.“Salamat po sa tulong ninyo.”Tumango lang ang captain, walang gaanong emosyon.“Tungkulin lang namin ‘yon.”Matapos makumpirmang naapula na ang apoy at makuha ang go signal mula sa mga bumbero, saka lang tuluyang nakalapit si Avigail sa research institute na tinupok ng apoy.Bumagsak ang puso niya sa nakita nang makalapit na siya.Magdamag na siyang balisa, iniisip kung tuluyan na ngang nawala ang mga halamang gamot na kinuha lang nila kahapon.At totoo ngang nangyari ang pinakakinatatakutan niya. Ang mismong storage room na nasunog ay ‘yung pinaglagyan ng mga halamang gamot. Hindi lang ‘yung batch na nakuha nila kahapon ang nawala—pati ‘yung mga naipon nilang stock dati, abot-abot din ang pagkasunog.Buti na lang at agad

  • Ex-wife Return: Love Me Again   Fire

    Napansin ni Avigail na naiinit na ang mga bata, kaya pinilit niyang pigilan ang sarili niyang emosyon.“Hindi ako galit. Sa totoo lang, gusto ko pa nga kayong pasalamatan kasi inaliw n’yo si Sky.”Alam ni Avigail na kahit nagdulot ng kNinanging gulo sa pagitan nila ni Dominic ang ginawa ng mga bata, hindi rin naman gagaan ang loob ni Skylie kung hindi dahil sa kanila.Nakahinga nang maluwag ang mga bata nang marinig ang sinabi ng nanay nila, pero halatang may kNinanging pag-aalangan pa rin.“Sorry, Mommy. Hindi na po kami aalis nang hindi nagsasabi,” pangakong sabi ni Dane habang yumakap sa kanya.Kahit madilim sa loob ng sasakyan, kitang-kita pa rin sa mukha ni Avigail ang pagod.Akala ng bata, tama lang ang ginawa nila kanina, pero sa sandaling iyon, ang bigat-bigat ng konsensiya niya.Pati si Dale, yumakap din sa nanay nila at humingi ng tawad.Yumakap nang mahigpit si Avigail sa mga anak niya, sabay haplos sa ulo ng mga ito.“Alam kong nag-aalala lang kayo kay Sky.”Tumango agad a

  • Ex-wife Return: Love Me Again   We Promised

    Ayaw nang magtagal pa ni Avigail pagkatapos ng hapunan kaya nagpaalam na siya kasama sina Dale at Dane.“Hindi mo ba ako pwedeng samahan nang mas matagal, tita Avigail?”Hawak-hawak ni Skylie ang laylayan ng damit nito, halatang ayaw pa siyang paalisin.Yumuko si Avigail at hinaplos ang ulo ng bata habang mahinahong sinabi, “Gabi na, kaya kailangan ko nang umuwi.” Pagkasabi niya nito, nadala siya sa lungkot na nakita niya sa mukha ni Skylie kaya nadugtungan niya, “Babalik ako ulit para samahan ka, sa ibang araw.”Pampalubag-loob lang sana ‘yon, pero mukhang seryoso itong tinanggap ni Skylie.“Kailan?” tanong ng bata, habang nakatingin sa kanya na parang sobrang importante ng sagot.Napahinto si Avigail at sandaling natigilan.Kailan nga ba?Napatingin siya sa lalaki sa kabilang panig ng kwarto.Dati, si Dominic ang sumasalo at inaayos ang ganitong sitwasyon para sa kanya. Pero ngayon, parang wala itong naririnig o nakikita.Hindi na tuloy nagawang magsabi ng totoo ni Avigail habang na

  • Ex-wife Return: Love Me Again   Eat with us

    Pag-angat ng tingin ni Avigail, napatingin siya kina Dale at Dane. Nang maramdaman ng dalawa ang tingin niya, agad silang tumingin pabalik na parang may kasalanan, saka ngumiti ng alanganin bago umiwas ng tingin na parang wala lang.May kakaibang pakiramdam na sumulpot kay Avigail. Unti-unting nagliwanag sa isip niya ang nangyari. Kaya pala may tanong si Dominic kanina — ginamit pala nila ang pangalan ko para makadalaw kay Sky.Habang iniintindi niya iyon, hindi maiwasang sumama ang loob niya. Pero sa huli, wala na rin siyang sinabi.Eh gusto lang naman talaga nilang makita si Sky. At sigurado rin siyang gumaan ang pakiramdam ni Sky dahil dumalaw ang dalawa.“Masama pa rin ba ang pakiramdam mo?” tanong ni Avigail kay Skylie, puno ng pag-aalala.Umiling si Skylie nang mahinahon, at sagot niya sa cute na boses, “Naglaro kami nina Dale at Dane!”Doon napagtanto ni Avigail na tama nga ang hinala niya. Nakahinga siya ng maluwag.“Bakit po ngayon lang kayo dumating, tita Pretty? Tapos na po

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status