A Wife's Cry

A Wife's Cry

last updateLast Updated : 2025-12-29
By:  SinichibubuOngoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
4Chapters
21views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Tatlong na taon nang kasal sina Sandra at Ashton. Wala pa man silang anak, buo naman ang pagsasama nila. Magkasama nilang hinarap ang lahat ng problema, at sa kabila ng mga pagsubok, pinili pa rin nilang manatili sa isa’t isa. Hanggang sa gumising na lang isang araw si Sandra na nagbago ang lahat, kasama na doon ang asawa niya.

View More

Chapter 1

Chapter 1

Bumungad sa akin ang magulong loob ng kuwarto namin. Basag-basag ang mga babasaging gamit at nagkalat ang matatalim na bubog sa sahig. There are also a few bottles of wine scattered on the floor. Ang iba ay nakatumba at ang iba naman ay basag na rin. Sobrang gulo at kalat, tila dinaanan ng isang malakas na bagyo ang silid na dati ay payapa.

Anong nangyari? Bakit ganito?

Dumako ang tingin ko sa kama namin. I saw my husband, Ashton, sitting there looking at me with his bloodshot eyes. Punong-puno ng sakit at galit ang kaniyang tingin.

Ano ba’ng nangyari?

Lumakad ako papasok, dahan-dahan ang bawat hakbang dahil sa takot. Napansin ko ang dugo sa kanang kamao niyang nakakuyom. Tumingin ulit ako sa kaniya. I was about to approach him but he stood up and turn his back on me. Nagtaka ako dahil sa malamig na inasal niya.

"Ashton..." Lumapit ako sa kaniya, sinusubukang abutin ang balikat niya.

"Stay away from me, Sandra," madiing wika niya at lumakad palayo sakin. He went to the cabinet and took something from the top of it. Humarap muli siya sa akin at lumakad palapit sa gawi ko.

"Anong nangyari rito?" I asked him once again pero hindi siya sumagot. Marahas niyang inilapag ang bagay na iyon sa harapan ko.

Tiningnan ko ito. Para akong binuhusan ng isang baldeng malamig na tubig. Ramdam ko rin ang biglang pagbilis ng tibok ng puso ko, tila gustong kumawala sa aking dibdib. I look at him.

"Anong nangyari? Talaga ba, Sandra?" he chuckled a little after he said that. He looked at me straight in my eyes. "Bakit mo ako niloloko? Why? It's j-just... why?!" malakas niyang sambit at pagak pang tumawa. But I know he's mad right now. It's obvious on his face, sa talim ng kaniyang titig at sa panginginig ng kaniyang boses.

Marahan naman akong umiling. "Hindi ko iyon magagawa! Ano bang sinasabi mo!"

"Sandra, please stop fooling me! Kitang-kita ko na tapos magsisinungaling ka pa? Nakipagkita ka ba kanina sa kaniya? Did you two... fuck? Ilang beses ka nagpagmit sa kanya?!" sigaw niya na nag-echo sa loob ng kuwarto.

Nagulat ako sa lahat ng pinagsasabi niya. I felt a pain in my chest because of what he said. Ramdam ko rin ang pamumuo ng luha sa gilid ng mga mata ko.

"No, ano bang pinagsasabi mo?" I asked, almost at the peak of crying. I'm too sensitive for this.

Nagpamewang pa siya at saglit na tumingala sa kisame, pilit na nagpipigil ng emosyon. Sunod-sunod nang tumulo ang luha ko. Nasasaktan ako sa mga sinasabi niya sa akin. Tumingin muli ako sa mga pictures na iyon.

"A-Ashton... Ano bang problema? Talaga bang naniniwala ka riyan? Who gave you that pictures huh?" mahinang tanong ko sa kaniya. Natawa siya muli, nanunuya pa rin iyon.

"The fuck of guts you have to ask me that! Nagpakatanga ako sa'yo! Alam mong mahal kita, alam mo 'yan. Hah! Niloloko mo lang pala ako?! Ang tagal-tagal na natin tapos malalaman ko, niloloko mo lang pala ako? Is this the reason why you don't want me to go with you a while ago? For what? Para makipagkita ka sa lalaki mo? For you to... to f-fuck with him? Damn, Sandra! K-Kailan pa?" sambit niya habang tumutulo ang mga luha sa pisngi niya. Namumula rin siya ngayon at labas ang ugat sa leeg at braso niya sa tindi ng galit.

Natahimik ako. Parang nanunuyo ang lalamunan ko. Halos walang salitang lumabas sa aking bibig. It takes a second to find right words to say.

"A-Ashton..."

Tinuro niya ang dalawang larawan na nakalapag sa kama. Ang larawan na may lalaki akong kasama sa loob ng sasakyan at magkadikit ang mga labi namin. At ang isa pang larawan na nasa restaurant ako at may kasamang lalaki na magkahawak ang kamay namin. I looked happy on that pictures. And Ashton knows who's that man is.

"H-Hindi 'yan totoo.... Aksidente lang..."

"I thought you two we're just friends, but what's the meaning of this!"

Napayuko na ako sa muling sigaw niya. Hindi na siya yung Ashton na iniwan ko lang dito kanina at naglalambing pa na sumama siya sa akin. Mas lalong nanikip ang dibdib ko.

"A-Ashton, hayaan mo naman akong magpaliwanag..."

Natigilan ako nang lumapit siya sa akin at marahas na hinawakan ang braso ko. Napangiwi ako dahil doon. Ramdam ko na sobrang diin ng pagkakahawak niya kaya mas lalong bumuhos ang luha ko. Kailan man ay hindi niya ako pinagbuhatan ng kamay.

"Wala ka ng kailangang ipaliwanag pa, Sandra. Pinagsisihan kong mahalin ka," madiing sambit niya habang tumutulo ang luha niya. I was stunned by what he just said. Bawat salita niya ay tila patalim na sumasaksak sa puso ko.

Gusto kong magpaliwanag tungkol sa mga pictures na 'yon pero hindi niya naman ako hinahayaan. "A-Ashton nasasaktan ako..." naputol ulit ang sasabihin ko nang marahas niyang binitiwan ang braso ko dahilan para ma-out balance ako at mapa-upo sa sahig. Malakas ang pagkakabagsak ko.

Ngumiwi ako sa sakit. Sobrang lakas n’on. Bigla akong napahawak sa tyan ko. Naramdan ko ang biglang pagsakit n’on. "N-No," mahinang sambit ko. Parang nanlamig ang buong katawan ko sa takot.

"N-No, please..."

Marahan akong tumunghay kahit pa masakit ang balakang ko. Hinarap ko si Ashton. Nakatalikod siya sa gawi ko. May kinuha ulit siyang kung ano sa ibabaw ng night stand at lumapit sa akin. Marahas niyang nilapag iyon sa harapan ko. Mas rumagasa ang pagtulo ng luha ko matapos kong makita iyon.

I look at him and shook my head. "A-Ashton. Magpapaliwanag ako please. H'wag namang ganito, oh. H-Hindi natin kailangang maghiwalay. Hindi iyon totoo, p-please. A-Alam kong nadadala ka lang sa galit mo. H'wag namang ganito," humahagulgol na saad ko. His emotion remained stoic, tila naging bato na ang kaniyang puso.

"Sign that paper, Sandra or I'll sue you. Hindi ko na kaya pang tiisin ang panloloko mo sa akin, lalo na ngayong alam ko na ang totoo," tiim-pangang sambit niya. I shook my head again.

"No, Ashton, maniwala ka naman... Ah! Aray!" napasigaw ako dahil sa biglang pagsakit ng puson ko. Kumikirot ito nang husto. Ramdam ko na parang may mainit na likido ang dumaloy sa pagitan ng hita ko pababa ng binti ko. Mas lalo akong napaiyak dahil doon.

"Pirmahan mo na!" sigaw niya sa akin. Napapikit ako dahil sa sakit.

Naghalo-halo na ang nararamdaman ko ngayon. I'm scared of him. My hands are shaking too. Mas napapikit ako nang maramdaman ko ang sobrang sakit sa puson ko. Parang maubusan ako ng lakas. Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko. Nakita ko si Ashton na nakatingin sa hita ko. Ilang segundo lang iyon at bumalik na ang titig niya sa akin. Nakatitig lang siya, walang kibo.

"A-Ashton, please... No..."

"Papalagpasin ko 'tong araw na 'to. Pero, asahan mong hindi kita tatantanan hangga't hindi mo pinipirmahan ang papel na iyan," madiing saad niya at akmang tatalikod na nang magsalita ako.

"Hindi mo man lang ako hahayaang magpaliwanag? You love me but you don't trust me. Talagang bang p-pinagsisihan mo akong m-mahalin?" I asked him. Kahit na masakit ay tinanong ko pa rin siya. Baka galit lang siya kaya niya nasabi ang mga iyon.

Hindi siya nakaimik ng ilang segundo. Umaasa naman ako na nadala lang siya ng emosyon niya kaya siya ganito. Hinawakan niya ang doorknob ng pinto nitong kuwarto at tuluyang lumabas. He did not answer my questions. He left me dumbfounded.

Napahagulgol na ako sa sahig. Dahil sa ginawa niya, mas dumoble pa ang sakit na nararamdaman ko. Ramdam ko rin na mas lumalala ang mainit na likidong patuloy na dumadaloy sa hita ko kaya tumingin ako doon. Nanlaki ang aking mga mata sa nakita ko.

Dugo.

"N-No, my baby, n-no..." nanghihinang sambit ko. Sinubukan kong tumayo pero bumibigat ang talukap ng mga mata ko at parang nawawalan na ako ng lakas, hanggang sa unti-unti ko nang naipikit ang aking mga mata.

At bigla na lamang dumilim ang paligid ko.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

No Comments
4 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status