Share

Chapter 27

"MGA limang pulgada lang naman ang haba ng butas na ito hanggang sa dulo nito. Paglapat ng mga paa mo sa mga bato, makikita mo na ang Serpent Water na sinasabi ko saiyo."

Nanghalukipkip siya.

"Paano na lang kung pagpasok natin sa butas na iyan ay siya naman pasok ng malaking ahas sa dulo ng butas na ito? Paano pa ako makakasigaw ng help! kung naunang pumasok ang ulo ko sa bunganga ng ahas?" Habang nagsasalita ang dalaga ay minumuwestra naman nito ang mga kamay. 

"Hannah, dont lose your head,"

"What?" nandidilat ang mata ni Hannah.

"Este- huwag kang praning," agap na sabi ni Duwayne. "Hindi totoo ang malaking ahas gawa-gawa ko lang iyon para hindi ka sumama saakin."

Mabilis na hinuli ni Hannah ang isang tainga nito at piningot.

"A-aray!" reklamo ng binata. 

"Kainis ka!" kanda haba ang nguso na singhal niya dito. Binitiwan niya ang tainga nito. "Kanina pa binabalot ng kaba ang buong katawang lupa ko dahil sa fake snake

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status