Share

Chapter 32

UMAYOS ng upo si Hannah. Niluwagan niya ang pagkakayakap sa bewang ng binata, nagulat siya ng hawakan nito ng isang kamay ang kanyang mga braso na tila ba nag poprotesta dahil sa ginawa niyang iyon. Lihim siyang napangiti dahil sa ginawa nito, kaya muli niya itong niyakap sa bewang ng mahigpit. Parang lover's lang kung sila ay pagmamasdan.

"I'm sorry Duwayne," hinging paumanhin niya dahil sa pagbanggit niya sa pangalan ng dati nitong nobya.

"Forget it," sagot nito na inilingon ang ulo sa likuran kaya nagkatitigan sila ng mga mata. "Parte na lang siya ng aking nakaraan, kaya wala ka dapat ipagselos."

"Uy, ha! hindi ako nagseselos," agad na sansala ni Hannah sa sinabi ng binata. 

"Hindi daw," nanunudyong sabi ni Duwayne. Ibinalik nito ang paningin sa daan. "Akala mo siguro hindi ko nakita ang ginawa mo kanina."

Napaingos siya ng hindi sinasadya. "Anong ginawa ang pinagsasabi mo diyan?"

"Parang gusto mo pagselosin si Maricar," prangkang sagot ni

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status