Share

Exclusively Yours
Exclusively Yours
Author: ScarletteQueen

Chapter 1 - Exiled

 “I am waiting for an answer, Toni Rose. Don't waste my time or go back to your room.” Matigas na sabi ni Daddy. Naka wheelchair sya dahil nagrerecover pa lang sya mula sa trangkaso. I looked for him all over the house and saw him having a tea in the pool side. 

 Nasa isang tabi lang ang private nurse nya na sanay na sanay na siguro sa panenermon sa akin ni Daddy for the last three days. 

 “Daddy..” 

 “Don't Daddy me. It won't work this time. I have given you everything and all the time because you promised me that you'll change. Na after two years after you graduate ay papasok ka na sa company. But enough is enough.” 

 My bank account was frozen three days ago. Galing ako sa party prior that morning at tumuloy ako sa isang five star hotel para magpahinga bago umuwi, only to find out na hindi gumagana ang card na binigay ko sa kanila. I was so embarrassed dahil kulang ang cash na dala ko so I had to call Trixie to pay for my bill. Gusto kong lumubog sa lupa nang mga oras na iyon. 

 Imagine, Toni Rose the heiress, hindi makapag bayad ng hotel bill? God, gusto ko na kainin ng lupa while negotiating with the hotel management before Trixie arrived and settled it all. At least Trixie's very understanding with my shortcomings. I told her I am gonna pay her back. 

 I went home and confronted my father about it. Tapos na daw ang maliligayang araw ko and I should pack already dahil in four days ay may flight ako papunta sa Isabela. Like where the hell is that place? May vacation house daw ang family nila Ate Jenica doon. She's my sister's bestfriend since college at parang part na rin sya ng family. 

 Gumuho ang mundo ko when I heard that. Syempre ayaw ko! 

 Pero wag na daw ako umasa na magagamit ko pa ulit ang lahat ng cards ko dahil ipapa close na raw iyon ni Daddy. Naka lock na rin sa garage ang dalawang sasakyan ko at syempre, hindi ako pwede gumamit ng sasakyan nila ni Ate. 

 I am doomed! 

 Pero kapag pumayag ako na mag stay sa Isabela for two months, I can use one card while I am there living, plus pwede kong gamitin ang sasakyan ni Ate Jenica na naka stay put lang sa garage ng vacation house nila. I am tempted. Pero aanhin ko naman ang pera if I am in a God forsaken place? Ni hindi ko ng alam kung saang parte ng Pilipinas ang Isabela! 

 “F-fine. Payag na ako.” Mahinang sabi ko. 

 Kita ko na napangiti si Daddy pero mabilis nya iyong pinawi at muling nagseryoso ng mukha. 

 “Then pack your bags and get ready for your flight tomorrow.” 

 “Seriously, why are you doing this to me!” I rolled my eyeballs at him. I am still trying to change his mind. 

 “Toni Rose, you knew the answer to that very well.” Kunot noo na sabi nya. 

 “At ano naman ang mangyayari kung pumunta ako doon at mag stay ng dalawang buwan? I'll just be bored to death! Lalong hindi nyo ako mapapakinabangan!” I still tried to reason out. 

 “Exactly. Hindi ka rin naman mapakinabangan dito.” 

 I groaned in dismay. That hurt. 

 “Just pack your bags. Ihahatid ka ng ate mo at ni Jenica tomorrow.” 

 Hindi na ako nagsalita at nag martsa pabalik sa kwarto ko. Ang sama sama ng loob ko. Sure, I have been a brat, but this is so unfair. Kung buhay lang si Mommy, sana may kakampi ako dito. This would have never happened. 

 Naluha ako for a few moment bago nagsimulang mag ayos ng gamit. I could have asked some of the maids to do it for me which I usually do, pero dahil dalawang buwan ang itatagal ko doon, I took the initiative to do so. Masyado akong maraming gusto dalhin. 

 Iniisip ko na lang na magbabakasyon ako. I don't even know kung may beach ba doon o ano. Pinaplano ko na ang mga pwede kong gawin mentally. Pinapagaan ko na lang ang loob ko. All in all ay nagamit ko ang tatlong maleta ko sa mga damit, sapatos at toiletries. Iba pa ang dadalhin ko na hand carry. 

 I am in the middle of my mental planning when I heard a knock. Bago pa ako sumagot na bukas iyon ay bumukas na at iniluwa ng pinto ang Ate Roni ko. She's just two years my senior, but as much as I hate to admit it she's really way successful ahead of me. A month after nya maka graduate as Summa Cum Laude in college, she started working at the family company.  

 And now she's climbing the executive ladder. 

 But she's never harsh with me. Bini baby nya pa nga ako. 

 So, this one's totally uncalled for. 

 “Hi, Toni.” She was all smiles. 

 Umingos ako at inirapan sya. 

 “I'm sorry about this, Toni. I totally agreed on Dad with this one.” Tumabi sya sa akin sa kama. She was still wearing her office attire. Her hair in a bun. While I think she look ve 

 “This is so unfair. Pinagtulungan nyo ako.” Mangiyak ngiyak na sabi ko. 

 “Are you seriously thinking that? Toni, you have to understand. Dalawang taon na mula nang maka graduate ka. We let you do anything you want. I even bailed you out when you got caught with your friends trespassing in a private property!” 

 “Alright, that was totally so over a year ago! At nalaman din naman ni Daddy. I got grounded for a month.” Mabilis na bawi ko. 

 “Pero tumakas ka pa din. And we just let you. Ilang beses ka na namin kinausap to turn your life around-” 

 “What if I don't want to turn my life around? What if I just want to be this way?” 

 “Honey,” She smiled at me softly. “You can't be like this forever. Hindi natin habang buhay makakasama si Daddy. And I'll soon have a family of my own. We can take care of you now. But how about in the future? We love you, that's why we're doing this.” 

 I rolled my eyeballs. I am being such a brat pero naiinis talaga ako. “How would I live there for two months? Meron bang starbucks man lang doon?” O.a na tanong ko. 

 Mula sa pagiging seryoso ay tumawa sya. “Toni, hindi liblib ang Isabela. You just have to find your way around. May dalawang caretaker naman daw sa vacation house nila sabi ni Jenica. May isang susundo sayo sa airport and you can just ask them what you need.” 

 “I don't really know what would change about me kung ipapatapon nyo ako sa kung saang probinsya man.” Mahinang sabi ko. 

 “We'll see.” Hinalikan ako ni ate sa noo bago sya umalis. 

 Babalik daw sya sa office, may nakalimutan lang sya sa kwarto nya at may pinatakbo syang errand sa assistant nya kaya sya na ang mismong kumuha. She's very workaholic. Hindi ko kaya ang ginagawa nya. How can people like her work that hard kung may mga tauhan naman kami? 

 I mean, I am not rude or mean. Or any of us. May mga bagay naman na ako ang mismong gumagawa. Wala kaming katulong o kasambahay na minamaltrato. We treat them as family. Hindi kami mahigpit. We talk and laugh with them. Lalo na sa office. Madaming staff na under kay ate but she just do the things personally kahit pagod na pagod na sya. 

 Napailing iling na lang ako at bumalik sa pag aayos ng mga gadget ko. I will bring my laptop with me. Sana naman may internet doon! Aaliwin ko na lang ang sarili ko gamit ang laptop ko. 

 The next morning, alas siete pa lang ng umaga ay naririnig ko na ang boses nila Ate Roni at Ate Jenica. Sumimangot ako. Nakakatawa pa sila habang ako ipapatapon sa kung saan. 

 “Are you ready?” Tumayo silang dalawa nang makita na pababa na ako ng staircase. Kasunod ko ang tatlong kasambahay na may bitbit ng mga maleta ko. Nauna na sila sa akin habang I am taking my time going down. 

 I am being emotional looking around the house. Yes, I go on vacation, mapa local destination man or out of the country, but it would just usually take me one week. Two weeks the most. This is the first time that I'll be gone for long. Double punishment. 

 Hindi ko na naabutan si Daddy dahil pumasok na daw sya sabi ni Ate pero sinama na lang yung private nurse dahil may iniinom syang gamot. 

 Habang nasa sasakyan ay doon ako nagtanong ng nagtanong kay Ate Jenica. 

 “Aling Thelma and her daughter Loraine takes care of the house for us. Their house is just nearby pero doon na namin sila pinapatira sa bahay kapag wala kami. I told them na kahit nandoon ka na, they can still stay. I don't think you can live there alone, it's quite big. Four rooms.” 

 Tumango tango ako. “Ano pwedeng gawin doon?” 

 “Well, there's a mall nearby. And when I mean nearby, around thirty minutes to forty minutes drive. Pasama ka na lang kay Loraine. Don't worry, they are nice. Si Loraine ang susundo sayo sa Cauayan Airport. I gave her your number.” 

 I sighed. “This is insane.” Mahinang sabi ko. 

 “Toni, we talked about it.” Sabi naman ni Ate na busy sa pagda drive. Nasa tabi nya si Ate Jenica and I am at the back. 

 “Whatever.” Sabi ko na lang. 

 Wala na rin ako lakas makipag argumento. Nandito naman na. I really don't know how I am going to live there for two months. Mabuti at may caretaker sila Ate Jenica. Naka base kasi sa Spain ang parents nya tapos yung kuya nya naman ay nasa Britain at may pamilya na. 

 And she's quite happy and contented here in the city so last year pa daw ang huling uwi nya. 

 I received a message when I opened my phone back after I landed. I bought a drink first. The sun was blasting and I hate being outdoors in the morning. I love the night life. And this situation deprives me of my life. 

 Nagpakilala sya na sya si Loraine, at sinabi ko kung nasaan ako para magpatulong sa mga maleta ko. She's obviously pretty pero tomboy-ish kumilis. Rugged maong pants, t-shirt at naka baseball cap sya. Naka rubber shoes rin sya na halatang luma na but she looks decent. 

 “Ako po si Loraine Ma'am.” She smiled at me. Morena, pero makinis. 

 “H-hello.” Medyo na caught off guard ako dahil masyadong friendly ang boses nya. 

 “Tulungan ko na po kayo. Kamusta po pala ang byahe?” She got my two bigger luggage. 

 Hila ko yung maliit and my shoulder bag. I was still sipping through my drink. “O-okay naman.” 

 “Mabuti naman Ma'am. Dun po tayo.” Turo nya sa sasakyan. “Yung pula na Mazda.” 

 Tumango lang ako at sinundan sya. Napapatanga lang ako habang tinitingnan sya sa ginagawa nya habang pinapasok sa sasakyan yung mga gamit ko. It's quite heavy pero kaya nya. I mean, puro mga damit lang naman 'yon pero parang hindi sya nahirapan.  

 She clapped her hands when she's done. “Pasok na kayo Ma'am.” 

 “Uhm, Toni na lang.” 

 Nagkamot sya ng ulo. She's adorable, pero mixed emotions pa rin ako sa kanya, honestly. I don't want to make friends here. I am not good with making friends anyway. 

 “Sigurado kayo? Bisita po kayo eh.” 

 I forced a smile. “Toni na lang.” 

 Tumango sya at pinagbuksan ako ng pinto. I threw my cup in the nearby trash can before I went in.  

 “Isang oras o lagpas po ang byahe, pwedeng matulog muna kayo o kung may gusto kayo bilhin..” 

 “No, it's fine. Thanks.” Sabi ko. 

 Nag thumbs up sya sa akin habang naka ngiti sya. 

 Naka idlip ako habang nasa byahe. I woke up at tamang tama na may nakita akong karatula na may mapa. Kapag dumiretso ay sa Fuyot Springs National Park at Hacienda Esquillo. At kapag lumiko ay papunta sa Palanan at Hacienda Romualdez.  

 Lumiko kami. 

 Ang alam ko ay Romualdez ang gitnang pangalan ni Ate Jenica. Pero wala naman syang sinabi na Hacienda ang pupuntahan so I just shrugged my shoulders. A few more minutes at pumasok kami sa isang private property. Mababa lang ang bakod na bakal pero may mga nakapaikot na alambre. 

 The moment that the engine stopped, an elderly lady went out from the house at sinalubong kami. Tinanggal ko ang suot kong sunglasses at bumaba. 

 “Magandang hapon po.” Magalang na bati ko. 

 “Magandang hapon din po Ma'am. Nako matagal tagal na kaming walang bisita dito. Ibinilin po kayo ni Maam Jenica.” Now I can see where Loraine got her being cheerful was. 

 Ngumiti ako. “Salamat po. Toni na lang po.” 

 Tulong tulong kami na nagpasok ng mga gamit ko.  There's trees and plants everywhere. Liblib pero nang pumasok kami sa bahay ay moderno ang design at gamit. 

 Kumain kami ng adobong manok. Noon ko lang na realize na gutom ako. 

 They helped me get settled. Sa kwarto ni Ate Jenica nila ako pinatuloy. It has a floral curtain in the big windows. Queen size bed. Everything I needed. May sariling banyo din ako. Nasa katabing kwarto lang daw silang mag ina. The house was immaculate, halatang masipag ang mag ina. 

 Disappointed lang ako dahil walang internet as what I thought. Pinag busy ko na lang ang sarili ko sa cellphone ko hanggang sa gumabi na at inaya nila ako mag hapunan. 

 Hindi ako agad nakatulog that night. Tunog ng mga insekto ang sumasabay sa tunog ng airconditioner sa kwarto na gamit ko. Paikot ikot ako sa higaan until I finally fell asleep around one in the morning. 

 Napabalikwas ako ng bangon when I realized where I was. 

 Ah. Isabela. 

 I looked at the wall clock. Pasado alas nueve na. Bumangon ako at nag hilamos at nagmumog. Bigla ako nakaramdam ng hiya na baka tanghali na ako nagising which is sa pagkaka alam ko ay tanghali na talaga para sa mga nasa probinsya. Bumaba ako at narinig ko na may kalampag sa kusina. 

 Tatawagin ko na sana si Loraine o si Aling Thelma pero magsasalita pa lang ako nang mapatigil ako. 

 There's someone in the kitchen. 

 Who the hell is this half naked guy with a very sexy back

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status