Share

Chapter 3:Hi Alex

So ayon na nga di ako makapaniwala nasa harapan ko si Ysabelle na aking crush.

"Ysabelle? Ano ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya .

"Isaayyyy !"

Biglang lumingon si Isay mama niya pala.

Nginitian lang ako ni Isay at umalis hays di man lang nag hello sakin.

Lalo ako napahanga sa kanya lalo siya naging maganda sa paningin ko ang ganda ng mga ngipin niya .

(Isay pala palayaw niya )

"Tol !"

tawag sakin ni Bekbek .

"Ay tutubi !" gulat ko sabi.

"Hahaha nagulat ka ata tulalang tulala ka ah."

"Ah wala ,halika kana manghuli na tayo ng tutubi" sagot ko kay Bekbek.

"Uy sino yon tol kanina kaharap mo ang cute niya tol,mukang syang anghel pakilala mo naman sakin tol ."

"Ah di ko kilala yon."

"Damot oh ayaw sabihin sige na please"

"Sige na nga si Ysabelle yon, crush ko hehe."

"Uy ang ganda niya tol"

"Uy akin yon ako nauna sa kanya property ko yun.Wag na agawan uy ,hanap kanalang ng iba jan."

"Property  daw sige nga  asan yung titulo ng property mo hahaha"

"Basta crush ko siya."

"San ba kau nagkilala tol."

"Sa school magkaklase kami."

"Eh ano ginagawa nya dito?."

"Binibisita nya ko."

(talaga ba?)

"Ay sanaol hahaha"

"Taga san ba siya ?"

"Sa puso ko hehe."

"Yong totoo tol taga san siya?"

"Secret baka mang akyat bahay kapa eh hahaha."

Pero ang totoo di ko talaga alam kung ano ginagawa nila ng mama nya saming lugar ,sana nga binisita nya ko.

Pero di talaga maalis sa isip ko ang ngiti ni Ysabelle parang naka magnet na eto sa aking isipan .

Umuwi na kami dahil dapit hapon naman.Si Lola Da ay nakita ko sa pintuan na aantay na sa akin.

"Oh,Ace hapon kana ata umuwi ah" tanong sakin ni Lola Da ."

"Pasensya na po lola Da masyado akong naaliw sa paglalaro" sagot ko kay lola Da .

"Ah,ganun ba oh sige palitan na damit mo at basang basang na."

"cge po lola Da."

Kinagabihan ay di pa rin ako makatulog sa kakakaisip kay Ysabelle o Isay pala palayaw hay di ko maintindihan di ako makatulog ang dami ko naiisip nung gabe nayon tipong iniisip ko na girlfriend kona si Ysabelle .

Magkahawak ang aming kamay na naglalakad papasok sa eskwelahan.

Dreaming:

 "Halika kana aking Isay pumasok na tayo sa school.Baka malate tayo pagalitan tayo ni Teacher Tessa."

"Oh,sige love kong Ace hawakan mo ang aking kamay."

"Nahihiya ako love eh." 

"Bakit naman love kong Ace kinahihiya mo ba ko para malaman ng iba na magjowa tayo"

"Hindi aking Isay bat konaman ikakahiya ang pinaka magandang babae sa school"

End of Dreaming.

Biglang nag iba ang aking atensyon ng marinig ko ang kanta ni Tootsie Guevara. 

Di ko malaman ang nadarama

Sa tuwing ika'y aking nakikita

May kung ano sa damdamin

At abot-abot ang kaba

Sa araw-araw ay nagtataka

Ang puso kong ito o bakit ba (o bakit ba)

Ang kilos ko'y nababago

Na halos naandiyan ka na.

'Di makatulog sa gabi sa kaiisip

Sa diwa ko'y ikaw ang aking panaginip

O bakit ba ikaw ang siyang laging laman ng isip ko

Sa bawat sandali ay nais kang makita

Kapag tumitig na sa akin ay ligaya

Anong hiwaga ang nadarama anong kaba.

Hays tamang tama ang kanta sa nararamdaman ko para ka kay Isay. Nakasanayan na namin ni lola Da na habang natutulog ay magpatugtog ng radyo hanggang umaga.

Si Lola Da ay mahimbing ang pagkakatulog samantala ako eto kabata bata at ano na ang iniisip first time ko maging ganito huhuhu di ako makatulog.

Sabagay normal naman ata na magkaroon tayo ng crush tiba.

Tiningnan ko ang orasan sa dingding 

Ha! nu bayan alas dose na pala ng hatinggabi sige imagine pa more Ace.

Pinilit kung makatulog kasi may klase pa ako bukas.

Kinaumagahan,

"Ace,Ace,Ace gising na." pag gising sakin ni lola Da.

"Mamaya na po lola Da."

"May pasok kapa apo ah baka late ka nyan sige ka "

"5 mins lang lola kahit 5 mins please."

"Sige ha 5 mins gigisingin kita baka malate ka nyan pagalitan ka ni teacher mo."

"ok po lola Da"

"Ay,ano ba namang batang to maaga naman kami natulog ah , kahapon kahit walang pasok ang aga aga magising kahit walang pasok.

Sige ipaghanda ko na yong uniform mo Ace".

Sino ba naman di mapupuyat eh inabutan na ng umaga kakaisip kay Ysabelle.

Ginising ako ulit ni lola Da bumangon nalang ako tanong nga ng nescafe kung para san ka bumabangon ? ay syempre para kay Isay.

"Oh apo parang ayaw mo ata bumangon may sakit kaba? " tanong ni lola habang kinapa ang leeg ko kung maiinit ba .

"Di naman ah, tinatamad kaba apo pumasok,maaga naman tayo natulog kagabe."

"pasensya na po lola Da napasarap lang yung tulog ko."

"Wag ka mahihiya magsabi apo kung may masakit sayo nang mapacheck up kita ha"

"Ok lang po ako lola Da wala naman pong masakit sakin".

"Sige tapos mong kumain magpahinga kalang ng konti tas maligo at magbihis"

"Ok po lola Da."

Kahit antok na antok pa ako dahil nga kulang sa tulog niligo ko nalang para medyo mabawasan ang aking antok.

"Tapos nako magbihis lola Da."

"Oh sige apo aalis na tayo papunta sa school." 

Syempre excited na naman ako makita si Isay hehehe.

Pagdating sa school ay pinapila muna kami ni teacher Tessa bago kami pumasok sa classroom.

"Ok students form your line according to your height yong matata taas sa likod dahan² walang magtutulakan."

Nag umpisa na kami magline inassist din naman kami ni teacher Tessa ,para maiwasan ang pagtulakan namin magkasunod kami ni Harold at Keanu si Keanu nasa harap namin .

Nakita kona bukas bag ni Keanu pero nahihiya ko magsabi sa kanya kasi nga englishero yon . Kaya sinabi konalang kay Harold na kung pwede na siya ang magsabi na bukas ang bag ni Keanu.

"uhm,Hi Harold Good Morning"

pagbati ko sa kanya

"Hello" sagot niya at ngumiti

"Uhm,bukas kasi bag ni Keanu baka malaglag gamit niya pwede ba ikaw magsabi nahihiya ako eh englishero yan haha."

"No problem,ako bahala"

"Sige salamat"

"Sige ,pero ano ba sasabihin ko sa kanya"

"uhm eto oh pakisabi kay Keanu na yong bag nya bukas baka may mahulog."

"Ok ,hey yow men. Your bag is tomorrow ,cow is falling " sabi nya kay keanu

What? pagtataka ni Keanu.

"Tol,parang mali ata english mo bat tomorrow? " tanong ko kay Harold

" Easy lang bukas , tomorrow tiba?"

"Tiba open yon? , eh bat may cow?"

"tiba sabi mo baka may mahulog, oh baka ano ba english ng baka edi cow" BAKA may mahulog ,COW is falling"

(Nako harold talaga oh)

"Keanu your bag is open" sabi ko kay Keanu

"Oh, thank you very much sagot nya."

Ilang minuto pumasok na kami pagkatapos ay tinawag ni Maam Tessa ang isang bata. Maputi ,makinis matangos ilong , at gwapong bata

sino kaya ang  batang to…

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status