Share

Chapter 5:The Best Boy Wins

Yung feeling na sobrang excited ka na pumunta ng canteen para makita ang iyong crush ,andon nga siya pero iba naman ang kasama. Nakita ko si Ysabelle sa canteen lalapitan ko sana para alokin na kung pwede ay sabay na kami mag lunch pero di na tuloy kasi may kasama naman pala siyang iba si Alex.

"Uy tol tiba si Ysabelle at Alex yun "

"Oo tol sila nga " mahina kung sagot

"Eh pano yan makikain nalang tayo sa kanila" sagot ni Harold sa akin.

"Sige tol ikaw nalang sa iba nalang ako kakain nawalan na ako ng gana" sagot ko kay Harold tapos ay tumalikod nako palabas ng canteen.

"Uy tol antayin mo ko"

"Oh,akala ko ba makikain ka sa kanila?" tanong ko kay Harold

"Ah, di na di ka din sasabay eh at tsaka pa ikaw naman yung friend ko kaya sayo ako support." sabay appear sa akin.

(appear)

Naglakad lakad ako kasama si Harold mabuti na lang at may bago akong kaibigan na gaya ni Harold , naglibot kami para mag hanap ng pwede na makainan na upuan , ang lapad pala ng school na to.

"Tol saan ba tayo kakain gutom na gutom na ko oh ,Naawa nako sa tiyan ko kelangan na nila mag charge. "

"Tiba kakain mo lang kanina?" tanong ko kay Harold.

"Nako po kanina pa yan tol sa lalamunan ko palang natunaw na yun lahat di nakaabot sa tiyan ko kaya ayon di pako nabusog."

May nakita akong bench na pedeng kainan sa mini forest ng school namin madami din doon kumakain.

"Tol dun tayo oh " sabay turo ko sa bandang bench na may mga lamesa na pwede kainan

"Hays sa wakas pwede na tayo kumain gutom na gutom na mga alaga ko sa tiyan."

"Sige gutom na din naman ako eh" sagot ko sa kanya

Binuksan na namin ang aming mga  lunchbox ang baon ko menudo tas saging at kanin kay Harold naman tatlong hotdog dalawang slice ng meatloaf may mansanas siya,kanin at orange .

"Wow sayo lahat yan I mean kaya mo yang ubosin? " tanong ko sa kanya .

"Hindi eh" sagot niya

"Dami niyan tol"

"Oo hindi,hindi ko kayang tantanan kulang pa nga ng isang hotdog eh hays si mama nakalimutan ilagay yung isa" natatawa nyang sagot sa akin.

"Oh nakasimangot  ka ata tol?" tanong si akin ni Harold.

"Eh, pano di ako malulungkot eh iba kasama ni Ysabelle sa canteen dapat ako yun eh."

"Relax tol, parang kang ewan nu"

"Bakit naman?"

"Masyado kang nagmamadale chillax madami kapang time na pwede mo malapitan si Ysabelle na wala si Alex,

wag kang masyado magmadale kakabukas palang ng klase nu hahaha , pero ikaw parang gragraduate na tila di mo na makikita si Ysabelle bukas"

"Si Alex kasi eh pa epal kabago bago sumasapaw na agad kay Ysabelle pa."

"Hayaan mo muna sila tol baka di mo alam mag pinsan si Alex at Ysabelle o kaya magkapatid haha. "

"Paano sila maging pinsan o magkapatid ang layo ng mukha nila sa isat isa nu tas hindi pa sila same ng apelyido"

"Syempre di naman sila kambal kaya di sila pareho ng itsura ako nga saming mag pipinsan ako ang pinakatatanging mukha at higit sa lahat pinakapogi at cute" sagot ni Harold

"Edi sanaol tiba cute at pogi hays di pa nga ako nakakalapit kay Ysabelle may karibal na agad ako"

"Wow, lakas maka teleserye ah eh sino ba ang totong kontrabida sa inyo ikaw o siya hahaha , at ang tanong sino kaya ang magiging leading man ni Ysabelle"

"Edi syempre ako bagay na bagay kami kaya sa isat isa ako kaya ang prince charming niya tas siya ang prinsesa sagip ko parati"

"Prince charming o evil monster? haha"

"Ay grabe ka sakin tol ah"

"Hahaha biro lang tol, nga pala penge ako ng kanin mo bitin kasi sakin hehe"

"Heh ,bala ka dyan sabi mo evil monster ako"

"Biro lang nga di ka evil monster ,penge ako kanin prince charming haha"

"Sige na nga eto oh tutal di ko naman mauubos eto"

"Salamat prince charming haha"

"Wag muna ako tawaging prince charming baka pagtawanan ka ng iba jan eh"

"Ok sir roger copy roger copy"

"Oh sige tol kumain ka na jan baka malate tayo sa klase pagkatapos ay tapos ayusin at ligpitin ang mga kalat natin sa mesa baka pagalitan tayo na makalat hahaha"

"Ok tol teka ni namnam ko pa ang sarap ng aking ulam, "

Si Harold oh may pa pikit pikit pa habang kinakagat ang ulam niya na sarap na sarap dito. 

"Ok sige tol basta maglipit nalang tayo tingnan mo oh may nakalagay clay go na ibig sabihin ay clean as you go"

Biglang nag iba ang amin usapan ng may nakita si Harold na isang batang babae na tila ay kilala yan.

"Uy tol tingnan mo oh" sabi sakin ni Harold sabay turo sa batang babae

"Asan?"

"Ayon oh "

"Oh tapos anong meron sa kanya " nagtatakang tanong ko kay Harold

"Ah yan? , yan si Cheska crush ko yan.Sa kabilang section ya  .

"Ang cute niya tiba?"

Namumula si Harold habang tintingnan yong batang babae.

"Oo cute siya tol" sagot ko kay Harold

"Bagay ba kami?"

" Yiee! oo naman tol ikaw pa"

(appear)

"At alam mo feel ko may gusto yan sa akin hehe"

"Tiba sabi mo sa akin tol na minsan kapag may crush tayo iniisip natin na may crush tayo kahit wala naman hehe"

"Ay gumaganti."

"Haha biro lang tol."

"Eto ha watch and learn may gusto sakin to. "

"Sige nga hahaha"

"Hi, Cheska " biglang tawag ni Harold sa batang babae

(ay sanaol may lakas ng loob mag Hi sa crush niya)

"Hello, Harold" sabay ngiti ng batang babae 

"Kitams" pabulong na sabi sakin ni Harold

"Tapos kana mag lunch Cheska ?."

"Ah oo kuya"

"Hahaha tinawag ka na kuya " patawa kung sabi kay Harold.

"Ah sige Cheska ingat ka ha"

"Sige kuya ikaw din" sagot ni Cheska kay Harold

"Pano ba yan na kuya zone ka ata tol hahaha"

"Ey as in ako walang karibal haha"

"Sure ka na wala?"

"Oo bakit crush mo din siya magiging magkaribal tayo kay Cheska ?"

"Hindi nu di ko crush si Cheska kay Ysabelle palang sapat na ko"

"Nice tol appear!"

(appear)

"Support ang isat isa"

(appear)

Di ko na alam kung nakakailang appear na kami ni Harold mula kaninang umaga haha .

Bumalik na kami ni Harold sa classroom nauna na pala si Ysabelle at Alex , kalagit naan ng klase ay nagpaalam si Alex para pumunta ng cr .

"Maam may I go out I want to go in the CR" paalam ni Alex kay teacher Tessa

"Yes you can but come back immediately ok "

"Yes maam I will"

Lumabas si Alex sa pintuan namin nagpaalam din ako pumunta ng Cr .

"Maam pwede din ako pumunta sa cr naiihi na po talaga ako."

"Sige bumalik kaagad ka ha"

"Sige po maam"

Sa CR nakita ko dun si Alex tinanong ko siya tungkol kay Ysabelle ,

"Hi Alex musta"

"Ok lang and you?"

(Kala niya siguro di ako makaintindi ng english fine bring it on boy)

"Im ok too by the way magka ano ano kayo ni Ysabelle mag pinsan?"

"Nuh we are not related to each other,why did you ask"

"Hahaha nothing just asking"

(straight english yun ha)

"Nothing? really ? it seems you like her"

"Yes, I like her she's my crush"

"So? I dont care Im not even asking "

"Asking king king mo may gusto ka sa kanya nu?"

"Yes ,do we have any problem? and I know she will like me too ofcourse she will, no one resist my cuteness and to tell you frankly stop assuming that she will like you."

"Asan ang cute jan heh sakin siya magkakagusto "

"Fine may the best man wins"

"Anong man ,boy bata pa tayo may the best boy wins"...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status