Share

Chapter 1

Whisky on ice, Sunset and Vine

You've ruined my life, by not being mine

You're so gorgeous

I can't say anything to your face

'Cause look at your face

And I'm so furious

At you for making me feel this way

But, what can I say?

You're gorgeous

Inabot ko ang cellphone sa gilid ng unan ko at sinagot ng hindi tinitignan ang pangalan ng caller.

" Hello " inaantok nansagot ko dito.

" Hello, bessy! Huwag mo kalimutan yung lakad natin ha. Sinasabi ko sayo pupunta tayong mall show ng St8ight. Kailangan maaga tayong aalis daan kita dyan ng 10. Huwag mong kalimutan " sabi nito sa kabilang linya. Hindi ko na masyadong maintindihan ang sinasabi nito lalo na at inaantok pa ako.

" Ok " sagot ko na lang para matapos na at makatulog ulit ako. Pinatay ko na ang tawag at ipinagpatuloy ang pagtulog.

" Yah! Facely Dedion wake up, wake up " boses ng gumising sa akin naramdaman ko din ang pagyugyog nito para magising lang ako.

" Ano ba yan ang sarap na nangtulog ko eh " inis sa sagot ko dito at tumalikod sa kanya.

" my god, Face! Wake up pupunta pa tayong mall show ng St8ight " sabi nito. Mabilis ko namang naimulat ang mata at bumangon dahil sa narinig.

" Bakit hindi mo sinabi agad " inis na sagot ko dito at mabilis na tumayo sa higaan. Naupo naman ito doon at masama na ang tingin sa akin.

" Hello! Tinawagan kaya kita kanina sabi dadaanan kita ng 10. Tignan mo 10:08 na hindi kapa nakaayos. Nakakainis ka naman eh " inis sa sagot nito.

Tumakbo na ako papuntang banyo at mabilis na naligo & brush my teeth wala pang 10 minutes ay tapos na ako. Nagsuot na lang ako ng malaking shirt na ininsert sa suot ko na fitted high waist jeans at sneaker. Nagdala ako ng bag at inalagay na lang lahat ng kailangan ko cellphone, wallet, panyo, yung kit ko and may perfume. Mabilis na akong lumabas ng kwarto papuntang living namin kung saan naghihintay sa akin si Reniana na nakasimangot na. Nakita ko naman sa mama na kausap nya.

" Let's go na bessy " yaya ko dito. Lumapit naman ako kay mama at humalis sa pisnge niya bago nagpaalam na aalis na kami.

" Mag ingat kayo. Kahit picture na lang ang akin anak " pahabol pa nito. Natawa na lang ako hindi naman kase ito fan noon kaso dahil sa akin kaya nahilig na din. May sarili nga itong paborito sa grupo si Real ang leader ng grupo.

Mabilis akong pumasok sa sasakyan ni Reni ganun din siya at pinaharurot na ito papuntang mall. Habang nasa sasakyan ay mabilis naman akong nag ayos ng mukha. Nagsuklay muna ako ng buhok tapos nag lagay ng eyeliner, lip tint naglagay din ako ng kunting blush on.

Pak! Maganda na ang lola nyo. Tamang selfie muna pang I*******m lang.

" Ikaw lang yung fan na alam ng late na kung makapag make up akala mo naman makikita ka " masungit na sabi ni Reni habang nagmamaneho.

" Ok lang yan bessy. At least maganda parin at kung hindi man tayo umabot malay mo baka hindi pa talaga time namin para magkita " napangit naman ako sa sinabi. Totoo naman kase ilang beses na kaming umaattend ng show at concert nila.

May time na hindi kami umabot, meron naman yung biglaan silang dumating tapos naman uwi na kami. Yung sa concert naman nila isang beses pa lang kami naka attend kase may mga araw talaga na hindi kami sinuswerte lalo na at sikat na sila. Yung unang beses namin umorder ng ticket nila para sa concert naubusa kami tapos nagkasakit naman ako o kaya ay busy sa school work dahil graduating na din kami.

Agad naman kaming lumabas ng sasakyan pagkarating ng mall though marami rami na din ang tao naghanap kami ng mauupuan at sa may bandang gilid kami ni Reni nakaupo medyo malayo sa stage pero makikita naman sila. Mabuti na lang nakaabot baka kase mag alburuto na si Reni sa akin lalo na at antagal ko na gising.

Ilang sandali pa ay dumami na nga ang mga tao napuno ang mall abot hanggang third floor ang fans na dumating. Umayos naman ako ng upo at inilabas ang phone ko para kumuha ng video at photo as remembrance para na din kay mama na fan ni Real. Magkaiba kase kami ng paborito ang akin kase si Zero yung guitarist nila aside doon is kumakanta din siya ngunit madalang lang. Si Real kase yung main vocal talaga nila, si Zarick naman ang paborito ni Reni yung drummer nila mahilig talaga yan sa drummer lalo na at gustong gusto niya kasing matuto nito. Magaling din naman kase kaya ganun.

Bigla na lang nagtilian ang mga tao kasali na kami doon ni Reni dahil sa paglabas ng grupo at nagkanya kanyang pwesto. Si Zarick sa drum's, si Zero na bitbit ang guitara nya, si Echo sa keyboard at si Real sa gitna kung nasaan ang mic.

" Good morning, everyone " nakangiting bati nito.

Binati din naman sila ng fans na may kasamang tili pa kaya natawa sila aside kay Zero na may maliit itong ngiti sa mhmga labi. Ang hot naman nito lalo na at naka black shirt ito na bumabakat pa ang muscle sa braso at ang tattoo nito sa braso mas lalong nagpapadagdag sa kakisigan niya. Naka black pants at white shoes pa kaya ang daming humahanga dito kahit na seryoso talaga ito at hindi pala ngiti at yun ang nagpapadagdag ng karisma nito. Mysterious.

" Thank you for coming today. We are here to entertain and serenade you this morning. Please enjoy the show " lumingon naman ito kay Zarick at tumango hudyat na magsisimula na sila.

Snapping one, two

Where are you?

You're still in my heart

Snapping three, four

Don't need you here anymore

Get out of my heart

'Cause I might snap

Sinasabayan naman namin sya sa pagkanta. Kaya gusto siya ni mama eh ang ganda kase ng boses, baka na inlove sa boses niya.

I'm writing a song

Said, "This is the last one"

How many last songs are left?

I'm losing count

Since June twenty-second

My heart's been on fire

I've been spending my nights in the rain

Tryna put it out

Madami pa silang tinugtog hanggang sa oras na para sa last song nila bago magpaalam.

And I see forever in your eyes

I feel okay when I see you smile, smile

Wishing on dandelions all of the time

Praying to God that one day you'll be mine

Wishing on dandelions all of the time, all of the time

I'm in a field of dandelions

Wishing on every one that you'll be mine, mine

" And that's our last song. Thank you everyone for coming today I hope you enjoy our performance. Bye " nakangiti pang kumakaway ang mga ito bago umalis ng stage.

Unti-unti na mang umalis ang mga fans. Inilagay ko naman sa loob ng bag ang phone bago namin napagpasyahang umalis na ni Reni dahil iilan na lang naman kami dito kay hindi na siksikan. Nagpunta kaming Jollibee para doon na kumain ng tanghalian lalo na at gutom na kaming dalawa lalo na ako na hindi nakapag breakfast kanina. Umorder kami ng chicken with rice, spaghetti , fries and Ice tea. Medyo nahirapan pa kaming makakita ng mauupuan dahil punuan na lalo na at madami ang fans na kumakain na din matapos ang performance ng Str8ight.

Ng makaupo ay agad naming nilantakan ang pagkanin namin. Wala munang pansinan, galit galit muna lalo na gutom na kami. Matapos ay nagpahinga muna kami ng ilang minuto bago napagpasyahang umuwi na. Inihatid naman ako ni Reni sa amin.

" Bye, bessy! Thank you sa paghatid. Mag ingat ka. Text me kapag nakarating kana sa inyo " paalam ko ng makababa ng sasakyan.

" Ok, bes. Bye " kumaway naman ako dito. Bumusina muna siya bago pinaharurot ang sasakyan.

Pumasok na ako ng bahay at hindi ko nakita si Mama. Baka umalis pumasok na lang ako ng kwarto bago hinubad ang sapatos at itinabi. Pumasok ako ng banyo at naglinis ng katawan bago nagbihis at nahiga sa kama. Napagod ako sa ginawa namin kahit na nakaupo lang naman kami. Nakaka drain ng energy feeling ko nawalan ako ng boses kakasigaw at kakasabay sa kanta.

" Hey,bess nakauwi na ako " text ni Reni. Nag reply naman ako bago itinabi ang phone ko.

Pahingi muna ako para may energy ako mamaya lalo na at maraming tanong si Mama mamaya. Ipinikit ko ang mata bago iyon ay kumuha muna ako ng unan upang yakapin bago matulog. Hindi kase ako sanay na walang yakap na unan lalo na nahihirapan akong makatulog pag ganun. Mabilis naman akong dinalaw ng antok kaya hindi ko na namalayan kung anong oras ako nakatulog.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status