Share

FATED TO BE YOURS
FATED TO BE YOURS
Author: Zhyllous

SIMULA

Pain

Nagising ako na nakayakap sa mainit na braso galing sa mahal ko.

Kahapon ay second anniversary namin at hindi ko alam kong anong maibibigay sa kanya, wala akong idea dahil kaya naman bilhin ni Zey ang isang bagay dahil mayaman naman sila kaya humingi ako ng advice sa matalik kong kaibigan.

FLASHBACK

"Ang lalim ng inisip natin ha," sabi ng kaibigan kong si Vina habang nagiisip ako ng regalo para sa boyfriend ko para sa nalalapit namin na anniversary.

"Inisip ko kasi kong anong ibibigay kay Zey sa anniversary namin," sabi ko habang hindi nakatingin sa kaibigan dahil nag-iisip parin ako ng regalo.

Mayaman na si Zey kaya kung relo ang ibibigay ko marami na siyang ganun, kaya wala talaga akong idea. Pag tinanong ko naman siya sa gusto niya sinabi niya lang sa akin 'kahit ano basta galing sa akin'.

Habang nagisip ako napansin ko ang kaibigan kong tumahimik, nilingon ko siya, nakatitig lang siya sa akin ng seryoso at parang malalim rin ang inisip.

"Vina?" Tawag ko sa attention niya, bumalik naman ito agad sa realidad.

"Oh, bakit?" wala sa sariling tanong nito, nagtaka akong tumingin sa kanya pero hindi ko nalang pinansin ang pagkawala niya sakanyang sarili. Sumakit na ang ulo ko sa kakaisip, magpatulong nalang ako sa kaibigan ko.

"Pag may boyfriend ka, anong gusto mong ibigay sa kanya sa inyong anniversary?" tanong ko sa kanya, matutulungan niya ako tungkol dito for sure dahil may naging boyfriend naman siya pero hindi nga lang nagtagal.

Halos isang taon na nong huling nakita ko siyang may boyfriend hanggang ngayon wala parin, sabi niya may gusto siyang iba pero hindi pwede, pero hindi niya sinabi saakin kung bakit hindi pwede, hindi ko na rin tinanong, kasi kung gusto niyang sabihin, sasabihin niya.

"Dati binigyan ko ng ang mga exes ko ng relo, or shoes, madami," sagot niya sa akin.

"Naisip ko ring bigyan si Zey ng relo pero naisip kong madami na siyang relo, para sayo ano ang pwede kong ibigay kay Zey?" tanong ko.

"Ano bang palaging hinihingi ni Zey sayo?" makahulugang tanong niya kinwento ko kay Vina na gusto ni Zey na may mangyari na sa amin pero hindi pa ako handa sa ganun.

Kinabahan ako bigla, alam ko ang ibig sabihin ni Vina pero ang tanong, handa na ba ako?

"Hindi pa ako handa, alam mo naman mahirap lang ang pamilya namin, paano kung mabuntis ako?" nagalinlangan kong sagot, umilng naman si Vina sa naging sagot ko parang disappionted sa akin.

"Matagal na kayo Zey pero hindi mo maibibigay ang gusto ng boyfrind mo, sa tingin mo magtatagal pa ng dalawang taon yang boyfriend mo kung hindi mo siya pagbigyan ngayon?" inis na tanong ng kaibigan ko, hindi ko alam kong bakit siya nainis pero hindi ko nalang iyun pinansin.

"Hindi naman yun ang habol ni Zey sa akin," mahinahong sabi ko, palagi kong tinangihan si Zey pero naintindihan niya yun at kaya niyang maghintay kung kailan ako handa.

"Talaga ba? sa tingin mo sa dalawang taon hindi naisip ni Zey na iwan ka nalang? at maghanap ng ibang babae na kaya siyang pagbigyan, baka tiniis ka lang niya at ngayon, pag hindi mo siya pagbigyan talagang iiwan kana," sabi ni Vina habang nakatingin diretso sa mga mata ko.

Inisip ko palang na iiwan ako ni Zey nanghihina na ako, paano pa kaya pag iiwan na niya talaga ako, matagal na kami at sure na ako na siya ang papakasalan ko, so kung bibigay ako ngayon walang problema yun, I guess?

Pumayag ako sa plano ng kaibigan ko at tinulungan niya ako sa pag plano, halos siya lahat ang nagplano para sa 2nd Anniversary namin ni Zey, hinayaan ko nalang kasi medyo kinabahan ako sa gagawin, hinanda ko rin ang sarili ko.

Halos maubos ang sweldo ko sa isang buwan sa pagbayad ng isang mamahaling hotel para sa amin ni Zey gaya ng plano ni Vina.

END OF FLASHBACK

Kagabi naramdaman ko ang katawan ng boyfriend ko at pakiramdam ko worth it ang pagbayad ko sa malaking kwartong ito na naging saksi sa pagiisa ng katawan namin ni Zey.

Hinawakan ko ang katawan ng boyfriend ko, napangiti ako ng maramdaman dun ang abs niya at uminit ang mukha ko ng maalala ang ginawa namin kagabi, halos ilang beses namin ginawa yun, kung hindi ko sinabing pagod na ako baka hindi niya ako titigilan.

Nagtaka lang ako kagabi kasi nagulat siya na v*rgin pa ako, hindi niya ba alam yun? siya ang unang boyfriend ko at kagabi palang na may nangyari sa amin. Hindi ko nalang pinansin yun.

Hinaplos ko ang katawan niya hanggang sa naramdaman kong nagising siya, nakita kong gumalaw ang kamay niya.

"Oh, you woke up, Dina," the man said habang masuyong hinaplos ang ang buhok ko, "it must be a tiring night for you.l,” bulong niya sa tainga ko, uminit ang buong katawan ko sa bulong niya pero hindi ko yun pinansin dahil sa pagtataka.

"Not at all, Zey, I enjoy it very much, but wait, who the heck is Dina?" naguguluhang tanong ko sa kanya.

Bumukas ang ilaw, hindi ko alam kong sino ang nag bukas, pero hindi ko ito pinansin dahil natabunan ito ng gulat ng bumungad sa akin ang gwapo pero hindi ko kilalang lalaki. Lumayo agad ako sa lalaki at tinabunan ang sarili dahil n*******d parin ako dahil sa nangayri kagabi.

"Who the hell are you!?" galit kong tanong nito, gulat at may pagtataka rin itong tumingin sa akin.

Pumikit ako ng mariin at bumuhos ang luha ko sa mga mata ko at nagbihis sa harap ng lalaki, wala na akong paki-alam sa presenya niya naisip ko lang ang ginawa namin kagabi.

Bakit ito nangyari? Si Zey ang hinintay ko, may alam ba si Vina dito? siya ang nag plano sa lahat.

"Who are you?" seryosong tanong ng lalaki ng tapos na akong magbihis, umiyak akong nilingon siya, nakabihis na rin, nagtaka lalo siya ng makita ang mukha kong puno ng luha.

"May gana ka pang itanong yan!?" galit kong tanong sa kanya habang umiyak.

"Excuse me? hindi ko alam kong bakit ikaw ang kasama ko instead of my girlfriend Dina," malamig niyang sabi pero wala akong pakialam sa sinabi niya, sinigawan ko ulit siya.

"Alam mo ba ang nawawala sa akin!?" galit kong tanong sa kanya habang umiyak, wala na akong pakialam sa isipin niya sa iyak ko, ang naramdaman ko lang ngayon ay galit, "nawala ang matagal ko ng iniingatan, iniingatan ng mga babae!" galit kong sigaw ko sa kanya, nakaramdam ako ng panghihina dahil sa sakit na naramdaman ngayon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status