Sleeping with my Stepdad

Sleeping with my Stepdad

last updateLast Updated : 2026-10-23
By:  CottontailUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
1 rating. 1 review
5Chapters
5views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Si Veronica ay dalawampu't anim na taong gulang na dalaga at nag tatrabaho bilang Isang Call Center Agent. Bago pa sya na ulila sa magulang , nang mawala ang kanyang ama ay nakapag asawa ulit ang kanyang ina ng Isang binata na halos limang taon lang ang tanda sa kanya at magkasama silang tatlo tumira sa Isang bahay. Sa di inaasahang pangyayari ay nagkaroon naman ng malubhang sakit ang kanyang ina at di nagtagal ay di na nakayanan nito kaya namatay din ito... Ilang araw bago nawala ang ina nito ay may napansin syang kakaiba sa mga kilos ng pangalawang ama niya , na para bang hindi na sya komportable sa bahay. Kaya naisipan niyang umalis at pumunta sa Lola niya. Masaya sya sa piling ng kanyang Lola at sa naging trabaho , ngunit bigla nagbago ang takbo ng buhay Niya simula nung di na nagising ang Lolo niya at Isa na dun ang pagkakasakit ng Lola  dun na nag simulang magkautang utang siya  hanggang sa dumating sa punto na napagkasunduan nila ng inutangan niya na kapag hindi nya mabayaran ang mga utang ay magiging kapalit nito ay ang bahay na pinatayo niya at lahat ng gamitan na nasa loob nito. Mas nahirapan pa si Veronica ng dalhin niya sa hospital ang kanyang Lola dahil sa tumubong bukol nito sa leeg , hirap na hirap na si Veronica. Kinabukasan umuwi siya ng bahay para kumuha sana ng gamit nila na gagamitin habang nasa hospital , pero inabutan nyang kinukuha at hinahakot na lahat ng gamit nila Palabas ng bahay. Sa mga oras na Yun nakiusap pa sya na wag kunin pero ayaw na sya pakinggan at wala na siya nagawa pa. 

View More

Chapter 1

Sleeping with my Stepdad

CHAPTER I

"Teka ano to, teka kuya sandali bakit niyo nilalabas mga gamit ko?" 

Nang makita kong hinahakot ng mga tao ang mga gamit ko palabas ng bahay.

"Miss Veronica basi sa napagkasunduan natin kung hindi Nyo mababayaran ang utang nyo kukunin namin ang bahay nyo ang mga gamit na nasa Loob nito" Tugon ng Isang lalaki habang inaakay ang mamahalin Kong sofa na binili ko nung nakaraang tatlong buwan.

"Wag muna sana po kuya" sambit ko na parang naiiyak na

"Pasensya na po" sagot Niya 

At tuluyan nilang kinuha ang bahay ko habang ako nakatayong tinitingnan ang mga ito Isa Isa na nga nilang kinukuha lalong di ako mapakali , di alam ang gagawin nagmakaawa akong bigyan ako ng pagkakataon na makapagbayad pero ayaw nila makinig patuloy nilang kinukuha pa din ang lahat ng mga pinaghirapan Kong ipundar para sa amin ng Lola ko sobrang sakit at nakakapanghina  kaya naisipan ko na puntahan ang boyfriend Kong si Adrian. Nagmadali akong umalis papunta sa bahay nila dala ang Isang Maleta ko na naglalaman ng mga damit ko at importanteng mga papel. 

May kaya sa buhay sila Adrian negosyante ang parehong  magulang niya. Kaya naisipan ko ngayong pumunta sa kanila  baka sakaling matulungan niya ako . Ilang minuto lang nakarating na ako sa kanila kaya nag doorbell agad ako pero walang lumalabas di ako tumigil hanggang may Isang katulong nila na nag bukas ng gate.

"Magandang araw po,nandyan po ba si Adrian gusto ko po sana syang makausap" ani ko

"Ay Miss Veronica ikaw po pala , si Sir Adrian po ba e kasi po ano" 

"Andyan po ba sya , puntahan ko po ha" 

Dali dali akong pumasok sa loob at tinatawag si Adrian Pero walang sumasagot kaya pinuntahan ko sa kwarto niya. Dahan dahan ko binuksan sabay sambit sa pangalan niya.

"Adri....?"

 

Nanlaki ang mata ko di ako makagalaw biglang nanghina ang buong katawan ko ng makita kong magkapatong si Adrian at ang Isang di ko kilalang babae. 

"Ve...veronica? Anong ginagawa mo dito" gulat na tanong niya sa akin 

Di ko na sinagot ang tanong niya at bigla ko nalang sya nasampal sa sobrang galit at sa sobrang sakit na naramdaman ko tsaka ako nagsalita.

"Maghiwalay na tayo" ang tanging nasabi ko nalang tsaka ako umalis Palabas sa bahay nila 

Pagkalabas ko sa bahay nila naglakad ako dahan dahan palayo, nanghihina at di mapigilang umiyak , patuloy lang ako sa paglalakad na parang wala na sa sarili di ko na talaga alam kung ano pa gagawin ko. Napahinto ako nang marinig kong may tumatawag sa number ko agad ko din sinagot.

"Hello" 

"Hello ma'am nais ko lang pong ipaalam na naka schedule na po next week ang operasyon ng Lola mo"

Mas Lalo pa akong nanghina at di na mapigilang humagulhol sa pag iyak sa tabi ng kalsada kasabay nun ang pagbagsak ng Isang malakas na ulan ramdam ko na parang pasan ko na ang mundo sa bigat na nararamdaman ko.

"Dios ko bakit po ba nangyayari sa akin lahat ng ito?habang umiiyak pa din 

"Hayop ka Adrian akala ko totoong mahal mo ako akala ko di mo ako lolokohin sa kamalas malasan pa kung kelan kailangan kita tsaka ko din malalaman ang panloloko mo sa akin!" 

"Ang baboy mong hayoop ka!" Sigaw ko na wala namang nakakarinig habang ramdam ang bigat na sakit sa Pag iyak

"Aaaaaahhhhhh!" Isa pang sigaw ko 

Mga ilang minutong dumaan sumagi naman agad sa isip ko ang Lola ko na nasa bahay pagamutan ngayon dahil sa bukol na tumubo sa gilid ng leeg niya kinakailangan na din operahan dahil maaaring lumala ito pag napabayaan.

"Lola hahanap po ako paraan para mapagamot kita"

" Wala na akong mapagpapipilian pa kailangan ko ng gawin to" pabulong kong sinabi

Napagdesisyunan kong umuwi sa bahay ng Stepdad ko, ang lalaking matagal ko nang pilit iniiwasan pero wala na din akong ibang choice ngayon para lang maisalba ang buhay ng Lola ko at pati na rin ang buhay ko sa ngayon.

Simula kasi namatay ang mama ko umalis ako sa puder ng Stepdad ko at sa Lolo at Lola ko ako pumunta kasabay din nun ay para alagaan sila , at tsaka ako nag trabaho bilang Isang call center agent at unti unti ako nagpatayo ng sariling bahay di naman gaanong kalaki tama lang sa aming tatlo pero nagsimula na kaming magkautang nung biglang hindi na nagising ang Lolo ko , kasunod nun na lagi ng nagkakasakit ang Lola ko dahil sa pagkawala ng Lolo ko dagdag pa sa permanenteng gamutan ni Lola , mas lumala pa nung napansin ko na may tumubong bukol sa leeg ni Lola sa kagustuhan Kong alagaan ang Lola ko lahat ginawa ko at kahit ngayon sa sitwasyon nato gagawin ko at kakapalan ko ang mukha kung makauwi sa bahay ng Stepdad ko at kasama na dun ang paghingi ng tulong para pampaopera sa Lola ko kahit pag trabahoan ko pa sa kanya gagawin ko , kailangan ko lang ipagpaliban ang kagustuhan kong iwasan sya .

At yun na nga ngayon kailangan ko na munang pumunta ng hospital para tingnan ang Lola ko at para makapagbihis na din pinunusan ko ang aking mga mata at unting humupa na din ang ulan at mabilis na din ako naglakad di ko na namalayan ang layo na din pala ng nalakad ko Kakaiyak ko, kaya malapit na din sa hospital kung saan naroroon ang Lola ko.

Dalawampu't limang minuto bago ako nakarating sa hospital ewan bakit wala din akong nakitang masakyan bahala  kayo na mag isip. Agad ko pinuntahan ang Lola ko saktong gising naman siya kaya kinausap ko na muna sya

"Lola, pababantayan mo na kita Kay Missy ha" Sabi ko

"Bakit Apo aalis ka ba?" 

"Oo Lola yung bahay natin kinuha na hahanap lang po ako ng paraan para masolusyan po , tsaka next week na din Po ang operasyon mo kaya magpalakas ka ha, teka at tatawagan ko muna si Missy " sabay kuha ng phone 

Agad ko tinawagan si Missy, pinsang buo ko sya sa kapatid ng mama ko.

"Hello Missy" 

"Hello ate Nica, napatawag ka po?" Tanong Niya

"Pwede ba ako makisuyo sayo bantayan mo sana muna si Lola dito sa hospital at may pupuntahan lang ako mga ilang araw lang sana "

"Sige po ate magbibihis lang ako at punta na ako agad dyan"

Sagot nya naman sa akin.

Pinatay ko na agad ang tawag .

"Apo saan ka ba pupunta?" Tanong ni Lola

"May kakausapin lang po ako Lola na pwedeng makatulong si sa atin" habang nakangiti at hinahaplos si Lola 

Maya maya pa dumating na si Missy at nagpaalam na din ako sa Kanila tsaka umalis.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


reviews

Milandaane
Milandaane
Highly recommended!
2026-10-27 19:07:51
0
0
5 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status