Share

Kabanata 4

Author: kkyrieehale
last update Petsa ng paglalathala: 2026-02-28 16:54:36

ILANG araw na ang lumipas, ilang araw naring nagpipigil hininga si Dev sa tuwng makakaharap nito ang boss niyang si Liam. Madalas kasi itong ipatawag ni Liam sa opisina niya at magtatanong ng mga wala namang ka-kwenta kwentang bagay.

Ngayon, muli nanaman niyang kaharap ang lalaking kinabubwisitan niya, nakaupo habang nakatitig lang sakaniya.

“I am your first right?” nanlaki ang mata ni Dev sa narinig, hindi siya lubos makapaniwala na ngayon ay tinatanong ni Liam ang bagay na iyon.

Sa halos araw araw niya kasi itong nakakaharap ay never nabanggit ang nangyari sakanila nang gabing ‘yon.

“H-ha?” tanong ni Devorah, bakas parin sa namumula niyang mukha ang pagkabigla.

“Nothing, you’re 26 right?” tanong ni Liam kay Dev.

Tumango lang si Devorah at yumuko ulit, ayaw niyang ipakita sa kaharap niya kung gaano nag iinit ngayon ang pisngi niya.

“Kung wala na ho kayong ibang sasabihin sir, lalabas na ho ako.” saad ni Dev, akma na sanang tatalikod ng sitahin siya ni Liam gamit ang simpleng tawa.

“Ugali mo na talagang umalis kahit wala pa ang pahintulot ko no?” nakangisi nitong sabi at tumayo.

“Sabagay, bigla bigla ka na nga lang sumusulpot e? diba? remember the night you stumbled into a room kung nasan ako?” Saad pa ni Liam na nagpakaba kay Dev.

“I-i don't know… because i’m drunk that night” matapang na sagot ni Dev.

Natawa ng bahagya si Liam at bahagyang naglakad palapit kay Devorah.

“Oh, really?” Mapang-usisang saad pa nito.

“Yes” deretsyahang sagot ni Dev.

“So.. you really didn't know what happened that night, isn't it?” Saad pa ni Liam at muling lumapit kay Dev.

“S-sir..” kabadong bulong ni Devorah.

Nang makalapit si Liam kay Devorah ay sinandal niya ito sa pader, dahilan para macorner ai Devorah mula sa mga bisig niya. Inilapit ni Liam ang mukha niya at konti nalang ay mag-papang abot na ang mga labi nila.

“Tell me, am i not good in bed?” tanong ni Liam, tumitig sa mga mata ni Devorah na labis nitong ikinakaba.

“S-sir please.. K-kailangan ko na pong bumalik sa trabaho ” kabadong sabi ni Devorah at dumaan sa ilalim ng kamay ni Liam, at bago pa makapagsalita si Liam ay mabilis ng lumabas si Devorah mula sa office ng Boss niya.

Pabagsak na umupo si Dev sa pwesto niya, nagulat naman si Parsha dahil sa malakas na buntong hininga ng kaibigan.

“Lagi ka nalang ganyan sa tuwing galing ka sa office ni Mr. Vezqua” puna ni Parsha.

“Ikaw ba naman magpabalik balik mula 15th floor hanggang dito e!” inis na sabi ni Devorah. Tinawanan nalang siya ng kaibigan niya at tinap ang balikat nito, parang sinasabi na fighting!

Tinuon ni Dev ang oras sa mga papeles na pinapadiscard ni Ms. Heidy, ito ang pinakaayaw niya sa lahat dahil bukod sa nakakainip ay naririndi siya sa tunog ng machine.

Maya maya pa ay lumapit sakanya ang kaibigan, inabutan siya ng kape nito at isang chocolate bar. “Pampa-boost ng energy mo” saad ni Parsha at kinindatan si Dev.

Napasandal si Dev sa pader habang binubuksan ang chocolate bar tapos ay kumagat ito. “Alam mo bes, parang.. parang want ko mag resign..” buntong hininga ni Devorah.

Bigla namang napamewang si Parsha at pinaningkitan mg mata si Devorah. “Hoy girl! ilang araw ka palang here suko ka na? kumusta naman yung work mo doon sa dating pinapasukan mo? umabot ka ng 2 years do’n teh bilang utusan!” singhal nito.

Napaisip si Devorah, tama nga naman.. Pero iba kas ang sitwasyon niya ngayon dahil, may sikreto siyang kahit sa kaibigan ay hindi niya kayang sabihin.

“Umamin ka nga sakin Bes.” biglang bulong ni Parsha. Napaatras naman si Devorah at nagpalinga linga sa paligid. “Hinaharas ka ba ni Mr. Vezqua?” deretsyong tanong nito kaya naman kusang naglanding ang kamay ni Dev sa bibig ni Parsha para takpan ito.

“Manahimik ka nga! baka mamaya may makarinig sayo e! syempre hindi! tsaka.. B-bakit naman ako haharasin ni Sir Liam e… halata namang di basta basta napatol ‘yon kung kani-kanino?” di siguradong sagot ni Dev habang kinakain siya ng kaba na bumabalot sa katawan niya.

“Ikaw bes ha! baka naman may hindi ka sinasabi sakin?” pang gigisa ni Parsha sa kaibigan habang si Dev nama ay kusang nanuyo na ang lalamunan dahil sa tanong ni Parsha.

“E-ewan ko sayo! bahala ka nga!” inis na sabi ni Dev, at nag walkout. Habang si Parsha naman ay nakatingin lang kay Dev at pangiti ngiti.

Matapos ang mahabang oras ng trabaho ay oras na para sa uwian. Lalamya lamyang naglakad si Dev palapit kay Parsha at kumapit sa braso ng kaibigan.

“Gusto mo milktea muna tayo?” pag aaya ni Parsha. “Ayoko, need ko umuwi ng maaga..” sagot ni Devorah at napabuntong hininga. “Ewan ko ba kasi sayo! ang tagal tagal na kita sinasabihan na doon ka muna sa condo ko, di mo naman maiwan iwan yang Nanay at kapatid mo! ang tanda tanda na ng kapatid mo! tsaka haler girl! 2 years lang tanda mo don sa bruhilda mong kapatid, at yung Nanay mo? aba! hindi pa naamn siya senior para humilata nalang maghapon sa inyo, maghihintay ng pera at hahainan mo pa ng pagkain!” inis na sermon ni Parsha kay Devorah.

Matagal na ng kinakausap ni Parsga si Devorah na doon nalang sa condo niya, o kung hindi naman ay mag rent nalang silang dalawa atleasr sila ang mag kasama, at para mahiwalay si Devorah sa toxic niyang Nanay at Kapatid, pero matigas ang ulo ni Dev, ayaw niyang iwanan ang Nanay at kapatid niya dahil pinanghahawakan niya parin hanggang ngayon ang bilin sakaniya ng Papa niyang namayapa na.

“Alam mo naman kung bakit ayaw ko silang iwan diba?” ani Dev, puno ng bigat ang bawat pag hinga.

“Beh, buong buhay mo tinuon muna sa nanay at kapatid mo! ultimo sarili mong pangarap kinalimutan mo para lang masunod ang gusto ng nanay at kapatid mo! maiintindihan naman siguro ni Tito kung aalis ka at iiwan mo na sila. Hindi na tama Bes!” inis na saad ni Parsha.

“Hindi ko na alam ang gagawin ko.. umaasa parin kasi ako na maaapreciate rin nila ako balang araw..” buntong hininga ni Dev. “E pano kung hindi? pano kung never? paano ka?” sunod sund na tanon ni Parsha. “Ayos lang.” tipid na sagot ni Dev kaya naman napatampal nalang si Parsha sa noo niya at bumuntong hininga.

Alam ni Parsha lahat ng sacrifices ni Dev since highschool, na witness niya lahat ng paghihirap ni Dev simula noong mamatay ang papa niya, naging di na katanggap tanggap ang naging pagtrato sakaniya ng Nanay niya, at habang tumatagal ay ganoon rin ang kapatid niya, na kung anong gusto ay dapat masunod.

Namatay ang Papa ni Dev sa isang aksidente, nagpasundo si Dev no’n sa papa niya dahil na stranded sila sa isang baranggay kasama si Parsha at iba pa nilang kaklase. Mag gagabi na at malakas pa ang ulan kaya naisipan ni Dev na tawagan ang papa niya no’n at habang papunta ang papa niya sakay ng pampasahero nitong tricycle ay naaksidente ito. Dahil sa sobrang pag aalala sa anak ay mabilis ang naging patakbo ng papa ni Dev, at hindi napansin ang kasalubungan nitong kotse.

Nagbayad lang daw ang nakabangga sa Papa niya ng malaking halaga na agad naman tinanggap ng mama ni Dev. Yung galit at pagkadismaya niya ay nilunok nalang ni Dev, at ang huling bilin ng Ama niya bago ito malagutan ng hininga, hanggang ngayon ay pasan pasan parin i Devorah.

“Ikaw na ang bahala sa Mama at sa kapatid mo, Bora.. Mahal na mahal kita, mahal na mahal ko kayo”

Napapunas nalang si Devorah sa luha niya bago tuluyang buksan ang pinto papasok sa bahay na nirerentahan nila.

Sariwa parin sa isipan ni Devorah ang pangyayari noong araw na iyon, kaya sa tuwing maaalala niya ay hindi niya maiwasang umiyak.

“Mabuti naman at dumating ka na! nagugutom na kami!” bungad ng Mama ni Devorah, hindi nalang ito kumibo at pumasok lang sa kuwarto niya para ibaba ang gamit niya.

Ganito ang routine niya sa araw araw, after work, isang kalupitan pag uwi ang dadatnan niya.. Hindi lang siya sa trabaho utusan, maging sa sarili tinuturing niyang tahanan.
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • FORBIDDEN DESIRES WITH MY BOSS   Kabanata 274

    Adrienne's POVPansin ko ang bahagyang pagbabago sa atmosphere ngayong umaga. Matapos ang nangyari kay Shiela kahapon, medyo naging maayos na ang trato sa akin ng mga katrabaho ko. Ang ilan sa mga dati ay umiirap kapag nadadaan ako ay pilit na ngumingiti ngayon, habang si Jess naman ay panay ang paa

  • FORBIDDEN DESIRES WITH MY BOSS   Kabanata 273

    Damiel’s POVNang maibaba ko ang tawag ni Adrienne, hindi ko na napigilang mapangiti nang malawak habang nakasandal sa executive chair ko.Huwag na huwag po kayong pupunta rito, parang awa niyo na!Her panicked voice still echoed in my head. Hinala niya na talaga na may kinalaman ako sa Aura Resorts,

  • FORBIDDEN DESIRES WITH MY BOSS   Kabanata 272

    Pagkauwi ko sa bahay galing sa trabaho, hindi ko na talaga kinaya ang bigat at gulo ng isip ko. Matapos kong tulungang maghapunan si Mama, pumasok ako sa kwarto ko at naupo sa gilid ng kama.Hawak ko ang cellphone ko, nakabukas ang chat screen namin ni Sir Damiel.Na-ban si Elise Sela Cruz nang wala

  • FORBIDDEN DESIRES WITH MY BOSS   Kabanata 271

    Nang marinig ang salitang 'kasong kriminal' at makitang pumasok na ang dalawang security guards, tuluyan nang lumuhod si Shiela sa sahig. Umiiyak siya nang husto, nanginginig ang buong katawan sa takot."Patawad po, Sir Paul! Patawad po! Huwag niyo po akong tanggalin, lalong-lalo na po ang ipakulong

  • FORBIDDEN DESIRES WITH MY BOSS   Kabanata 270

    "Adrienne, pakidala naman itong physical ledger at VIP check-in records ng Executive Lounge sa office ni Miss Karen bago ka mag-out," bilin sa akin ni Jessica habang nagmamadaling ayusin ang gamit niya. "Emergency lang, kailangan kong sunduin ang kapatid ko.""Sige, Jess. Ako na ang bahala rito," na

  • FORBIDDEN DESIRES WITH MY BOSS   Kabanata 269

    Adrienne’s POV"Narinig niyo ba? Banned na raw si Ms. Dela Cruz sa lahat ng properties ng kumpanya? Kahit 'yung mga resorts sa ibang bansa, hindi na siya pwedeng tumapak!""Oo, gurl! Ang chika, kagabi lang dinala ang mga maleta niya sa labas. Iyak nang iyak habang hinahatid ng security. Grabe, bigti

  • FORBIDDEN DESIRES WITH MY BOSS   Kabanata 6

    Devorah’s POVMaaga akong gumising para maghanda ng almusal, papungay pungay pa akong nakatingin sa wall clock at mag aalas-singko pa lang.Agad akong nagtungo sa kusina, agad akong nagsalang ng sinaing sa rice cooker, ang bahaw naman ay nilamas ko para isangag. Pagtapos kong mag sangag ay nag prito

  • FORBIDDEN DESIRES WITH MY BOSS   Kabanata 5

    Ibinasak ni Devorah ang sarili sa kama matapos niyang mag asikaso ng makakain maglinis at maligo. Hindi narin siya nakakain dahil ang gusto na lang niya ay humilata at matulog upang makapagpahinga na.Pero bigla niyang naalala ang binigay na files ni Ms Heidy sakaniya, kabilin bilinan pa naman nito

  • FORBIDDEN DESIRES WITH MY BOSS   Kabanata 3

    Mabilis na lumipas ang oras, marami rami na ang naprint ni Devorah mula sa inutos ng team leader nila. Tinutok ni Devorah ang sarili sa trabaho upang hindi isipin ang sinabi sakaniya ni Mr. Vezqua kanina, pero habang tumatakbo ang oras ay tila patuloy rin sa pag agos ang mga pawis sa batok ni Devora

  • FORBIDDEN DESIRES WITH MY BOSS   Kabanata 2

    NAGMULAT ng mata si Devorah ng marinig ang paulit-ulit na pagring ng phone niya, nang tignan niya ito ay halos maibato na niya ang cellphone niya dahil sa gulat.18 missed calls?Tinignan niya kung kani-kanino galing ang mga tawag na iyon, pero iisang pangalan lang ang lumilitaw sa screen ng phone n

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status