Hindi na ako nakapagpasalamat ulit ng maayos kay Kenneth dahil para akong nawala sa sarili nang marinig ko ang sinabi niya sa akin. Hindi ko namalayan na paalis na pala siya.
“S-Sige.”
Ang huling salita na sinabi ko sa kaniya nang magpaalam siya. Sumakay na siya sa van niya at sumilip sa binatana nito upang kumaway sa akin habang naandar na ang sasakyan paalis. Kinawayan ko rin naman siya dahil nakakahiya naman kung hindi ako kakaway.
Pumasok na ako sa loob ng bahay. Wala pa rin pala si ate. Siguro ay sobrang busy nito sa trabaho niya. Pumasok na ako sa kwarto ko at nagpalit ng damit na pang-tulog. Hanggang ngayon ay hindi pa rin pumapasok sa isip ko ang sinabi ni Kenneth.
Bakit ba ako namomroblema eh ligaw lang naman? Pero kakakilala pa lang naman namin. Baka masyado lang siya nadala sa damdamin niya. Kung magtatanong naman ako kay ate, siguradong yare ako do’n dahil ayaw pa
JAIRAH’S POVIt was already 5am nang magising ako dahil sa boses ni ate. Ngayon ay Linggo at ngayon ang araw kung saan isasama ako ni Kenneth sa outing nila ng kaniyang family at mga kaibigan sa Tagaytay.“Gumising ka na diyan baka mamaya nandyan na si Kenneth,” utos sa akin ni ate.Kenneth told me na dadaanan na lang daw nila ako ako mamaya. Noong una ay ayoko pumayag dahil nakakahiya naman pero dahil mapilit siya ay hinayaan ko na lang. Bumangon na ako pagkalabas ni ate ng kwarto. Inayos ko na ang hinigaan ko sabay kuha ng aking tuwalya para dumeretso sa aking pagligo.Inabot ako ng halos 20 minutes sa banyo. Gusto ko sana bilisan dahil sobrang lamig ng tubig kapag madaling-araw pero dahil mabagal ako kumilos ay inaabot ako minsan nang hanggang kalahating oras sa banyo.Pagkaligo ko ay nagbihis na agad ako at nag-ayos ng sarili. Kinuha ko na a
JAIRAH’S POVMagkahalong kaba at takot ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Hindi ko na alam kung nasaang lugar na kami at bakit wala man lang akong makitang bahay kahit isa?“T-Tulong! Tulungan niyo po k-kami! Nasusunog po ‘yong s-sasakyan!”Sa huling pagkakataon ay nilapitan ko isa-isa ang pamilya ni Kenneth pero hindi ko sila magising. Puro dugo na sila dahil sa lakas ng pagbangga namin sa puno. Sobrang sakit na rin ng ulo ko.“A-Ate…”“Jai, Jai, gising. Nananaginip ka.”Isang boses ang nagpagising sa akin. Dahan-dahan kong minulat ang mata ko at si Kenneth ang una kong nakita. Maayos ang hitsura niya kaysa sa kanina. Tumingin ako sa paligid at nakita ko na ako na lang pala ang nasa sasakyan nila. Mukhang nabasa naman ni Kenneth ang nasa isip ko.&
JAIRAH’S POVNagising ako mula sa mahinang katok sa pinto n gaming kwarto. Pagmulat ko ng aking mata ay napansin kong wala na sa kaniyang kama si Kyla. Tumingin ako sa bintana at nakita kong madilim na sa labas. Kinuha ko agad ang phone ko, 7pm na pala.Napatingin ako sa pinto at niluwa nito si Kenneth na mukhang kakagising lang din dahil magulo pa ang buhok nito. Nakasuot lang siya ng shorts at jacket.“Nagising ba kita?” tanong nito. Pumasok na siya at pumunta sa kama ni Kyla para umupo.“Oo pero okay lang. Napasarap pala tulog ko.”“Dinner na raw tayo sabi ni Mommy.”“Sige. Mag-aayos lang ako.”“No need. Maganda ka na naman kahit walang ayos.”Umiling-iling ako pagkatayo ko sa kama. “Mr. Bautista, gasgas na ‘yang ganyang
PROLOGUE Sabi nila ang love ay dumadating ng hindi natin inaasahan. Once na magmahal ka, makakalimutan mo na mahalin ang sarili mo. Iikot na yung mundo mo sa tao na ‘yon. Ipaglalaban mo siya hanggang sa huli. Dapat walang iwanan. What if nainlove ako sa isang hindi ordinaryong tao? Ipaglalaban kaya niya ako? Ipaglalaban ko kaya siya kahit na alam kong iiwan niya rin ako? CHAPTER 1 JAIRAH’S POV “Pandesal ! Bili na po kayo ng pandesal! Mainit-init pa!” “Ineng!,” tawag saken ni Aling Marie, “Pabili ako ng pandesal.” Tumigil ako sa isang bahay kung nasaan si Aling Marie. Suki ko na yan sa pandesal. “Magkano po?” tanong ko. “50 pesos.” Kumuha naman ako sa lalagyan ng 25 piraso na
ASAMI’S POVNanonood ako ngayon ng movie. The Hows of Us ang title. Sa mga hindi pa nakakanood, manood na kayo. Super maganda ‘to. Meron nito sa iWant.Paalis na dapat ako ngayon para sa isang job interview pero nare-sched siya kaya ito na lang napag-abalahan ko. Malapit na magtanghali pero wala pa rin si Jai. Nasaan na naman kaya yung babaeng yun?Maya-maya pa ay may narinig na akong nagbukas ng gate. Siya na siguro ‘to. Tinanghali na naman ‘to ng uwi. Saan na naman kaya ‘to nagpunta.“Ate nandito na ko,” rinig kong sabe niya. Pinuntahan ko naman siya sa kusina dahil ibibigay niya sa akin yung napagbentahan ng pandesal.“Bakit ganito lang ‘to? Bakit kulang?” tanong ko habang binibilang ulit yung pera.“Bumili ako ng kape at nitong buns,” sagot niya.“Jairah, saan mo nga ginamit?” tanong ko ulit.“Napadaan kase
JAIRAH’S POV*unat *unat*Napakasarap talaga matulog. Kung hindi lang dahil sa sinag ng araw hindi ako magigising ngayong umaga. Ano na bang oras na? Pagtingin ko sa wall clock ko ay hindi na pala ito naandar. Nakalimutan kop ala magpabili ng battery kay Ate. Nasan na ba phone ko? 7:30 am pa lang pala.ANO??!! 7:30 NAAAAA!!Mayayare ako nito kay ate. Magtitinda nga pala ako ng pandesal dapat kanina pa akong ala-5 ng umaga gising. Bakit hindi ako ginising ni ate? Nandito ba siya?Dali-dali ako bumangon at iniwan ang higaan ko. Mamaya na lang ako mag-iimis. Hinanap ko ang tuwalya ko. Nasaan ka na ba? Wait, maliligo pa ba ako? Mamaya na nga lang. Maghilamos na lang ako. Kailangan ko na magmadali.Pagkatapos ko maghilamos ay nag toothbrush naman ako. Nagpalit ng damit na medyo oversized at short na above the knee. Suklay ng kaunti, ipupusod ko na lang. Okay na ‘to. Bumaba na agad ako dahil baka mara
AGA’S POVPasakay na sana siya ng bike ng makita ko yung tuhod niya.“Wait lang miss, may sugat ka sa tuhod mo. Gusto mo dalhin kita sa clinic o ospital para maipagamot yan?”“Ang O.A mo po. Malayo ‘to sa bituka. Ako na bahala dito. Nga pala, pag-aralan mo sana kung paano tumawid ha para hindi ka nakakapahamak.”Napaka taray naman nung babae na yun. Ako na nga nagmamalasakit dahil alam kong ako ang mali pero inaway pa ako. Bahala nga siya. Kailangan ko na magmadali dahil male-late na ako sa school. 9am na tapos ang klase ko 10am. Kung hindi lang dumating yung babae na yan kanina pa ako nakasakay.Ako nga pala si Agassi Ching. Aga for short. Twenty-six years of age. Fourth year college na ako at nagte-take ng HRM na course. My mom is pure Filipino while my dad is a Japanese. Ang pangalan ng mom ko is Aimi Ching at Akihiro Ching naman sa dad ko. Wala akong kapatid kaya o
JAIRAH’S POVPagkarating ko sa bahay ay nilagay ko na ang bike ko sa isang gilid sa may terrace namin. Nakita ko si ate na nagluluto na ng pagkain para sa tanghalian namin.“Bakit ngayon ka lang?” narinig kong tanong ni ate na nasa kusina. Naramdaman siguro niya na nandito na ako.“Ehh kasi--““Eh kasi ano? Tinanghali ka na naman ng gising o tinamad ka lang gumising ng maaga?”“Tinanghali ako ng gising kaya late na ako nakapagtinda.”Binitawan niya yung sandok at lumapit sa akin.“Ash naman, di ba sabe ko naman lagi sayo mag-alarm ka para hindi nale-late ng gising? Tapos nagkataon pa na maaga ako umalis kaya hindi kita nagising.”“Nakalimutan ko mag-alarm.”“Ayan na nga lang gagawin mo, hindi mo pa magawa. Ayan