Kabanata 2.1
"Are you sure?" Iyan ang bungad sa akin ni Nathalia kinaumagahan paggising ko.
Magkasalubong ang kilay ko habang nakatingin ako sa kaniya, hinahalo ang tinimpla kong kape para sa akin. Hindi ko alam kung anong problema niya ngayon at bakit ang aga-aga niyang nandito sa bahay. Ala-sais palang kanina, halos wasakin na niya ang pinto namin sa sobrang lakas ng pagkatok niya.
Umupo ako sa harap niya, humihikab pa rin dahil sa antok. "I'm sure of what?"Nilabas niya mula sa kaniyang sling bag ang cellphone niya saka iniharap ang isang text message na pinasa ko sa kaniya kagabi. Kaswal ko lang iyong tinitigan.
"Kanina ko lang nabasa 'yan kaya nagmadali akong pumunta dito," paliwanag niya. "Sigurado ka ba diyan sa nalaman mo?'"
Tipid lang akong tumango. Iyon naman talaga ang totoo. Sa boyfriend na rin naman niya galing ang sagot na hinihingi niya.
"I also heard na dito daw natagpuan si Nikkolai ng driver niya kagabi. Lasing daw. Anong nangyari? What is he doing here?"
Naalala ko na naman tuloy ang nangyari. Halos gising ako buong gabi kagabi, hindi dahil sa ginawa ko sa kaniya para mapaamin siya, kundi lahat ng binunyag niya sa akin tungkol sa buhay at pamilya niya. Hindi ko alam pero naaawa ako sa kaniya sa totoo lang.Kaya kagabi ang tanging ginawa ko lang ay tumingala sa kisame habang nag-iisip ng paraan kung paano ko siya matutulungan. May naisip naman ako, ang kaso lang ay hindi ko alam kung paano ko gagawin iyon. Ni hindi ko nga din alam kung makakalapit pa ako sa kaniya.
Humigop ako sa aking black coffee.
"Nag-inuman." I said in a matter of fact. Sinamaan niya ako ng tingin na tila ba may mali sa sinabi ko. What? Magtatanong tapos kapag sinagot magagalit. I sighed. "Sinimulan ko na ang plano ko. Inilayo ko siya doon sa mga taong nagwewelga kahaponn at dinala dito sa bahay. Tapos inaya ko siyang mag-inuman."
Her eyebrow shot up. "Tapos?""When he is drunk, I asked him if he's gay then he said 'no'. Syempre para makumpirma ko kung totoo ba 'yong sinasabi niya kaya...hinalikan ko siya."
Natawa ako nang makita ko kung paano nag-iba ang reaksyon niya. Her chinita eyes widened, and her jaw dropped. Para siya ngayong nakakita ng tae sa stilletos na suot niya. "You...you did what?" "Kiss," ulit ko pa saka ngumisi. "I kissed your boyfriend's lips. Slowly and in a sexiest way." Mas lalong umasim ang mukha. Ilang segundo pa ay napatayo siya at para bang isang sumabog na bulkan sa sobrang lakas ng tili niya sa inis. Humagalpak ako sa tawa nang simulan niyang ipanghambalos sa akin ang suot niyang sling bag. "Ggao ka! Inunahan mo pa akong makahalik sa kaniya! Baboy ka! You jerk!"Ginawa kong sabat ang aking kamay upang hinddi matamaan sa mga atake niya.
"Sandali, masakit!" I groaned. "Kumalma ka muna, puwede? Hindi ko rin naman gustong halikan ang boyfriend mo. I have a reason kung bakit ko ginawa iyon!" Kumuha ako ng tiyempo hanggang sa mahawakan ko ang bag at marahas na hinablot ito mula sa kaniya. Mabigat ang kaniyang paghinga, masama pa rin ang tingin sa akin. Binilog pa niya ang kamao niya na para bang handa siyang ipatama sa akin iyon sa oras na hindi niya nagustuhan ang rason ko.Tumikhim ako bago nagsalita. "That's part of my plan, okay? Atsaka ikaw na rin mismo ang nagsabi na i-seduce ko siya kaya iyon ang ginawa ko. Akala ko nga gagantihan niya ang halik ko pero hindi."
"But not in that way, Kiro!" she exclaimed. "Nikkolai is still my boyfriend, at pagmamay-ari ko lang naman ang labi na hinalikan mo!" Uminom muli ako ng kape dahil sa naramdamang uhaw ko sa pagtawa."Sorry na, okay? Hindi ko naman ginusto iyon. Atsaka hindi naman na big deal sa akin. Ang mahalaga sa akin ngayon ay sawakas nalaman na natin ang sagot sa tanong mo at matutulungan mo na kaming makapasok sa SSE." I smiled widely.
Ilang segundo niya akong tiningnan ng seryoso bago siya umupo ulit sa puwesto niya kanina.
Yes! My dream will finally come---"No, not so fast," sabi niya na nakapabura sa nakaukit na ngiti ko. "What?" naguguluhan kong sabi, nakakunot ang noo. "Akala ko ba kapag nagawa ko ng paaminin si Mayor Nikkolai, tutulungan mo rin ako?" "Kiro, tanga lang?" She rolled her eyes while gently brushing her hair using her fingers. "Isang gabi mo palang siya nakasama. For sure wala ka pang masyadong napansin sa kaniya hindi tulad ko. Tapos yung...halik na 'yon, malay ba natin kung unconcious na siya nung ginawa mo iyon, hindi niya naramdaman. Atsaka kung umamin nga siya sa'yo, what if nagsisinungaling pala siya? He's a mayor, remember? Alangan naman sirain niya ang pangalan niya, e sira na nga ang apelyido nila"Sabagay. May posibilidad nga na mangyari iyon dahil siya ang halos makaubos ng alak namin kagabi. At sana nga hindi nalang talaga niya naramdaman yung labi ko na nakadikit sa labi niya.
Bakit hindi ko naisip iyon?"So, what do you want me to do?" I asked, sipping my coffee."Just seduce him until our engagement party comes, after the fiesta. Kapag dumating ang araw na 'yon, whatever the result is, tutulungan na talaga kitang makapasok sa SSE."
Sa susunod na buwan pa ang pista dito sa La Castellion, ibig sabihin may isang buwan pa ako para gawin ang plano.
Tumango nalang ako bilang pagsang-ayon sa gusto niya. Makakatanggi pa ba ako, e pangarap ko ang nakasalalay doon?
Ala siete y media na nang umalis si Nathalia sa bahay dahil kailangana pa niyang bumyahe patungong Manila para sa shooting nila sa kanilang bagong music video. Ako naman ay sinimulan ko ng linisin ang bahay at ipagluto ng almusal at baon ang dalawa kong kapatid. Maya-maya lang ay siguradong gising na ang mga 'yon.
Habang nagsasangag ng kanin hanggang sa pagligo ko ngayon ay bumubuo na ako ng paraan kung paano ako makakalapit ulit kay Mayor Nikkolai. May naiisip na akong gagawin kong excuse para mapadali iyon at ang plano kong mapalabas ang tunay niyang kulay sa lalong madaling panahon. Kapani-paniwala naman 'to at parehas lang kaming makikinabang.
"Kane, ang baon niyo nasa study table ko sa kwarto. Limang-daan 'yon, hatian mo si Kylie," paalala ko habang pababa, inaayos ang pagsukbit ng gitara ko sa aking balikat.
"Mas mataas ang akin, Kuya. May project pa kami," inaantok pa nitong sabi, nasa hapag na at umiinom na ng kape."Project?" kontra ni Kylie sa kaniya. "Sinabi mo na dati 'yan, tapos nakita ko kayo ng girlfriend mo papunta doon sa may motel! Ibang project ba ang ginagawa mo doon ha?"
"Alam mo? Ang epal mo!"
Sinuway ko sila bago pa sila magsaksakan nang tumungo ako sa kusina upang ibigay pa ang isang daan kay Kylie.
"Patas na kayo, huwag na kayong mag-away." sabi ko, puno ng awtoridad bilang nakakatandang kapatid nila. "Sige na. May practice pa kami."
Naglakad na ako palabas, bumubuntong hininga.Mahirap mag-aral, pero mas mahirap ang magpa-aral.
"Ingat, Kuya!" pahabol pa nila. Kumaway nalang ako na hindi sila nililingon.Kabanata 34"Kiro! Ano ba ang nangyayari? Hey, where the hell are you going?! Ano'ng ibig mong sabihing nasa panganib si Nikkolai?!" sigaw ni Nathalia habang hinahabol ako palabas ng hotel. Kahit madami ang tanong na naibato niya sa'kin magmula kaninang nasa kwarto ay wala akong sinagot kahit isa. Hindi na ako nag-abala pang lingunin siya, wala nang oras para pansinin siya sa ganitong klaseng sitwasyon. "Kiro! Kinakabahan na ako sa'yo! What the hell is really happening with Nikkolai?!" Again, I didn't bother to turned to her.Sinubukan kong muling tawagan ang numerong nag-send sa'kin ng message at picture ni Nikkolai na kalunos-lunos ang hitsura, pero cannot be reach na rin tulad ng numero niya. Napahawak nalang ako nang mahigpit sa cellphone ko. Oh, God! Please, answer the call! Pagdating sa labas ay marami akong nababanggang taong nagsasayawan. Hindi na ako nagtangka pang humingi ng dispensa dahil sa sobrang pagmamadali. Sinisigawan ako ng iba, at ang iba naman ay hindi na ako
Kabanata 33"Ayos ka lang ba, Kuya? Maganda naman dito pero bakit parang hindi ka naman nag-e-enjoy?" tanong ni Kylie, bakas sa kaniyang boses ang pagtataka."Oo nga, Kiro. Kanina ko pa napapansin 'yang pagiging aligaga mo. May hinahanap ka ba?" si Ate Lillian na ganoon din ang tono ng kaniyang boses.And because of that, I stopped looking around and shifted back my eyes on them. Puno man ng kolorete ang kanilang mukha ngayon ngunit bakas pa rin ang magkahalong pagtataka at pag-aaala doon. Kahit na balot ako ngayon ng agam-agam ay pinili ko pa rin silang bigyang ng ngiti."Ayos lang ako," palusot ko. "Tinitingnan ko lang ang kabuuan ng isla. Ganda kasi, e. Halatang naalagaan nang mabuti."I gave them my sweetest smile, umaasa ako na mapapawi no'n ang pag-aalala nila ngunit mukhang bigo ako."Sigurado ka?" tanong pa ni Ate Lillian.Mabilis akong tumango."Ayos lang talaga ako, Ate. Don't
Kabanata 32 Love is really sweeter in second time around. Iyon lang ang napagtanto ko simula nang magkabalikan kami ni Nikkolai. Sa bawat halik, bawat yakap, at bawat mga mahihinang bulong ng mga salita ay ramdam ko ang tamis. Ang tamis na akala ko ay nawala sa'min nung iwanan ko siya. Lumipas ang mga araw na naging maayos naman ang pagsasama naming dalawa. Sa pagkakataong ito, wala kaming ibang ginawa kundi ang bumawi sa isa't isa, pinupunan ang mga araw na nasayang namin noon. May mga oras din naman na hindi namin nakakasama ang isa't isa dahil may pinagkakaabalahan kaming pareho; siya sa bayan ng La Castellion, habang ako naman ay ang band career ko sa Manila. Twice a month na rin ako kung umuwi dito sa La Castellion at isang linggo na nanatili dito para makasama siya at ang pamilya ko. Isang taon ang lumipas na gano'n ang ginagawa ko, ginagawa namin. Sinisigurado ko talagang may quality time kaming dalawa.&nbs
Kabanata 31"Sigurado bang wala kayong problema sa akin? Kahit na ganito ako?" tanong ko habang abala ako sa pagtingin ng aking repleksyon sa harap ng salamin, inaayos ang aking itim na buhok gamit ang hair wax.Medyo kumapal na ito dahil medyo matagal na rin simula nung huli kong punta sa barber shop. I also changed my hair style when I was in Manila. From faux hawk cut, I changed it to quiff. Bumagay naman iyon sa diamond shape kong mukha."Sus. Anong problema sa'yo, p're? Hindi naman big deal sa'min 'yan." tugon ni Oliver habang sinusuot ang silver necklace niyaMula dito sa salamin ay kita kong napatingin silang lahat sa'kin sa gitna ng pag-aayos nila sa kanilang sarili para sa magaganap na concert ngayon. Time really flies so fast. Parang noong nakaraan lang ay pinagpaplanuhan palang namin ito, pero heto kami ngayon at naghahanda na.Nandito kami sa i
Kabanata 30"Sigurado kang kaya mong magmaneho? Puwedeng ako naman kung hindi mo kaya."Hindi ko alam kung ilang beses na ba niyang itinanong sa'kin 'yan. Simula palang nung naglalakad kami papunta dito ay kinukwestyon na niya ako tungkol dito."Oo nga. Ang kulit mo," natatawang sagot ko at pinisil ang kaniyang pisngi."I'm just worried. Sabi mo kasi masakit pa rin 'yang..." He pointed pll my butt using his lips. "Baka kasi hindi ka maging komportable sa pagmamaneho mo."Masakit pa rin naman talaga ngunit hindi na naman kasing-sakit tulad kagabi. Medyo mahapdi nalang at minsanan nalang ang pagkirot.Kaninang nag-almusal kami bago umalis sa apartment niya, komportable naman ang pag-upo ko kaya siguradong hindi naman ako mahihirapan sa pagd-drive."Ayos na ako. No need to worry, okay? Atsaka kung sumakit
Kabanata 29"Masakit pa ba?" malumanay na tanong niya mula sa'king likod, rinig ko sa boses niya ang pag-aalala.Kauuwi lang namin dito sa apartment niya. Dito na naming naisipan na umuwi pagkatapos ng nangyari sa'min sa ilalim ng tulay dahil bukod sa ayaw na naming makita kami ng mga tao doon na ganito ang histsura namin, maayos din ang banyo at puwestong pagpapahingahan namin dito.Marahan akong tumango, napapangiwi dahil sa sakit na nararamdaman ko."Medyo nalang. Hindi na katulad kanina."My butt is really in pain right now. Makirot na mahapdi, lalo na kanina habang naliligo kami sa banyo. Siya pa ang nagbuhos sa'kin ng tubig dahil sa panlalambot na naramdaman ko na para akong lalagnatin. Maging ngayon nga sa pag-upo ko sa kama niya ay dama ko pa rin ang nangyari sa'min kanina.That's my first time. Kadalasan kasi na ako ang