Kabanata 2.2
Mamayang alas diez pa ang simula ng practice namin, alas nuebe palang ngayon kaya may oras pa akong pumunta sa Municipal Hall. Dahil hindi naman gano'n kalayo ang bahay sa pupuntahan ko, ilang minuto lang ang tinagal ko sa paglalakad bago nakarating.
Alon ng mga tao ang nadatnan ko pagpasok ko sa loob. Abala ang lahat, may kaniya-kaniyang kailangan gawin o kunin kaya nandito. Nilibot ko ang aking mata sa paligid. Isang beses na akong nakapunta dito pero hindi ko pa rin maiwasan ang hindi mamangha sa pagkakagawa nito. Dalawang palapag ito na malalawak. Kulay krema ang pintura ng bawat dingding kung saan nakasabit ang mga litratro ng mga nagtatrabaho na nakalagay sa malaking frame. Ang sahig naman ay gawa sa puting marmol. Sa mga gilid naman ay nakalagay ang mahahabang upuan na inuupuan ng iilan ngayon. Sa tabi nito ay ang mga halaman na nakalagay sa mga mamahaling vase."Good morning, Miss." bati ko sa dalawang receptionist na nakasuot ng kanilang asul na uniporme. Hapit na hapit doon ang kanilang maumbok na dibdib. Nice!
Gulat silang napatingin sa akin ngunit hindi kalaunan ay napalitan din iyon ng matamis na ngiti. "Yes po? How may I..I help you?" Kinagat niya ang kaniyang labi sa pagkautal.Sinandal ko ang aking braso sa desk nila, ngumisi upang mas madagdagan pa ang karisma ko. "Saan ko makikita ang opisina ni Mayor Servantes?" "Sa second floor po, sir." Iminuwestra ng isa sa akin ang palapag na iyon. "Pagkaakyat mo diyan, makikita mo ang unang kuwarto. Doon po ang office ni Mayor."Tumango ako at nagpasalamat. Bago ko sila tinalikuran ay isang nakakaakit na kindat ang ginawad ko sa kanila. Narinig ko pa ang pag-impit nila ng tili. Pagkaakyat ko doon ay nakita ko nga ang sinasabi ng dalawang receptionist. Sa harapan ng pintuan ay dalawang nakatayong guwardiya ang nkita ko doon. Diretso nalang sana akong papasok pero hinarangan nila agad ako. Problema ng mga 'to?"May kailangan ako sa alkalde. sabi ko.
Hindi sila kumibo. Hindi na ako nakagalaw pa nang umpisahan nilang kapkapan ako. Mula balikat hanggang paa. Binitawan din nila ako nung makasiguro. Ang higpit talaga. Palibhasa maraming galit sa kanila. Pagkatapos ay sila na ang nagbukas ng pinto para sa akin.
Nahinto ako sa paglalakad palapit sa kaniya nang mapagmasdan ko ang ginagawa ni Mayor Nikkolai. Abala siyang nakatutok sa kaniyang cellphone habang nakaupo sa kaniyang swivel chair. Malikot ang bawat daliri niya na pumipindot sa screen, kagat ang ibabang labi.
"Headshot!" He groaned after he heard that sound comes out from his phone. Inilapag niya iyon sa mesa niya saka sinabunutan ang sariling buhok.So he's playing online games, huh?
Tumikhim ako na nakakuha ng atensyon niya. "Hey, Mayor!" Kumaway ako sa kaniya. Namilog ang mata niya nang magtama ang mata namin. Humalakhak ako. Nagmamadali siyang tumayo sa kinauupuan, inayos ang parisukat na salamin na malapit ng malaglag."H-Hey!" He bit his lower lip again. "Kiro, right?" Tango ang itinugon ko sa kaniya. Buti natandaan niya?Naglakad na ako palapit sa kaniya, pinagmamasdan ang bawat sulok ng opisina. Malamig dito sa loob at malinis. Maaliwalas rin dahil wala naman ibang nakalagay dito kundi ang desk niya kung saan nakalagay ang mga gamit niya at mahabang upuan na nakapwesto sa harap. May mga disenyo naman tulad ibaba."Uh...may kailangan ka ba?" tanong niya.
"Wala naman." My eyes darted at him. "Gusto lang sana kitang kumustahin. Nalasing ka kagabi, nawalan ng malay. Sorry pala kung pinilit pa kitang makipag-inuman sa akin kagabi.""No, it's okay. Masararp din naman kaso 'yung alak." He slightly chuckled. "Nga pala, kung ano man 'yong nasabi ko kagabi or nagawa, puwedeng sa atin nalang iyon? Baka makadating kay Dad at-" "Shh! Don't worry. 'Di naman ako ganoong klaseng tao. Ang totoo nga niyan iyon din ang punto ko kaya ako nandito ngayon." sabi ko at umupo.Gano'n din ang ginawa niya saka ibinulsa ang cellphone sa itim niyang pants na pinarisan niya ng puting polo long sleeves. ""I want to help you, Mayor." diretso ko ng sinabi na nagpakunot sa noo niya."Help me from what?"
"Help you to be a good leader." I smiled. "Napaisip kasi ako sa sinabi mo kagabi na gusto mong maging isang mabuting mayor kahit na ayaw mo ang puwestong inuupuan mo, kaya heto ako..." Pinakatitigan niya ako, sinusuri kung seryoso ba ang lahat ng sinabi ko.He breathed heavily and shook his head. "You don't have to. Hindi rin naman ako ang masusunod, hindi ko rin magagawa." aniya."Yon na nga ang point, Mayor, e. Kapag napatunaan mo sa tatay mo na may ibubuga ka, baka hayaan na niyang ikaw na ang mamahala sa lahat na dapat ikaw naman talaga." I explained.
"At paano mo naman gagawin iyon kung pumayag ako?" "Mayor, kung hindi niyo natatanong, ako ang leader ng banda namin. Maganda ang samahan namin ng mga kagrupo ko hanggang ngayon. Ituturo ko lang naman sa'yo ang mga nalalaman ko through my experience."Sana naman pumayag ka na! Parehas naman tayong makikinabang dito. Para na rin hindi ako makonsensya na ginagamit kita para sa pangarap ko.
"Hindi ko alam," sagot niya. "Baka kapag nalaman ni Dad 'to, gugulo na naman. And, ayaw kong maging dahilan pa ako sa pagbawas ng oras para sa banda mo."Napamura ako sa isip ko.
"Edi secret lang natin. Atsaka hindi naman palagi ang ensayo namin. Tuwing biyernes at lunes lang din naman ang gig namin kaya ayos lang. Matutulungn kita kapag rest days at weekends," pilit ko pa.
Katahimikan na naman ang bumalot sa buong kwarto. Bumaba ang tingin niya sa lamesa at doon ay pinipilantik ang mga daliri. I didn't expect this. Akala ko papayag siya agad dahil iyon ang gusto niya, pero hindi."Bakit mo ba ginagawa 'to? We're not even friends. Nag-inuman lang tayo pero it doesn't mean na puwede ka ng manghimasok sa buhay ko, 'di ba?" bakas sa boses niya ang pagkaseryoso.
My jaw dropped.
Oo nga naman. Tama naman siya. Hindi ako puwedeng makialam sa buhay niya, pero paano ko gagawim iyon kung iyon lang ang tanging paraan para makalapit ako sa kaniya na hindi nahihirapan?
I scoffed. "Gusto kitang tulungan kasi alam ko may maitutulong ako sa'yo. I want to do this as your new friend if you want."
I held his hand which was the way why our eyes met again. I can sense the confusion to his hooded eyes; don't know if he's going to accept my offer or not.
"I promise you that I will help you to become a good mayor of La Castellion, and will help you find the freedom you have been looking for…" I smiled to assure him.
Lumunok siya. "Freedom?" mahinang aniya.
I nodded. "Oo, Mayor, kalayaan. Kaya sige na, pumayag ka na. Hayaan mo na akong tulungan ka."
Bago ko pa man makuha ang sagot niya ay bigla nalang tumunog ang notification sa cellphone ko. Isang voice message galing kay Spencer, kasama ko sa banda. Kinalas ko ang hawak ko sa kaniya at ni-play iyon.
"Hoy, pare! Nasaan ka na? Nandito na kami! Late ka na naman gago ka!" inis na sabi niya, rinig ko pa ang tawanan sa backround.
"Pumunta ka na kung saan ka man pupunta, mukhang naghihintay na sila sa'yo. I'll think about your offer." aniya.
I sighed. "Okay. Sabihan mo nalang ako kapag may desisyon ka na."
Dang it! Mukhang kailangan ko na naman ata umisip ng bagong paraan para makalapit sa kaniya, eh?
Tumayo na ako at tinalikuran siya, ngunit ilang hakbang pa lamang ang nagagawa ko ay muli niyang tinawag ang pangalan ko. I turned to him.
"Uh…can i have you number?" Hindi na naman siya makatingin sa akin ng maayos.
Ngumiti ako. "Sure!"
Agad kong hinanap sa cellphone ko ang number ko saka ibinigay iyon sa kaniya para makopya niya."Ite-text nalang kita once I made my decision," sabi niya habang inilalagay sa phone niya ang numero ko.
"I'll patiently wait for that, Mayor…"
Kabanata 34"Kiro! Ano ba ang nangyayari? Hey, where the hell are you going?! Ano'ng ibig mong sabihing nasa panganib si Nikkolai?!" sigaw ni Nathalia habang hinahabol ako palabas ng hotel. Kahit madami ang tanong na naibato niya sa'kin magmula kaninang nasa kwarto ay wala akong sinagot kahit isa. Hindi na ako nag-abala pang lingunin siya, wala nang oras para pansinin siya sa ganitong klaseng sitwasyon. "Kiro! Kinakabahan na ako sa'yo! What the hell is really happening with Nikkolai?!" Again, I didn't bother to turned to her.Sinubukan kong muling tawagan ang numerong nag-send sa'kin ng message at picture ni Nikkolai na kalunos-lunos ang hitsura, pero cannot be reach na rin tulad ng numero niya. Napahawak nalang ako nang mahigpit sa cellphone ko. Oh, God! Please, answer the call! Pagdating sa labas ay marami akong nababanggang taong nagsasayawan. Hindi na ako nagtangka pang humingi ng dispensa dahil sa sobrang pagmamadali. Sinisigawan ako ng iba, at ang iba naman ay hindi na ako
Kabanata 33"Ayos ka lang ba, Kuya? Maganda naman dito pero bakit parang hindi ka naman nag-e-enjoy?" tanong ni Kylie, bakas sa kaniyang boses ang pagtataka."Oo nga, Kiro. Kanina ko pa napapansin 'yang pagiging aligaga mo. May hinahanap ka ba?" si Ate Lillian na ganoon din ang tono ng kaniyang boses.And because of that, I stopped looking around and shifted back my eyes on them. Puno man ng kolorete ang kanilang mukha ngayon ngunit bakas pa rin ang magkahalong pagtataka at pag-aaala doon. Kahit na balot ako ngayon ng agam-agam ay pinili ko pa rin silang bigyang ng ngiti."Ayos lang ako," palusot ko. "Tinitingnan ko lang ang kabuuan ng isla. Ganda kasi, e. Halatang naalagaan nang mabuti."I gave them my sweetest smile, umaasa ako na mapapawi no'n ang pag-aalala nila ngunit mukhang bigo ako."Sigurado ka?" tanong pa ni Ate Lillian.Mabilis akong tumango."Ayos lang talaga ako, Ate. Don't
Kabanata 32 Love is really sweeter in second time around. Iyon lang ang napagtanto ko simula nang magkabalikan kami ni Nikkolai. Sa bawat halik, bawat yakap, at bawat mga mahihinang bulong ng mga salita ay ramdam ko ang tamis. Ang tamis na akala ko ay nawala sa'min nung iwanan ko siya. Lumipas ang mga araw na naging maayos naman ang pagsasama naming dalawa. Sa pagkakataong ito, wala kaming ibang ginawa kundi ang bumawi sa isa't isa, pinupunan ang mga araw na nasayang namin noon. May mga oras din naman na hindi namin nakakasama ang isa't isa dahil may pinagkakaabalahan kaming pareho; siya sa bayan ng La Castellion, habang ako naman ay ang band career ko sa Manila. Twice a month na rin ako kung umuwi dito sa La Castellion at isang linggo na nanatili dito para makasama siya at ang pamilya ko. Isang taon ang lumipas na gano'n ang ginagawa ko, ginagawa namin. Sinisigurado ko talagang may quality time kaming dalawa.&nbs
Kabanata 31"Sigurado bang wala kayong problema sa akin? Kahit na ganito ako?" tanong ko habang abala ako sa pagtingin ng aking repleksyon sa harap ng salamin, inaayos ang aking itim na buhok gamit ang hair wax.Medyo kumapal na ito dahil medyo matagal na rin simula nung huli kong punta sa barber shop. I also changed my hair style when I was in Manila. From faux hawk cut, I changed it to quiff. Bumagay naman iyon sa diamond shape kong mukha."Sus. Anong problema sa'yo, p're? Hindi naman big deal sa'min 'yan." tugon ni Oliver habang sinusuot ang silver necklace niyaMula dito sa salamin ay kita kong napatingin silang lahat sa'kin sa gitna ng pag-aayos nila sa kanilang sarili para sa magaganap na concert ngayon. Time really flies so fast. Parang noong nakaraan lang ay pinagpaplanuhan palang namin ito, pero heto kami ngayon at naghahanda na.Nandito kami sa i
Kabanata 30"Sigurado kang kaya mong magmaneho? Puwedeng ako naman kung hindi mo kaya."Hindi ko alam kung ilang beses na ba niyang itinanong sa'kin 'yan. Simula palang nung naglalakad kami papunta dito ay kinukwestyon na niya ako tungkol dito."Oo nga. Ang kulit mo," natatawang sagot ko at pinisil ang kaniyang pisngi."I'm just worried. Sabi mo kasi masakit pa rin 'yang..." He pointed pll my butt using his lips. "Baka kasi hindi ka maging komportable sa pagmamaneho mo."Masakit pa rin naman talaga ngunit hindi na naman kasing-sakit tulad kagabi. Medyo mahapdi nalang at minsanan nalang ang pagkirot.Kaninang nag-almusal kami bago umalis sa apartment niya, komportable naman ang pag-upo ko kaya siguradong hindi naman ako mahihirapan sa pagd-drive."Ayos na ako. No need to worry, okay? Atsaka kung sumakit
Kabanata 29"Masakit pa ba?" malumanay na tanong niya mula sa'king likod, rinig ko sa boses niya ang pag-aalala.Kauuwi lang namin dito sa apartment niya. Dito na naming naisipan na umuwi pagkatapos ng nangyari sa'min sa ilalim ng tulay dahil bukod sa ayaw na naming makita kami ng mga tao doon na ganito ang histsura namin, maayos din ang banyo at puwestong pagpapahingahan namin dito.Marahan akong tumango, napapangiwi dahil sa sakit na nararamdaman ko."Medyo nalang. Hindi na katulad kanina."My butt is really in pain right now. Makirot na mahapdi, lalo na kanina habang naliligo kami sa banyo. Siya pa ang nagbuhos sa'kin ng tubig dahil sa panlalambot na naramdaman ko na para akong lalagnatin. Maging ngayon nga sa pag-upo ko sa kama niya ay dama ko pa rin ang nangyari sa'min kanina.That's my first time. Kadalasan kasi na ako ang