Si Vance Haidezo, isang friendly, hard working and charismatic Journalist. Naatasan siya para sa isang private project ng TV Station na pinapasukan niya. He will make a documentary film for the daily life of a billionaire heir. Hindi niya inaasahan na ang tinutukoy na tagapagmana ay si Steven Kiazxon. Si Steven Kiazxon na heartthrob, bad boy ay boyfriend niya Vance noong nasa college sila na hanggang ngayon ay mahal na mahal niya. Vance waited him after Steven promised to come back but suddenly disappeared three years ago. Now that they meet again. Akala ni Vance tapos na ang paghihintay niya pero hindi pala dahil hindi na siya kilala ni Steven na nagka-amnesia. Ano ang dapat gawin ni Vance para maalala siya ng nobyo? Paano niya gagawin 'yon kung nakalimutan na din ni Steven ang tunay nitong pagkatao? Na ang kaya din nitong ibigin at pangarapin ay isang lalakeng kagaya niya... "Steven, kung hindi ako maalala ng isip mo, ipapaalala ko 'yon sa puso mo. Ramdam kong alam mong mahalaga ako sayo kaya maghihintay ako hanggang sa maalala mo ako. Nababasa ko sa mga mata mong mahal mo pa rin ako kaya hindi ako susuko." - Vance. Anong misteryo ang matutuklasan ni Vance sa pangyayari tatlong taon na ang nakakaraan na dahilan ng pagkawala ng alaala ni Steven?
View MoreVance's POV
"VANCE mahal kita!" sigaw ni Steven sakin nang talikuran ko siya.Napahinto ako.
Napigilan ko ang sarili kong lingunin siya pero hindi ang pagpatak ng mga luha ko.
Humugot ako ng malalim na paghinga. Umaasa akong mawala ang sakit na nararamdaman ko.
Sinikap kong maging matatag ang boses ko, "Hindi na 'yon mahalaga," pikit ko, "makakaalis ka na-"
"That matters to me!" hatak niya sa braso ko.
Nanghihina ako kaya madali niya akong naisandal sa pader. Yumuko ako, nanalangin akong hindi niya makita ang mga luha ko.
"Sakin mahalaga 'yon," angat niya sa mukha ko.
Nagtama ang mga mata namin ni Steven.
For the last time. Gusto kong matitigan ang mukha niya, mabasa ang mga mata niya at marinig ang boses niya ng masmalapitan.
Naramdaman ko ang hirap ng kalooban niya ng humugot siya ng malalim na paghinga.
"Mahalaga sakin na malaman mong mahal na mahal kita Vance," paos at seryoso niyang sabi.
Napakagat-labi ako.
Shit! hindi ko mapigilan ang pagpatak ng luha ko.
"Bakit pa Steven?"
Gago ka! lalo mo lang akong pinapahirapan at sinasaktan!
"Para magkaroon ako ng pag-asa na mahihintay mo ako..."
Namuo ang luha sa mga mata ko.
Hindi ko na napigilang tuluyang mapaiyak.
Ang sama mo!
Nanghihina akong hinampas ang kamao ko sa dibdib niya. Tinanggap niya 'yon.
Gusto ko na siyang yakapan sa pangalawang pagkakataon na ginawa ko 'yon.Hindi siya natitinag. Marahan niyang pinahid ang mga luha ko.
Napapikit ako nang damhin ang mga kamay niya sa pisngi ko.
Halos magmakaawa na ako nang magmulat ako't salubingin ang titig niya.
Nag-iwas siya nang tingin sakin saka pumikit.
"Wag kang umalis..." pakiusap ko.
Nahampas niya ang pader sa gilid ng ulo ko ng muli niya akong tignan.
Namuo ang luha niya na kanina pa niya pinipipigilan. Kita ko ang sakit at hirap ng kalooban sa bawat pagtaas at baba ng paghinga niya.
Pakiramdam ko kapag hiniling ko ulit sa kanya 'yon, mananatili talaga siya sa tabi ko.
Umiling ako't niyakap siya.
Hindi pwede! Gustuhin man naming manatiling magkasama ngayon, alam kong hindi pwede. Kailangan niyang umalis.
Ramdam ko ang piit niyang pagluha.
"Babalik ako... Vance," higpit ng yakap niya sakin, "mahihintay mo ako di ba?"
Sinapak ko ang likod niya.Maghintay ang salitang ayokong marinig mula sa kanya. 'Yong mga nagsasabi kasi ng ganon madalas napakatagal bumalik.
Halos tumutol ako ng humiwalay siya sa katawan ko.
Ayoko!
Hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya.
Umiiyak lang ako. Hindi nagsasalita.
"Hintayin mo ako... Please... Babalikan kita..." pabulong niyang sabi.
Muling humigpit ang yakap niya sakin. Hinayaan niya akong umiyak muna tapos maya-maya ay nagsalita na siya.
"Vance, imulat mo ang mga mata mo at tignan ang pagsikat ng araw."
Ginawa ko ang sinabi niya habang hinahaplos niya ang likod ko.
Nakita kong unti-unting sumisikat ang araw. Napakaganda niyon pero nakakalungkot.
"Sa susunod na pagsikat ng araw darating ako, pangako..." humigpit pa ang yakap niya. "Sa araw na 'yon hindi na tayo magkakahiwalay."
Unti-unting kumakalma ang puso ko at umasa sa sinabi niya.
Napasinghap ako, "Steven, ayoko ng matagal!"
Baka mamatay ako sa lungkot!
"Wag mo kong paghintayin ng matagal Steven!"
Napaiyak ako matapos kong maalala ang huling pagkikita naming 'yon ni Steven.
"Steven, bakit mo ako pinaghihintay ng matagal?!"
Dumilat ako nang tumama ang sinag ng araw sa mukha ko.
Napakasakit... Hindi ako makahinga sa sakit...
Ilang taon nang sumisikat ang araw tulad ngayon pero wala pa ding Steven na bumabalik.
Unti-unting humakbang ang mga paa ko sa kalawakan ng kalupaan kung nasaan ako.
Hakbang na naging takbo, takbo na pabilis nang pabilis.
Nasanay na akong pagurin ang sarili ko kapag pakiramdam ko hindi na ako makahinga.
Nasa motocross track ako ngayon. Okay lang naman na tumakbo ako nang tumakbo dito ngayon dahil sabi ng tagapangalaga, wala namang gagamit ng lugar na 'yon ngayon dahil pansamantala itong nakasarado.
Ang motocross field na to ay isa sa pagmamay-ari ng misteryosong bilyonaryong tagapagmana na gagawan ko ng documentary film ang pang araw-araw niyang buhay.
Kagat-labi kong inakyat ang pabundok pero may patag sa ibabaw na disenyo ng isa sa mga obstacle doon. Kung hindi ako nagkakamali 'yon ang tinatawag nilang tabletop track.
Napahinto ako nang mapansin kong maputik na ang tinatakbuhan ko. Pagod akong napayukong naitukod ang kamay ko sa hita ko habang naghahabol ng paghinga.
Napatingala ako sa araw, naiinis ako. Pakiramdam ko sinusundan niya pa din ako para saktan ako ng mga alaala ni Steven.
Hindi ko napigilan ang sarili sigawan ang araw na 'yon!
"Ano pa bang gusto mo?! Ilang libong ulit ka pang sisikat bago dumating sa harap ko si Steven?!" sigaw ko at saka parang na babaliw na ngumiti.
Bakit nga ba 'yong araw ang sinisisi ko? Si Steven ang dapat sumagot sakin kung bakit ang tagal niyang dumating!
"Steven! bumalik ka na?! Wag mo na akong paghintayin ng matagal! Nasaan ka na? Ilang libong pagsikat pa ba ng araw ang hihintayin ko bago kita makasama?!"
Napaiyak ako. Ume-echo sa paligid ang boses ko.
Napatingala ako sa kalangitan. Umaasa na baka may sagot akong makuha doon.
Ilang saglit pa, may narinig akong tunog ng motorcycle na papalapit sa kinaroroonan ko.
Nagulat ako ng may motorcycle na lumipad sa ere. Parang nag-slow-motion ang buong paligid nang mag-hang sa ere ang rider niyon.
Nagulat ako. Hindi ko alam ang gagawin ko.
Ang bilis ng pangyayari. Nanatili akong nakatayo't nakatanaw sa naka-motor. Kitang kita ko kung paano humiwalay 'yong rider sa motorcycle nito. Ang motorcycle papunta sa kanan tapos 'yong lalake sa kaliwa naman, papunta sakin.
Tumalon ito! Tila lumilipad na pabagsak sakin!
Kumabog ng malakas ang dibdib ko habang pabagsak siya sakin.
Natatakot ako pero gusto ko siyang iligtas. Iniisip ko kung iiwasan ko siya mapapasama ang bagsak niya.
Sasaluhin ko siya! Tama, ganon ang dapat kong gawin!
Pero hindi pala ganon kadali.
Sinalubong ko ang katawan niya at nang maglapat ang katawan namin, naramdaman kong napakalakas ng pwersa niya.
Nayanig ang buong katawan ko.
Nawalan ako ng kontrol at tuluyan na niyang natangay nang bumagsak kami sa putikan at nagpagulong-gulong pababa sa lupa.
Ang sakit sa katawan, nahihilo ako at takot na takot.
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Nakayakap sakin ang lalake at hindi ako binibitawan. Ramdan kong iniingatan pa niya ako.
Nang huminto kami, nakaibabaw ako sa kanya habang nakayakap sa dibdib niya.
Nagtama ang mga mata namin nang tignan ko siya. Hindi ko maitsurahan ang mukha niya dahil nakasuot ito ng goggles at helmet. Nataranta ako nang makita ko ang dugo sa mukha niya.
Ipinagpasalamat ko nang maramdaman ko pa ang paghinga niya.
Pumihit ako pakalas sa kanya pero umangat ang braso niya at yumakap sakin. May lakas pa siyang hindi ako pakawalan.
Hindi ko alam kung bakit naramdaman kong nagliparan ang mga butterfly sa tiyan ko. Ito 'yong pakiramdam ko kapag nasa malapit sakin si Steven.
Umangat ang kamay ko para kilalanin kung sino ang rider.
Nang biglang may malakas na pagsabog kaming naramdaman.
Hindi ako makapaniwala na sumabog ng ganon kalakas ang motorsiklo niya.
Impossible. Paanong nangyari 'yon?
Ang pagsabog na 'yon ay napakalakas na nagpayanig sa lupa at samin.
Naramdaman ko ang impact at init na hatid niyon saka ko napansin ang pag-agos ng dugo mula sa ulo ko.
Tuluyan akong nanghina. Naramdaman ko din ang pagbitaw ng yakap niya sakin.
Pumatak ang luha ko.
Narinig ko pa ang boses ng mga taong papalapit samin bago ako mawalan ng malay.
"Steven!"
----- ----- ---- ----Disclaimer
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the auhor's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.VANCE'S POVMAYA-MAYA pa ay tumayo na sina Steven, Ryker, Ivan at Dert at saka sabay-sabay silang naglakad.Bumibilis ang tibok ng puso ko habang pinagmamasdan ko si Steven. May kung anong humahaplos sa puso ko dahilan para bahagyang humupa ang galit ko. Hindi ko maiwasang makaramdam ng paghanga sa kanya.Mula palang sa pagtayo niya, pagsuklay ng mga daliri sa buhok niya, pagbuntong hininga habang saglit na nagkagat-labi, ang pamumulsa niya at ang paglakad niya habang sinasabayan ang tatlo ay naging kaakit-akit sa paningin ko. Parang nag-slow motion ang paligid habang naglalakad sila. Para bang nanonood ako ng isang music video. Tila isang magandang tugtugin ang nabubuo sa pagpintig ng puso ko habang sinusundan ng mga mata ko si Steven. Kasunod ng pag-ihip ng hangin ang tila tuluyang pagtangay niyon sa galit sa dibdib ko, natira nalang ang damdamin kong muling nahuhulog para sa kanya.Ah, paano niya nagagawang galitin ako at pawiin 'yon agad ng hindi niya namamalayan?"Wow!" biglang
VANCE'S POVNAKATUTOK ang atensyon ko sa cellphone nang maramdaman ko ang pag-park ng sasakyan sa gilid ng kalsada. "Vance may kukunin lang ako, hindi ako magtatagal. Dito ka muna," dinig kong sabi ni Davion sabay tanggal ng seatbelt niya.Papunta kami ngayon sa shooting site kung saan namin gagawin ang isang short film. Ako ang isa sa kinuha nilang pansamantalang magiging kapalit ng cinematographer nila."Okay," sulyap ko sa kanya sabay tingin sa labas ng sasakyan kung saan kami huminto. Kasabay nang pagsara ng pinto ang pagkalabog ng puso ko nang matanto kong nasa lugar kami malapit sa iniiwasan kong puntahan, ang building kung saan nakaburol ang labi ni Drew. Nasa loob na kami ng University. Bakasyon pa naman pero marami pa ring estudyante ang pumupunta dito. Ang iba ay dahil sa summer classes, trainings, activities at iba pa tulad ng burol ni Drew. May tatlong araw nang nakaburol si Drew. Tinanggap ng Unibersidad namin na dito siya iburol bilang pagkilala sa kanyang mga magand
VANCE'S POV"SINO ka?" sabay naming tanong nang mahawakan ko ang braso niya.Isang binatilyo na sa tantsa ko ay nasa high school palang. Matalim ang mga tingin niya sa akin. Napansin ko agad ang pagkakahawig niya kay Drew kaya agad kong binitawan ang braso niya."Sinong nagpadala sayo?!" sunod niyang tanong. Pero bago pa ako makasagot ay muli na namang umigkas ang mga kamao niya papunta sa akin. Muli kong inilagan ang mga 'yon.Umatras ako ng masmalayo sa kanya at saka nagtaas ako ng kamay. "Sandali-" Ngayon ay umigkas na din ang mga paa niya sa ere para patamaan ako.Ah! wala siyang balak na pakinggan ako. Umiilag lang ako at umaatras.Kahit na inilagay ko ang dalawang kamay ko sa bulsa ko ay hindi pa rin siya tumitigil. Hindi nito makuha na wala akong planong lumaban sa kanya at mukhang hindi din ito madaling sumuko para tamaan ako. Kita ko ang matinding galit sa mga mata niya... Galit para sa isang kalaban... Kalaban na banta sa buhay niya at sa mga taong mahalaga sa kanya.
VANCE'S POVNAGKAGAT-LABI ako nang pigilan ko ang emosyong gustong kumawala sa dibdib ko. Ngayong gabi nakita ko ang pagluha ng tatlong taong mahalaga sa buhay ko at ayoko ng ganitong pakiramdam.Una si Steven, pero ganon pa man ipinagpapasalamat ko na sa gitna ng pagluha niya ay mababakas ang tapang sa mga mata niya na harapin ang lahat ng ito. Si Davion, nakita ko ang palihim niyang pagluha habang nasa medyo madilim ang kinaroroonan namin kanina. Kita ko ang sakit at pagsisisi sa mukha niya.At ngayon ulit si Wena...Kumuyom ang kamao ko. Tama bang ako talaga 'yong nasa tabi nila ngayon?Naalala ko ang sinabi ni Steven kanina bago niya ako iwan sa mga kaibigan ko. "Even if this is happening, gusto kong nasa tabi kita dahil ikaw ang pinagkukunan ko ng lakas at dahil mahalaga ka sa akin. So it is okay to let your friends know that you are here for them, dahil alam kong mahalaga ka rin sa kanila at isang kaibigan na pwede din nilang pagkunan ng lakas."Dinama ko ang malamig na pag-
VANCE'S POVNAPAPIKIT ako. Napapikit ako para hindi na tumatak pa sa alaala ko ang pag-alis ni Wena tulad ng pagtatak sa isip ko ng pag-alis ni Steven kanina na sumusugat ngayon sa puso ko.Umawang ang labi ko nang gumuhit ang sakit sa puso ko. Napahagulgol ako ng iyak. Napakasakit. Nahihirapan akong huminga. Pakiramdam ko may nakatarak sa puso ko na hindi ko kayang tanggalin.Kumuyom ang mga kamao ko. Napadilat ako. Tumingala sa kalawakan at saka sumigaw.Sumigaw ako ng napakalakas. Ibinuhos ko sa pagsigaw ang bigat sa dibdib ko na hindi ko kayang bitbitin ng matagal.Sumuntok ako sa lapag. Ibinuhos ko sa pagsuntok ang galit, takot at sakit sa puso ko. Umasa akong mababawasan ang nararamdaman ko pero hindi. Habang nasa alaala ko kung ano ang sitwasyon namin ngayon, lalo lang akong nahihirapan. Lalo kong nakikita kung gaano ka-komplikado ang lahat."Tang-nang buhay to!" sigaw ko ng ibwelo ko ang kamao ko para sa pinakamalakas na suntok na kaya kong ibigay sa lapag. Nang biglang m
VANCE'S POVNANATILI lang silang nakatingin sa akin. "Tulad ni Wena mga human rights advocates sila," pa-uulit ko, "mga aktibista lang sila at hindi armaduhan!""Wala silang pakialam," agad na sagot ni Braxton bago niya ibuga ang usok ng sigarilyo, "at alam mo dapat 'yon," madiin pero maingat niyang sabi.Para akong sinampal sa sinabi ni Braxton. Blangko akong napatitig sa kanya.Ah! oo nga pala. Kilala ko ang Tito at ang Daddy ko.Tinatawag silang tagapaglingkod ng bayan pero humihinga at umaakto sila na pag-aari nila ang lahat ng meron sa probinsya namin pati na ang mga tao, pati ang mga buhay nito. Kahit na iniluklok sila ng taong-bayan para magsilbi, gampanan ang posisyong sinumpaan nila at tuparin ang mga pangako nila tuwing eleksyon.Ang totoo, umupo sila sa posisyon para sa pansarili nilang interes at kapakinabangan, para sa pera at kapangyarihan. Posisyon na magbibigay proteksyon sa interes nila at magbibigay katuwiran sa mga mali nilang desisyon na ikinapapahamak ng mamamaya
VANCE'S POVSINALUBONG nina WENA at Braxton si Steven at sa inaya na lumayo sa karamihan.Tipid akong ngumiti at tumango nang akbayan ni Braxton si Steven at saka sumenyas sa akin na hihiramin muna nila ito at silang tatlo lang muna nila Wena ang mag-uusap.Humugot ako ng malalim na paghinga ng hindi nagtama ang mga mata namin ni Steven. Nag-aalala ako dahil mahahalata sa mukha niya ang pag-aalala pagkatapos niyang kausapin ang Tita niya sa cellphone.Nagsasalit-salitan ang tingin ko kina Wena at Steven. Hinintay kong lingunin nila ako pero hindi nangyari.Tinawag ko si Wena pero hindi na niya ako napansin, parang lumulutang ang isip niya habang nagbabasa at nagta-type ng messages sa cellphone niya."Vance,” tawag sa akin ni Davion, dinig kong may galit sa tono niya.Nadatnan kong pinapakalma niya ang sarili nang lingunin ko siya. Huminga siya ng malalim bago muling tumingin sa akin."Hayaan muna natin silang mag-usap.""I think so." Lapit sa amin si Xiana, ang girlfriend ni Davion."
VANCE'S POVNARAMDAMAN kong saglit na humigpit ang hawak ni Steven sa kamay ko habang tinatanaw namin ang ganda ng kabilugan ng buwan. Nakaupo kami ngayon sa tabi ng dagat. Nakayakap sa likod ko si Steven habang nakaupo ako sa pagitan ng mga hita niya. Magkayakap kaming dinadama ang init ng aming mga katawan sa gitna ng malamig na gabi.Kani-kanina lang ay mayroong bonfire sa harap namin pero pinatay na namin 'yon nang sakupin ng liwanag ng buwan ang paligid. Mas ginusto namin na ang buwan nalang ang magbigay liwanag sa amin. May mga sandaling hinahayaan namin na manahimik ang isa’t isa at hayaang pagmasdan lang ang buwan. Mga sandaling tila napagod na kami sa dami ng mga kwentuhan namin na parang walang katapusan. Sabay kaming napasulyap sa mga kaibigan ko sa di kalayuan nang marinig namin ang tawanan nila. Naglalaro sila habang nakapalibot sa bonfire. Nangingibabaw ang boses ni Wena na halatang inaasar na naman siya ng mga kaibigan kong lalaki. Napangiti ako pagkatapos ay muli k
VANCE'S POV"GUSTO na kitang pasukin Babe," pabulong ko, para akong mabubulunan sa kaba. Ramdam ko ang bigat ng kahilingan kong iyon.Nagkatitigan kami. Nagsusumamo ang titig ko sa kanya.Pilyo siyang ngumisi at saka niya ako biglang inatake ng mainit na halik. "Of course... I'm yours..." hila niya sa akin pahiga sa sofa. "I'm ready to be used by you..."Nanginginig ako sa sari-saring emosyon na nararamdaman ko.Humiga kaming magkatagilid ni Steven sa sofa. Nakatagilid akong nakaharap sa kanya habang nakatalikod siya sa akin. Inabot niya ang labi ko ng lingunin niya ako. Habang naghahalikan kami ay may hinila siyang maliit na drawer sa bandang ibaba ng sofa. Nakita ko mula doon ang mga condoms at lubricant gel. Kumuha siya ng mga 'yon. Kukunin ko na sana sa kanya ang condom para ako na ang magsuot niyon sa pagkalalaki ko ng bigla niyang punitin ang lalagyan niyon gamit ang ngipin niya. Mabilis ang kilos ni Steven na para bang mas nasasabik pa siya kaysa sa akin. Napatitig nalang
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments