Mistake I won't Regret

Mistake I won't Regret

last updateLast Updated : 2023-11-27
By:  Ansh Marie ToperzCompleted
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
39 ratings. 39 reviews
119Chapters
12.0Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

"I'm sorry Avry, let me explain.." Buong pusong pakiusap ko sa kanya. Nasasaktan ako. Ang sakit sakit. Bakit masakit? All of it is just part of the game. Make her fall in love with me yet ako ata ang nahulog ng malala. "Save it, Ice. I don't need it. Don't worry we're even. Hindi naman kita minahal." Bumalik ang walang emosyon niyang mukha. Bakit ganun? Parang mas masakit pa to kumpara sa lahat ng naging break ups ko? Ayaw ng tumigil ng mga luha ko.

View More

Chapter 1

Chapter 1 Our First Meeting

[Ice Queen Samson]

I'm Samson, but they call me the Ice Queen. A literal ice queen, because everyone avoids me.

I’m 18 years old, a first-year BS Architecture student, and unfortunately, my family owns Samson University.

My great-grandpa built it; it was passed down to Grandpa, and now my parents run it.

Aside from the college, the junior and senior high school departments are also located here.

Today is the first day of classes. I was walking down the corridor toward my room when suddenly, someone bumped into me incredibly hard.

I clutched my arm from the sharp impact. My eyes narrowed, and one corner of my lips twisted in annoyance.

Ouch!

I looked at the lanyard of their ID. This person is also a first-year college student, but we have different majors.

"S-sorry..." nauutal na sabi niya habang natatarantang pinupulot ang mga nagkalat niyang gamit sa sahig.

Pinagmasdan ko lang siya nang malamig. Unang araw pa lang ng semester, mukhang masisira na agad ang buong taon ko.

"Wala ka bang mata?!" mariing asik ko sa kaniya.

Habang sinusundan ko siya ng tingin, sa likod ng utak ko ay sinasabunutan ko na siya sa inis.

"Sorry talaga," muling sambit niya nang magtama ang mga mata namin habang tumatayo siya.

"This isn't a track and field. You are in the corridor, Miss Eyeglasses," iritableng banat ko.

She was wearing thick, black-framed glasses, pero kahit ganoon, hindi nakaligtas sa paningin ko ang asul niyang mga mata.

Nabaling ang atensyon ko roon kahit saglit—siguro dahil mixed blood siya o foreigner. Pero siyempre, hindi sapat ang magandang mata para palagpasin ko ang kapabayaan niya.

"Again, sorry."

Nakasimangot ko na lang siyang tinalikuran nang hindi man lang tinatango ang huling paumanhin niya.

Padabog ang bawat hakbang ko palayo.

What's the use of her sorry? The damage has been done. Mababalik ba ng salita niya ang maayos kong mood? Ang tanga lang. Nakakainis.

Pabagsak kong ibinaba ang bag ko sa tabi ng napili kong upuan pagkapasok sa room.

"Ang Ice Queen natin, bad trip agad sa unang araw..." asar na banat ni Drei, isa sa mga ex ko.

Ewan ko ba kung bakit hanggang sa kursong pinili ko, sinusundan pa rin ako ng ulupong na 'to.

Kung kilala ko ang sarili ko, alam kong hindi pa siya nakaka-move on sa akin hanggang ngayon.

Naging kami noong junior high school at nitong nakaraang buwan lang kami nag-break.

Nahuli ko lang naman siyang may ka-sex na iba sa sarili niyang condo.

He was my longest, most serious relationship.

Todo-buhos ang investment ko sa kaniya kumpara sa mga naging past ko.

Kaya mas masakit.

Primordial reason? Ipinakilala ko na siya kay Mom at sa kapatid kong si Izzy.

Pero gago siya, hindi siya nakapaghintay.

Date-to-marry kasi ang prinsipyo ko, at ibibigay ko lang ang sarili ko sa lalaking pakakasalan ko sa harap ng altar.

Yes, I'm still a virgin, and I'm damn proud of it.

Hindi ko pinansin ang presensya ni Drei. Binaling ko na lang ang pansin ko sa bagong bili kong phone.

"Hey! Ice!" Heto na naman ang best friend kong si Rafa, patakbong lumapit sa puwesto ko. "Oh, bakit ganyan ang mukha mo?"

Inirapan ko siya bago bumalik ang tingin ko sa screen.

Ang ingay kasi ng buong silid, parang nabubulabog ang mga ugat ko sa ulo.

Humila si Rafa ng upuan patabi sa akin, pero bago siya umupo, nagawa niya pang batukan si Drei sa daan.

Deserved.

Saksi si Rafa kung paano ko iniyakan si Drei nang gabing nalaman ko ang panloloko niya.

Hindi naman iyon ang unang beses na umiyak ako dahil sa lalaki; mukhang lahat naman ng naging ex ko, iniyakan ko.

O baka sadyang mababaw lang talaga ang luha ko sa likod ng lahat ng ito.

Karamihan kasi ng mga estudyante rito sa Samson University, tingin sa akin ay nakatatakot, unapproachable, at walang puso.

Nabuo ang impresyong iyon nang hindi man lang ako personal na nakikilala.

Kaya ang ginawa ko, pinanindigan ko na lang.

Pagdating naman sa relasyon, kabilang ako sa mga babaeng 'gustuhin pero hindi pinu-pursue.' Saklap ng reality, 'di ba?

Kahit gaano ka pa kaganda, kalambing, o ka-effort, kapag ginusto talaga nilang magloko, all your exceptional qualities will be thrown directly into the trash.

Just like that.

Mga hayop na manloloko.

Sa ganda kong 'to, nakukuha pa rin akong pagtaksilan ng mga lalaking mas pangit pa sa akin.

"What's wrong?" tanong ulit ni Rafa, pero dahil wala ako sa mood, hindi ko siya sinagot.

Sumunod namang dumating ang isa ko pang best friend, si Xander.

Pumosisyon siya sa kabilang tabi ko at gaya ng ginawa ni Rafa, hinila niya rin ang upuan niya palapit sa akin.

Naipit tuloy ako sa gitna nilang dalawa.

"Sinong umaway sa Ice Queen ko?!" malakas na anunsyo niya na umalingawngaw sa buong room.

Napalingon tuloy ang ilang kaklase namin.

Hindi ko rin siya pinansin.

Ganito talaga ako kapag nabadtrip sa umaga; dinadamay ko na ang buong araw.

"Ice Queen!" Taas ang dalawang kamay na humarang naman sa harap ko si Kera, ang isa pa sa clique namin.

Silang tatlo lang ang totoong nakakakilala sa kung sino talaga si Samson.

Sila lang ang nakatatagal at nakasasabay sa ugali ko, at ganoon din ako sa kanila.

"Today is the start of your penitence," bungad niya na may halong pang-aasar. Umikot lang ang mga eyeball ko sa sinabi niya. Lalo lang akong naiirita.

Ako kasi ang natalo sa inuman kagabi sa mismong bar ng pamilya nila.

Ewan ko ba, first time kong malasing nang ganoon kabilis. Malakas ang alcohol tolerance ko, pero kagabi, tila naglaho iyon na parang bula.

Iniisip ko nga kung may inihalo silang kung ano sa inumin ko para lang matalo ako sa pustahan. Pero hindi pa naman ako totally talo sa pangkalahatan.

Nakagawian na kasi namin taon-taon ang larong ito tuwing pasukan.

"Fine..." pagsisimula ko habang wala pa ang propesor namin para sa unang subject.

"Alright!" excited na hirit ni Rafa. Nagmukha kaming mga sindikato na may hidden agenda dahil sa posisyon ng kumpulan naming apat sa gitna ng silid.

"So, anong gagawin ko?" hamon ko sa kanila. May consequence ang unang nalalasing sa amin. The whole freaking school year, wala akong choice kundi sundin ang kahit anong mapagkasunduan nilang parusa para sa pagkatalo ko.

"Bisexual ka naman, 'di ba?" nakakalokong taas-baba ng kilay ang ibinato sa akin ni Xander.

"So?" tipid kong sagot. I crossed my arms and legs, looking out into nothingness to hide my tension.

Nagpalitan ng makahulugang tingin ang tatlo, dahilan para makunot ang noo ko. Anong binabalak ng mga hayop na 'to?

"We have our prey," nakangiting deklara ni Kera.

"Don't worry, Ice. We know you can do it. Wala ka namang hindi kayang gawin, 'di ba?" hamon naman sa akin ni Rafa.

"Oh, come on, guys. Get to the point," naiinip na sinabi ko sa kanila.

"There is this girl na kailangan mong..." binitin ni Xander ang sasabihin niya habang nakatitig sa akin.

"Ano? Who's the lucky girl?" asik ko. Ayaw pa kasing sabihin agad, may pabitin effect pa ang gago.

"Makikilala mo rin siya. Huwag kang atat," dugtong naman ni Kera.

Talagang nagkaoras pa silang maghanap ng mabibiktima bago pumasok? Ang tatalino talaga pagdating sa kalokohan.

"Her name is Avry Valeri Blossom—"

"At talagang kumpleto pa ang pangalan, huh," putol ko kay Rafa habang dahan-dahang tumatango ang ulo ko.

"Of course, kami pa ba? Actually, sa bar lang din namin siya napulot," halos sabay nilang paliwanag.

"Anong kinalaman ng babaeng 'yan sa ipapagawa ninyo sa akin, aber?!" Medyo tumataas na ang boses ko sa parteng ito.

"You have to make her fall in love with you," sabay-sabay nilang deklara.

"Oh, gosh! Wala na bang mas mahirap? Iyon lang ba?" Napa-smirk ako. Lahat ng gusto ko, nakukuha ko. Kaya kong paikutin kahit ang mga babaeng straight kung nanaisin ko.

Umiling-iling si Xander habang tumatawa. "See? I told you guys, dapat nag-isip tayo ng mas mahirap na dare," pag-aalinlangan naman ni Rafa.

"Aha... Huwag magsalita nang tapos," pagpigil ni Kera sa amin. Napako ang tingin naming tatlo sa kaniya. "...Valeri is different. Good luck sa iyo, Ice," may pananakot sa tono niya.

"Why? Do you know her?" usisa ni Xander.

"Not personally, pero nakikita ko siya sa village namin."

"Nakikita mo lang, nasabi mo nang different agad?" banat ni Rafa kay Kera.

Hayan na naman sila, sila-sila na ang nag-uusap habang ako ay nanatiling tahimik dahil sa natitirang inis mula kaninang umaga.

Wala akong pakialam sa babalang sinasabi nila dahil 100% akong sigurado na hindi uubra sa ganda ko ang Avry na iyon, kung sino man siya. Wala pang tumatango o tumatanggi sa isang Ice Queen. Isa pa, paiibigin ko lang naman, hindi ko naman jodyowain habambuhay. Basic.

Bigla ko na namang naalala ang babaeng nakabangga sa akin kanina. May araw din sa akin ang isang 'yon. Hindi pa kami tapos.

Matapos ang dalawang subject, tumunog na ang bell para sa lunch break kaya dumiretso na ang buong tropa papuntang cafeteria.

"Xander..." tawag ko sa kaniya habang naglalakad kami.

"What?!" sagot niya, sabay salo sa bag ko na agad kong ibinato sa kaniya. Napalingon din si Rafa at Kera.

"I'll catch up," sabi ko bago tumakbo patungo sa pinakamalapit na comfort room. Umhi lang naman ako.

Pagkatapos kong gumamit ng cubicle, naghugas ako ng kamay at nagpatuyo gamit ang tissue bago ito itinapon sa trash can. Palabas na sana ako ng p***o nang mapansin ko ang isang pigura na papasok.

Napakunot ang noo ko habang bumabagal ang mga hakbang ko. Bakit ba palagi na lang siyang naglalakad nang nakayuko? Like, what the hell? Umiral ang pagiging matigas ang ulo ko, kaya sinadya kong huwag umiwas sa dinaraanan niya.

Bumangga ang nakatungo niyang ulo nang bahagya sa dibdib ko.

"S-sorry..." anas niya.

"It's you again..." malamig kong sabi habang nakatitig sa kaniya.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


Ratings

10
100%(39)
9
0%(0)
8
0%(0)
7
0%(0)
6
0%(0)
5
0%(0)
4
0%(0)
3
0%(0)
2
0%(0)
1
0%(0)
10 / 10.0
39 ratings · 39 reviews
Write a review

reviewsMore

C.Khan
C.Khan
Dear author please translate your books in English please
2024-09-14 00:35:15
4
0
Ansh Marie Toperz
Ansh Marie Toperz
completed na po ang my stupid wife/student
2024-05-23 04:03:50
1
0
Ansh Marie Toperz
Ansh Marie Toperz
sino po ang andito after ng my stupid wife/student?
2024-04-18 01:38:43
1
0
Ansh Marie Toperz
Ansh Marie Toperz
updated po ang stupid wife/student. Enjoy reading mga Anshiez
2024-01-03 17:56:58
1
0
Ansh Marie Toperz
Ansh Marie Toperz
thank you po mga anshies ko
2023-12-17 10:47:39
0
0
119 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status